LightReader

Chapter 91 - chapter 46 (TAGALOG)

Chapter 46: Ang Paglalakbay sa Puso ng Cordillera

Isang mapayapang araw ang muling nagsimula pagkatapos ng mga trahedyang naganap sa bansa. Ilang linggo pagkatapos ng mga matitinding labanan sa Urdaneta. Sinisikap ng lahat na bumalik sa dating kaayusan. 

Ang sikat ng araw ay banayad na tumatagos sa mga puno sa gilid ng kalsada, na nagbibigay ng anino sa makipot na daan patungong Benguet. Sa loob ng isang magarang puting van, na may mga nakataling gamit sa itaas ng bubong nito, nakasakay at naglalakbay sina Erik, Hiyas, clara, Cris, at ang natutulog na si Georgia. 

Ang van ay puno ng katahimikan, maliban sa mahinang ingay ng makina at paminsan-minsang pag-ungol ng hangin sa labas na pumapasok sa bintana.

 Nakahiga sa likurang upuan si Georgia na kasalukuyan parin natutulog, ang kanyang mahabang buhok ay nakakalat sa unan na gawa sa pinagsama-samang kumot. Ang kanyang mukha ay maputla, halos parang wala nang buhay, at ang kanyang paghinga ay mahina, tulad ng kandilang anumang oras ay maaaring mamatay.

Ang pagkasira ng kanyang espiritu, dulot ng labis na paggamit ng kapangyarihan bilang si Hustisya, ay nag- dala sa kanya sa pag ka comatose. Naka upo naman si Erik sa harapang upuan nito, hindi nya maiwasang hindi sulyapan ang dalaga sa rearview mirror, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala at Pagkakakonsensya. Alam nya kung gaano kabigat ang responsibilidad na iligtas ang kaibigan at nakahanda syang gawin ang lahat para mailigtas ito. 

 Pagkalipas ng apat na oras sa pagtahak sa kalsada, sinalubong sila ng mabigay na trapik na halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan sa daan, na parang nakapila sa isang walang katapusang prusisyon.

 Ang hangin sa loob ng van ay naging mainit at mabigat, kahit na bukas ang mga bintana. Habang nakaupo si hiyas malapit sa bintana, ay humikab sya nang malakas, ang kanyang mga mata ay nakatitig sa labas, kung saan matatanaw ang mga bundok ng Cordillera . 

"Grabe, apat na oras na tayo dito, wala bang pwedeng gawin dito sa loob?" reklamo ni Hiyas, ang kanyang boses ay puno ng pagkabagot. 

Ang kanyang mahabang buhok, na nakatali sa isang maluwag na ponytail, ay bahagyang gumalaw ng dumungaw sya para kausapin si erik. 

"Erik, aliwin mo naman ako. Bored na bored na ako!" 

Napalingon naman si Erik, habang nakasandal sa upuan katabi ng driver, ang kanyang noo ay kunot sa pagtataka. "Ha? Ano'ng ibig mong sabihin, aliwin kita? Nasa van tayo. Ano'ng gusto mong gawin ko, magsayaw sa gitna ng trapik?" 

Ang kanyang boses ay may halong pagtataka. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang tila nagbago ang ugali ni Hiyas. 

 Napabuntong-hininga naman si hiyas, habang ang kanyang mga kamay ay naglalaro sa isang maliit na kuwintas na yari sa kawayan. 

"Ewan ko, basta gusto ko lang matuwa. Kahit ano, Erik! Magkwento ka, magpatawa ka, o kaya'y gumawa ka ng milagro gamit ang kapangyarihan mo. Basta wag mo akong hayaang mabagot ako dito!" 

Ang kanyang mga mata ay kumislap ng kaunting kapilyuhan at tila nag aabang ng pagkakalibangan.

 Napailing na lang si erik, habang ang kanyang mga kamay ay inilagay nya sa mukha habang ng bubuntong hininga. Ayon sa kanyang sariling paniniwala ay bilang isang sugo ay alam nya sa sarili na kailangan nyang pagbigyan ang mga kahilingan ng isang diwata ng kalikasan bilang pag respeto sa mga ito pero maging sya ay nag aalinlangan kung dapat nya bang gawin ang mga gusto ni hiyas.

"Hiyas, wag mo akong utusan ng mga bagay na hindi ko alam kung paano gagawin. At saka, bakit ka ba biglang naging mainipin at maingay? Dati naman, hindi ka ganyan."

" Anong ibig mong sabihin? " Tanong ni hiyas.

" Nitong mga nakaraan ay napapansin ko na parang… nagbabago ka na, masyado ka ng madaldal."

Ang mga salita ni Erik ay parang sibat na tumama kay Hiyas. Ang kanyang ngiti ay nawala habang ang kanyang mga mata ay nakatitig nang may bahid ng pagtatampo.

 "Nagbabago? Madali talaga akong mabagot, Erik. Pero ang pinagkakaiba lang ay dati, wala akong pakialam kung mainip ako. Matutulog na lang ako, o titingin sa mga ulap, o panuorin ang pag galaw ng mga hayop sa paligid."

" Pero nung binigyan ako ni Laguna ng libro tungkol sa mga tao—kung paano sila nabubuhay at kung ano ang mga libangan nila ay nagkaroon ako ng mga ideya sa mga bagay na maaari kong gawin. Parang… gusto ko rin maranasan 'yon. Gusto ko ring subukan ang ginagawa ng mga tao."

