LightReader

Chapter 95 - chapter 48 (TAGALOG)

Kabanata 48 Ang Prinsesa sa Isang Gabi 

 Ilang buwan na ang lumipas mula nang araw na nagtapat si Andoy ng kanyang pag-ibig sa akin. Ang totoo, hindi naman nagbago ang aming samahan kahit na minsan na lang kaming nagkikita dahil sa bago nyang trabaho ay hindi nya ako nakakalimutang kamustahin. Bigyan ng sulat at regalo.

Hindi rin kailanman naging problema ang aking pag-aaral, salamat kay Heneral Romeo na patuloy na sumusuporta sa aking mga pangangailangan. Hindi lang niya binabayaran ang aking matrikula, kundi pati na rin ang buwanang allowance na ipinapadala niya sa akin.

 Nakakahiya man ako sa sobra sobrang pera na ibinibigay nya saakin, wala akong magawa kundi tanggapin ang kanyang kabutihan. Isang araw, inimbitahan ako ni Andoy na pumunta sa kanilang bahay pagkatapos ng klase.

 Kilala ko na ang kanyang pamilya—mga simpleng tao, nangungupahan lamang sa isang maliit na apartment sa isang abalang bahagi ng Maynila. Ngunit kahit ganoon, disente at mainit ang pagtanggap nila sa akin, kaya naman komportable akong makisalamuha sa kanila. Kaya't nang yayain niya ako pumunta muli sa bahay nila, hindi ako nagdalawang-isip na sumama sa kanya. 

 Pagdating ko sa kanilang bahay, napansin ko agad ang katahimikan. Walang ibang tao sa paligid—noong mga nakaraang pagbisita ko, lagi kong nakikita ang kanyang mga magulang o kapatid. 

"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko, habang inililibot ko ang tingin sa sala.

 "Nasa tita ko sila. Baka bukas pa sila makabalik," sagot ni Andoy habang naghahanda ng pagkain sa kusina. Ang kanyang boses ay kalmado, parang wala lang, pero bigla akong kinabahan.

Napagtanto ko na kami lang dalawa ang nasa bahay—sa kalagitnaan ng gabi.

" Kung ganun,dalawa lang kami sa bahay? " Bulong ko habang nagpapanik. 

 Hindi ko pa rin opisyal na sinasagot ang panliligaw ni Andoy, kahit alam ko sa sarili ko na may gusto ako sa kanya. 

Pero sa mga sandaling iyon, isang kakaibang takot ang sumibol sa dibdib ko. Ano kaya ang gagawin ko kung bigla nya akong atakehin? Nataranta ako at namula ang mga pisngi nang naglaro sa isip ko ang malalaswang pwedeng mangyari saamin ngayong gabi lalo na at dalawa lang kami sa bahay na iyon.

Ano kaya ang iisipin ng heneral kung nalaman nyang sumama ako sa bahay ng isang lalaki ng mag-isa, sa ganoong oras? Bilang isang dalagang Pilipina, alam ko na hindi ito ang tamang gawain ng isang matinong babae.

Pinag aral ako ng heneral para maging disenteng tao pero nagawa kong sumama sa lalaking hindi ko pa naman nobyo? Napasampal ko ang sarili ko dahil sa mga naiisip kong mga malalaswa.

 "Flora, ano ba 'yan? Huwag kang mag-isip ng ganoon!" bulong ko sa sarili, pero hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko.

 Napahawak ako sa ulo ko at ibinaba ang mukha sa mesa, nadidismaya sa sarili ko. Bakit ba hindi ko naisip na mali na sumama ako rito ng ganitong oras? Habang nagpapanik ako, biglang pumasok si Andoy mula sa kusina, dala ang isang baso ng tubig. 

"Flora, anong ginagawa mo? Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" tanong niya, at bago pa ako makasagot, lumapit siya at hinawakan ang braso ko.

 Namula ang pisngi ko sa hiya at agad na inilayo ang braso ko sa kanya. "W-Wala! Ayos lang ako!" sabi ko, halos ma-utal sa sobrang kaba.

 Halata sa kilos ko na tensyunado ako at hindi komportable ilang sandami pa ay umupo siya sa tabi ko, at sa isang kalmadong boses, sinabi nya saakin. 

"Mukhang magtatagal pa tayo rito. Hubarin mo muna 'yan." 

 Parang tumigil ang mundo ko. "Hu-Hubarin? Ano? Bakit ko huhubarin ang suot ko?!" sigaw ko, habang lumalayo sa kanya at tinatakpan ang katawan ko.

 "Hindi pa pwede, Andoy! Estudyante pa lang ako, ayoko!"

 Nagulat si Andoy sa reaksyon ko. Napatigil siya sandali, at kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong niya, halatang naguguluhan. Ilang segundo ang lumipas bago niya naproseso ang sinabi ko.

 Namula ang mukha niya, at mabilis na umiling. "Teka, Flora, inaakala mo bang ang damit mo ang pinapahubad ko?" sabi niya, halos natawa sa kaba. 

"Ang medyas mo lang ang sinasabi ko na tangalin mo."

 Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napatalikod ako sa kanya at hindi alam kung paano haharapin ang kahihiyang nararamdaman ko. 

"S-Sorry…" bulong ko, habang hinintay ko na lamang na lamunin ako ng lupa. Ilang segundo kaming natahimik.

