Kabanata 47: Ang bulaklak ng la trinidad
Flora's point of view.
Walong taon bago ang kasalukuyang panahon.
Ilang taon na ang lumipas mula nang tanggapin ko ang alok na maging sundalo. Ilang taon ng pakikibaka sa loob ko, sa pagitan ng tungkulin ko bilang sugo ng La Trinidad at ng aking sariling damdamin bilang isang Pilipina.
Alam ko ang mga pang-aabuso ng mga kastila sa aking mga kababayan—ang mga hapdi ng latigo, ang mga hinagpis ng mga inaapi, ang mga taong naghihintay ng pag-asa na unti-unting nauupos. Ngunit bilang sugo, may utos sa akin ang diwata ng La Trinidad: ito ay ang pangalagaan ang kanyang teritoryo, protektahan ang lupaing ito na puno ng mga bulaklak at bukirin.
Bilang isang ordinaryong dalaga, wala akong lakas ng loob na labanan ang gobyerno o kahit na sino. Nagagalit ako kapag may nakikita akong pang aabuso pero natatakot ako, natatakot para sa buhay ko at sa buhay ng mga Pilipino na hawak ng mga kastila sa leeg kapag nagdesisyon akong gamitin ang kapangyarihan ko para sa ibang tao.
Noong una akong tinawag ng diwata, isang lang akong simpleng babae sa La Trinidad, isang dalagang mas gustong mag-alaga ng mga bulaklak kaysa magdala ng armas. Isang aksidente lang ang pagpapalabas ko ng kapangyarihan at dahil nalaman ng mga kastila ang taglay kong kapangyarihan ay hinuli nila ako at ikinulong.
Takot na takot ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ako kinulong na tila ba may nagawa akong kasalanan.
Pero isang araw dumating si Heneral Romeo, ang sugo ng Batangas, doon na nagbago ang lahat pra saakin. Nag-alok siya ng tulong na may kondisyon.
Nais nya akong maglingkod sa gobyerno bilang sundalo, maglingkod sa ilalim ng kanilang bandila, at sa ganoong paraan, mapoprotektahan ko ang aking bayan. Ang totoo, kinamumuhian ko ang ideya ng paglilingkod sa mga kastila—mga taong walang pakialam sa amin, mga taong tumapak sa dignidad ng mga Pilipino.
Nanginginig ako sa galit tuwing nakikita ko ang mga mayayamang kastila na nagpapakasaya sa yaman habang ang mga pilipino ay nagugutom dahil lang sa hindi pantay na karapatan sa mga tao sa bansa.
Pero wala akong choice. Sino ba ako? Isang mahinang dalaga, walang alam sa pakikipaglaban, walang lakas na mag-alsa laban sa isang imperyong masyadong malakas.
Ipinaintindi saakin ni heneral romeo na wala akong kayang iligtas kung paiiralin ko ang galit ko, nilinaw nya na hindi ako magpapagamit sa mga kastila, kundi gagamitin ko sila para magawa kong makontrol ang mga nangyayari sa la trinidad.
Gayumpaman napakahirap para sa tulad ko na maging sundalo, isa lang akong batang babae na walang espesyal na abilidad at mahina ang loob. Isang kabaliwan ang ideyang magiging sundalo ako ng bansa.
Sa kabutihang palad, hindi ako iniwan ni Heneral Romeo. Siya ang naging gabay ko, ang nagturo sa akin ng mga bagay na hindi ko inakalang kaya ko. Bagamat mas matanda ako sa kanya ng ilang taon, para siyang hinirang ng mga diyos sa kanyang talino at tapang.
Parang alam niya lagi ang mga tamang gagawin, at ang kanyang mga salita ay puno ng paniniwala na balang araw, magbubunga ang aming pagsisikap para sa mga Pilipino. Sa kanyang mga mata, nakita ko ang pag-asa—isang liwanag na hinahanap ko sa gitna ng dilim ng bansang ito.
Wala akong ibang pinanghahawakan kundi ang mga salita ni heneral romeo kaya naman talagang nagsumikap ako at sumama sa kanya saan man sya magpunta.
Ilang taon akong nagsanay sa ilalim ng kanyang gabay bilang sundalo.
Tinuruan niya akong humawak ng armas, kontrolin ang kapangyarihan ng aking diwata, at maging matatag kahit na ang puso ko ay puno ng pag-aalinlangan. Itinuring nya akong pamilya at iyon na yata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko pagkatapos kung maulila.
Pagkatapos kong mag aral ng pakikipaglaban ay naging sundalo ako sa pamumuno nya pero hindi nagtagal, inirekomenda niya akong mag-aral ng medisina sa Maynila. Hindi ko maunawaan kong bakit nya ako pinatitigil bilang sundalo pero para daw sa kanya, hindi dapat matigil na mangarap ng mga katulad ko.
"Marami ka pang mararating, Flora," sabi niya noon, ang kanyang boses puno ng paniniwala.
"Huwag mong ubusin ang oras mo sa pagiging sundalo na sumusunod lang sa utos ng iba. Magiging mas malakas ka para sa La Trinidad kung magiging malakas ka para sa sarili mo."
Sa totoo lang, mahirap ang training pero naging komportable na ako sa Batangas bilang isa sa kanyang tauhan. Pero ipinaalala niya sa akin na ang tunay na lakas ay hindi lang sa ipinapakita ko sa mga labanan kundi sa paano ko ipinapakita ang sarili ko bilang matagumpay na tao. Kaya naman wala akong nagawa kundi pumayag, sa tulong niya, nag-aral ako sa Maynila.