Habang nag uusap ay nagsalita si clara at nilinaw na si hiyas ay isang diwata na naiiba sa mga tao at inaadapt nya ang mga bagay na nakikita nya. Naiimpluwensyahan sya sa mga bagay na nasa paligid nya.

Napatitig si erik kay hiyas mula ulo hangang paa ngng may mapanghusgang titig at naiisip kong makakabuti ba sa kanya kung gagayahin ni hiyas ang mga nakikita nito.

 "Wala namang masama sa pag-aaral tungkol sa mga tao," sagot ni Erik, ang kanyang boses ay mas malumanay na. 

"Pero Hiyas, sana kasama sa mga natutunan mo ang pagkonsidera sa iba.magkaroon ka ng Simotya. Alam mo, 'yung pakiramdam na iniintindi mo rin ang nararamdaman ng mga kasama mo."

 Napangiti naman si hiyas ngunit ang ngiti ay may halong pagmamalaki. "may simpatya naman ako noon pa man erik! May pakialam ako sa mga bagay-bagay, pero hindi para sa lahat." 

 Napabuntong-hininga si erik dahil sa mga narinig, ang kanyang mga mata ay muling napatitig kay Georgia sa likuran. 

"Sana nga kasama kami sa mga 'pinipili' mong bigyan ng paki elam, Hiyas," bulong niya na halos hindi narinig ng iba.

Kahit na puno ng pangamba ang kanyang puso ay umaasa parin aya na may pag-asa pa silang pwedeng asahan kahit na dinadagdagan ito ng bigat ng responsibilidad sa pag liligtas kay Georgia. "Sana maging ayos lang ang lahat."

Pagkalipas ng ilang oras, ang van ay dumating sa La Trinidad kasabay ng paglubog ng araw. Ang langit ay nagliliwanag sa kulay kahel at rosas, na parang isang pagpipinta na nagbibigay-liwanag sa mga bukirin ng prutas at mga bulaklak na nakapalibot sa bayan. 

Ang grupo ay huminto sa harap ng isang napakalaking mansion, na parang isang palasyo sa gitna ng mga bundok. Ang mga pader nito ay yari sa puting bato, pinalamutian ng mga ukit ng mga bulaklak at puno, at ang bubong ay gawa sa pulang tiles na kumikinang sa liwanag ng dapithapon. 

 Bumaba silang lahat mula sa van, sa pagpasok ni erik sa gate, ang kanyang mga mata ay namangha sa ganda ng mansion.

 "Sino'ng may-ari nito? Kay Laguna ba 'to?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha. 

Dumeretso naman si clara sa likod ng van para mag-ayos ng mga gamit nila. Ang kanyang mahabang buhok, na nakatali sa isang eleganteng bun, ay sumayaw sa hangin habang naglalakad. 

"Maraming pag-aari si Master Laguna sa buong bansa, isa syang doktor at abogado, at may mga koneksyon sa loob at labas ng Pilipinas. Ang mansion na ito ay isa lamang sa mga pagmamayari nya." 

Sumabat naman si cris habang nagbubuhat ng isang kahon ng gamit, ay sumali sa usapan. "Nasa ibang bansa si Master ngayon, inaasikaso ang mga mahahalagang bagay. Ginagamit niya ang impluwensya niya para ipakita sa mundo ang kalupitan ng mga Espanyol dito sa Pilipinas." 

Ipinaliwanag ni clara sa kanila ang mga nasa isip ni laguna. "Ayon kay Master, hindi dapat daanin sa dahas ang lahat. Kung magkakaroon ng rebelyon, dalawang bagay lang ang maaaring mangyari: mamatay ang mga kastila, o maubos ang mga Pilipino. "

" Wala siyang nakikitang tama sa pagpatay sa mga kastila para lamang makamit ang kapayapaan. Natatakot din siya sa magiging kapalit ng kalayaan na hinahangad ng iba dahil alam nya na milyun-milyong Pilipino ang maaaring mamatay kung magsisimula ang isang digmaang sibil."

 Napatitig sa kanya si erik, ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. "Kaya ba siya nakikipag-usap sa mga opisyal sa Espanya? Para baguhin ang sistema?"

 "Oo,, ipinapanukala nya na bigyan ng karapatan ang mga pilipino na pamunuan ang bansa habang sumusunod parin ito sa gobyerno ng espanya. " sagot ni clara. "Sinubukan niya ring makipag-ugnayan sa ibang bansa para suportahan ang laban niya. Pero alam niya na walang kasiguruhan ang plano niya. Kaya nga umaasa siya sa mga bayani tulad mo, Erik.".

" Sa mga sugo na kagaya mo na magpapabagal sa rebelyon hangga't hindi pa natin napapayag ang espanya sa bagong gobyerno na papabor sa mga Pilipino."

 Bigla namang sumabat naman si cris para ipaliwanag ang gagawin. "Mamamalagi muna tayo rito ng isang linggo bago natin puntahan ang sugo ng La Trinidad."

 Nagulat si erik sa narinig na mag aantay pa sila ng ilang araw, ang kanyang mga mata ay kumislap sa pagkalito. "Isang linggo? Bakit? Nasa La Trinidad na tayo. Hindi ba natin siya puwedeng puntahan ngayon?"

 Agad na napailing si clara, ang kanyang ngiti ay may bahid ng pag-aalala. "Kasamaang palad ay wala ngayon sa la trinidad ang sugo, Erik. Madalas siyang pinapatawag sa central para tumulong sa puwersa ng militar laban sa mga rebelde."