 Pareho kaming hindi sanay sa ganitong sitwasyon. Napansin ko na pinagpapawisan na ako dahil sa tensyon, at napansin din ito ni Andoy. Kaya kumuha siya ng pamaypay mula sa mesa at dahan-dahang pinaypayan ako. 

"Sa tingin ko, hindi ka komportable rito sa bahay. " sabi niya, may bahid ng pag-aalala sa boses. 

 Napayuko ako at hindi makatingin ng deretso. "Hindi ko kasi alam na tayo lang dalawa rito. Normal lang na kabahan ako, di ba? Lalo na't gabi na." 

Naunawaan naman nya ang mga sinasabi ko at agad na humingi siya ng paumanhin, at nilinaw na wala siyang masamang intensyon.

 "Alam mo nasa kabilang dingding lang ang kapitbahay natin. Kung sakaling may gawin akong hindi maganda, sumigaw ka lang, at sigurado akong maririnig ka nila," sabi niya, na may bahagyang ngiti. 

 Agad akong nagpaliwanag. "Hindi naman sa pinaghihinalaan kita! Alam ko namang mabuti kang tao, Andoy. Pero… hindi lang talaga ako sanay na dalawa lang tayo rito, lalo na't gabi na." 

 Ngumiti siya at tumango. "Naiintindihan ko. Pasensya na, hindi ko naisip na ganito ang mararamdaman mo. Pero ngayon lang kasi pwede nating gawin ito na tayo lang dalawa ang narito at hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataong ito." 

 Napatitig ako sa kanya. "ba-bakit kalaingan dalawa lang tayo? Ano'ng gusto mong gawin?" tanong ko, muling kinabahan.

 Umiling siya habang natatawa. "Hindi 'yun ang ibig kong sabihin! Flora, iba ito sa kakaibang iniisip mo. …" sabi niya habang pinapakalma ako. 

 "Wala naman akong iniisip na kakaiba! Baka ikaw ang may iniisip na kakaiba!" sigaw ko, halos mapikon na.

 "Kung wala kang iniisip na kakaiba, bakit ka sumisigaw? Wala pa nga akong ginagawa sa'yo!" sagot niya, natatawa pa rin. 

 "Wala pa? So ibig sabihin, may balak ka talagang gawin saakin?" sabi ko, habang lumalayo ulit sa kanya.

 "Sabi ko nga, sisigaw ka lang kapag may ginawa akong masama! Maririnig ka ng mga kapitbahay natin!" paliwanag niya, halatang napipikon na rin. 

 "Bakit ko naman hihintayin pang may gawin ka pang masama bago ako sumigaw?" sigaw ko ulit, habang dinudurog ko ang unan sa sopa.

 "dahil bawal sumigaw dito, magagalit ang mga kapitbahay!" sabi niya, halos sumuko na sa pagtatalo.

 "bakit parang pinagbabawalan mo pa akong sumigaw ngayon? Paano kung gawan mo nga ako ng masama?" sigaw ko ulit, hindi na mapigilan ang emosyon. 

 "Kanina ka pa sumisigaw! Kapag hindi ka tumigil, gagawan na talaga kita ng masama!" sabi niya, pero agad ding napahinto at napatakip ng mukha, halatang nahihiya rin sa sinabi niya. 

 Natahimik kaming pareho dahil sa kahihiyan.Napahawak ako sa dibdib ko habang pinapakalma ang sarili. Ilang segundo pa, tumunog ang cellphone niya, at parang nagpabalik saamin sa realidad. 

Agad siyang nagpaalam na pupunta sa kusina. Pagbalik niya, dala-dala niya ang isang lechong manok na ininit sa oven, isang maliit na cake, at isang bote ng Coke. Inihain niya ito sa maliit na mesa sa sala.

 Nagulat ako sa sopresa nya. "Ano'ng okasyon? Bakit ka naghanda ng ganito?" tanong ko, habang tinititigan ang pagkaing nasa harap ko. 

 Ngumiti siya na may bahid ng hiya. "Nalaman ko sa isang staff ng ampunan na kaarawan mo ngayon. Kaya naghanda ako ng konting salu-salo." 

 Namula ang pisngi ko. Hindi ko inaasahan na aalalahanin niya ang kaarawan ko, lalo na't ako mismo ang halos nakalimutan ito dahil sa abalang iskedyul sa unibersidad.

 "Andoy…" bulong ko, habang pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo. 

 "Inamin ko, masyado akong busy buong araw, kaya hindi ko na nahanda nang maayos. Pero gusto ko sanang maging espesyal ang araw mo," sabi niya, habang inilalapit ang cake sa akin. 

May isang kandila roon, at sa simpleng ilaw nito, parang nadagdagan ng init ang puso ko. Hindi ko napigilan ang mga nararamdaman kong kasiyahan. 

"Andoy, sobrang salamat… Hindi ko inaasahan 'to," sabi ko, habang kinuha niya ang isang panyo mula sa bulsa niya at inabot sa akin.

 "Happy birthday, Flora," sabi niya, na may ngiting puno ng sinseridad. 

 Sa gabing iyon, mas lumalim ang aming ugnayan. Habang kumakain kami ng lechon manok at cake, napagtanto ko na handa nyang patunayan ang nararamdaman nya para sa akin hindi lang sa salita kundi sa pagtyatyaga at mga maliliit na bagay na labis kong ikinatutuwa. 