Bilang isang Honorary Spaniard, hindi naging mahirap para sa akin ang makapasok sa isang kilalang unibersidad. Pero ang Maynila? Isang bagong mundo iyon para sa akin—malayo sa mga bukirin ng La Trinidad, malayo sa mga bulaklak na nagbibigay ng kapayapaan sa puso ko.
Ang unang taon ko sa Maynila ay puro pag-aaral at pagtambay sa dorm ang ginawa ko. Wala akong masyadong alam tungkol sa lungsod—ang ingay ng mga sasakyan, ang dami ng tao, masasabi kong ang bilis ng buhay dito kesa sa probinsya.
Wala akong ibang routin, nagpupunta lang ako sa klase, kumain, at natutulog. Pero isang araw, sa gitna ng aking nakagawiang buhay, nakilala ko si Andoy. Si Andoy ay isang estudyante rin, pero hindi katulad ko, isa syang purong Pilipino na walang pribilehiyo katulad ng mga Honorary Spaniards.
Sa kabila nito, puno siya ng sipag. Araw-araw ko siyang nakikita—nagdedeliver ng tubig, gumagawa ng tubo, naghahatid-sundo ng mga bata. Para siyang hindi napapagod.
Minsan, siya pa ang naghahatid ng pagkain sa dorm ko, at kapag late na ako sa klase, siya ang kinukuha ko para maghatid sa akin gamit ang kanyang motor. Sa mga maikling usapan namin, napansin ko ang kanyang simpleng pagkatao, palagi syang nakangiti at bumabati sa lahat ng tao.
Para siyang araw na nagbibigay-liwanag kahit sa pinakamadilim na araw. Sa ikalawang taon ko sa Maynila, sumali ako sa isang community group sa aming lugar. Gusto ko lang magkaroon ng ibang gawain maliban sa pag-aaral, at nahikayat ako dahil tumutulong sila sa mga street children at mga bata sa ampunan.
Doon ko natuklasan na matagal nang miyembro si Andoy sa grupo, at siya pa ang nangunguna sa mga proyekto para sa mga mahihirap. Nakita ko kung gaano siya kapursigido—kahit pagod mula sa trabaho, kasama siya sa pagtulong, laging may ngiti sa labi, laging handang magbigay.
Dahil sa grupo, naging madalas ang pagkikita namin. Minsan, sinusundo niya ako sa eskwelahan kahit gabi na, at kahit pagod siya, laging may kwento siyang ibinabahagi.
"Flora, hindi mo na kailangang magbayad ng pamasahe," sabi niya minsan,
"Basta wag ka lang mawawala sa mga proyekto ng ampunan, libre na ang pagsundo ko sayo araw araw. "
Hindi ko alam kung paano, pero sa bawat pag-uusap namin, unti-unting nagkakaroon ng puwang ang kanyang kabaitan sa puso ko. Siguro dahil sa buong buhay ko wala naman ibang tao ang nagbigay saakin ng atensyon maliban sa mga kapatid ko sa kampo at kay heneral romeo.
Napansin ko rin na humahanga ako sa kanya—sa kanyang pagiging mapagmalasakit, sa kanyang kakayahang gawing magaan ang mundo kahit gaano kabigat ang dinadala niya.
Isang gabi, habang pauwi ako mula sa eskwelahan, naipit ako sa isang gulo. Naholdap ang sinasakyang ko na bus. Tatlong lalaki ang may hawak na mga patalim, at pinagbabantaan ang mga pasahero na takot na takot.
Kasamaang palad ay kabilang na ako sa natatakot sa mga oras na iyon. Hinanda ko ang sarili ko bilang sundalo, ilang taon akong nagsanay bilang sundalo kaya nakakahiya kay heneral kung wala akong gagawin para iligtas ang mga tao pero natitigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Maraming gumugulo sa isip ko nung makita ko ang mga hiyawan ng mga tao, nagpanik ako at hindi na makagalaw sa kinauupuan ko, Alam ko na dapat may gawin ako pero puno ako ng pag aalinlngan dahil kung lalaban ako, baka may masaktan sa mga inosenteng pasahero.
Kung gagamit ako ng kapangyarihan ay madadamay ang mga tao na katabi ko, masyadong masikip ang bus para makakilos ng maayos.
Paano ko lalabanan ang tatlong armadong lalaki na may mga hostage? Sa unang pagkakataon, nakaramdam ako ang tunay na takot—hindi para sa akin, kundi para sa mga tao sa paligid ko.
Pero biglang may humatak sa isa sa mga magnanakaw palabas ng pinto ng bus. Sa isang iglap, bumagsak ang lalaki at nawalan ng malay. Nagulat ang lahat kaya naman bumaba ang isa pang magnanakaw para tingnan ang nangyari, pero bago pa siya makakilos, sinalubong na sya ng sipa at suntok.
Dahil sa kaguluhan, nagkaroon ng pagkakataon ang ibang mga pasahero na tumakas. Pero ako, nanatili ako kasama ang ibang pasaherong nasa bandang likod dahil isang magnanakaw pa ang naiwan na may hawak ng isang patalim at nag aabang sa susunod na mangyayari.
Ilang saglit pa, isang binata ang umakyat sa bus, hinila ang isa pang magnanakaw at inihagis ito sa upuan. Laking gulat ko nang makita ko si Andoy. Ang kanyang mukha, na dati'y laging nakangiti, ay seryoso na tila handang makipagpatayan.
