Kabanata 45: Ang Huling Pangako
Limang araw matapos ang trahedya sa Plaridel, dahan-dahang bumabalik ang buhay ng mga tao sa plaridel, ngunit ang mga kalungkutan ng mga naulila ay nananatili at nagsilbing peklat ng labanan sa isip ng bawat mamamayan.
Ang mga nasirang gusali ay unti-unting inaayos, ang mga durog na kalye ay nililinis ng mga manggagawa, at ang mga pamilya ng mga biktima ay nag-aalaga sa isa't isa sa gitna ng kalungkutan.
Ngunit sa likod ng mga pagsisikap na ito, isang mas mahigpit na kamay ng pamahalaan ang nadama sa boung pilipinas ginawang doble ang bilang ng mga sundalo sa mga hangganan ng bayan, at ang mga pulis ay mas madalas nang nagroronda, ang kanilang mga mata'y laging alerto, handang sugpuin ang anumang bakas ng bagong pag-aaklas.
Ang hangin ay puno ng tensyon, na para bang anumang oras ay maaaring muling sumiklab ang kaguluhan. Sa gitna ng mga pagbabagong ito, sa isang payak na purok. Habang natutulog sa isang magarang kwarto sa loob ng isang misteryosong mansyon ang batang si erik, ang sugo na kilala bilang Ifugao. Nagising sya sa malambot na higaan at dahan-dahang umupo sa kama, kinukot kusot nya ang kanyang mga mata habang unti-unting napagtanto na hindi pamilyar ang kanyang paligid.
"Huh? Teka nasaan ako? "
Ang kwarto ay malawak isang malawak na lugar na gawa sa mga kahoy na dingding, pinalamutian ng mga mamahaling kasangkapan: isang malambot na kama na may malinis na puting kumot, mga antigong vase na kumikinang sa ilalim ng liwanag ng chandelier, at mga kurtinang sutla na dahan-dahang gumagalaw kasabay ng sa pagdaan ng hangin mula sa bukas na bintana.
Ang amoy ng lavender ay bumabalot sa hangin, nagbibigay ng kakaibang kapayapaan, sa kabila ng kanyang pagkalito. " kaninong kwarto ito?" bulong ni Erik sa sarili, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka at bahagyang takot.
Tumayo siya at dahan dahan na lumapit sa bintana para silipin ito, ngunit ang tanawin sa labas ay hindi nagbigay ng sagot sa kanyang katanungan, pagsilip nya nakita nya ang isang malawak na hardin na puno ng mga bulaklak at puno, ngunit walang anumang palatandaan ng lungsod o bayan.
Nagsimula syang makaramdam ng kaba lalo na nang muli nyang alalaahin ang huling pangyayari bago sya mapunta sa lugar na yun. Dahil sa pag babalik tanaw nya ay muli magbabalik sa kanyang mga alaala ang naganap na labanan sa Plaridel at nagsimula ring bumalik sa kanyang isipan ang pagtama ng nakakasilaw na bagay.
Bago pa siya makapag-isip nang lubusan, bumukas ang malaking pinto ng kwarto, at pumasok ang isang babaeng nakakabighani ang kagandahan.
Ang kanyang mahabang kulay berdeng buhok ay tulad ng mga dahon sa tagsibol, at suot niya ang isang eleganteng Filipiniana na gawa sa pinong tela, na may detalyado na burda ng mga bulaklak.
Sinalubong nya ang binata ng kanyang magandang ngiti bilang pag bati at mababakas na may kakaibang misteryo sa kanyang mga mata. "Magandang umaga, Erik," bati ng babae, ang kanyang boses ay malambot ngunit may awtoridad.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
Nabigla si Erik at hindi agad nakasagot dahil tila nabighani sya sa kagandahan ng babae at ang kanyang presensya ay parang isang banayad na hangin na nagpapakalma at kakaibang ginhawa.
"Sino ka? At… nasaan ako?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalinlangan, habang ang kanyang mga mata ay pinagmamasdan ang loob ng kwarto na tila ba naghahanap ng anumang sagot na magbibigay-liwanag sa kanyang mga katanungan.
Sinubukan ng babae na maglakad palapit kay erik, naramdaman nya ang pangamba ng batang lalaki ng bigla itong humakbang paatras na tila nag aalinlangan na magtiwala sa kanya.
Sa pag lapit nya sa harap ng binata ay hinawakan nya ang dalawang balikat nito at inilapit ang kanyang mukha at idinikit ang kanyang noo kay erik na halos magdikit na rin ang kanilang mga ilong.
Sa pagkakataon na iyon sobrang nabigla si erik sa ginawa ng babae at nagtaka pero kasabay nun ay tila may kung anong enerhiya ang dunaloy sa kanyang katawan. Isang napakadalisay na presensyang nagpakalma sa binata sa pangambang at pag aalinlangan na nararamdaman nito.
