Chapter 67 : Ang pag amin.
Kinabukasan, maagang pumasok si Romeo—alas-sais pa lang ay umalis na sya. Ako naman ay magdamag na nag-abang sa presinto para makakuha ng update sa kaso ng aking mga kapatid. Hinahayaan na rin kasi na makabisita ang mga pamilya, kahit kalahating oras lang.
puno pa rin ng mga tao labas ng prisinto, ngunit mas payapa na. Pumasok ako sa visitation room—isang maliit na kwarto na amoy kulob at pawis—nakita ko ang mga Ate ko sa kabilang side ng rehas. Si Ate Aira ay maputla, ang mga mata ay namumugto; si Ate Maya ay nakayuko, hawak ang rosaryo; si Ate Mara ay sunusubukan parin ngumiti sa akin.
"Ate! okay lang ba kayo dito?" tanong ko, ang boses ay nanginginig habang hinawakan ko ang bakal.
"Okay lang kami, Adelina. Wag kang mag-alala," sagot ni Ate Aira, ngunit ramdam ko ang takot sa boses niya.
"Ano'ng nangyari sa labas?"
Ikwinento ko ang lahat—ang raid, ang sundalo, ang tensyon. Umiiyak kami ng lihim, ang kalahating oras ay mabilis lumioas na parang limang minuto lang.
Hindi ako sigurado sa kahihinatnan ng kaso—maaari silang makulong ng matagal, o hanggang sa mamatay sila roon—ngunit masaya akong makita ang mga Ate ko na ligtas, kahit pansamantala.
"Magtiwala kayo. Makakalabas din kayo dito. " bulong ko, kahit na sa hindi talaga ako sigurado sa mangyayari.
Ilang araw ang lumipas na patuloy na nagmamakaawa ang ilan sa mga opisyal, Sa ikatlong araw, pansamantalang pinalaya ang mga kapatid ko sa tulong ng piyansa.
Walang sinabi saamin ang mga pulis kung sino ang nagpyansa sa kanila, ngumisi lang saamin ang opisyal at sinabi "May nagbayad ng malaking halaga para maka pag pyansa sila, maswerte parin kayo. "
Ewan ko pero malakas ang kutob ko na si Romeo ang may kagagawan nito.
"Salamat, Romeo," bulong ko sa hangin habang hinahatid ko pauwi ang mga kapatid ko.
Ini uwi ko muna ang mga kapatid ko sa condo ni Romeo—nakakhiya dahil lahat na kami ay naninirahan na doon, ang condo ay puno na ng mga gamit namin, mga laruan ng mga bata sa sahig—ngunit wala naman akong pagpipilian. Alam ko na hindi na ligtas pa para saamin kung babalik kami sa apartment dahil may mga sundalo pa rin ang nag iikot sa lugar.
Hindi rin umuuwi si Romeo nung mga araw na iyon—siguro abala siya sa kanyang trabaho, o baka inaayos ang problema na dinala namin sa kanya.
Nung umuwi siya nung Lingo para sa kanyang day off—alas-sais ng umaga palang ay dala na nya ang mga grocery bag na puno ng prutas at karne.
Nagkaroon kami ng munting salo. Naghanda ako ng espesyal na adobong manok na may maraming suka at bawang, kinilaw na tanigue na sariwa mula sa palengke, at lumpiang shanghai na alam kong magugustuhan nya.
Nakilala niya ang mga kapatid ko: si Ate Aira, 22 taong gulang, matangkad at matipuno, laging may ngiti kahit sa hirap; si Ate Maya, 20, payat ngunit matatag, ang mga kamay ay puno ng peklat mula sa trabaho; si Ate Mara, 19, ang pinakamakulit, may mahabang buhok na nakalugay.
"Naku, sa wakas ay nakita ka na namin! Matagal ka na naming gustong bisitahin para pasalamatan sa pagtulong mo sa Lola namin, kaso hindi kami pinapayagan umalis sa compound," sambit ni Ate Aira, habang inilalagay ang pagkain sa mesa.
Naging mausisa si ate. "Alam mo, napaka-bata mo tignan. Totoo bang nagtatrabaho ka na?" tanong ni Ate Mara, habang sinusuri si Romeo mula ulo hanggang paa.
Napayuko si Romeo, tila may iniisip, alam ko na hindi siya komportable sa ganung sitwasyon ngunit sumagot pa rin siya sa tanong ng mga Ate ko.
Inamin niya na labing-anim na taong gulang na siya at nagtatrabaho sa gobyerno—at iyon ang dahilan kung bakit niya nagawang tulungan ang mga ito na makalaya.