Ang kanyang mga mata puno ng determinasyon. Galit na galit naman ang natitirang magnanakaw at sinugod siya ng patalim, pero mabilis itong naiwasan ni Andoy na tila bihasa ito sa pakikipaglaban.
Isang pagkasunod tuhod sa sikmura at pilipit sa braso ang pinakawakan nya para mapaluhod ang magnanakaw at sa isang dagok lang ay agad na nakatulog ang lalaki sa sahig.
Nagulat ang mga pasahero, kasama na ako, hindi talaga ako makapaniwala. Isa lang syang sibilyan, kung iisipin ay isa lang syang estudyante pero nailigtas nya kami. Bilang sundalo at bilang sugo, dapat ako ang gumawa ng bagay na iyon pero sa mga sandaling iyon, para akong naparalisa, pinapanood lamang ang kabayanihan ng lalaking nasa harapan ko.
Agad siyang lumapit sa akin, hinawakan ang kamay ko, at tinanong kung ayos lang ako. "Flora, hindi ka ba nasaktan?" ang kanyang boses puno ng pag-aalala.
Ang totoo, hindi ako nasaktan, pero hindi ko sya kayang sagutin dahil sa pagkabigla. Hindi ko inakalang darating siya para iligtas ako. Hinila niya agad ako palabas ng bus at inayang sumakay sa kanyang motor para iuwi sa dorm. Pagdating sa dorm, humingi siya ng paumanhin.
"Pasensya na, Flora, hindi ako nakarating agad dahil doon hindi kita nasundo," sabi niya, ang kanyang mga mata puno ng pagsisi sa sarili.
Sinabi ko naman na hindi niya kasalanan ang mga nangyari ang totoo ay ako pa nga ang dapat sisihin dahil umalis agad ako sa pinag-usapan naming lugar dahil lang nainip ako sa pag hihintay.
Pero hindi naalis sa kanya ang pagsisisi at nangakong hindi na ito mauulit pa. nakita ko sa kanyang mga mata ang tunay na pag-aalala. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang importansya ng pagtulong niya sa akin.
Alam ko na mabait siya sa lahat, pero sa mga sandaling iyon, gusto kong maniwala na may espesyal na dahil kung bakit sya nag aalala para saakin. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip ko pero masaya talaga ako na may nangangalaga saakin.
Siguro dahil nasanay ako na inaalagaan ng mga kapatid ko sa kampo at hinahanap hanap ko ang pakiramdam ng pagiging espesyal at inaalagaan kagaya ng ginagawa saakin noon.
Mula noon, naging mas malapit kami ni Andoy. Madalas kaming nagkukuwentuhan, naglalakad, at magkasama sa mga proyekto ng community. Masasabi kong nagkaroon ako ng kaibigan na totoong nagmamalasakit saakin.
Bilang sugo, alam ko na ang pag-aaral sa Maynila ay parte ng aking tungkulin. Pero bilang babae, hindi ko maiwasang mag-isip: pwede ba akong mamuhay nang normal?
Marami akong nakikitang mga dalagang nag-aaral, nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan at nagmamahal. Tama bang hanapin ko din ang kaligayahan kagaya ng isang normal na babae sa kabila ng pagiging isang sugo ng diwata?
Sa tuwing kasama ko si Andoy, parang nawawala ang bigat ng aking mga responsibilidad. Ang kanyang mga ngiti, ang kanyang mga kwento, ang kanyang kabaitan—lahat iyon nagbibigay sa akin ng kakaibang init.
Dumating sa punto na gusto ko na lang maging normal na babae, isang babaeng hindi kailangang magdala ng armas o maglingkod sa mga kastila. Pero sa kaibuturan ng puso ko, naririnig ko ang tawag ng diwata.
Alam ko na hindi ko maaaring talikuran ang La Trinidad, kahit gaano ko kagustong maging malaya.
" Ano bang gagawin ko? " Naguguluhan ang isip ko at pumapasok sa isip ko kung nasa tamang landas pa ba ako at may patutunguhan pa ba ang mga ginagawa ko.
Sa sobrang kalituhan, nagpasya akong bumalik sa Batangas upang kausapin si Heneral Romeo. Hindi ko alam kung paano sasabihin ang problema ko.
Natatakot ako na pagtawanan niya ako, o mas malala, madismaya sa akin. Paano ko sasabihin na ayaw ko na maging sundalo dahil gusto ko lang maging normal na babae? Napakababaw ng dahilan ko, at alam ko iyon pero kailangan ko ng sagot, kailangan ko kung ano nga ba ang dapat gawin.
Pag punta ko sa kampo ay sumabay ako sa pagsasanay ng ibang sundali, Nagulat ang ibang naroon dahil naroon nanaman ako kahit na wala naman sinasabi si heneral romeo.
Isang beses isang buwan ay palagi akong tinatawagan ni heneral para kamustahin at kahit napaka busy nya ay hindi nya ako kinakalimutan na asikasuhin sa mga kailngan ko sa maynila.
Habang nagsasanay ako ay dumating si heneral romeo sa kampo, naabutan nya akong nagpapahinga mag isa sa gilid. Agad nya akong pinuntahan at habang nakatayo sa harap ko ay nagbuntong hininga na sya agad na para bang nadidismaya makita ako sa harap nya.
" Tumawag ang school limang araw ka na hindi pumapasok, hindi mo rin sinabi agad na pumunta ka pala dito sa kampo. "
" Kung hindi ko pa tinanong kung bakit bukas palagi ang training room ay hindi ko malalaman na narito ka. " Dagdag nya.