" Ang presensyang ito, nagmula ito sa enerhiya ng kalikasan. " Bulong nya sa isip.
Muling iniangat ng babae ang ulo nya at binitiwan si erik. Ngumiti lang ito sa kanya, isang ngiting puno ng kababaang loob. "Huwag kang mag-alala, Erik. Hindi ako kaaway," sagot niya, habang inaayos ang isang hibla ng kanyang buhok na nahulog sa kanyang balikat.
" Ang totoo, isa ako sa mga nagligtas sa'yo matapos ang trahedya sa Plaridel kaya ipanatag mo ang sarili mo, wala kaming gagawing masama sa'yo."
Biglang nagbalik ang mga alaala ni Erik lalo na ang matinding labanan, ang pag-atake ng isang hindi nya nakikilalang heneral, ang nakakabinging pagsabog, at ang huling sandali kung saan kinatakutan niya ang kamatayan. Ngunit higit sa lahat, naalala niya si Georgia at ang huling sandali nyang nakita ito pagkatapos nito na magsakripisyo upang protektahan siya.
Ang kanyang puso'y biglang napuno ng takot. "Si Georgia! Nasaan siya? Ano ang nangyari sa kaibigan ko?" tanong niya, ang kanyang boses ay halos sumigaw, puno ng pag-aalala at pagkabahala.
Pinapakalma naman siya ng babae, ang kanyang kamay ay dahan-dahang iniangat bilang senyales ng kapayapaan. "Huminahon ka, Erik. Ang sugo ng Plaridel na hinahanap mo ay nasa ligtas na kalagayan. Nailigtas rin namin siya katulad mo. Gayumpaman, Nasa koma siya ngayon at binabantayan ng mga kasamahan ko."
"Koma? " ulit ni Erik, ang kanyang mga mata'y nanlaki sa gulat.
" Pwede natin sabihin natutulog sya ng napakahimbing" Nakangiting sambit ng babae para mapakalma si erik.
"Totoo ba 'yan? Nasaan siya? Kailangan ko siyang makita!" Ang kanyang boses ay puno ng desperasyon, at ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang nag aantay ng sagot.
Ngumiti muli ang babae, ngunit ang kanyang ekspresyon ay may bahid ng kalungkutan. "Totoo ang sinabi ko, Erik. Pero bago mo siya makita, kailangan mo munang mag ayos ng sarili. Halika, sumama ka sa akin para makapag-almusal ka, at sasagutin ko ang mga tanong mo pagkatapos."
Inialok niya ang kanyang kamay, isang paanyaya na puno ng katiyakan. Wala nang nagawa si Erik kundi sumunod kahit ang kanyang isipan ay puno pa rin ng mga tanong.
Habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng mansyon, napansin niya ang karangyaan ng paligid—mga antigong painting na nakasabit sa mga dingding, mga kristal na chandelier na kumikinang sa liwanag ng umaga, at mga sahig na gawa sa makintab na marmol.
Ang bawat hakbang ay parang nagdadala sa kanya sa isang mundong hindi niya kailanman inakalang makikita. "Napaka ganda ng mansion na ito, siguro napakayaman ng may-ari ng lugar na ito," bulong niya sa sarili, ang kanyang mga mata'y puno ng pagkamangha.
"Nasaang lugar ba talaga tayo?" tanong niya ulit, hindi na napigilan ang kuryosidad. "Nasa plaridel pa ba ako?"
Ngumiti ang babae at maamong sinagot si erik "Hindi ko pwedeng sabihin kung nasaan ang mansyon na ito, Erik, para sa kaligtasan ng lahat. Pero pangako ko, ligtas ka rito kaya huwag kang mag-alala."
Habang naglalakad, napansin ni Erik ang kakaibang presensya ng babae—parang isang enerhiya na pamilyar ngunit hindi niya maipaliwanag.
"Paumanhin binibini, Isa ka bang sugo ng diwata?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalinlangan.
Tumawa ng mahina ang babae, isang mahinhin tawa na nakakagaan sa pakiramdam ng binata. "Mabuti pa, maligo ka muna at mag-ayos. Pagkatapos, sasagutin ko ang mga tanong mo habang kumakain sa hapagkainan ng mansyon. Alam ko na marami kang gustong malaman, at ipapaliwanag ko lahat mamaya." -
Pagkalipas ng ilang oras, pagkatapos maligo at mag-ayos, pumasok si Erik sa isang malawak na dining area na kasing- ganda ng iba pang bahagi ng mansyon. Ang silid ay napapalamutian ng mga kristal na chandelier, mga dingding na may burda ng ginto, at isang mahabang mesa na gawa sa makintab na kahoy, na puno ng iba't ibang uri ng pagkain: mula sa mainit na pandesal at adobo hanggang sa mga prutas at minatamis.