 Sa kauna-unahang pagkakataon, naitanong ko sa sarili ko kung bakit ko pa ito pinatatagal ba, Naglalaro sa isip ko na kung dapat ko na ba siyang sagutin at dapat ko na bang tanggapin ang pagmamahal niya para saakin? -

 Kinabukasan, sa aking dorm maaga akong ginising ng paulit-ulit na tunog ng doorbell sa aking unit. Halos wala pa akong tulog dahil sa mga pangyayari kagabi, kaya't mabigat ang katawan ko nang bumangon. 

Nakasando lang ako at pajama, pero wala na akong pakialam sa itsura ko dahil inaantok pa ako. 

"Sino ba 'yan?" sambit ko, habang binubuksan ang pinto.

 Pagbukas ko, halos mapa lakad ako paatras dahil sa gulat. 

"Heneral Romeo?!" sabi ko, habang kinukusot ang mga mata ko, iniisip na baka namamalik-mata lang ako.

 "Mabuti naman at binuksan mo na," sabi niya, at walang pasabi na pumasok sa loob ng unit ko, diretso sa sala ng unit ko. 

Nakasuot siya ng simpleng tshirt at maong, pero kahit ganoon, halatang-halata ang awtoridad sa kanyang tindig. "Bakit ka nandito?" tanong ko, habang sinusundan siya.

 "Hindi ba dapat nasa lalawigan kayo ng batangas?"

 Ngumiti siya, pero may bahid ng panunukso sa mga mata. "Masama bang bisitahin ang bunso kong kapatid ? Ako pa rin ang tumatayong guardian mo, kung nakakalimutan mo."

 Napailing ako. "Heneral romeo, mas matanda ako sa'yo, kaya tigilan mo 'yang pag tawag saakin ng bunso!" sabi ko, halos mapikon na. 

 Bigla siyang tumingin sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa, at maya-maya'y nagsalita sya. "Mukhang ayos naman ang kalusugan mo."

 Napansin ko ang kanyang titig, at biglang napagtanto na naka-sando lang pala ako. Agad akong nagtakip ng katawan gamit ang mga braso ko.

 "Heneral, wag kayong tumitig sa akin ng ganyan!" sabi ko, namumula sa hiya. 

 Natawa siya sa reaksyon ko, pero agad ding nagpaliwanag. "Huwag kang mag-alala, Flora. Hindi naman ako interesado sa katawan mo." biro nya. 

 "Hindi mo dapat sinasabi 'yan sa isang babae!" sigaw ko, halos mapatalon sa inis. "At pasensya na kung hindi ganung ka interesante ang katawan ko!" nagpout ako at nagmamaldita 

 Napakamot naman siya ng ulo, halatang nahihirapan na rin isipin kung ano ang sasabihin. "pasensya na sa nasabi ko, mali. Interesado ako sa katawan mo, at sa tingin ko maganda ito," sabi niya, pero agad ding napailing.

Namula ang pisngi ko at tumalikod sa kanya. "Hindi rin tama na sabihin mo yan sa isang babae! " Sigaw ko

Napailing sya, bakas ang ang pagkadismaya. " Ang hirap talaga intindihin ng mga babae."

 Tumakbo ako sa likod ng sofa, itinago ang sarili ko. "Heneral romeo hindi ka dapat basta-basta pumapasok sa bahay ng isang babae! Kakagising ko lang, hindi pa ako nakakapag-ayos!"

 Hindi niya pinansin ang reklamo ko. "Sanay na ako makita kang hindi nakaayos, Flora. Nakalimutan mo na ba? Magkasama tayo sa kampo noon at natutulog sa iisang bahay. Nakita ko na noon na naglalaway ka habang natutulog, at nakita ko na rin noon na nakasuot ka ng underwear na pambata. "

Napabuntong hininga sya habang sinasabi na wala akong dapat ikahiya sa kanya. 

" Sa tingin ko nakita ko na ang mga nakakahiyang bagay na pwede kong makita sayo."

"Heneral!" sigaw ko, halos sumabog ang mukha ko sa hiya. 

"Huwag mong banggitin 'yang mga nakakahiyang bagay na yan! At teka, sabi mo noon wala kang nakita sa banyo dahil sa fog!"

 Hindi niya sinagot ang tanong ko at biglang nagtanong ng ibang bagay. "May kape ba rito?"

 "Heneral, sagutin mo muna ang tanong ko! Nakita mo ba ako noon o hindi?!" sigaw ko ulit, pero umiwas lang siya ng tingin at nagpanggap na abala sa kusina. 

 "Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, Flora. Kahit anong sabihin ko, magagalit ka pa rin,tama? " sabi niya, at biglang lumapit sa akin, halos magdikit ang aming mga mukha. 

"At isa pa para saakin si Flora ay si Flora. Kahit anong itsura mo, hindi magbabago ang pagtingin ko sa bunso ko." 

 Napailing ako, hindi alam kung paano sasagutin ang sinabi niya. Alam ko na matagal na niya akong itinuring na parang kapatid, pero bakit ba laging kailangan niyang tawagin akong bunso kahit mas matanda ako sa kanya? Habang nag-uusap kami, bigla siyang naging seryoso habang pinagmamasdan ang paligid.