Napakamot na lang ako sa ulo ng marinig ko iyon at hindi ko magawang makasagot dito ng deretso.
"Hindi mo pwedeng basta ito ginagawa flora, may problema ka ba sa maynila?" tanong niya, ang kanyang boses puno ng pag-aalala. Nag-alok siya agad ng tulong, at ang kanyang kabaitan ay lalong nagpadagdag sa aking pagkakasala.
Hindi ko kayang sabihin ang totoo—na naguguluhan ako, na gusto ko ng normal na buhay, na natatakot akong hindi magampanan ang tungkulin ko bilang sugo.
Wala akong nasagot sa kanya kundi ang paghingi ng tawad, nagdahilan na lang ako na masyadong nakakastress ang pag aaral at kailngan kong mag relax.
Nakikita ko sa mukha ni heneral romeo ang pagduda pero imbis na pagalitan nya ako ay nagbuntong hininga lang sya.
Binilinan nya ako na hindi ako dapat gumagawa ng bagay na hindi ipinapaalam sa kanya lalo na tungkol sa kampo, kahit na kaya nya akong pagbigyan sa mga gusto ko ay nais nya masunod parin ang alituntunin sa loob at batas dahil mawawalan ng pag galang ang ibang sundalo sa alituntunin nya kung mismong mga kapatid nya ang lalabag dito.
Humingi naman agad ako ng tawad at dahil sa abala rin si heneral romeo ay agad syang umalis, nawalan ako ng pag kakataon na magsabi sa kanyang mga problema ko, ewan ko rin dahil hindi ko rin naman sigurado kung kaya ko bang sabihin ito.
Kinabukasan habang nagsasanay ay muling bumisita si heneral romeo at ang nakakabigla ay sinamahan nya akong mag practice sa kampo. Si heneral romeo ay isang istriktong tao pagdating sa pag sasanay at nagiging ibang tao sya kapag nasa training kami.
Anim kaming mga itinuturing na kapatid ni heneral romeo, lahat kami ay mga sugo ng diwata mula sa ibat ibang parte ng bansa na tinulungan nya. Mabait sya saaming lahat pero ipinaunawa nya rin na kapag nasa training kami at trabaho ay sya ang leader namin at gusto nya lahat ng iutos nya ay gagawin namin. Tama, ganun sya ka istrikto.
Ilang oras pa ang lumipas ay magkasama kami sa kampo habang nagpapahinga pagkatapos ng ensayo at nung mga sandaling iyon bigla niya akong nilapitan para bigyan ng maiinom.
Tinabihan nya ako sa upuan habang nagpupunas sya ng pawis gamit ang twalya. Ilang minutong tumahimik ang lugar dahil sa hindi namin pag kibo. Habang umiinom ako ng tubig ay nagulat ako sa kanyang sinabi
"Flora, wala ka bang ggawin sa lingo? "
" Bukas? Wala naman heneral. "Sagot ko.
" Magaling, mag-date tayo," sabi niya, ang kanyang boses may halong kaba.
Nagulat ako sa narinig ko na halos magpapula ng pisngi ko dahil sa hiya. Hindi ko inakalang sasabihin niya iyon saakin. Biglang tumibok ng napakabilis ang puso ko.
Ang totoo madalas naman akong sumama sa paglabas ni heneral romeo pero hindi nya kailan man sinabi na isa yung date. Ano bang nasa isip nya? Hindi ako handa para sa ganitong sitwasyon.
" D-d-da-da-date? Gusto nyong magdate tayo, as in tayo lang dalawa ang lalabas?"
" Oo, hindi ba para sa dalawang tao lang ang date? " Tanong nya.
Pero bago pa ako makasagot uli, ngumiti siya, isang ngiting may halong kumpiyansa.
"Bilang senior mo, kailangan mong sumunod sa akin kaya di ka pwedeng tumanggi," sabi niya, pero bakas sa kanyang mga mukha na siya rin, hindi sigurado sa sinabi niya. Hindi rin sya makatingin saakin ng deretso habang namumula ang pisngi.
Sa buong buhay ko, walang nangahas na mag-aya sa akin ng date kahit na marami sa mga sundalong kasama ko ay mga lalaki. Si heneral Romeo ay isang matalino at maaasahang heneral, mayaman at elegante
Kaya naguguluhan ako kung bakit sya makikipag date sa probinsyanang kagaya ko? Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya lalo mga anak ng mayayamang pamilya, mga dalagang mas karapat-dapat kaysa sa akin.
Namula ang mukha ko sa sobrang kaba, at hindi ko alam kung paano tatanggi o tatango.
Hindi nya hinintay ang sagot ko at umalis na lang habang sinasabi ang oras at lugar ng aming pagkikita.
Nang sumapit ang araw ng aming "date," pumunta ako sa pinag-usapan naming parke sa Batangas. Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad ako patungo sa kanya. Ewan ko pero mula nung sabihin nya na magdadate kami ay bumalik ang mga kabaliwang ideya sa utak ko tungkol sa aming relasyon.
Hindi ko man aminin ay matagal na akong may gusto kay heneral romeo, noong bata kami ay itinuturing ko syang kapatid dahil sya ang nangalaga saakin pero nung nagdalaga ako ay lalo kong napahalagahan ang pagiging maalaga nya.