 Napatigil sandali si erik, ang kanyang puso ay biglang tumibok nang mabilis. "Militar? Anong ibig mong sabihin? Bakit tumutulong ang sugo ng La Trinidad sa militar?" 

 Tumingin si cris kay Erik, ang kanyang mga mata ay puno ng kumpiyansa habang ibinubunyag ang katauhan ng sugo ng la trinidad. "Siya si Major General Jasmine. Isang mataas na opisyal ng gobyerno at pngunahing misyon ny ay humuli ng mga rebelde." 

Hindi makapaniwala si Erik sa mga nrinig at nag panik. "Major General?!" bulalas niya, ang kanyang boses ay puno ng gulat. "Kung opisyal siya ng gobyerno, bakit natin siya tatagpuin? Hinahabol ako ng gobyerno hindi ba? Paano tayo nakakasiguro na tutulungan niya tayo?"

 Habang tahimik na nakikinig mula sa likuran, ay biglang sumabat si hiyas , ang kanyang boses ay malamig at kalmado.

 "Nagpunta tayo dito para humingi ng tulong sa kanya dahil kailangan natin ng tulong nya, Erik. Kung tumanggi siya sa paki usap natin ay kailangan natin syang pilitin pumayag o kaya, gagamit tayo ng dahas." 

 Napatitig si erik kay Hiyas, ang kanyang mga mata ay puno ng gulat at takot. "Dahas? Hiyas, hindi ko na kaya makipaglaban pa sa isang heneral! Alam mo kung gaano sila kalakas. Wala akong laban sa kanila!" 

 Napailing naman si hiyas, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkadismaya habang nagbubuntong hininga. "Erik, hindi ka puwedeng maging duwag. Ikaw ang may gustong iligtas si Georgia, di ba? Kung gusto mong magtagumpay, kailangan mong harapin ang mga panganib. Hindi puwedeng puro takot ang mangingibabaw sayo." 

 Hindi nakasagot agad si erik na tila hindi kayang tanggapin ang mga sinasabi ni hiyas, ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Alam niya na tama si Hiyas, ngunit ang ideya ng pakikipaglaban sa isang heneral ay hindi maganda para sa kanya. 

Bago pa siya makapagsalita ay agad na sumabat si Clara, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa. "Erik, hindi naman masamang ideya ang humingi ng tulong sa isang heneral lalo na sa isang Pilipino na tulad natin," aniya.

 "Marami sa kanila ang nagsisilbi sa mga gobyerno ng Espanya dahil sa misyon mula sa kanilang mga diwata. Binigyan sila ng awtoridad ng mga kastila para bantayan ang kanilang lupain, pero hindi ibig sabihin na galit sila sa mga kapwa Pilipino. "

" Hindi ka naman kriminal, Erik. May pag-asa pa rin na mapaki usapan natin siya." Dagdag ni Cris. 

"Pero kailangan parin nating maging handa, Erik. Malaki ang tsansang magkaroon ng labanan. Kaya habang wala pa ang sugo, magsasanay tayo sa pakikipaglaban sa lugar na ito." 

 Napatitig si erik kay Cris habang puno ng pag tataka habang itinatanong ang pagsasanay na gagawin nila. "Magsasanay ako na lumaban? Pero sino'ng magtuturo sa akin na makipaglaban?" 

Napangiti naman si Clara, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa. "Kahit kami ay mga likha lang ni Master Laguna, Erik, taglay namin ang talino at husay ng mga mandirigma. Ginawa kami para maging sandata niya. Kaya namin kayong turuan ng maraming bagay na kailangan nyo." 

 Ikang saglit pa ay pumasok na sila sa malaking sala ng mansion, na parang isang palasyon na puno ng mga sining sa paligid. Ang sahig ay yari sa makintab na kahoy, at ang mga dingding ay pinalamutian ng mga painting ng mga bulaklak at tanawin ng Cordillera. 

Ang mga bintana ay malalaki, na nagbibigay-daan sa liwanag ng dapithapon na magbigay ng mainit na glow sa silid. Sa gitna ng sala ay isang malaking sofa na upholstered sa pulang tela, at sa harap nito ay isang mesang yari sa narra, na may mga ukit ng mga tradisyunal na disenyong Pilipino. 

 Naupo sila erik sa sofa, ang kanyang katawan ay pagod mula sa mahabang biyahe. Habang naupo naman si cris sa tapat niya, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. "Erik, kailangan mong maging tunay na mandirigma," aniya, ang kanyang boses ay seryoso.

 "Ang enerhiya at lakas mo ay maihihintulad sa mga heneral, pero aaminin ko sayo na wala kang laban sa isang tunay na mandirigma." 

 Napatitig si Erik kay Cris, bakas ang kaba sa kanyang mga titig. "Pero kaya ko bang matuto at maging mahusay para manalo man lang sa laban?"

Napangiti si cris bilang pagtugon at sinabi na hindi nila malalaman kung hindi nila susubukan. Ang kanyang mukha ay seryoso habang ipinapaliwanag na. 

"Si Salazar ay nasa ika-89 na ranggo sa Espanya. Malakas siya at walang duda, pero wala siya binatbat kung ikukumpara sa mga espada ng Espanya na lumalaban sa mga digmaan."

Napabunting hininga si cris. 