Ang amoy ng pagkain ay nakakaakit, ngunit ang kagandahan ng silid ay sapat na upang mapasulyap siya nang paulit-ulit. Sa dulo ng mesa, nakaupo ang babaeng may berdeng buhok, ang kanyang ngiti ay mainit habang inaanyayahan siyang maupo.
"Halika, Erik, umupo ka na. Inihanda ko ito para sa'yo. Kumain ka na," sabi niya, tumayo ang babae at lumapit sa pwesto ni erik at naghahanda habang inilalapag ang isang plato ng pagkain sa harap ng binata.
Nagulat si Erik sa kanyang pagiging maasikaso at nakaramdam ng hiya. "Huwag na po paki usap, kaya ko nang kumuha ng pagkain ko," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkapahiya habang sinusubukang tanggihan ang pag-bibigay sa kanya ng pagkain.
Ngunit hindi siya pinansin ng babae, patuloy na inilalagay ang mga pagkain sa kanyang plato—mainit na sinigang, kanin, at isang piraso ng lechon kawali na amoy pa lang ay sapat na upang magutom siya.
"Hindi naman ito malaking bagay," sabi ng babae, ang kanyang ngiti ay puno ng sinseridad. "Isang karangalan na makapagsilbi sa isang bayani ng Pilipinas."
Pagkatapos mapaghanda si erik ay umupo ang babae sa tapat ni Erik, ngunit napansin niya na hindi ito kumuha ng pagkain para sa sarili.
"Hindi ba kayo kakain?" tanong niya, ang kanyang mga mata'y puno ng pagtataka.
Ngumiti lang ang babae, ngunit ang kanyang ekspresyon ay may bahid ng misteryo.
"Humihingi ako ng paumanhin, Erik, pero hindi kita masasabayan kumain dahil hindi ko kailangang kumain. Mas maigi kung mag-enjoy ka na lang sa pagkain at huwag mo akong alalahanin."
Nagtaka si Erik sa narinig mula sa magandang babaeng nasa harap nya. "anong ibig nyong sabihin? " tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kuryosidad.
Nagtakip ng bibig ang babae gamit ang hawak nyang pamaypay habang mahinhin na tumawa at sa pagkatapos nun ay winasiwas nya ito.
Kasabay ng kanyang kilos, biglang lumitaw ang mga ibon, paru-paro, at mga alitaptap na sumasayaw sa paligid ng silid, na para bang isang eksena mula sa isang pantasyang pelikula.
Ang mga kulay ay nagniningning, at ang hangin ay napuno ng amoy ng mga bulaklak, na nagbigay ng kakaibang saya sa puso ni Erik.
"Paano mo ginawa 'yon?" tanong niya, ang kanyang mga mata'y puno ng pagkamangha.
"Kapangyarihan ba 'yan ng sugo ng diwata?"
Mahinhin na tumawa ang babae, ang kanyang pamaypay ay nakatakip sa bibig habang sinusubukang pigilan ang kanyang pagtawa. "Ang cute mo talaga, Erik. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang mga batang nasisiyahan sa mga ganitong palabas."
Tumigil siya saglit, at naging seryoso na ang kanyang tono. "Oo, isa itong kapangyarihan mula sa diwata. Pero hindi ako isang sugo kagaya mo, Erik. Ako si Magdalena, isa lang akong likhang sining ng sugo ng Laguna.
"likhang sining ?"pag uulit ni Erik, ang kanyang mga mata'y nanlaki sa gulat. "anong ibig mong sabihin … hindi ka tao?"
Ngumiti si Magdalena, at sa isang kumpas ng kanyang pamaypay, biglang naglaho ang mga ibon at bulaklak, na para bang isang ilusyon na nawala sa hangin.
"Hayaan mong magpakilala ako nang maayos," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa. "Ako si Magdalena, isa sa mga nilikha ng sugo ng Laguna. Ang kapangyarihan niya ang nagbigay-buhay sa akin, at narito ako upang sundin ang mga utos ni master Laguna. "
Hindi makapaniwala si Erik sa nalaman nya. "Narinig ko na ang tungkol sa sugo ng Laguna mula kay Hiyas. Tinulungan niya raw kami noon sa Urdaneta, pero hindi ko pa siya nakikita kahit kailan," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka.
"Kasalukuyan wala ngayon sa mansyon ang aming master kaya hindi ka nya ngayon mahaharap." Dagdag nito.
"teka kung wala sya dito at isa ka lang likha mula sa kapangyarigan niya, bakit ka nandito parin sa lugar na ito?"