Normal lang naman na magkagusto ako sa taong nag aalaga saakin at malinaw sa isip ko na hindi kami totoong magkapatid. Gayunpaman habang tumatagal ay napagtanto ko noon na ibang iba ang mundo na ginagalawan ni heneral romeo.
Nagmuka sya sa mayamang pamilya at lahat ng nakakasama nya ay matatalino at may pinag aralan. Simula noon hindi na ako nag ilusyon pa na magkaroon kami ng relasyon na higit pa sa isang kapatid lalo na parang wala naman interes saakin ito. Para sa kanya isa lang akong kapatid na inampon nya noon mula sa probinsya.
Habang naglalakad ay nakita ko siya na nakatayo sa gilid, suot ang kanyang simpleng damit pero elegante parin. Mukha siyang seryoso, masungit, at hindi ko makita ang excitement sa kanyang mukha.
Casual lang niya akong binati at inutusang sumunod sa kanya. Pagkatapos ay pumunta kami sa isang amusement park.
"Kailangan nating mag-enjoy," sabi niya, ang kanyang boses may bahid ng awtoridad.
"Sasakay tayo sa lahat ng rides. Hindi tayo uuwi hangga't hindi natin nasusubukan lahat."
Ginawa namin ang mga sinabi nya pero habang sumasakay kami, napansin ko ang kanyang katahimikan. Sumasakay siya, ngumingiti, pero agad nawawala ang ngiti niya.
Parang napipilitan lang siya, parang ginagawa niya lang ulit ito para sa akin. Nang magpahinga kami para magmeryenda, bigla niya akong tinanong,
"Flora, nag-eenjoy ka ba?" tanong ni heneral romeo.
Napaisip ako sa tanong nya. Ang totoo, masaya naman ako. Unang beses kong sumakay sa mga rides na iyon, at kahit na kakaiba ang pakiramdam, nag-enjoy ako.
Nang sabihin ko iyon, nakita ko ang isang tunay na ngiti sa kanyang labi—isang ngiting puno ng ginhawa. "Natakot ako na baka hindi ka nag-eenjoy," sabi niya.
"Nakakahiya naman bilang lalaki at senior mo.kung hindi ko man lang nagawang mapasaya ang isang babae sa isang date. "
Habang umiinom kami ng softdrinks, nagpatuloy siya sa pakiki pag usap. "Maraming nakasalalay sa bawat aksyon natin na ginagawa, Flora," sabi niya, ang kanyang boses seryoso.
"Bilang mga sugo, tungkulin natin pangalagaan ang teritoryo ng ating mga diwata. Pero naging komplikado ito dahil sa tensyon sa pagitan ng mga kastila at Pilipino. Alam ko na mahirap, pero hindi ibig sabihin na dahil may tungkulin ka, kailangan mong kalimutan ang sarili mo."
Ipinaalala niya na ang pagiging sugo ay hindi lang tungkol sa pakikipaglaban, kundi sa paghahanap ng kapayapaan sa lupain at kasama ako sa dapat maging maligaya at malaya sa lupain na pinangangalagaan ko.
"Walang may hawak sa kapalaran mo kundi ikaw," sabi niya. "Magiging masaya ka kung pipiliin mong maging masaya. Dederetsuhin na kita ang tungkulin mo ay para lang sa La Trinidad, pero hindi kasama roon ang mga taong naroon, ikaw ang pumili na tumulong sa kanila at kailangan mong panagutan ito at para magawa iyon, kailangan mong maging malakas."
Ang kanyang mga salita nya ay parang palaso na tumama sa puso ko.
"Ang kalungkutan, takot, pagdududa—lahat iyon nagpapahina sa atin at hindi natin matutulungan ang iba kung mahina tayo."
Habang nagsasalita siya, hindi ko napigilang humanga sa kanya. Ang kanyang seryosong mukha, ang kanyang mga mata na puno ng determinasyon—parang iyon mismo ang mga salitang hinahanap ko mula pa noon.
Pagkatapos, tinanong niya ako, "Flora, may inaalala ka bang ibang bagay na nagbibigay sayo ng problema?"
Natigilan ako sa tanong nya. Nagbalik ang katanungan ko sa sarili ko kung paano ko sasabihin na gusto ko lang maging normal na babae? Na gusto ko lang magmahal, mamuhay nang simple, at iwan ang buhay ng isang sundalo?
Namula ang mukha ko sa kahihiyan noong naalala ko si Andoy—ang kanyang ngiti, ang kanyang kabaitan. Hindi ko kayang sabihin ang totoo.
Alam ko na gusto akong tulungan ng heneral kaya naglakas-loob ako. "Heneral, may gusto ka ba sa akin?" tanong ko, ang aking boses nanginginig.
Bigla siyang naubo, naibuga ang iniinom niyang softdrink. "H-ha? Ano bang sinasabi mo, Flora?" sabi niya, ang kanyang mukha pulang-pula sa gulat.
Tumayo siya, halatang nataranta. "Bakit mo naman naisip 'yan? "
Namula rin ako habang napayuko, nahihiya ako para sa sarili ko. "Kasi… inaya mo akong mag-date. Normal lang na isipin ko na baka may gusto ka sa akin," sagot ko, halos hindi makatingin sa kanya.
Napatigil siya at sandaling nanahimik kaming dalawa habang nakaupo. Muli syang umiling, at sandali pa ay ngumiti na lang.
"Flora, inaya kita mag-date para makita kung nag-eenjoy ka pa sa mga simpleng bagay. Gusto ko lang makita na ngumingiti ka." Ang kanyang boses ay kalmado, pero bakas ang pag-aalala.