 " Napakaraming sugo sa Pilipinas, Erik, at kaya ni Master Laguna na hanapin sila at kumbinsihin na sumama sa laban. Pero ang problema? Walang alam at tapang ang mga Pilipino upang maging bayani at iyon ang problema."

Napatigil si erik at nagtataka, ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. "Ano'ng ibig mong sabihin? Hindi ba sapat ang kapangyarihan natin kung magsama sama tayong lahat?" 

 Sinubukan ni cris na ipaliwanag ang lahat kay erik upang magkaroon sya ng ideya kung gaano nakaka angat ang espanya pag dating sa kaalaman sa pakikipaglaban.

 "Sa loob ng higit isang daang taon, pinag-aralan ng mga Espanyol at iba pang mga bansa ang paggamit ng kapangyarihan ng mga diwata. Hindi mo ba napansin? Marami sa mga heneral ng Espanya ay nagtataglay ng malalakas na kapangyarihan higit sa mga sugo na nagmula sa pilipinas. "

"Kahit gaano kalakas ang mga sugo ay wala parin silang laban sa mga sugo ng espanya sa totoong laban at ang dahilan? Dahil gumagamit sila ng knight state—o kung tawagin natin, ang sugo state." 

 Napakunot-noo si erik. "Sugo state? Ano 'yon?"

 Huminga nang malalim si cris habang ipinapaliwanag ito upang maunawaan ni erik. " Ang sugo state ay ang perpektong kontrol sa kapangyarihan ng isang sugo. Pero para maunawaan mo ito, kailangan mong malaman ang tungkol sa chakras." 

 Napatingin na lang si erik kay cris bakas sa kanyang mata na puno ito ng pagkalito. "Chakras? Ano 'yon?"

 Napangiti si cris habang sinasabi na ipapaliwanag nya ito sa binata. "Ang chakras ay mga sentro ng enerhiya sa katawan. Nagmula ito sa sinaunang tradisyon ng Hinduismo at Budismo, pero ginamit ito ng mga sugo sa buong mundo para mapalakas ang kanilang kapangyarihan.

 May pitong pangunahing chakra: 

 1. **Root Chakra (Muladhara): Ang pundasyon ng katatagan at seguridad. Ito ang nagbibigay sa'yo ng koneksyon sa lupa. 

 2. **Sacral Chakra (Svadhisthana): Ang sentro ng emosyon, kreatibidad, at relasyon. 

 3. **Solar Plexus Chakra (Manipura): Ang pinagmulan ng personal na kapangyarihan at disiplina.

 4. **Heart Chakra (Anahata): Ang puso ng pag-ibig at koneksyon sa iba. 

 5. **Throat Chakra (Vishuddha): Ang sentro ng komunikasyon at katotohanan. 

 6. **Third Eye Chakra (Ajna): Ang pinagmulan ng intuwisyon at karunungan. 

 7. **Crown Chakra (Sahasrara): Ang koneksyon sa espiritwal na mundo at kaliwanagan."

 Walang naging tugon si erik sa mga narinig mula kay cris, ang kanyang isip ay nahihirapang unawain ang lahat ng tungkol sa shakra. 

"Paano ko magagamit 'yan para maging mandirigma?" tanong nya. 

 "Bago ka makapasok sa *sugo state*," sagot ni Cris, "kailangan mong maunawaan at makontrol ang iyong mga chakra. Kapag naabot mo ang *sugo state*, magagawa mong gamitin ang buong potensyal ng kapangyarihan ng iyong diwata."

" Ang totoo higit sa tatlo ang abilidad ng isang sugo at sa nalaman ko iisang abilidad palang ang kya mong ipakita. " Dagdag ni Cris. 

" Pero hindi ito madali, Erik. Kailangan ng disiplina, focus, at… sakripisyo." 

 Bago pa makasagot si Erik, ay pumasok sa sala si clara , dala ang isang tray ng pagkain para sa meryenda—mainit na tsokolate sa mga tasa at mga suman na nakabalot sa dahon ng saging. 

"Magmeryenda muna kayo, habang nag luluto ako ng hapunan," aniya, ang kanyang ngiti ay puno ng init. 

"Pero Erik, kailangan mong ihanda ang sarili mo. Maaari naming ituro sa'yo ang sugo state, pero duda ako kung kakayanin mo itong i-master sa loob ng isang linggo."

 Napaisip naman si Erik at inamin. "Tinuruan na ako ni Apyong tungkol sa pagkontrol ng enerhiya. Bahagi ba 'yon ng sugo state?"

 Tumango si cris habang sinasabi na. "Oo, Erik. Ang pagkontrol ng enerhiya ay ang unang hakbang at doon nagsisimula ang lahat. Kaya magmeryenda ka muna, magpahinga, at pagkatapos, magsisimula na tayo sa pag aaral tungkol sa shakra." Sambit ni Cris habang kumukha ng pagkain. 

 Samantala, sa isang kampo militar sa Cavite,. Ang kampo ay napapalibutan ng matataas na pader na yari sa bato na binabantayan ang mga sundalong Espanyol na nagpapatrolya sa boung lugar, ang kanilang mga baril ay nakasabit sa balikat habang alerto. 

Sa loob ng isang malaking silid, na pinalamutian ng mga watawat ng Espanya at mga mapa ng Pilipinas, nagpupulong sina General Apyong at Major General Jasmine. 

 Si Jasmine ay isang babaeng may mahabang buhok na kulay ginto, na nakasuot ng isang puting coat na may mga insignia ng militar. 