Hindi pa rin makapaniwala ang mga Ate ko. "Hindi ordinaryong tao ang pinakulong mo! Tanging ang Gobernador Heneral lang ang pwedeng magpadakip dito. Paano mo napaki-usapan ang Gobernador Heneral ng Cavite?" tanong ni Ate Aira.
"Hindi ko pwedeng sabihin ang lahat, pero pwede niyong isipin na sa mundo ng mayayaman, kung gusto mong humingi ng pabor ay kailangan mo magbigay din ng pabor," sagot niya habang nakangiti .
"Woah! Tiyak hindi madali kausapin ang mga ito," sagot ni Ate Mara habang humahanga.
Natanong naman ni Ate Maya kung gaano ito kayaman—at nahiwagaan siya na nagmamay-ari ito ng condo at kotse na tiyak na milyon ang halaga.
Bigla akong napadabog sa mesa at pinagalitan ang mga Ate ko. "Binilinan ko kayo na wag magtanong ng mga ganung bagay kay Romeo! Ayaw niya pag-usapan ang tungkol sa kanya, at kailangan nating galangin 'yun!" Pero imbis na sumunod, hindi sumang-ayon si Ate Mara.
"Bilang ng nakakatanda niyong kapatid, tungkulin naming alamin kung nasa mabuting kamay ang aming ibang kapatid. Siguro nga komplikado ang iyong sitwasyon, lalo na kumukupkop ka ng mga katulad namin kahit na isa kang honorary Spaniard, at humahanga kami sa'yo. Pero hindi mo kami masisisi kung magtatanong kami kung sino ka ba talaga para mapanatag kami."
" Tama, mahal namin ang mga kapatid namin lalo na si adelina, ayaw lang namin malagay lang sya sa panganib "
Napabuntong-hininga na lang si Romeo at sinabi na marami sa mga Pilipino ang galit sa katulad niya, kaya iniiwasan niyang makilala siya.
Agad naman sinagot siya ni Ate Maya: "Kahit na sino ka pa, imposible magalit kami sayo Romeo dahil malaki na ang itinulong mo sa amin. Ayaw lang namin ang ideyang pati kay adelina ay naglilihim ka."
"Nauunawaan namin ang punto mo, pero nobya mo ang kapatid ko at balang araw ay pwede kayong magpakasal, kaya hindi mo rin naman maililihim ng matagal ang lahat."
Dahil sa narinig ko, lalo akong nagalit sa mga Ate ko. Nahihiya ako sa mga pinagsasabi nila kay Romeo, lalo na ang tungkol sa relasyon namin. Naniniwala talaga silang magkasintahan kaming dalawa ni Romeo, kaya naman inoobliga nila si Romeo na magsabi ng totoo tungkol sa kanyang sarili.
Tinanong nila si Romeo kung seryoso ba talaga ito sa akin bilang nobya at hindi basta nagpapalipas lang ng oras. "Isang mayaman, bata, at edukadong tao kang tao—nagtataka kami kung bakit ka pipili ng nobyang kagaya ng kapatid namin," sabi ni Ate Maya,
Nagalit ako kay Ate Maya sa sinabi niyang tila ba iniinsulto ako, ngunit nagpumilit siya na dapat sagutin ni romeo kung ano ba ang balak niya sa relasyon namin.
Ewan ko kung saan na pupunta ang usapan, pero sobra na akong nahihiya—ang mukha ko ay mainit na parang nagliliyab. Alam ko na ako ang nagsimula ng kasinungalingan na ito at hindi dapat ito pinoproblema ni Romeo dahil masyado na itong malaking abala para sa kanya.
Pero nagulat ako sa susunod na sagot niya sa mga Ate ko. "Hindi ko rin alam ang plano ko. Hindi ko rin alam kung tama pa ba ito. Tatapatin ko na kayo: Hindi madali ang makasama ang kapatid niyo, lalo na bayolente siya minsan, pero... gusto ko pa rin itong makasama."
Ang mga salita ay parang kidlat sa dibdib ko, nagbigay ito ng matinding kaba saakin, ang puso ko ay tumitibok nang malakas na halos mabingi ako.
Hindi ko maunawaan ang ibig nyang sabihin nang sabihin nya na gusto nya akong makasama at hindi ko man amin ay nais ko itong malaman mula sa kanya. Bakit ganito? Bakit parang gusto ko na maging totoo ang mga salitang iyon kahit na isa lang kasinungalingan ang relasyon namin bilang magkasintahan?