Napapout ako bigla habang nahihiya at nadismaya. "Hindi na ako bata para ipasyal sa mga rides para lang maging masaya," sabi ko, ang aking boses may halong tampo.
"Nadismaya ako, Heneral. Akala ko…inaya mo ako dahil interesado ka na sa akin, matagal mo ng nalaman ang nararamdaman ko para sayo pero wala ka m@n lang ginagawa. "
" Huh? Ah.. Eh..hindi ko maunawaan, ano bang gusto mong gawin ko? " Sambit nya habang nababalisa.
Lalo akong nakaramdam ng galit at nasungitan ito.
"Napakasama mo, hindi mo man lang inaalala ang mararamdaman ko. "
" Sandali, hindi ko intensyon na masaktan ka at Oo naman interesado ako sayo at ..at... gusto kita bilang si flora. " Sinabi nya habang napipilitan
Nagalit naman ako sa kanya dahil tila hindi sya sigurado sa mga sinasabi nya.
"Huh? Pinaglalaruan mo ang feelings ko bilang babae."
Napayuko sya at bumunitong hininga, ilang saglit pa ay inamin nya saakin na sinabihan sya ng kapatid namin na makipag date saakin para gumaan ang loob ko.
" Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil pinipilit ni ate Abby na idate kita, hindi ko rin alam kung paano kita matutulungan kaya naman ginawa ko na rin ang sinabi ni ate abby. Ang sabi nya.
Agad naman siyang humingi ng paumanhin. "Flora, hindi ko intensyon na pahiyain ka. Pasensya na kung nabigyan kita ng maling ideya dahil sa ginawa ko." Bumuntong-hininga siya, umupo muli,
Nabanggit nya na hindi nya maunawaan kung bakit gusto ni ate abby na ligawan ako ni romeo para lang masiguro na mayroon akong makukuhang masaya at maayos na buhay sa hinaharap. Deretsahan sinabi saakin ni heneral romeo na kaya nyang ibigay ang ano mang bagay saakin at sa mga kapatid nya maging pera man o atensyon dahil wala ng mas importante sa kanya sa mundo kundi ang kanyang itinuturing na pamilya.
Pinatong nya ang braso nya sa mesa at tinitigan ako. "Flora, mabait ka, malambing, maganda. Sa tingin ko, perpekto kang babae para sa isang lalaki."
Namula ang pinsgi ko dahil sa mga narinig ko at hindi makapagsalita dahil sa pagpuri nya pero natigil ang nararamdaman kong kilig nang magpatuloy siya na magsalita.
"Pero ang katulad mong perperktong babae ay hindi nababagay sa katulad kong makasalanan. Magkaiba ang misyon natin bilang pilipino. May mga kasalanan akong nagawa sa maraming Pilipino na hindi ko na mababawi."
Ngumiti siya, isang ngiting may halong lungkot. "Mabuhay ka ng maligaya flora, maghanap ka ng lalaking kaya kang bigyan ng masayang buhay. Isang normal na buhay, malaya sa kalungkutan at panganib."
Napayuko ako, at nagtanong sa kanya, "Posible ba sa mga katulad natin ang magkaroon ng normal na buhay?"
Huminga siya nang malalim bago sumagot sa tanong ko. "Hindi ko alam, Flora. Pero hindi masama kung susubukan natin. Tao rin tayo, normal lang na maghanap tayo ng kaligayahan."
Bilang isang Sugo ng diwata ay alam ko naman na hindi ako isang normal na tao at kung tutuusin si heneral romeo lang ang kaisa isang taong kaya kong asahan dahil alam ko na hindi nya ako pababayaan. Siguro nga maraming lalaking kaya akong mahalin at alagaan kagaya ng pag aalaga nya pero sa ngayon gusto ko syang makasama pa kahit na parang kapatid lang ang turing nya saakin.
Tumingala si romeo bakas sa mukha nya ang malalim na iniisip at ikang sandali pa ay muli syang nagsalita.
"Mula pa noong makilala kita, napansin ko na sumusunod ka lagi sa mga utos ko," sabi niya.
"Hindi ko kailanman nakita na tumanggi ka sa mga nais ko hindi kagaya ng iba nating mga kapatid na kailangan ko pang pilitin, hindi ka mn lang nakipagtalo saakin lalo na noong utusan kitang mag-aral sa Maynila na alam ko na mahirap para sayo. "
Napangiti naman ako at inamin na alam ko nung una pa lang na mahirap na mag aral sa maynila ng mag isa pero inamin ko na buo ang tiwala ko na para sa ikabubuti ko rin ang bawat iniuutos nya saakin.
" Pero Flora, kailangan mong magkaroon ng sariling paraan para malaman kung ano ang tama para sa'yo." Ngumiti siya, at ang kanyang mga salita ay puno ng sinseridad.
"Handa akong maging kapatid, kaibigan, kakampi—kahit kailan, Flora. Kung kailangan mo ng tulong, nandito ako."
Napangiti na lang ako at nagbiro, "Sana kasama rin sa nabangit mo na pwedeng mong gawin para saakin ay ang pagiging nobyo ko, kung sakaling wala akong makitang lalaki na magbibigay sa akin ng masayang buhay pwede bang ikaw na lang? " pagbibiro ko.
"Masyado ng komplikado ang buhay ko, flora kaya wag mo ng dagdagan pa. "
" Sayang naman, siguro naman noon palang alam mo ng totoo ang mga sinasabi noon ni ate abby na may gusto ako sayo, wala ba talaga akong pag asa sa isang mayaman at gwapong kagaya mo? " Pagbibiro ko.