Mababakas sa kanyang mga mata ang tapang ngunit may maamong mukha. 

Sa kabilang banda, ay si heneral Apyong na nasa kanyang tunay nyang anyo bilang isang matandang heneral, ang kanyang buhok ay may mga puting hibla, at ang kanyang mukha ay puno ng mga peklat ng mga nakaraang laban.

Nakaupo parin ito sa kanyang wheelchair. 

 "Jasmine, salamat sa pagtulong mo sa Cavite," aniya ni Apyong, ang kanyang boses ay puno ng pasasalamat. "Mahirap bantayan ang mga rebelde ng Katipunan, lalo na't sinusubukan nilang hikayatin ang mga mamamayan na mag-alsa."

 Napangiti lang si jasmin ngunit ang kanyang ngiti ay napakaikli. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, General. Pero hindi ko nakikita ang pilipino sa cavite bilang mga kaaway. Magkaiba man ang adhikain natin, pero hindi sila mga brutal na tao. "

" Kilala ko rin ang sugo ng Kawit—hindi siya ang taong magnanais na dumanak ng dugo sa kanyang bayan."

 Tumango naman si apyong bilang pag sang ayon, ngunit ang kanyang mukha ay puno ng panghihinayang.

 "Alam ko naman na hindi sya masamang tao, nanghihinayang lang ako dahil tumatanggi siyang sumali sa atin. Malaki ang maitutulong ng kapangyarihan niya sa pagpapatakbo ng kapayapaan sa Cavite." 

 Napapikit naman si jasmin at kahit alam nya may punto si apyong sa mga sinabi nito ay hindi sya sumasang ayon na pilitin ang isang pilipino na maging sundalo para sa espanya. 

 Ang kanyang mga kamay ay humigpit habang nakalaoag sa mesa. "Maraming dahilan kung bakit ayaw niyang magpasakop sa mga kastila, General. Alam mo naman ang ginagawa ng mga mayayamang kastila sa mga Pilipino sa kawit. Hindi ito simpleng usapin ng pagiging makabayan."

Napabuntong-hininga si apyong, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala. "Alam ko, Jasmine. Pero bilang mga sugo, kailangan nating mabalanse ang ating tungkulin at ang emosyon. Nagagalit tayo sa ating sitwasyon pero kailangan parin nating protektahan ang mga tao, kaya nga natatakot ako na may gawin ulit na maling aksyon si indang lalo pa ngayon nasa cavite ang katipunan."

Alam nila na kahit hindi isang agresibong tao ang sugo ng kawit na si indang ay handa itong makipaglaban ano mang oras. Kapag masyadong gumawa ng ingay si indang ay maaalerto ang central at pwedeng magpadala ulit ng mga sundalong huhuli sa sugo at iyon ang iniiwasan nilang lahat. 

Nagpasalamat si Apyong na kahit papano nandyan si jasmine na kaya itong kausapin para pakalmahin. Ngumiti lang si jasmine ngunit ang kanyang ngiti ay may bahid ng babala.

 "General, kaya ko nga silang kausapin bilang kapwa pilipino pero kailangan mong malaman—hindi ko sila makokontrol. Kung magpapatuloy ang kalupitan ng mga kastila sa cavite ay tiyak na kikilos ang mga sugo. Kaya hinihiling ko, gawan natin ng paraan na matigil ang mga kalupitan sa mga bayan ng cavite." 

 Tumango naman si apyong, ang kanyang mukha ay seryoso. "Gagawin ko ang makakaya ko tungkol sa bagay na yan, Jasmine. Pero aaminin ko sayo na mahirap kontrolin ang mga mayayamang kastila sa cavite. Ang tanging magagawa lang natin ay protektahan ang mga nasasakupan natin." 

 Bago pa makasagot si Jasmine, ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad nya itong kinuha at binasa ang mensahe, at mababakas sa kanyang mukha ang pagkabigla nito sa nabasa. 

Agad na tumayo siya mula sa upuan, ang kanyang mga galaw ay mabilis ngunit magalang parin. "Pasensya na, General. Aalis na muna ako, may kailangan lang akong asikasuhing mahalagang bagay, tawagan nyo lang ako kung may kailangan pa kayo saakin." sambit nya. 

 Pagkatapos ng pulong, sumakay si jasmin sa isang itim na sasakyan, na minamaneho ng isang pulis sa labas ng kampo. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa labas ng bintana, habang pinagmamasdan ang mga puno sa labas. 

"Sa Tagaytay tayo magtungo," utos niya sa driver, ang kanyang boses ay walang emosyon. "Iwan mo ako doon pagkatapos, sabihin mo sa head quaters na dederetso ako sa batangas pagkatapos ng lakad ko kagaya ng plano."

Si major general jasmine ay kilala sa kanyang husay sa pakikipaglaban na epektibo sa panghuhuli ng mga rebelde at dahil sa walang hawak na malalaking teritoryo kagaya ng ibang heneral ay madalas syang isinusugo para tulungan ang ibang lalawigan o bayan.

Habang binabagtas ang daan ay huminto ang sasakyan dahil sa nagaganap na kaguluhan malapit sa lugar.

" Titignan ko po ang nangyayari, heneral" 

Lumabas ang pulis na kasama nya at nagtanong sa mga tao. Dito napag alaman nya na may nagaganap na bank robbery sa malapit at maraming hostage sa loob ng bangko na hawak ng mga kriminal.