 "Nadidismaya ako sa'yo, Flora," sabi niya, at parang tumigil ang mundo ko sa sinabi nya.

 "B-ba-bakit naman, Heneral?" tanong ko, halos manginig ang boses ko. 

Ang pagkadismaya ng Heneral ang isa sa pinakakinatatakutan kong marinig sa buong buhay ko.

 "Sinabi mo noon saakin na maayos ka na rito sa Maynila at nagtiwala ako sayo pero tingnan mo 'tong tirahan mo—maliit, at kalahating oras ang layo sa eskwelahan mo!" sabi niya, may bahid ng inis sa boses.

 "Mas mura kasi rito, Heneral. At saka, sapat na 'to para sa akin," paliwanag ko, pero halata sa mukha nya na hindi siya kumbinsido.

 "Dalawang taon ka nang nagtitiis sa ganitong klaseng lugar? Akala mo ba hindi ko kayang bayaran ang upa mo sa mas magandang bahay?" sabi niya, halos mapikon na.

 "hindi sa ganun Heneral, nakakahiya na nga na ikaw pa ang gumagastos para sa akin. Pakiramdam ko, sobrang laki na ng utang ko sa'yo," sagot ko, pero umiling lang siya para ipakita ang di pag sang ayon. 

 "Bale-wala sa akin ang pera, Flora. Ang gusto ko, maging maayos ka habang nasa pangangalaga kita," sabi niya, at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. 

 Hindi ko masabi sa kanya na masaya na ako sa dorm ko, lalo na dahil sa komunidad na sinalihan ko sa lugar na ito. Hindi ko kayang ipaliwanag sa kanya dahil alam ko pagagalitan nya ako, kaya bigla na lang akong nagtanong para baguhin ang usapan .

 "Heneral, bakit ka nga ba nandito sa Maynila? At paano mo nalaman kung nasaan ako?" 

 Bigla siyang ngumisi, pero may bahid ng panunukso. "May mga inutusan ako na bantayan ka at alamin ang mga ginagawa mo sa buong araw. Kailangan kong malaman kung may mga kalokohan na ginagawa ang pasaway kong bunso."

 Napatigil ako, at biglang kinabahan. Alam kaya niya ang tungkol kay Andoy? Alam kaya niya na pinayagan ko ang panliligaw ni Andoy saakin kahit na ang layunin ko rito sa Maynila ay mag-aral at maging matagumpay na tao?

 Napalunok ako, at pilit na ngumiti. "S-Syempre, Heneral! Ayos lang ang lahat!" sabi ko, habang pinipilit na huwag ma-utal.

 Tinitigan niya ako, at pakiramdam ko'y binabasa niya ang bawat galaw ko. "Huwag kang mag-alala, Flora. Alam ko namang hindi ka gagawa ng kalokohan dito," sabi niya, pero may bahid ng duda sa boses niya. 

 Para iwasan ang titig niya, nagtanong ako ulit. "Seryoso, Heneral. Bakit ka nga ba nandito?" 

 Tumahimik siya saglit, at pagkatapos, naging seryoso ang mukha niya. "May bagong misyon na ibinigay sa akin. At kailangan kitang isama." 

 "Isasama mo ako?" tanong ko at hindi makapaniwala.

 "Oo. Classified information ito, kaya maghanda ka na. Isang oras lang ang ibibigay ko sa'yo," sabi niya, at sa seryosong ekspresyon ng mukha niya, alam ko na hindi ito biro. 

 Agad akong sumaludo at tumakbo sa kwarto ko para mag-ayos. Ilang minuto pa pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay lumabas na kami ng unit ko, nakasakay na kami sa isang itim na van—isang mamahaling sasakyan na hindi ko inaasahang gagamitin ng Heneral.

" Ano po ba ang gagawin natin dito heneral? "

 "Romeo na lang ang itawag mo sa akin," sabi niya,

" Pero henera..." at bago pa ako makatapos ng pagsasalita ay itinakip niya ang daliri nya sa labi ko.

"Top secret ang pagkakakilanlan natin. Para sa kaligtasan natin at ng mga tao sa paligid natin, kailangan nating itago kung sino tayo. Sa ngayon, ako si Romeo, isang ordinaryong mamamayan, at ikaw si Flora, ang nakakabata kong kapatid. Maliwanag?"

"Nauunawaan ko, Heneral—este, Romeo," sagot ko, pero hindi ko mapigilang mapailing. Nakakapanibago na tawagin siya sa pangalan, lalo na't sanay akong tawagin siyang Heneral bilang respeto. 

 Habang nasa byahe, napansin ko na tinawag niya akong "nakakabatang kapatid" ulit.

 "Kung ordinaryong tao tayo ngayon, bakit ako pa rin ang nakakabata? Mas matanda ako sa'yo ng tatlong taon!" protesta ko. 

 Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana. Napailing na lang ako, pero sa totoo lang, mas gusto ko na rin na isipin na mas matanda siya—kung tutuusin, siya naman ang laging gumagastos para sa akin. 

 Pagkatapos ng ilang minuto, bumaba kami sa isang kalye sa Tondo. Hindi ako pamilyar sa lugar pero sumunod na lang ako kay Heneral Romeo. 