Ngumiti si Magdalena, ang kanyang ekspresyon ay puno ng pagmamalaki. "Kahit wala si master Laguna, nananatili akong buhay hangga't may enerhiya pa ako sa katawan. Ang abilidad niya ay ang paglikha ng mga bagay mula sa wala—mga bagay na may anyo, emosyon, at kaalaman, tulad ko. Pero hindi kami totoong buhay. Hindi kami natutulog, kumakain, at hindi kami humihinga para mabuhay kagaya ng mga tao. "
"Ang enerhiya ng diwata ng Laguna ang nagpapanatili sa amin para umiral." Namangha si Erik sa paliwanag.
"wow ang galing naman. "
Pero naisip ko lang kung kaya ni Laguna na gumawa ng mga tulad mo ay para bang isa syang diyos." sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha.
"Kaya ba niyang lumikha ng maraming tauhan na kagaya mo?"
Muling napatawa si Magdalena sa pagiging matalino ng binata sa kanyang pagiging interesado sa mga bagay bagay, ang kanyang tawa ay mahinhin ngunit puno ng saya.
"Hindi ganoon kasimple Erik. May limang espesyal na tauhan lang si master Laguna, at bawat isa sa amin ay inabot ng mahigit isang taon upang likhain.
Ang kapangyarihan ko, halimbawa, ay makagawa ng mga hayop o bagay gamit ang mapaypay ko, pero tumatagal lamang sila ng ilang segundo hanggang limang minuto, depende sa enerhiyang inilalagay ko sa mga ito. "
Kinumpas niya muli ang kanyang pamaypay, at isang leon ang biglang lumitaw sa kanyang gilid, ngunit pagkatapos ng ilang segundo, naglaho ito na parang usok sa hangin.
"Alam ni Laguna ang tunay na pagmamahal mo sa mga Pilipino," dugtong ni Magdalena, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad.
"Kaya inutusan nya kaming bantayan ka. Wag kang mag alala dahil pagkatapos natin dito, makikilala mo ang isa sa mga tauhan niya."
Ilang minuto pagkatapos, dinala siya ni Magdalena sa isang malawak na sala ng mansyon. Tulad ng dining area, ang silid ay puno ng karangyaan—mga antigong vase na may madetalyeng disenyo, malalambot na sofa na may burda ng ginto, at mga painting sa dingding na nagpapakita ng mga tanawin ng kalikasan.
Ang liwanag mula sa malalaking bintana ay nagbigay ng init sa silid, ngunit ang kapaligiran ay may bahid parin ng misteryo.
Nagulat si Erik nang biglang makita nya si Hiyas na nakaupo sa isang rocking chair habang nagbabasa ng isang maliit na libro.
"Hiyas!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkagulat at pagtataka.
"Nandito ka rin pala!"
Tumingin si Hiyas sa kanya, ang kanyang mga mata'y malamig at walang emosyon. Pagkatapos ng ilang segundo, ibinalik niya ang kanyang tingin sa libro, na para bang hindi siya pinapansin.
Naglakad si Erik palapit sa kanya at mababakas dito ang pag kainis "Muntik na kaming mahuli ng isang heneral sa Plaridel, at wala ka man lang ginawa para tulungan kami!"
Ibinaba ni Hiyas ang kanyang libro bago sumagot, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng pagkabagot.
"Kahit naroon ako, Erik, wala naman akong magagawa laban sa isang sugo ng mga diwata. Nakalimutan mo na ba na isa lang akong ispiritu lamang ng kalikasan. Kung makiisa ako sa gulo, maaaring mapahamak ako."
Napangiti si Erik na tila napipilitan bakas ang pag kainis, ang kanyang boses ay puno ng sarkasmo. "Ikaw pa ang may ganang magmalaki na gawin ang mga misyon na 'to, pero kapag nanganganib kami, wala ka namang ginagawa? Hindi ba't ikaw ang nagsabi na kailangan naming labanan ang mga Kastila? Hindi patas na ako lang ang laging sumusugod sa panganib!"
Isinara ni Hiyas ang libro, ang kanyang mga mata'y tumitig kay Erik nang diretso. " Pero sa tingin ko tama lang ang nangyayari, ako parin ang diwata mo, Erik. Nararapat lang na isipin mo rin ang kaligtasan ko bago ang sa'yo," sabi niya, ang kanyang tono ay puno ng awtoridad.
"Pero mali ka ng pag aakala na iniwan kita. Naroon ako sa Plaridel, nakikita ko ang lahat ng ginawa mo at binabantayan ka."
" Sayo na nagmula." ulit ni Erik, ang kanyang boses ay tumataas sa galit. "Kung naroon ka nga sa plaridel, eh bakit hindi ka tumulong? At isa pa, lilinawin ki lang na hindi ikaw ang diwata ko! "
" Si diwatang Sid Alwa ang pinaglilingkuran ko at hindi ko sya ipagpapalit kailan man!" dagdag ni erik.