Inereport agad ito ng pulis kay jasmine at sinabi na hangat hindi natatapos ang gulo ay hindi uusad ang mga sasakyan sa harap nila at maaari silang mag tagal sa lugar.

 Napabuntong hininga na lang si jasmine na puno ng pagkadismaya habang lumalabas ng sasakyan. 

"Kung kelan naman ako makikipag kita sa nobyo ko ay bigla kayong mang gugulo."

Inutusan nya ang pulis na mag hintay na lang sa sasakyan dahil kailangan nyang makarating agad sa pupuntahan nya.

Pag labas nya ay agad syang tumalon ng napakataas at lumapag sa tabi ng mga pulis na rumesponde sa lugar.

Nagulat ang mga pulis sa pagsulpot nito at nung makita ang chapa nito bilang henetal ay agad silang sumaludo.

" Ano ang sitwasyon sa loob? Ilan ang mga kriminal at ang hostage nila? "

"Heneral, ayon sa mga tauhan natin ay may apat na lang na kriminal na nasa loob, pumatay na sila ng mga bihag nung subukan namin silang kausapin at sa tingin namin ay may higit dalawampu ang kanilang bihag sa loob. Wala silang ibang tatakasan at ilang beses na silang tumatangi na sumuko na lang, sa tingin namin ay delikado ang mga bihag nila."

" Alam nila na kamatayan ang naghihintay sa kanila sa oras na sumuko sila kaya naman hindi na sila mapapaki usapan pa." Sagot ni jasmin. 

Naglakad si jasmine pasulong, habang nababalot sya ng dilaw na enerhiya sa boung katawan, kasabay ng pag angat ng kanyang puting coat ay ang paggalaw din ng kanyang mahahabang buhok na tila nagsasayaw sa hangin.

Sa bawat paghakbang nya ay naglitawan ang mga halaman sa paligid at nagsi pag tubo ang mga bulaklak ng sampaguita.

Lumabas sa kanyang likuran ang isang napakalaking halaman na may mga bulaklak ng Sampaguita. Nagkaroon ito ng mga mata at bibig na tila buhay na nilalang,

" Bibigyan ko kayo ng sampung segundo para sumuko at hindi na iyon mauulit pa."

Habang sa loob ng bangko ay patuloy na natatakot ang mga tao, Nabalot ng tensyon ang loob sa paglitaw ng heneral.

"Isa syang heneral, tiyak papatayin nya tayo kapag di natin sya sinunod! "

" Kapag sumuko tayo ay pareho lang din ang mangyayari saatin, papatayin din nila tayo unti unti sa loob ng kulungan." Matapangbna sagot ng leader. 

Sa muling paghakbang ni Jasmine ay biglang bumukas ang pinto ng bangko pero imbis na sumuko ay pinaulanan ng mga kriminal ang heneral ng bala ng baril.

Hindi man lang kumilos si jasmine sa kinatatayuan nito para umiwas bagkus ay sinalo lang nya ang mga bala na tumatama sa kanyang katawan.

Nagulat ang mga magnanakaw sa nakita nila at hindi makapaniwala na hindi tinatablan ng bala ng baril ang katawan ng heneral.

"Bale wala saakin ang mga bala ng baril, malinaw na sinuway nyo ang paki usap ko na sumuko ng mapayapa kaya naman kailangan ko na gumamit ng konting dahas."

Napalibutan ng baging ang mga braso ni jasmine at kasabay ng paglalabas ng matinding enerhiya ay ang pagtalon nya papunta sa loob ng bangko.

Sa sobrang bilis ng kilos nito ay halos hindi na nakagawa ng paraan ang mga magnanakaw. Sa isang wasiwas lang ng kamay nya ay kumawala ang baging at sabay sabay hinagupit ang mga magnanakaw at tumama sa pader dahilan para maawalan ito ng mga malay.

Sa sugo state ay halos sampung beses ang lakas ng kanyang katawan kesa sa normal at alam nya na kaya ng halaman nya na patulugin ang mga ito.

Tinignan nya amg loob ng bangko at nakita ang mga takot na takot na mga tao. Nakita nya rin ang mga nakahandusay na mga tao na pinatay ng mga magnanakaw. Ilang sandali pa ay pumasok na ang mga pulis para hulihin ang mga magnanakaw.

Humakbang sya palapit sa isa sa mga sugatan at hinawakan ang ulo nito. Ngumiti sya sa babae para pakalmahin ito habang sinasabi na wag itong mga alala dahil ligtas na sila.

Nabalot ng dilaw na enerhiya ng babaeng hawak nya at unti unting gumagaling ang tama ng baril sa braso nito.

Hindi naman makapaniwala ang lahat sa nakikita na tila isang himala at namamangha sa paglitaw ng mga nag gagandahang bulaklak ng sampaguita sa paligid nila.

Agad na tinanong ng babaeng iyon kung maaari nya bang malaman kung ano ang pangalan ng ang heneral. Napangiti naman ang heneral at nagpakilala bilang si major general jasmine.

"Kilala ako bilang jasmine, isa akong pilipinong heneral at hangat parte kayo bansang ito ay pangangalagaan ko kayo sa abot ng aking makakaya." Sambit nya. 

"Ang aking bulalak ay uusbong para magbigay ng kaligtasan at pag asa para sa mga taong nararapat na maligtas."

Nagpasalamat ang mga taong naroon sa tulong ni jasmine at nangako na hindi nila makakalimutan ang pagtulong nito sa buong buhay nila.