Naglakad kami sa gitna ng maraming tao, at hindi ko alam kung saan kami patungo. Gusto kong magtanong, pero natatakot akong makagulo sa misyon. Bigla siyang huminto sa isang tindahan ng kwek-kwek at inaya akong kumain. 

"Kwek-kwek muna tayo," sabi niya, na parang wala lang. Nagulat ako, pero sumunod na lang. 

Pagkatapos, pumunta kami sa isang parke, kung saan naupo kami at kumain habang pinapanood ang mga batang naglalaro. 

Tahimik lang siya, pero kitang-kita ko ang seryoso niyang tingin sa paligid kaya hindi ko na sya inistorbo. Pagkatapos, nagpatuloy kami sa paglalakad hangang palengke. kung saan halos maipit na kami sa dami ng tao.

 Nahirapan akong sundan siya, at nang makarating kami sa harap ng isang mall, bigla siyang huminto. 

"Ano'ng ginagawa mo? Nahuhuli ka na," sabi niya, halatang naiinip.

 "H-Hindi kasi ako makadaan, ang daming tao dito!" paliwanag ko. Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinila ako. 

"Humawak ka sa akin para hindi ka mawala," sabi niya, at kahit alam ko na parang kapatid ang turing niya sa akin, nakaramdam pa rin ako sa hiya. 

 Nakarating kami sa isang gaming center. At doon bumili siya ng mga token at inaya akong maglaro. Nagulat ako—hindi ko inakalang maglalaro si Heneral sa mga oras na iyon habang nasa misyon. 

Pero habang naglalaro kami, napansin ko na sobrang seryoso niya, lalo na nang tumigil siya sa harap ng isang claw machine. Nakatitig siya sa isang manika na may bulaklak sa ulo. Hindi ko alam kung anong trip nya pero halos sampung segundo ata syang nakatitig dito na tila ba kinakausap yung manika.

"Romeo, bakit ka nakatitig diyan?" tanong ko, pero hindi siya sumagot. Sa halip, kumuha siya ng token at sinubukang kunin ang manika. 

Nabigo siya sa unang dalawang pagsubok, at sa ikatlo, halos makuha na niya, pero nahulog ang manika bago makalusot sa butas. 

 Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya. "Bigyan mo ako ng token," sabi niya, at kahit nag-aalangan ako, inabutan ko siya. 

Pero pagkatapos ng sampung pagsubok, bigo prin syang manalo. 

"Alam mo mura lang 'yang manika na 'yan, Romeo. Hindi praktikal na gastusan pa natin 'to," sabi ko.

 Hinawakan niya ang kamay ko at inabot ang pitaka ko habang seryosong sinabi, "Hindi 'to tungkol sa pera, Flora. Tatalunin ko 'yang claw machine na 'yan, kukunin ko 'yang pandak na manika kahit anong mangyari.

" Pagkatapos nito inutusan nya akong bumili ng mga token.

Hindi ko alam kung bakit niya sineryoso ang claw machine, pero sumunod na lang ako. 

Pagkatapos ng maraming pagsubok at halos limang daang piso na nagastos, nakuha niya rin ang manika. Ngumiti siya, parang batang ipinagyayabang ang tagumpay.

 "Sabi ko sa'yo, kaya ko 'yan," sabi niya. 

 "Nakuha mo nga, pero limang daang piso ang ginastos mo para sa manikang nagkakahalaga lang ng isang daan!" sabi ko, halos mapailing sa pagkadismaya.

 Inabot niya sa akin bigla ang manika.

"Hawakan mo muna," sabi niya.

"Teka, ibinibigay mo ba 'to sa akin?" tanong ko, umaasa.

 "Ano ka, sinuswerte? Nagpakahirap ako para makuha si Sampaguita, bakit ko ibibigay sa'yo?" sagot niya, na may ngiting panunukso.

 "Sampaguita?" tanong ko, natatawa.

.

"Hindi naman sampaguita ang bulaklak sa ulo nito!"

 "Wala akong pakialam. Sampaguita ang itatawag ko rito," sabi niya, at inamin na pinili niya ang pangalang iyon dahil ito ang pinakamaliit na manika sa loob, parang nabu-bully ng iba.

 "Parang katulad sya ng kilala kong iyaking babae noon," sabi niya, at kitang-kita ko ang pilyong ngiti niya kaya naman alam ko na ako ang tinutukoy nyang pinaka maliit sa grupo.

 "Hindi ako nabu-bully noon!" protesta ko, pero hindi niya pinansin ang mga sinasabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Lumabas kami sa arcade center at nagpunta kami sa isang tindahan ng ice cream, inaya niya akong pumili ng flavor na gusto ko. Habang kumakain kami, napansin ko na parang wala lang sa kanya ang lahat.

 Gusto ko sanang magtanong tungkol sa misyon, pero bago pa ako makapagsalita, bigla siyang huminto at iniharang ang braso niya sa harap ko. 

 "Sinasabi ko na nga ba, makikita ko rin ito dito sa lugar na ito. " bulong niya, habang nakatitig sa isang matandang lalaki na nakaputing jacket sa kabilang kalsada.inakala ko na gusto nyang sundan namin ang matanda iyon dahil pinatatawid nya ako sa kabilang kalye. 