Bumuntong-hininga siya at inamin na mula siya sa pamilya ng mga pulitiko. Makapangyarihan ang pamilya nila sa Batangas—at naroon lang siya sa Cavite para sa isang trabaho. Limitado ang oras niya sa Cavite, at sa oras na matapos ang trabaho niya dito, baka bihira na lang siyang magpunta rito.
Inamin nya ang tungkol sa pagpapakasal ng kagaya nyang mayaman.
Ang pamilya na nagmula sa mayamang angkan ay napapako sa mga tradisyon—maraming babae ang ipinapakasal sa kanya, at bilang tradisyon ay kailangan niyang sumunod.
"Huh? Kung ganun, iiwan mo rin ba si adelina balang araw para sumunod sa tradisyon?" tanong ni Ate Aira.
Sa mga sandalinh yun natulala na lang ako na nakatitig kay romeo para akong bata na nag aantay ng sagot. Natakot ako sa pwede nyang sabihin pero gusto ko parin malaman.
Napabuntong-hininga si romeo at sinabi na hindi niya hawak ang hinaharap—kapag sinuway niya ang tradisyon, tiyak itatakwil siya ng kanyang pamilya.
Kahit na mayaman siya at may sariling trabaho, hindi ganoon kabato ang puso niya para iwan ang mga magulang niya at magalit sa kanya ng tuluyan.
Inamin niya na hindi matatanggap ng pamilya niya na maikasal siya sa isang mahirap na babae, lalo na iniingatan ng mga ito ang reputasyon ng pamilya.
"Teka, paano na kayo ng kapatid namin?" tanong ni Ate Mara. Napabuntong-hininga siya at sinabi na kahit na siya ay hindi naniniwala na magtatagal kami bilang magkasintahan.
" Ang kaisa isang paraan nalang ay makapag-aral sya at umangat sa buhay para matanggap sya ng pamilya ko, pero gayunpaman hindi ko sya pipilitin na gawin ang mga bagay na hindi nya gustong gawin." Sambit ni romeo.
"Marahil komplikado, pero ang tanging masasabi ko lang sa ngayon ay gusto kong manatili si Adelina sa tabi ko dahil masaya akong nakakasama siya," seryosong sambit nito habang nakatingin sa akin.
Ang mga mata niya ay diretsong nakatitig sa akin na tila may gustong ipahiwatig. Halos hindi ko siya matignan nang diretso dahil sa sobrang hiya. Alam ko na sinabi niya lang ito para dugtungan ang kasinungalingan na ginawa ko nang paniwalain ko ang pamilya ko na magkasintahan kaming dalawa. pero sa loob ko ay tila ba gustong umasa na totoo ang mga sinasabi niya.
Lalo na nang marinig ko ang mga salitang gusto nya oarin akong makasama. Para itong musika sa tenga ko na nagbigay ng saya sa dibdib ko ngunit nakakaramdam parin ako ng hiya.
Bigla naman nagbiro ang kapatid ko sa akin at sinabi na tanggapin ko na ang alok na pag-aaral upang makasama ko si Romeo.
Sinabi naman ni Aries na kung hindi ko tatanggapin ang alok, siya na lang ang tatanggap at magpapakasal kay Romeo. Hindi ko alam kung bakit biglang nainis ako, ngunit nabatukan ko si Aries dahil sa sinasabi niya.
" Tumigil ka, hindi ka dapat nagsasalita ng mga bagay na katulad nyan. "
Hindi ko matiis na rin ang mga ganung topic, kaya pinatigil ko na sila at inaya na kumain na lang. Ayokong masira ang araw na ito dahil lang sa mga pang iinis nila saakin.
Para mabago ang topic sa hapagkainan, inaya na lang ni Romeo ang mga kapatid ko na sumama—gusto niya magpunta sa Enchanted Kingdom para mamasyal sa day off nya, isang sikat na pasyalan sa Luzon.
Hindi naman tumangi ang mga kapatid ko at natutuwa sa pagiging galante ni Romeo. "Tatawagan ko lang ang mga tauhan ko. Maghanda na kayo para marami tayong oras mamasyal!"
Agad na naghanda ang mga kapatid ko at agad na nagpalit ng mga bagong damit na binili pa ni Romeo. Naghintay kami na makarating ang mga sasakyan na inarkila ni Romeo—dalawang van na air-conditioned, puno ng snacks at juice.
Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil mukhang gagastos na naman siya para sa amin, ngunit sa loob ko, may nararamdaman akong kasiyahan.
Ito ang unang beses naming makaka-experience ng ganito. Ilang oras ang lumipas— halos alas-diyes ng umaga nang umalis kami, kahit trapik ang daan ngunit masaya kaming nagkukwentuhan sa loob ng sasakyan.