Ngumiti lang si Hiyas, ang kanyang ekspresyon ay puno ng pagkaaliw. "Kahit naman ang pinagmamalaki mong diwata na si Sid Alwa ay hindi dumating para tulungan ka, Erik. Ano ang pagkakaiba ko sa kanya? Pareho kaming hindi tumulong sa oras ng panganib."
Magiliw nyang sinasabi na tila nagbibiro na sya lang ang pwedeng asahan ni erik sa maraming bagay at hindi rin naman malalaman ng diwata na si sid alwa na mas pipiliin nya si hiyas na maging diwata dahil natutulog pa ang diwata ng ifugao at impusible itong magising para malaman ang mga bagay bagay.
Bago pa makasagot si Erik, pumasok sa silid ang isang lalaki na may berdeng buhok din, suot ang isang americana coat na may madetalyeng disenyo. Hawak niya ang isang tray na puno ng pagkain—mga prutas, tinapay, at isang baso ng tsokolate..
"Kumusta, Erik?" bati ng lalaki, ang kanyang boses ay malalim ngunit mainit.
"Okay na ba ang pakiramdam mo pagkatapos ng limang araw na pagkakatulog?"
"Limang araw?" ulit ni Erik, ang kanyang mga mata'y nanlaki sa pagkagulat.
Napansin niya ang kagwapuhan ng lalaki, at naramdaman ang parehong enerhiya mula kay Magdalena. "Sino kayo mister? At… teka limang araw akong tulog?"
Ngumiti lang ang lalaki at ipinakilala ang sarili. "Ako si Crisostomo, o pwede mo akong tawagin na Cris, isa rin sa likhang sining ng sugo ng Laguna. Ako ang nagpagaling sa mga sugat mo mula sa labanan sa Plaridel. "
Masyadong napagod ang katawan mo dahil sa labis na paggamit ng kapangyarihan ng pananalig kaya naman matagal bago ka nakabawi ng lakas. " Inabot ni Cris ang tray kay Hiyas, na agad na kumuha ng isang piraso ng tinapay at sinimulang kainin ito habang nagbabasa.
Nagpasalamat si Erik sa pagpapagaling sa kanya at sinabi na utang nya ang buhay nya sa kanila, ilang saglit pa ay napansin niya ang ginagawa ni Hiyas.
"Teka kumakain ka pala, hindi ba isa ka lang diwata?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagtataka. "Sa tagal nating magkasama, hindi pa kita nakitang kumain."
Pabirong tumawa si Hiyas, ang kanyang tawa ay may tono ng pagkaaliw " isa nga akong ispiritu ng kalikasan, at Hindi ko kailangang kumain o matulog para mabuhay kagaya nyo. Pero hindi ibig sabihin na hindi ko kayang gawin ang mga bagay na tulad ng ginagawa nyo"
Iniangat niya ang libro sa kanyang kamay para ipakita ito kay erik.
" kagaya ng nabanggit ko sayo, inaaral ko ang mga tao gamit ang librong ito. Base sa napansin ko sa mga tauhan sa libro ay natutuwa ang mga tao kapag kumakain ng mga masasarap na pagkain."
" Kung ganun sinusubukan mo rin na mag enjoy kagaya ng tao gamit ang pagkain? " Pagtataka ni erik.
"Hindi ko alam, unang una hindi ko naman talaga alam kung ano ang pakiramdam ng mag enjoy gamit ang pagkain, basta gusto ko lang kumain para maranasan. "
Hindi maunawaan ni Erik ang sinabi ni hiyas at sa tingin nya ay naiiba ang pananaw ng diwata sa maramng bagay, ngunit wala naman siyang nakitang masama rito.
Bigla siyang napaisip. "Kung kumakain ka tulad ng tao, ibig sabihin… dumudumi ka rin kagaya namin?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-ka curious.
Biglang tumitig si Hiyas sa kanya, ang kanyang mga mata'y puno ng pagkaaliw. "Bakit parang interesado ka sa pagdumi ko? Gusto mo bang makita kung paano dumudumi ang isang diwata?" tanong niya, ang kanyang tono ay puno ng panunuya.
"Ha? Hindi!" sigaw ni Erik, ang kanyang mga pisngi ay namula sa kahihiyan.
"Hindi ko sinasadya maitaning iyon! Curious lang takaga ako!"
Napapikit si Hiyas, na para bang iniisip ang isasagot. "Ang katawan ko'y kusang nililinis ang anumang dumi. Hindi ko talaga alam kung paano ang proseso para sa pagdumi kagaya ng tao. Pero kung gusto mo, Erik, ipakita mo sa akin kung paano dumumi ang tao, Baka magawa ko rin iyon," sabi niya, ang kanyang ngiti ay puno ng kalokohan.