 Agad akong naging alerto. Alam ko na konektado ang lalaking iyon sa misyon. Tumawid kami ng kalsada at sinundan siya hanggang sa isang gusali. Pero sa halip na diretsong sundan ang matanda, biglang bumili si Romeo ng ticket sa sinehan. Naguluhan ako sa ginawa nya pero sumunod na lang sa kanya papunta sa loob.

Nakita ko na pumasok ang matanda sa sinehan at nagulat. Namangha ako dahil alam ni romeo na pupunta sa loob ng sinehan ang target. Sobrang galing nya sa trabahong ito. Bakit ko nga ba sya pinagdududahan eh noon pa man isa ng henyo ai heneral romeo? 

 Sa loob ng sinehan na napakadilim at napakaraming tao. "Romeo, mahihirapan tayong maghanap rito," bulong ko.

 "Maghanap? Ah.. Ako na ang bahala. Sumunod ka na lang," sagot niya, at umakyat kami sa ikatlong deck ng sinehan. 

Naupo kami sa pang-apat na row, at napansin ko na ang matanda na sinusundan namin ay dalawang row lang ang layo sa amin. Muli akong napahanga —paano niya nalaman na doon uupo ang matanda?

Pero biglang nagbago ang ekspresyon ni Romeo. "Mali. Bakit hindi ko ito naisip kanina habang nasa labas?" bulong niya, at tumayo siya.

 "magbantay ka lang sa pwesto na ito, Flora. Babalik ako." sambit nya habang umaalis 

 "Bantayan? Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko sa sarili ko.. Iniwan niya ako, at ang tanging naisip ko tungkol sa inuutos nya ay bantayan ang matanda. 

Habang nakaupo, sinubukan kong maging alerto, ilang minuto pa nang magsimula ang palabas at bumalik si Romeo dala ang popcorn at iba pang snacks.

" Ano ang ginawa mo sa labas? "

"Shh, magsisimula na," sabi niya, kaya tumahimik na lang ako. Habang nanonood, inabutan niya ako ng popcorn, pero napansin ko na hindi man lang siya tumitingin sa matanda.

 Nagtaka ako, pero hinintay ko na lang ang mga susunod niyang galaw. Pagkatapos ng palabas, nagtanong siya saakin. 

 "Ano'ng masasabi mo sa pinanood natin?"

 Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil nakatutok ako sa matanda. " Huh? Ewan, binabantayan ko ang target. " Sambit ko. 

Pero nang tingnan ko ang upuan niya, wala na ang matanda roon. "Romeo, wala na ang target!" sigaw ko, at agad akong tumayo para habulin ito. 

 "Target? Ano'ng sinasabi mo?" tanong niya, halatang naguguluhan. 

 Tumakbo ako palabas ng sinehan, pero naipit ako sa dami ng tao. Ilang minuto ang lumipas ay nakalabas na ako pero hindi ko makita sa paligid ang target kaya sumilip ako sa ibaba ng gusali 

 Nakita ko ang matanda sa hagdanan pababa ng grandfloor at naisip kong tumalon mula sa ika apat na palapag na kinalalagyan namin para maharangan siya.

 Pero bago pa ako makatalon, hinila ni Romeo ang damit ko dahilan para mapahinto ako. "Ano'ng binabalak mo, bakit ka tumatakbo?"

 "Nasa ibaba na ang target! Makakatakas siya kung hindi tayo kikilos agad!" sigaw ko.

Target? Makakatakas?" Pagtataka nito.

Sandaling natahimik ang lugar at bakas sa mukha ni heneral romeo ang pagtataka na tila ba wala syang ideya sa mga sinasabi ko.

" Pero hindi ba hinahabol natin yung matanda? Yung target ng misyon natin? "

" Matanda? Misyon? Ano bang sinasabi mo?" Tanong nya saakin.

Napatigil ako dahil sa pagkabigla habang iniisip na tila nagkamali ako sa pag iisip na ang matandang sinusundan ko ay ang target ng misyon. 

 "Sandali heneral, ibig sabihin hindi natin target ang matandang nakasuot ng puting jacket kanina? "

Napabuntong hininga si heneral romeo bakas ang pagkadismaya habang sinasabi na hindi nya alam ang sinasabi ko at gusto akong pakalmahin muna. 

 Nilinaw nya na wala naman kaming sinusundan na tao.

"Pero akala ko kaya tayo nandito para sa misyon? "

Ipinaliwanag nya na kaya kami nandoon para manuod lang ng sine at hindi humuli ng mga tao.

" Pero paano yung sa arcade ,sa parke at sa kalye ng tondo? Akala ko may minamanmanan tayo? " Aligagang tanong ko.

Nakatitig lang saakin si heneral romeo bakas ang pagtataka habang nakakunot ang noo. Doon ko napagtanto na nagkamali ako ng pag aakala sa mga nangyayari. 

Ang buong akala ko parte ng misyon ang bawat ginagawa namin sa lugar na iyon pero mukhang gusto lang ng heneral na lumabas.

" Kung wala tayong misyon dito, kung ganun bakit tayo nandito? "

Nagisip sandali ang heneral at sinabi na gusto nya lang lumabas kasama ako para mamasyal.

Nadismaya ako at nagalit, nagreklamo ako sa kanya na lumiban ako sa klase para sumama lang sa kanya dahil buong akala ko may mahalagang bagay kaming gagawin.