Kantahan ng mga bata, kwentuhan ni Ate Aira tungkol sa mga alaala sa Kawit, habang nasa harap naman si romeo nakaupo ay palagi syang tumitingin sa rearview mirror para ngumiti sa amin.
Ramdam ko ang kaba sa tiyan ko—dahil para kaming isang tunay na pamilya nag eenjoy sa buhay. Nakarating na kami sa Enchanted Kingdom pagsapit ng tanghali. Sa entrance palang ay parang nasa isa kaming kaharian sa fairy tale, may matayog na arc na may ilaw at flowers, maririnig sa paligid ang tunog ng musika at tawanan ng mga tao.
Ang amusement park na ito ay napakalaking lugar na puno ng masasayang rides, roller coasters na sobrang taas na parang bundok, water rides na may higanteng alon, carousel na may makukulay na kabayo, at marami pang iba.
Binilhan kami ni Romeo ng mga ticket—VIP pass para hindi na kami pumila, lahat ng rides ay pwede naming sakyan.
Una kaming sumakay sa Roller Coaster Thunderbolt, ang pinakamatataas na rides, 1,000 feet drop na parang pagbagsak mula sa langit.
"Ate, tara!" sigaw ni Aries habang hinihila ako at mga kapatid ko.
Walang nagawa si romeo kundi sumama. Pag-upo namin sa cart, agad na bumaba ng safety bar, hawak hawak ko ang kamay ni Dina na nanginginig sa takot dahil na rin unang beses nyang sasakay sa rides na kagaya nito.
"Huwag kang matakot!" bulong ko. Ilang saglit pa ay bigla itong umandar—mabagal sa una, pagkatapos, bumulusok ito. Humahampas ang hangin sa mukha ko, sobra itong nakakatakot na tila ba, lumilipad ang katawan ko!
"Aaaah!" sigaw namin lahat habang naghahalo ang takot at kasiyahan.
Pagbaba, lahat kami basa ng pawis ngunit tumatawa parin dahil sa naranasan namin. "Grabe, Kuya Romeo! Gusto ko ulit!" sigaw ni Ben.
Tumingin sa akin si romeo at kinamusta ako, "Okay ka lang ba?" tanong niya, ngayon ko kang napansin na hawak ko ang kamay nya ng hindi ko namamalayan. ramdam ko ang init sa pisngi ko, at biglang namula dahil sa kaba kya naman bigla ko itong binitiwan.
" Pa-pasensya na " Sambit ko at napalingon sa likod, hindi ko sya kayang titigan sa mga oras na yun. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Sumunod naming pinuntahan ay ang "Rio Grande Rapids" —water ride na may rapids at falls. Nagbihis kami ng rash guards at sumakay sa raft. Napakalamig ng tubig sa paligid, habang naroon ay sinasadya magwisik ng tubig ate mara papunta sa akin,
"adelina, basang-basa ka na!" tawanan namin.
Habang si romeo naman ang nag aalaga kay dina —sa kada pag-splash ng malakas ang tubig ay agad nya tinatakpan si dina para hindi mabasa.
"Salamat, Kuya!" sambit niya. Habang umiikot ang raft sa curves, ramdam ko ang saya sa puso ko—unang beses naming maranasan ang ganito.
Pagbaba, lahat kami basa ng tubig ngunit masaya parin itong karanasan para saamin, ilang saglit pa ay nagpa-picture kami sa photo booth,
Nagtipon tipon kami, nasa gitna si romeo hawak ang balikat ko, para kaming magkasintahan sa ginagawa nya—hindi mapigilan na tumibok ng mabilis ang puso ko nang maramdaman ko ang katawan nito na nakadikit saakin.
Nung nagutom kami ay pumunta kami sa Cartoon Cafe, binilhan ni Romeo ang lahat ng makakain namin, burgers, fries at shakes. "Kumain na kayo para may lakas ulit kayong subukan ang ibang rides!" sabi niya.
Ilang minuto pag katapos mag meryenda ay agad namin sinusunod na sakyan na rides ang. Up, Up & Away, ang giant wheel na 50 meters high at ang Wheel of Fate isang maliit na rides na umiikot.
Nakita ko kung gaano ka excited ang mga bata, natatawa ako kapag nakikita sina Aries at Dina ay sumisigaw sa sobrang saya sa bawat rides.
Pagkatapos, nagtungo kami sa Cartoon Carousel para sumakay sa mga horses, hindi ko mapigilan matawa dahil halata kay Romeo na nahihiya syang sumakay sa rides na para sa mga bata.
Sumapit ang hapon , sumakay kami sa Angry Birds Ride—mga birds na umiikot, habang may mga bola na pwede kang ibato para manalo.