" Flora, kahit ano pang mangyari sa hinaharap kayo ng mga kapatid natin ang pinaka importante saakin at ikaw parin naman ang nag iisa kong princesa. " Nakangiti nyang sambit.
Bigla akong napapout at nagtampo habang sinasabihan sya. " Narinig ko na yan sayo mula pa pagkabata ko, hindi mo naman sinasagot ang tanong ko. "
Natawa sya habang kumakamot ng ulo. "Hindi ako sanay sa ganitong usapan, Hindi ko alam kong ano ang dapat sabihin sayo lalo na madali kang magtampo."
"May mga problema rin ako pagdating sa pakikipag relasyon. Bilang heneral ng Batangas, maraming pamilya ang gustong-gusto akong ipakasal sa mga babaeng hindi ko naman kilala. Kung ako ang masusunod, gusto ko rin sanang makaranas ng tunay na pag-ibig, tulad ng normal na tao pero hindi pa ito ang tamang oras para isipin yun."
Nagtanong ako sa kanya, "Sa tingin mo, okay lang ba sa mga katulad natin na magmahal nang normal?"
Napaisip siya habang tinitigan ang langit. "Siguro naman. Mahalaga ang nararamdaman natin—ito ang nagbibigay sa atin ng lakas." Bigla siyang tumingin sa akin.
"Flora, may nagugustuhan ka na bang ibang tao? Ah.. Syempre maliban saakin. "
Namula ako at napahawak sa pisngi ko habang naalala si Andoy. "H-ha? Nagugustuhang iba? Wala !" tanggi ko, pero ang puso ko, tumitibok nang mabilis.
Ngumiti si heneral Romeo. "Kung may nagugustuhan ka, walang masama roon. Kung ang pagmamahal ang magbibigay sa'yo ng dahilan para magpatuloy, gawin mo. Gamitin mo ang pagmamahal bilang sandata para gustuhin mong maging maunlad at matagumpay na tao."
Napangiti ako sa nasabi nya saakin. "Gagawin ko po, magiging malakas ako dahil inutos ng minamahal kong heneral "
Natawa siya habang hinahawakan ang ulo ko para guluhin ang buhok ko. "Pasaway ka talaga, umuwi ka na sa maynila at pumasok, wag mong sayangin ang oportunidad na binibigay sayo dahil hindi lahat ay nagkakaroon nito."
Tumayo sya at inabot ang kamay ko, nakangiti sya habang muli akong inaaya na mamasyal. Hindi ko alam kong ano ang mararamdaman ko, hindi ko eksaktong nalaman ang kasagutan pero nung malaman ko na ayos lang kay heneral romeo na mabuhay ako ng normal ay gumaan ang loob ko. Pakiramdam ko nakalaya na ako sa mabigat na problemang dinadala ko.
Dalawang araw pagkatapos ng date namin ni heneral Romeo, bumalik ako sa Maynila. Pagdating ko sa dorm, hindi ko inasahang makikita ko si Andoy, nakaupo sa harap ng unit ko at nakasandal sa pinto, nagga-gantsilyo ng mga damit para sa mga bata sa ampunan.
Parte iyon ng proyekto ng community, at habang tinititigan ko siya, naramdaman ko ang paghanga—ang kanyang kabaitan, ang kanyang dedikasyon.
Sa mga sandaling iyon, napagtanto ko na siya ang unang lalaking nagparamdam sa akin ng pagmamahal maliban sa mga kapatid ko. Alam ko naman na gusto ni heneral romeo na makahanap ako ng lalaking magbibigay saakin ng masayang buhay at baka si andoy na ang taong iyon pero nag aalinlangan parin ako na buksan ang puso ko para sa iba lalo na isa akong sugo na nakatali sa isang tungkulin.
Nang makita niya ako, nagulat siya at agad na tumayo. "Flora!" sabi niya, hinawakan ang braso ko.
"Mabuti't nakauwi ka na!"
Bago pa ako makasagot ay bigla nya akong niyakap, sobra akong nagulat aa ginawa nya, nararamdaman ko ang higpit at init ng kanyang haplos.
"Pasensya na," sabi niya, agad na binitawan ako.
"Masyado lang akong natuwa."
Namula ang pisngi ko at hindi makatingin sa kanya, sobrang lakas ng kabog sa dibdib ko.
"H-hindi mo naman kailangang gawin 'yon," sabi ko, pero ang puso ko, parang sasabog sa kaba at kilig.
Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang kakaibang saya ng mayakap ng lalaking nagugustuhan mo.
Nagkatitigan kami, parehong nahihiya sa isat isa, parehong hindi makapagsalita.
Naging awkward ang mga sandaling iyon at ikang sandali pa ay sinabi ko, "Pwede na ba akong pumasok?"
Dahil sa sinabi ko ay napansin nyang nakaharang sya sa pinto kaya agad syang umalis dito. Kinuha ko ang susi ko, pero bago ako makapasok, nagsalita siya bigla.
"Flora, buti naman at nakabalik ka. Matutuwa ang mga bata sa ampunan na makita ka ulit." bakas sa mukha nya ang saya.
Ngumiti ako at nagbiro. "Ang mga bata lang ba sa ampunan ang natutuwa? Akala ko naman na miss mo rin ako."
Inaasahan ko na sasabihin niya na miss niya ako, pero hindi ako handa sa sumunod. Hinila niya ako bigla palabas ng pinto at niyakap ulit.