Pero habang nagagalit ay bigla syang lumapit saakin at hinampas ako ng mahina sa ulo ng poster na mechandise sa sinehan para patigilin. "Tumigil ka nga sa pagiging praning."

Pinahinto nya ako sa pagrereklamo at humakbang paalis. Sa sobrang pagkadismaya ko ay hindi ako sumunod dito at patuloy na nagagalit. 

"Nagsinungaling ka para lang maglaro sa arcade at manuod habang ako nag aakala na seryoso ang pakay natin dito. "

Huminto sya sa paglalakad at muling humarap saakin. Nagbuntong hininga sya habang sinasabi na wala syang sinabi na may mamanmanan kaming tao at wala rin syang sinabi na mag akala akong nasa isa silang misyon. " Kaya pwede ba? Tara na, hindi ka na bata para magtampo ng ganyan."

Nag pout ako habang sinasabi na nabangit nya na may pupuntahan kaming top secret misyon kaya umasa akong totoo ang mga sinabi nya. Bilang dating sundalo ay isa parin karangalan para saakin na makasama sa trabaho si heneral romeo lalo na tuwing nalalman kong pinagkakatiwalaan nya akong isama. 

Habang nagtatampo ako ay muli syang humakbang palapit saakin at hinawakan ako sa kamay para hilahin paalis. Para akong bata na nagtatampo pero hindi talaga ito makatarungan para saakin. 

" Tama na yan, hindi natin pwedeng pag usapan dito ang tungkol sa misyon." Sambit nya habang hinihila ako.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya at habang naglalakad ay ipinaliwanag nya na hindi sya nag sinungaling tungkol sa misyon. Sinabi nya na naroon sya sa maynila para sa misyon pero gusto nya munang maglibang kahit saglit bago ito simulan.

"Nag abala ako na puntahan ka para isama sa paglilibang ko, hindi ba dapat natutuwa ka at nakakapamasyal ka?"sambit nya.

"Kung gusto nyo lang mamasyal eh dapat sinabi nyo agad saakin. Nagmukha akong katawa tawa sa pag aakala na may misyon tayong ginagawa."

Bigla syang huminto sa paglalakad at humarap saakin at tinanong saakin na kung sinabi nya ba agad na gusto nyang mamasyal lang ay sasama ba ako. Alam nya na magdadahilan lang ako na papasok sa eskwelahan at tatangi sa alok nya.

"Alam ko naman na hindi ka ng eenjoy kasama ako sa pamamasyal kaya kailangan pa kitang pilitin."

"Hindi totoo yan, Nag eenjoy naman ako pero pakiramdam ko ikaw ang hindi nag eenjoy kasama ko. " Sambit ko.

Ipinaalam ko sa kanya na sa tuwing lumalabas kami ay hindi ko nakikita na nag eenjoy sya, para bang ginagawa nya lang iyon para makita kung masaya ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko tuwing iniisip na napipilitan lang sya na gawin ito para sa kapakanan ko.

Nung maging ulila ako ay ibang tao na ang nagpalaki saakin at naging komplikado pa ang lahat nung makaranas kami ng pang aabuso ng mga kastila sa la trinidad. Naging malungkot at magulo ang buhay ko.

" Napakalaki ng pasasalamat ko nung dumating ka sa buhay ko at alam ko ginagawa mo ito para makita na nag eenjoy ako sa kabila ng pagiging sundalo. "

"Malinaw saakin na responsibilidad mo ako bilang tagapangalaga ko at sa tingin ko ginagawa mo ito dahil naaawa ka sa kalagayan ko pero ako na ang nagsasabi sayo na masaya ako, hindi nyo kailangan pag abalahan ang tulad ko heneral."

"Iyakin ako at duwag pero kaya kong maging matapang at matatag. Gusto kong maging malakas at patunayan isang araw na magiging mahusay din akong heneral kagaya nyo."

Habang sinasabi ko yun ay bigla nyang hinawakan ang ulo ko, ngumiti ito habang sinasabi na hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko sa kanya.

"Nung sabihin ko noon na aalagain kita na parang tunay na pamilya ay seryoso ako sa bagay na iyon."

Inamin nya saakin na excuse nya lang nung sabihin nya na namamasyal kami para mag enjoy ako dahil ang totoo ay gusto nya lang din mag enjoy kagaya ng ginagawa ng ibang tao.

"Wag mong isipin na napipilitan lang akong pasayahin ka, tandaan mo na isa akong makasariling tao. Ginagawa ko ito para sa sarili ko."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Alam ko ang reputasyon ni Heneral Romeo—tinuturing siyang traidor ng marami dahil sa pagsunod niya sa mga Kastila. 

Pero kilala ko siya. Alam ko na may dahilan ang lahat ng ginagawa niya, kahit hindi ko lubos na naiintindihan. Bago pa kami makapagpatuloy, tumunog ang cellphone niya. Narinig ko ang pag-uutos niya sa kanyang mga tauhan, at sa ekspresyon ng mukha niya, alam ko na hindi siya natutuwa. 

"Dalian mo, Flora. Dapat nasa venue na tayo sa loob ng sampung minuto," sabi niya, at muli kaming sumakay sa van. Pagdating namin sa City of Dreams, isang l 5 star hotel sa Maynila, hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahan ng lugar. 