Maswerte naman na makakuha kami ng prizes, isang teddy bears para sa mga bata. Habang naglalaro ay biglang lumapit si dina kay Romeo at sinabi na.
"Kuya, salamat. Hindi ko inaasahan na ganito kasaya na sumakay sa mga rides."
Sa sobrang saya at paglilibang, hindi namin napansin ang oras. Kinahapunan, sasakay sana kami sa Ferris Wheel na may taas na 55 meters, napakaganda nito at nakaka excite sakyan.
Nasa unahan na kami sa pila, excited ang lahat na pumasok pero bigla kaming tinulak ni Aries papasok sa gondola—dalawa lang kami ni Romeo na nakapasok habang isinara nila ang pinto mula sa lbas.
"Enjoy kayo, Ate! Date nyo!" sigaw niya, lumayo sila sa pinto at kinawayan kami mula sa labas.
Mukhang plano nila na dalawa lang kami na sumakay dito na tila ba isang date.
Wala na rin akong magawa dahil umaandar na ito. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Madalas ko naman kasama ang taong ito—sa condo, sa mall, sa kotse at sa bahay ngunit sa mga oras na iyon, nahihiya akong titigan siya. Ang gondola ay maliit lang at kami lang dalawa ang nakaupo sa upuan, ramdam ko ang bawat pag hinga niya.
Inaliw ko na lang ang sarili ko para pakalmahin ang sarili. Timingin ako sa labas ng bintana para makita ang view sa baba—ang buong park na kumikinang dahil sa mga ilaw, makikita mo ang tawanan ng mga taong namamasyal at ang masayang ang musika sa paligid.
"Pasensya ka na sa mga kapatid ko. Napaka-pasaway talaga nila," sabi ko, tensyunado habang tumitingin sa bintana.
"Wag kang mag-alala. Hindi naman malaking bagay sa akin ito. Ang totoo, mas komportable ako na tayo lang dalawa ngayon dito," sagot niya, ang boses ay malambot.
Nagpatuloy ang mabilis na pagtibok ng puso ko, at upang mawala ang kaba, sinubukan kong magbiro. "Wag mo masyadong intindihin ang mga kapatid ko. Alam ko na nagkakaproblema ka dahil sa kasinungalingan na ginawa ko bilang pekeng nobyo ko. "
Sinabi ko sa kanya na bigyan niya lang ako ng oras at makakakuha rin ako ng pagkakataon na sabihin na hindi talaga totoo na magkasintahan kami. Ayaw ko lang magalit ang mga kapatid ko sa akin, lalo na ang Lola ko kaya ko ito pinagpapatuloy.
Pero iba sa inaasahan ko, bigla siyang nagtanong:
" Gusto ko lang malaman mula mismo sayo, ayaw mo ba ang ideya na maging nobyo ako?" Seryosong sambit nito.
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, at kahit ako nalilito kung seryoso ba ang pagtatanong niya. Sobra akong nagulat at hindi alam kong ano ang tamang isasagot dito. "Ano bang sinasabi mo? Bakit mo naman ako tatanungin tungkol dyan?" sagot ko, natataranta
. "Sa tingin ko kasi hindi ka komportable tuwing nababanggit na magkasintahan tayo. Nahalata ko na naiinis ka sa mga kapatid mo kapag nababanggit na nobyo mo ako."
Nataranta ako habang pinapaliwanag na kaya ako nagagalit ay dahil nahihiya ako sa mga sinasabi ng mga kapatid ko—iniisip nila na magkasintahan kaming dalawa, kaya kung ano-ano ang sinasabi nila.
Tumingin siya sa akin nang seryoso at biglang hinawakan ang kamay ko habang tinatanong kung ano ba ang tingin ko sa kanya.
"A-an-anong ibig mong sabihin? Bakit mo ako tinatanong ng ganyan? "
Namula ang pisngi ko at halos hindi makagalaw sa sobrang pagkabigla. Hindi ko maunawaan kung bakit niya tinatanong ang mga bagay na iyon sa akin.
Sinubukan kong kunin ang kamay ko at lumingon sa gilid para iwasan na makipagtitigan sa kanya.
"Ano bang gusto mong malaman? Gusto mo bang purihin kita para sa pagtulong mo sa amin?"
"Sa tingin mo gusto kong puruhin mo ako? Ang gusto kong malaman ay kung ano ang palagay mo sa akin," tanong niya habang ang daliri nya ay hinahaplos ang likod ng kamay ko.
Hindi ko na alam ang mga sasabihin ko dahil naguguluhan na rin ako at yumuko habang pinapahinto si Romeo sa pagsasalita kahit saglit.