"Ano? Bakit ko naman gagawin iyon? ano bang sinasabi mo hiyas? "sigaw ni Erik, ang kanyang boses ay puno ng pagkapahiya.
"Tigilan mo nga ako, Hiyas!"
Tinakpan niya ang kanyang mga tenga habang ang kanyang mukha'y pulang-pula habang sinusubukang itago ang kahihiyan.
" Nakakahiya na ang mga sinasabi mo, isa ka ba talagang diwata? " Tanong ni erik.
Sinagot lang sya ni hiyas na puno ng pagmamataas, ipinagmalaki nya parin na isa syang diwata na mabuhay ng ilang bilyong taon at marami na syang nakita higit pa sa pwedeng makita ng mga tao. Bale wala ang makakita ng katawan ng tao o kung paano ito dumudumi.
Sumigaw ng malakas si erik habang nakiki usap. " Tama na! Tigilan mo na ang pagsasalita ng nakakahiyang mga bagay!! "
" Anong problema, ikaw ang nagsimula ng pagtatanong." Sagot ni hiyas na may pagkapilya.
Tumawa sina Cris at Magdalena, ang kanilang tawa ay nagbigay ng kakaibang saya sa silid.
Pagkatapos ng ilang sandali, biglang may naalala ang binata at seryoso na itinanong sa mga kasama nya na.
"Nasaan si Georgia? Okay lang ba siya?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala.
Sumagot si Cris sa tanong nito, ang kanyang tono ay kalmado ngunit puno ng sinseridad. "Ligtas ang kaibigan mong si Georgia, Erik. Halika, samahan mo ako sa kwarto niya." ---
Ilang minuto ang lumipas, at umakyat sila sa ikatlong palapag ng mansyon. Ang pasilyo ay mas tahimik at tila walang tao sa buong palapag, ngunit ang karangyaan ay nanatiling kitang-kita—mga antigong lampara, mga pintura ng mga tanawin sa probinsya, at mga puting kurtina na dahan-dahang gumagalaw sa simoy ng hangin.
Pumasok sila sa isang kwarto na mas maliit kaysa sa iba, ngunit puno pa rin ng kagandahan: mga puting kurtina na may burda ng mga bulaklak, isang antigong aparador, at isang kama na may malambot na kumot.
Sa gitna ng kama, nakahiga ang babaenh si Georgia, ang kanyang mukha'y payapa ngunit maputla. Ang kanyang katawan ay nababalot ng pulang enerhiya, na parang isang manipis na kumot na nagbibigay ng kakaibang liwanag sa silid.
"Georgia!" bulong ni Erik, ang kanyang mga mata'y nanlaki sa pagkagulat at takot.
"Anong nangyayari sa kanya?"
Sumagot si Cris habang ang kanyang boses ay puno ng kalungkutan. "Napagaling ko ang mga sugat sa katawan ni Georgia, pero hindi ko kayang ayusin ang pinsala sa kanyang ispiritu. May hinala ako na dahil sa labis na paggamit ng kapangyarihan niya bilang sugo ay nasira ang kanyang kaluluwa. "
Ipinaliwanag nya na kahit na kaya nilang tumanggao ng pinsala at mga atake bilang sugo ay may malaking epekto parin sa totoo nilang katawan ang pag daloy ng enerhiya na maaaring makapinsala sa mga tao. Hindi sanay ang katawan ni georgia na gamitin ang kanyang kapangyarihan sa pinaka sukdulan nito at nung humigop sya ng enerhiya mula sa ibang tao ay dinamay nito ang ispirito nya at dahil doon nalalagay ngayon sa peligro ang buhay nya.
" May kutob ako na kung maglalaho ang kanyang ispiritu, Erik… mamamatay siya."
Natigilan si Erik dahil aa kanyang narinig habang ang kanyang puso'y parang dinudurog at patuloy na nangangamba.
"Hindi… hindi pwede 'yan!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng desperasyon. Agad syang lumapit kay Georgia, ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang pinagmamasdan ang kalagayan nito.
Naalala bigla ni erik ang mga masasayng ngiti ni georgia, dumaraan sa kanya isipan ang mga masasayang alaala kasama ng dalaga na lalong dumudurog sa kanyang dibdib. "Wala namang tanging gusto si georgia kundi ang mamuhay ng masaya at payapa, bakit kailangan na mangyari ito sa kanya ? "
Tumingin sya kay cris bakas ang pagsusumamo " May magagawa pa ba tayo para sa kanya, mister cris? Paki usap tulungan mo siya!"
"Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko," sagot ni Cris, ang kanyang mga mata'y puno ng simpatiya.