Habang naroon ay muling tumunog ang kanyang cellphone at agad nyang binasa ang mensahe sa kanya. Nagbago bigla ang ekspresyon ng mukha ni jasmine dahil sa nabasa nya na tila ba nagpapanik ito.

Humingi sya ng paumahin sa mga naroon dahil kailangan nya ng umalis para asikasuhin ang importanteng bagay.

Inutusan ny ang mga pulis na asikasuhin agad ang mga tao naging biktima.

Nagmadali syang umalis at sa bawat hakbang nya ay unti unti namang nawawala ang mga halaman ng sampaguita na tumubo sa paligid. Agad syang sumakay sa sasakyan nya at nag utos sa driver nya na magmadali sa pag dadrive.

Ilang minuto ang lumipas, huminto ang sasakyan nila sa harap ng isang maliit na restaurant sa Tagaytay, na may tanawin ng Bulkang Taal sa di-kalayuan. Ang restaurant ay puno ng mga turista, ang mga mesa ay puno ng mga plato ng bulalo at mga baso ng kapeng barako. 

Pumasok si Jasmine sa comfort room ng gusali, ang kanyang mga hakbang ay mabilis ngunit maingat. Agad nyang sinara ang pinto at sinigurong wala pang ibang tao sa loob. Sa harap ng salamin, ang kanyang anyo ay unti-unting nagbago. Ang kanyang mahabang buhok na kulay ginto ay naging itim. Ang kanyang puting coat ay naglaho din, at napalitan ng isang simpleng puting blusa at maong. 

Ang kanyang mukha, na dating matalim at puno ng awtoridad, ay naging mas malambot at maamo na dalaga. Siya si Flora Pantilan, isang 25-taong-gulang na babae, na ang buhay ay puno ng mga lihim at responsibilidad. 

 Pagkatapos lumabas ng restaurant, agad na sumakay si flora sa isang jeepney, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-ngiti na tila ba nasasabik sa pupuntahan. Mabilis syang nagtungo sa kanyang destinasyon, ang Sky Ranch, isang sikat na pasyalan sa Tagaytay, kung saan ang mga rides at tanawin ng Bulkang Taal ay nagbibigay ng kakaibang saya.

Sa pagpasok niya sa parke, agad syang nagtungo at huminto sa isang magandang spot, kung saan makikita ang Bulkang Taal sa gitna ng lawa, na napapalibutan ng mga ulap at berdeng burol. 

 Napangiti si flora at napapikit na tila dinadama ang payapang tanawin, ang kanyang puso ay gumaan na tila ba nakalimutan ang kanyang mga problema bilang isang sundalo. Ang hangin na tumatama sa kanya ay malamig, dala ang amoy ng damo at bulaklak. Ngunit bago pa siya makapag-relax, isang pares ng kamay ang biglang tumakip sa kanyang mga mata.

"hulaan mo kung sino ang dumating?" tanong ng isang pamilyar na boses, puno ng kapilyuhan. Bahagyang nagulat si flora, ngunit ang kanyang gulat ay napalitan ng ngiti nang humarap siya. 

Sa harap niya ay isang lalaki na nakasuot ng pulang damit, may katangkaran ito at hindi nalalayo sa kanyang edad, ang kanyang mga mata ay kumikislap ng saya.

 "Namiss kita, Flora," aniya, ang kanyang ngiti ay puno ng init. 

 "Mabuti at pumayag kang makipagkita na saakin. " Napailing naman si flora habang ang kanyang mga kamay ay nakapameywang. 

" Bakit parang ako pa ang may kasalanan ng hindi ntin magkikita palagi? Ikaw nga 'tong laging may dahilan para hindi makipunta sa date natin!" 

Ang kanyang tono ay puno ng pagtatampo, ngunit mababakas sa kanyang mga mata na kumikislap ng saya ang pagkasabik sa binata. Bago pa siya makapagsalita ulit ay nag-abot na ang lalaki ng isang maliit na palumpon ng mga rosas, ang kanilang mga talulot ay kasing pula ng dugo.

 "Happy anniversary, Flora," aniya, ang kanyang boses ay puno ng lambing. 

"Wag mo na akong awayin. Halos dalawang buwan na kitang hindi nakikita. Nagbiyahe pa ako mula Maynila para makapunta rito." 

Napangiti naman si flora at bakas sa namumula nitong mukha ang kilig dahil sa natangap na regalo mula sa nobyo. ngunit ang kanyang ngiti ay may bahid ng pag-aalala. 

"Sigurado ka bang ako ang ipinunta mo rito? O baka naman si Indang ang sinadya mo dito sa cavite?" 

Biro nito, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng pagdududa. 

 Sandaling napatigil ang lalaki sa pagsasalita, ang kanyang kamay ay napahawak sa kanyang noo. 

"Grabe ka naman, flora. Wala na akong interes kausapin pa si Indang. Kung kakausapin ko man siya ay matagal ko na sanang ginawa. Ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nag abala pumunta dito. " 

Hinawakan niya ang kamay ni Flora, ang kanyang mga daliri ay mainit laban sa malamig na palad ng dalaga.

"Tama na ang pagdududa, tara, subukan natin 'yung mga rides. Gusto kong subukan ang mga iyon kasama ka." Napailing si flora at puno ng pag aalala at ang kanyang mga mata. 