Pinilit kong tumingin sa kanya at aligagang tinanong siya kung nais niya bang sabihin ko sa kanya kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.
" Teka pwede ba wag mong itanong saakin ang mga bagay na kagaya nyan, nakakahiya masyado. Harrasment ang ginagawa mo. "
Nagalit ako at sinabi ko na hindi ko kayang sabihin iyon sa kanya sa pagkakataong iyon dahil sobra itong nakakahiya.
Pero habang nagsasalita pa ako, bigla siyang sumabat. Tinanong niya kung bakit ba napaka-tensyunado ko at pinapakalma ako dahil wala daw syang nakikitang dahilan para kabahan.
"Paano ako kakalma? Tinatanong mo ako ng weird na bagay! Ikaw ba? Kaya mo bang sabihin kung ano ang nararamdaman mo sa akin?"
Sa pagkakataong iyon ay hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin. Hindi ko nauunawaan ang iniisip niya, napailing ako at may pagkadismaya sa kanya dahil pagkatapos niya magtanong ng mga weird na tanong ay bigla siyang tatahimik.
Ilang segundo nanahimik ang lugar, at bigla siyang tumingin sa bintana para tignan ang paligid mula sa itaas—makikita ang buong lugar mula sa itaas, tahimik at madilim ngunit kita sa kalangitan ang napakaraming stars.
Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil narin sa hindi ako nagiging komportable, lalo na napakabilis ng tibok ng puso ko tuwing tititig sa kanya.
Sa gitna ng katahimikan ay bigla syang nagkwento.
"Alam mo, mula pa pagkabata ay wala na akong ibang iniisip kundi kung paano ako makakatulong sa iba. Nag-aral ako at nasanay makipaglaban. Nagsumikap ako para balang araw ay mabigyan ng kapayapaan ang bansang ito."
Hindi ko nauunawaan ang mga sinasabi niya pero patuloy ko lang siyang pinakinggan. Ayon sa kanya, bata pa lang natuon na ang isip niya sa pakikipaglaban at sa kanyang layunin. Masaya siya na may matutulungan siya at nakikitang may nababagong buhay dahil sa pagtulong niya.
"Pwede ba kitang pagkatiwalaan sa isang sekreto?" Seryosong sambit nya
"Ewan ko kung bakit ka nagsasalita ng ganyan, pero syempre mapagkakatiwalaan mo ako bilang kaibigan." Sagot ko.
Pagkatapos, inamin niya ang tungkol sa kanyang pagkatao. Sinabi niya na isa siyang sundalo na may misyon sa bansa—isang espesyal na sundalo na may misyon bigyan ng kapayapaan ang bansa. Inamin niya na mahirap ang kanyang sitwasyon at komplikado para sa mga tao, kaya naman inilalayo niya ang sarili sa iba.
Matagal na siyang nakapagpasya at alam niya na anumang oras ay maaari siyang mamatay sa laban. Pero kahit maoanganib ay handa siyang mamatay para lang matapos ang kanyang laban. Inamin nya na napapagid na sya at gusto na nya ito matapos lahat.
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang sinsabi nya pero naramdaman ko ang kalungkutan sa kanya. Kahit na hindi ko maunawaan kung ano ang saysay ng pagpapakabayani nya para sa iba bilang sundalo ay nalungkot ako dahil punong puno ng kapaguran ang kanyang mukha.
Lalo akong humahanga sa taong ito na kahit na napapagod na ay hindi parin nya nakakalimutan ang iba na tila ba mas mahalaga pa na makatulong sa iba kesa sa sariling buhay.
"Pero nitong mga nakaraang araw lang ay biglang nagbago ang pananaw ko sa mundo. Hindi ko maunawaan pero nagdadalawang-isip na akong mamatay nang maaga," sabi niya.
"Mamatay? Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?" sambit ko at nakaramdam ng kaunting takot. " Bakit mo naman iniisip na mamamatay ka na? Kakasabi mo lang na gusto mo pang bigyan ng kapayapaan ang bansang ito. "
Ngumiti siya sa akin habang sinasabi na kasalanan ko ang mga bagay na nagpapagulo sa isipan nya. Dahil doon ay agad kong tinanong kung bakit ko iyon naging kasalanan gayung wala nga akong maunawaan sa mga sinasabi niya. " Teka, bakit kasalanan ko? Ano naman kinalaman ko dyan? "
Ipinaalala niya saakin nung sinabi niyang nasasanay na siya sa mga ginagawa kong pag-aasikaso. Inaamin niyang araw-araw niya ng gusto maranasan ito.