"Inutusan kami ni Laguna na iligtas kayo kaya hindi ko hahayaang mamatay si Georgia. Pero sa kalagayan niya ngayon… hindi ko alam kung paano ito ganap na maayos."
Humarap si Erik kay Georgia habang ang kanyang mga mata'y napupuno ng luha.
Napapikit siya, ang kanyang kamao'y nakakuyom sa galit at frustrasyon.
"Wala akong nagawa para tulungan siya," bulong niya habang ang kanyang boses ay puno ng pagsisisi.
"Kung mas malakas lang ako… kung napigilan ko lang siya… hindi sana siya nasa ganitong kalagayan."
Ilang sandali pa ay nilapitan sya at biglang niyakap ni Magdalena sa likod, ang kanyang mga kamay ay banayad ngunit puno ng init. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, Erik," sabi niya, habang hinaplos ang kanyang ulo.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari. Sinubukan mo ang lahat para iligtas ang mga tao sa Plaridel, at sapat na 'yon."
Sumang-ayon si Cris sa sinabi ng kanyang kasamahan, ang kanyang boses ay puno ng katiyakan. "Huwag mong ituring na kabiguan ang mga nangyari, Erik. Ang mundo ay puno ng sakit at kawalan ng hustisya, at narito ka para maging ilaw sa dilim. Tandaan mo na hindi mo hawak ang hinaharap, gayumpaman nagpapatuloy kang nagliligtas ng maraming buhay."
Pinunasan ni Erik ang kanyang mga luha habang ang kanyang boses ay puno ng determinasyon. "Salamat… pero gagawin ko ang lahat para mailigtas si Georgia. Hindi ko siya hahayaang mamatay."
Sa gitna ng kanilang pag uusap ay biglang nagsalita si Hiyas, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng pag-asa. "May pag-asa pa, Erik. Hindi pa tapos ang laban para kay Georgia."
Nagulat si Erik sa narinig at napatingin agad kay hiyas, ang kanyang mga mata'y muling nagnining. "Seryoso ka ba? Paano?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala at pag-asa.
Ipinaliwanag ni Hiyas ang sinasabi nyang paraan, ang kanyang ekspresyon ay seryoso. "Ang ispiritu ni Georgia ang nasira dahil sa pag gamit nya nito bilang sandata, kaya kailangan natin ng isang taong kayang ayusin ito."
" May isang sugo ng diwata na nagtataglay ng kapangyarihan ng kalikasan, na kayang magbigay ng enerhiyang pisikal at espirituwal. Kung makukumbinsi mo siyang tulungan si Georgia, maaaring gumaling siya."
"Totoo ba 'yan?" tanong ni Erik, ang kanyang puso'y biglang napuno ng pag-asa.
"Sino 'yun? Nasaan siya?"
Napabuntong-hininga si Hiyas, ang kanyang mga mata'y puno ng pagkabagot. "Hanggang ngayon, wala ka pa ring tiwala sa akin, Erik. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tinutulungan kita sa maraming bagay kaya dapat maniwala ka sa mga bagay na sinasabi ko"
"Paano kita pagkakatiwalaan eh madalas akong mapahamak dahil sa mga sinasabi mo!" sagot ni Erik, ang kanyang boses ay puno ng inis.
"At isa pa, alam mo na si Georgia at Hustisya ay iisa. Bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa? Kung nalaman ko agad, baka napigilan ko siya!"
Aminado si Hiyas sa nasambit ng binata at kalmado nyang ipinaliwanag ito. "Oo, alam ko na si Georgia ang sugo ng Plaridel. Pero hindi ko plinano na magkita kayo. Nagulat din ako nang makita ko kayong magkasama. Kung tadhana ang nagdala sa inyo para magkakilala, bakit ako makikialam?"
Hindi tinanggap ni Erik ang paliwanag ni hiyas. "Dapat sinabi mo parin sa akin! Kung nalaman ko agad, baka napaliwanagan ko si Georgia. Baka napigilan ko ang mga nangyari!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsisisi.
Nagduda naman si Hiyas sa mga nasabi ni erik na magagawa nyang makumbinsi si Georgia, ang kanyang mga mata'y tumitig kay Erik. "Sa tingin mo ba kaya mong kumbinsihin si Georgia? Puno ng galit ang puso niya dahil sa mga naranasan ng pamilya nya sa Plaridel. "
" Wala rin syang pagpipilian kundi ang lumaban. Ang tanging paraan para mapigilan siya ay kung magbabago ang laman ng puso niya—kung magkakaroon siya ng bagong dahilan para mabuhay."
Tumayo sya sa upuan at pumamewang ng may kayabangan habang buong pagmamalaki, ipinagpatuloy ni Hiyas ang kanyang pagpapaliwanag at mga ginawang plano noon sa plaridel , "Kaya ko kayo pinaglapit na dalawa gamit ang pagbibigay sainyo ng mga isda at gulay. Dahil sa mga sandaling magkasama kayo, nabawasan ang galit niya. Kung itinuloy mo lang sanang pasayahin ang puso niya, Erik, baka naging mas maayos ang lahat."