Natahimik sya sandali at tumitig sa lalaki. "Madali para sa'yo sabihing kalimutan ko ang lahat, pero paano ako mapapanatag? Alam mo naman ang sitwasyon natin. Itinuturing kang rebelde habang ako ay isang sugo na nagtatrabaho para sa mga kastila. Paano natin gagawing normal ang relasyon na ito?"

 Napangiti ang lalaki habang pinipilit nyang kinukumbinsi si flora na wag masyadong mangamba. "Flora, matagal ko nang sinabi na wala akong pakialam sa trabaho mo. Ang nobya ko ay si Flora, hindi ang sugo ng La Trinidad na tuta ng mga Espanyol."

Matapang na itinanong ni flora sa lalaki na kung seryoso ba talaga ito sa kanya dahil kung hindi ay pwede na nila itong tigilan, ipinaalam nya rin na hindi nya kukunsintihin ang nobyo sa gawain nito at wala syang balak na magpagamit dito para labanan ang mga kastila. 

Tahasan nyang sinabi na wala syang mapapala sa kanya kung gagamitin sya nito para sa isang rebelyon.

Napangiti na lang ang binata habang sinasabi na wala syang intensyon na gamitin ang nobya at kahit kelan hindi nya ito pipilitin sa mga bagay na ayaw nitong gawin. Tapatan nyang sinasabi sa dalaga na totoo ang pagmamaahal nya at gusto nya itong manatili.

Ipina alala nya na nauunawaan nya na mahalaga ang tungkulin ni flora para matulungan ang mga pilipino at naniniwala syang mas makakabuti iyon sa lahat kaya hindi sya tutol sa pagiging sundalo nito. 

" At isa pa naniniwala ako na kahit na hindi mo ako tulungan ay magtatagumpay ako sa mga misyon ko, wala akong balak ipahamak pa ang nobya ko at kung ako nga lang ay gusto kitang itago na lang sa bahay. "

" Tsk, ano tingin mo saakin, isang bagay lang na itinatago? " Ilang saglit pa ay napabuntong-hininga si flora, ang kanyang mga mata ay puno ng lungkot.

 "Pero hanggang kailan natin 'to gagawin? Hindi normal na ganito ang buhay natin. Natatakot ako, alam mo ba 'yon? Natatakot ako lalo na para sa'yo."

 Hinawakan ng lalaki ang ulo ni Flora para pakalmahin ito, ang kanyang mga daliri ay humaplos sa kanyang buhok. "Wala kang dapat ipag-alala, Flora. Ako ang pinakamakapangyarihang sugo, di ba? Walang makakapanakit sa akin." Ang kanyang tono ay puno ng kumpiyansa, ngunit ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng kapagoran. 

 Napailing naman si flora, ang kanyang boses ay mahina at puno ng lumbay "Kahit gaano ka kalakas, hindi ko maiwasang hindi mag-alala, Nakokonsensya na rin ako, Alam ko na mahal kita pero pakiramdam ko, mali na maging masaya ako sa piling mo."

Bigla naman tinakpan ng lalaki ang bibig ni flora gamit ang daliri nito at ngumiti habang sinasabi na tumigil na sa pag aalalala at ipinaalala ang pangako nila.

" Nangako ka na kapag magkasama tayo ay walang magbabangit ng tungkol sa trabaho natin. Hayaan mo munang kahit sa araw na ito ay makasama ko ang simple at malambing kong nobya na si flora. "

Napa pout naman si flora at niyakap bigla ang lalaki, alam nya sa sarili na gusto nya itong makasama kahit na komplikado ng kanilang sitwasyon. ilang saglit pa ay muli syang tumingin dito para sabihin na. 

"Pakiramdam ko may ginagawa akong masama tuwing magkasama tayo at kayakap kita" Dagdag ni flora.

"Kung kasamaan maituturing ang pagiging masaya natin, hayaan mong samahan kita. Handa akong akuin ang responsibilidad para lang makasama ka." Sagot nito.

Nagbiro ang lalaki, ang kanyang mga mata ay puno ng lambing. "Masanay ka na maging mas masama, Flora. Sisiguruhin ko na mas marami pang masasayang araw ang magkakasama tayo." 

Hinawakan niya ang kamay ni Flora at niyakap siya, ang kanyang mga bisig ay nagbibigay ng init sa malamig na gabi ng Tagaytay.

" At isa pa kasalanan mo rin naman ito dahil inakit mo ako noon para mapamahal sayo kaya ngayon hindi ko na kayang ihinto ang nararamdaman ko." Sambit nito.

" Sino bang mag aakala na mabibihag ng isang simpleng bulaklak ang puso ng isang mabangis na leon ng maynila."

Napangiti si Flora, ang kanyang puso ay gumaan kahit saglit. "Mayabang ka talaga," aniya, ang kanyang boses ay puno ng saya. 

"Pero sige pagbibigyan kita, mamasyal na lang tayo ngayong gabi. Limitado lang ang oras natin at gusto kong sulitin ito." 

 Magkasamang sinamantala ng dalawa ang oras bilang magkasintahan. Magkahawak kamay silang naglalakad, ang kanilang mga boses ay nawala sa ingay ng Sky Ranch. 

Sa likod ngti, pareho silang may dala-dalang bigat sa kanilang kalooban dahil sa kanilang mga responsibilidad—bilang mga sugo, bilang mga magkasintahan, at bilang mga Pilipino sa isang bansang puno ng pakikipag laban.

More Chapters