"Flora, sobra akong nag-alala noong hindi kita nakita. Natakot ako na baka may nangyari sa'yo."
Ang kanyang boses, puno ng sinseridad. "Kung aalis ka ulit, magpaalam ka naman, ha? Nakakabaliw mag-isip kung nasaan ka."
Natigilan ako at hindi makapaniwala sa ginawa nya, itinulak ko siya nang bahagya at sobrang namumula sa hiya.
"Hindi ko naman kailangang magpaalam! At hindi ko sinabing mag-alala ka!" pagsusungit ko.
Pero sa loob ko, natuwa akong malaman na nag aalala sya saakin. Humingi siya ng paumanhin sa ginawa nya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Flora, may nobyo ka na ba?" tanong niya.
Nagulat ako at halos umusok sa nararamdamang kilig.
"B-bakit mo tinatanong 'yan?"
Ngumiti siya habang namumula ang pisngi.
"Mula noong nagkasama tayo, nagbago ang lahat. Parang mas masigla ang mundo ko, excited ako sa bawat araw. Tuwing kasama kita, parang tumitibok nang malakas ang puso ko. Kung hindi ito pag-ibig, ay hindi ko na alam kung ano ito?" Tinitigan niya ako.
"Kung wala ka pang nobyo, gusto kitang ligawan."
Natahimik ang paligid. Hindi ko alam ang sasabihin sa mga sandaling iyon. Ang puso ko, parang tumatalon sa sobrang kaba.
"B-bakit mo 'yan sinasabi saakin?!" sabi ko, napatakip sa mukha ko para pakalmahin ang sarili. Ngumiti siya, hindi makatingin nang diretso.
"Gusto kita, Flora. Pero kung may iba ka nang mahal, ay titigil ako. Gusto ko lang malaman kung may pag asa ako sayo."
Hindi ko inaasahan ang mga salitang iyon mula sa kanya. hindi ko kayang mag isip pa dahil masyado na akong kinikilig.
Gusto kong humiyaw, napakainit ng pisngi ko at may kung anong gumagalaw sa sikmura ko, paki ramdam ko sasabog ako.
Sa sobrang hiya ko ay tumakbo ako sa loob ng unit ko at sinara ang pinto. Pero habang nakasandal ako sa pinto, napagtanto ko sa sarili ko na gusto ko rin naman siya at ito na ang pinaka aantay kong pag kakataon para maging totoong normal na babae.
Mabuti namn syang tao at nakikita kong seryoso siya at dapat ko ring seryosohin din ito. Pero talagang nakakabigla ito at hindi ako handa sa ganitong sitwasyon. hindi ko inasahan na magtatapat siya ng pag-ibig sa pag uwi ko.
Bigla ko na lang naalala na wala akong naisagot sa kanya bago pumasok sa loob ng unit ko. Natakot ako na baka mag-isip siya ng masama sa ipinakita kong reaksyon. Binuksan ko ulit ang pinto, pero wala na siya sa harap ng unit ko.
Dahil doon nagmadali akong tumakbo sa koridor at tinitigan ang baba, at doon nakita ko siyang naglalakad palayo, nakayuko, halatang malungkot.
Hindi na ako ng dalawang isip na tawagin sya mula sa itaas. "ANDOY!" sigaw ko.
Agad siyang lumingon. Habang nasa koridor, lakas-loob kong sinabi, "Wala akong nobyo! O-ok-okay lang sa sa-saakin kung li-li-li-ligawan mo ako!"
Nanginginig ang boses ko, pero kailangan kong sabihin iyon.
Hindi ito kumibo sa sinabi ko at nakatingin kang saakin, dito ko napansin na may mga tao rin pala sa kalye at narinig ang mga sigaw ko.
Nakakahiya, sa sobrang hiya ay gusto ko na lang mawala.
Napatakip ako sa mukha ko dahil sa sobrang hiya. Pero nang dumilat ako at sinilip ito ay nakita ko ang kanyang ngiti—isang ngiting puno ng saya.
"Ang cute mo ngayon araw, Flora," sabi niya.
Parang may kung anong kuryenteng gumapang sa buong katawan ko, sa sobrang kilig ko ay tumakbo ako pabalik sa unit ko at isinara ang pinto,
Naiinis ako dahil sa pagiging mahiyain ko pero alam ko na ang puso ko ngayon ay puno ng saya. Isang kasiyahan na madalas ko lang pangarapin na maramdaman,
si andoy ang taong naparamdam saakin ng ganitong kasayang pakiramdam at gusto ko itong manatili saakin habang buhay.
Ang araw na iyon ang naging simula ng isang dahilan—dahilan para gustuhin kong magtagumpay, umunlad, at abutin ang pangarap ng masayang buhay. -
Pero walong taon ang lumipas ay unti unting nagbago ang lahat. Ang dating malambing at mapagmalasakit na Andoy, ang lalaking nagbigay sa akin ng unang pag-ibig, ay sumapi sa mga rebelde.
Siya ngayon ang lumalaban sa gobyerno ng mga kastila, ang gobyernong pinaglilingkuran ko bilang sundalo. Ang mga alaala ng aming pagmamahalan ay sariwa pa rin saakin, pero ang mundo namin, nahati na ng digmaan.
Paano ko haharapin at pagbubuhusan ng pag mamahal ang lalaking iniibig ko, kahit na magkaiba ang landas na tinatahak namin dalawa?
End of chapter.