Pumasok kami sa isang hall, at sinalubong kami ng mga sundalo at staff ng hotel. Nakita ko ang ilang dating kasamahan ko sa kampo, kabilang ang mga babaeng sundalo na nakasama ko noon. 

 "Ayusan n'yo na ang prinsesa!" sigaw ng isa sa mga sundalo, at bago pa ako makapagtanong, hinila na ako papasok sa isang kwarto. 

Nagpumiglas ako, pero wala akong nagawa.

 "Utos 'to ng Heneral!" sabi nila. 

 Pagpasok ko sa kwarto, nagulat ako. Sa halip na mga sandata, puno ito ng mga make-up, gown, at mamahaling alahas. Pinapaupo ako ng mga staff at sinimulang ayusan. 

"Bakit n'yo 'to ginagawa?" tanong ko, pero ang sagot lang nila ay utos ito ng Heneral. 

 Pagkatapos ng ilang minuto, natapos ang pag-aayos sa akin. Nang tumingin ako sa salamin, halos hindi ko makilala ang sarili ko. Nakasuot ako ng puting gown na napapalamutian ng mga perlas at diamante. Parang artista sa pelikula ang itsura ko—hindi ako makapaniwala na kaya ko palang maging ganito kaganda. 

 Ilang sandali pa ay biglang pumasok si Heneral Romeo, nakasuot ng puting tuxedo. Napakagwapo niya, at disente, nakita ko rin ang pamumula sa kanyang pisngi habang nakatitig sa akin.

Ilang sandali pa habang nakatayo lang kami sa kwartong iyon ay pumasok ang isang staff ng hotel at inabutan si heneral ng tiara. Nung lumabas ang staff ay naglakad papunta saakin ang heneral habang sinasabi na.

"Magsaya ka ngayong gabi, Flora, dahil iyo ang mga sandaling ito" sambit niya, at bago pa ako makasagot, inilagay niya ang isang napakagandang tiara sa ulo ko.

 "Heneral, ano'ng nangyayari? Bakit ganito ang suot ko?" tanong ko habang nalilito pa rin sa nangyayari.

 Inilagay niya ang daliri sa labi ko para patigilin ako sa pagsasalita. "Huwag mo munang alalahanin ang ibang detalye. Ang mahalaga, mag-enjoy ka ngayong gabi," sabi niya habang hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

 "Happy 18th birthday, Flora," sabi niya, at doon ko napagtanto na ang lahat ng ito ay para sa kaarawan ko.

"Mula noong pilitin kitang maging sundalo, hindi ka na nakaranas ng kasiyahan katulad ng mga normal na tao. Alam ko kung gaano ka kainosente noon ang batang kinipkop ko noon sa probinsya at naaalala ko noong bata pa tayo habang nakikipaglaro sa mga bata sa ampunan. "

"Nagpapangap ka sa harap ng salamin na bilang eleganteng dalaga at nakita ko kung paano ka nangangarap na maging isang prinsesa sa isang palasyo." Dagdag nya. 

" Gusto kong ibigay sayo ang lahat pero hindi ko maibibigay sa'yo ang isang totoong palasyo, gayunpaman kaya kitang gawing prinsesa kahit ngayong gabi lang." nakangiti nyang sambit. 

Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang hiya nung malaman ko na nakita pala ako ng heneral habang ginagawa iyon. " Paki usap wag nyo ng ipaalala saakin ang bagay na yun. "

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at inalis ito sa mukha ko habang sinasabi na walang masama sa ginawa kong pangangarap at normal sa tao ang mangarap at hangarin ang magandang buhay.

" Mabuhay ka ng normal at hangain ang maging masaya, flora. "

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko inaasahan na aalalahanin niya ang mga pangarap ko noong bata pa ako—mga pangarap na kinalimutan ko na dahil sa mga trahedyang naranasan ko.

 Pero dahil kay Heneral Romeo, naramdaman ko ulit na may pamilya ako, na hindi ako nag-iisa. Sa ngayon ay wala na akong hihilingin pa kundi ang patuloy na makasama ang mga taong itinuturing kong pamilya

" Maraming salamat heneral, maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo para saakin."

Ngumiti ako sa kanya, pero napansin ko ang seryoso niyang mukha habang kinakausap ako..

"Heneral, bakit parang nakasimangot ka? Ayokong makita na parang hindi ka masaya sa ginagawa mo para sa akin," sabi ko, at hinawakan ko ang pisngi niya para pilitin siyang ngumiti. 

 "Hindi, bakit mo ba laging sinasabi yan? hindi lang ako sanay ngumiti palagi, Flora. Umaabuso ka na kung hihilingin mong ngumiti ako buong gabi," sabi niya, pero may bahid na pagbibiro. 

 "Ako ang prinsesa ngayong gabi, di ba? Kaya kailangan mong ngumiti para sa akin!" sabi ko, at hindi nagtagal ay napangiti muli siya saakin. 

 Sa gabing iyon, naramdaman ko ang tunay na kasiyahan. Ang bawat sandali ay naging alaala na hindi ko makakalimutan. At habang nakatitig ako kay Heneral Romeo, alam ko na ang lalaking ito ang nagbigay sa akin ng pagkakataong maranasan ang pangarap ng isang munting bata na maging prinsesa, kahit sa isang gabi lang.

End of chapter. 

More Chapters