"Sinusubukan ko umuwi sa condo para maabutan na gising ka pa para salubungin ako sa pinto at ipaghanda ng pagkain. Gumigising ako sa umaga na inaasahan na may naghahanda para sa akin."
Ikinukwento nya na dahil nga magkakahiwalay na silang magkakapatid, namuhay siya ng mag-isa ulit, at dahil nga sa pangungulila ay ganoon na lamang ang naging epekto sa kanya ng mga ginagawa ko.
"Nakakatawang isipin pero sa tingin ko ay ayaw na kitang mawala sa tabi ko. Ewan ko kung katanggap-tanggap para sa'yo ang mga sinasabi ko pero gusto kong kunin ang pagkakataon na ito para tanungin ka."
HInawakan nya muli ang kamay ko at bahagyang iniangat habang nakatitig saakin. "Payag ka bang maging totoong nobya ko?" seryosong sambit niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at maraming naglalaro sa isip ko. Natataranta akong nagtatanong sa kanya kung seryoso ba siya sa tinatanong niya. Ayoko maging assumera na ang isang mayaman at gwapong kagaya niya ay magtatanong sa akin ng mga ganung bagay.
" " Se-seryoso ka ba sa sinasabi mo? Hoy ayoko ng ganitong biro!"
Sinabi ko sa kanya na hindi magandang biro ang sinasabi niya—kahit na magkaibigan kami ay hindi niya pwedeng subukan paglaruan ang damdamin ko. Pinagbawalan ko siya magbiro tungkol sa nararamdaman ko.
"Pero hindi naman ako nagbibiro. Gusto ko talagang malaman kung maaari kitang maging totoong nobya." Sambit nya.
Lalo akong nahiya sa narinig ko at pautal-utal kong sinasabi, "Baka nabibigla ka lang? Bakit mo naman gugustuhin ang katulad ko na maging nobya? Isa lang akong mahirap na Pilipino at isa akong tomboy." Sambit ko habang tensyunado.
"Walang problema sa akin ang bagay na iyon. Inaamin ko na mahirap kang maunawaan at bayolente minsan pero komportable ako sa'yo." Sagot nito.
Hinawakan niya ang isa pang kamay ko at tumitig sa akin habang sinasabi na seryoso siyang malaman ang palagay ko sa kanya dahil naniniwala siyang tunay ang nararamdaman niya.
"N-na-nababaliw ka na! Hindi mo pwedeng basta sabihin na gusto mo ako bilang nobya. Alam mo baka gusto mo lang ng katulong na mag-aasikaso sa'yo."
Sinubukan kong kunin ang mga kamay ko sa kanya pero patuloy niyang hinahawakan ito ng mahigpit. Nakipagtagisan ako ng lakas hangang sa mapabitae sya sa kamay ko.
"Teka, bitawan mo nga ako! Bakit ba masyado kang agresibo? Lasing ka ba?"
" Dahil iniiwasan mo akong sagutin, hindi naman mahirap ang sumagot sa tanong ko. " Sambit nya.
Pero muli nyang hinawakan ang kamay ko at sinabi na bibitawan niya lang ako kung sasagot ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong gagawin. Alam ko sa sarili ko na maaari ko rin naman sabihin na hindi ako payag na maging nobya niya para matapos na, pero tila may nasa loob ko na pumipigil na sabihin ito
Ayaw ko man aminin pero alam ko sa puso ko ay gustong-gusto ang ideyang maging nobya nya kahit malinaw na isa itong kabaliwan. Natahimik ang lugar habang matyaga syang nag aantay ng sagot ko.
Ilang saglit pa ay napayuko ako at humingi ng tawad. "Pasensya na pero hindi ko masasagot yan. Hindi dahil sa ayaw ko sayo kundi dahil magkaiba tayo ng mundong ginagalawan." Malungkot kong sagot.
Sandaling nanahimik ang lugar habang ipinaliwanag ko na hindi ko kaya sabihin na gusto kong maging nobyo ang isang matagumpay na taong katulad niya dahil kumpara sa akin ay maraming babaeng maaaring magbigay sa kanya ng atensyon at pag-aasikaso.
Masakit tanggapin at gusto kong umiyak habang iniisip ko na itinutulak ko sya palayo saakin. Tama, sa puso ko gusto ko sya pero sa kinokontra ito ng isip ko.
Dahil sa sinabi ko ay binitiwan niya ako at biglang humingi ng tawad. "Pasensya ka na. Hindi ko gustong ipresure ka. Mali ako sa ginawa ko."