Hindi naunawaan ni Erik ang sinabi ni hiyas na tila malayo sa katotohanan. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkalito.
Iniangat ni Hiyas ang libro sa kanyang kamay at ipinakita kay erik. "Ayon sa librong ito, ang puso ng tao ay nagbabago kapag nagmamahal. Kung napaiibig mo si Georgia at maging kasintahan, baka tumigil siya sa misyon niyang gumanti sa mga Kastila. Mas pipiliin niyang sumunod sa'yo at mabuhay nang masaya."
Namula bigla ang mukha ni Erik sa mga narinig mula kay hiyas, ang kanyang mga mata'y nanlaki sa pagkagulat. "Ano'ng sinasabi mo? Bakit ko paiibigin si Georgia para maging kasintahan? Ano'ng klaseng plano naman 'yan?" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng kahihiyan at galit.
"Kaya ba lagi mong inuutos na mag-date kami? Para lang mapaiibig siya? Hiyas, somosobra ka na talaga! Kaibigan ko lang si Georgia, parang kapatid! Hindi ko gagamitin ang nararamdaman niya para mapasunod sya!"
Napangiti si Hiyas, ang kanyang ekspresyon ay puno ng panunuya. "Ang boring mo talaga, Erik. Ayon sa libro, ang pag-ibig ang tanging paraan para kalimutan ni Georgia ang galit niya. Pero kung ayaw mo, wala akong magagawa tutal nabigo ka namang maging nobya sya."
Hindi tinanggap ni Erik ang sinabi sa kanya ni hiyas na tila dinidiktahan sya kung sino ang magiging kasintahan. "Kahit naniniwala ako na ang pag-ibig isang ay makapangyarihan bagay, hindi mo dapat dinidiktahan ang damdamin ng tao! Masyado pa kaming bata ni Georgia, at hindi sapat na dahilan ang galit niya para gamitin ko ang nararamdaman niya!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng galit.
Isinara ni Hiyas ang libro, ang kanyang mga mata'y seryoso na nakatitig sa binata. "Kung iyon ang paniniwala mo, wala na akong magagawa. Hindi na mahalaga ngayon kung nagtagumpay ka man o hindi sa pagpapaiibig kay Georgia. Ang mahalaga ngayon ay mailigtas mo siya."
Tumayo siya sa mismong upuan habang ang kanyang ngiti ay may bahid ng kalokohan. "Handa ka na ba para sa susunod mong misyon, aking sugo?"
Napabuntong-hininga si Erik, ang kanyang mga mata'y puno ng pag-aalala. "Kinakabahan ako kapag nakikita kong ngumingiti ka ng ganyan saakin, Hiyas."
" At hanggang kelan mo ba ipipilit na ako ang sugo mo? " Matamlay na sambit nito.
" Hangang sa matanggap mo sa sarili mo na ako ang diwata mo. " Mabilis na sagot ni hiyas habang nakangiti ito sa kanya.
Ilangbsegundo silang nagkatitigan ninhiyas at nakikita ng binata na determinado ito sa mga gusto mitong mangyari, napabuntong hininga si erik. " Pero kung sa bagay wala akong choice kundi sundin ka. Bilang kaibigan, kailangan kong iligtas si Georgia. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya na poprotektahan ko siya, kahit anong mangyari."
Sumumpa siya habang ang kanyang boses ay puno ng determinasyon.
"Gagawin ko ang lahat para masigurong magigising siyang muli."
Iniangat ni Hiyas ang kanyang kamay at idinikit ang kamao nito sa dibdib ni Erik, ang kanyang mga mata'y puno ng kumpiyansa.
"Magpakatatag ka, Erik. Nagsisimula pa lang ang lahat. "
"Hindi kinakain ng magsasaka ang bunga ng kanyang puno sa parehong araw kung kelan nya itinanim ang mga buto. Kailangan ng pagkilos, pagtitiyaga, at pasensya upang mag ani ng magandang bunga." sambit ni hiyas.
Ang labanan sa Plaridel ay natapos na, ngunit ang mga peklat nito ay nanatili sa puso ng mga nakaligtas. Sa gitna ng isang bagong simula, isang bagong pagsubok ang naghihintay kay Ifugao at sa mga pinanghahawakan niyang paniniwala.
Sa kabila ng walang katiyakang hinaharap, desidido si Erik na magpatuloy, handang tahakin ang landas ng pagiging bayani ng Pilipinas, dala ang pangako na ililigtas ang kaibigan na si Georgia, kahit anong mangyari.
End of 2nd arc