Hindi ko na nagawa pang makasagot at umiling na lang pero nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko, dahilan para mapatingin ako sa kanya nang diretso. "Tama ka. Sa tingin ko nabibigla lang ako dahil sa paghahanap ko ng atensyon mula sa ibang tao."
"Gayunpaman, nung sabihin ko na gusto kita, seryoso ako sa bagay na iyon." Seryosong sambit nya.
Nagulat ako sa sumunod na ginawa niya, bigla nya akong hinalikan sa labi habang hawak ang pisngi ko. Naramdaman ko ang malambot, mainit na labi, para akong yelong naninigas mula sa kinauuouan ko.
Paramay kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Pakiramdam ko biglang huminto ang oras sa paligid ko—ang patay sindi na lights sa baba, ang musika, lahat ng bagay ay huminto na lamang.
Ramdam ko ang init ng labi niya, ang init ng hininga. Sa sobrang gulat ko ay bigla ko siyang tinulak at sinampal , sa sobrang nataranta ko ay lumayo ako sa kanya.
"A-an-anong ginagawa mo? B-ba-bakit mo ako hinalikan?" Sambit ko.
Bakas sa mukha niya ang pamumula ng pisngi at napailing saakin, hindi ko alam kung dahil ba sa pagsampal ko o nahihiya rin siya sa ginawa niya.
Natapos ang pag-ikot ng Ferris Wheel at nagmadali akong lumabas at umalis doon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero kailangan kong makaalis agad sa lugar na iyon.
Dumeretso ako sa banyo at naghilamos para pakalmahin ang sarili. Nanginginig ako sa kaba—hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Alam ko na may mali sa kanyang ginawa pero hindi pagkainis ang nararamdaman ko sa lalaking ito.
Sa katunayan, sa loob ng puso ko, may nararamdaman akong kasiyahan—isang saya na hindi ko inaasahan.
Pinagmasdan ko ang mukha ko mula sa salamin at hinahawakan ang mga labi ko.
Alam ko na hindi kami maaaring dalawa dahil sa magkaiba kami ng mundong ginagalawan at inihanda ko na ang sarili ko sa pwede nyang pag layo at pag iwas saakin pero bakit tila masaya ako sa ginawa nya? Sa kabila ng pag kakaiba namin ay gusto nya parin akong makasama. Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ilang oras ang lumipas ay natapos ang pamamasyal namin. Umuwi kami sa condo pero hindi ako sumakay sa sasakyan kung nasaan si Romeo. Naiilang akong makasama siya at hindi ko kayang harapin siya sa mga oras na iyon—ang mga kapatid ko ay tumatawa pa, ngunit ako ay tahimik lang sa sulok, iniisip ang nangyari saamin ni romeo kanina.
Pag-uwi namin ay agad akong pumasok sa kwarto at nahiga. Idinahilan ko na lang ang pagod ko para iwasan na makausap pa si Romeo.
Alam ko sa sarili ko na nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya—ang pagkainis at pagdududa ko sa kanyang pagkatao ay tuluyan ng nawala, pinalitan ng isang bagay na matamis pero nakakatakot na malalim na pagmamahal.
Kinaumagahan ay maaga muli akong magising—parang nakasanayan ko na gumising para maghanda para sa kanya. Habang pinaghahanda siya ng pagkain—pandesal na sariwa, itlog na sunny side up, at kape—halos walang kumikibo sa amin.
Alam ko na hindi ito maganda pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya pagkatapos ng ginawa niya kagabi? Pagkatapos ko siyang ipaghanda ng almusal ay nagpasalamat siya sa akin. Humakbang na ako paalis para bumalik sa kwarto pero bigla siyang nagsalita. "Patawad sa ginawa ko kagabi. Alam ko hindi ko dapat iyon ginawa. Kahit na gusto kita ay wala akong karapatan na gawin iyon. Humihingi ako ng tawad para doon, Adelina."
Hindi ko na nagawang makasagot sa sobrang hiya at nagpatuloy na maglakad papunta sa kwarto. Pagpasok ay napasandal ako sa pinto at hawak ang dibdib ko. Pinakikiramdaman ko ang napakabilis na pagtibok ng puso ko.
Hindi ko siya kayang harapin—hindi dahil galit ako sa ginawa niya kundi dahil sumasaya ang loob ko ng marinig ko mula sa kanya na gusto niya rin ako. Tama, inamin nya gusto nya ako.
Napaupo ako habang nakasadal sa pinto hawak ang namumula kong mga pisngi na parang bata. Sobra akong kinikilig, para akong sasabog sa sobrang saya.
"Inamin nya na may gusto sya saakin. Anong gagawin ko? "
Dulo ng Kabanata
