LightReader

Chapter 99 - chapter 50 (TAGALOG)

Kabanata 50: Ang Supremo ng katipunan. 

 Sa kasagsagan ng gabi ng kasiyahan, habang ang mga ilaw ng City of Dreams ay kumikislap pa rin at ang mga bulaklak sa hardin ay nagbibigay ng matamis na amoy, biglang nagbago ang paligid. 

Ang dating masayang kapaligiran ay napalitan ng malamig na hangin, at ang katahimikan ay nabasag ng isang nakakakilabot na presensya. 

Sa gitna ng kalangitan, isang malaking puting portal ang bumukas, at mula rito'y lumabas ang isang nakapangingilabot na halimaw na may mga galamay na parang ahas, ang mga pulang mata nito'y puno ng galit at panganib.

Sa ibabaw ng ulo ng halimaw, nakatayo ang isang matipunong lalaki, nakasuot ng pulang coat at may pulang bandana na nakatali sa braso. Ang kanyang tindig ay puno ng kumpiyansa, ngunit ang mga mata'y nag-aalab sa poot.

Habang bihag ng mga galamay ng halimaw si flora, at nakalutang sa erekatawan at walang malay dahil sa tinangap na mataas na boltahe ng kuyente, ang kanyang puting gown ay bahagyang napunit habang ang mga galamay ay mahigpit na nakapulupot sa kanyang katawan.

Ang tiara sa kanyang ulo ay nananatiling kumikinang dahil sa liwanag ng buwan ngunit ang kagandahan ng gabi ay nawala na, napalitan ng tensyon at takot. 

 "Nakakasukang makita ang mga traidor ng bayan na nagpapakasaya sa yamang ninakaw ng mga Kastila mula sa mga tunay na Pilipino!" sigaw ng lalaki, ang boses ay puno ng hinanakit. 

"Habang ang mga totoong may karapatan sa bansang ito ay nagugutom at naghihirap, kayo rito'y nagtatampisaw sa karangyaan!" 

 Ang bawat salita niya ay parang kulog na gumigimbal sa katahimikan ng gabi. Galit na galit siyang nagpatuloy sa pagsasalita. 

"Hindi katanggap-tanggap ang pagtalikod nyo sa sariling lahi kapalit ng kayamanan at pansamantalang kaginhawaan! Sa bagong bansang itatayo ko, kasama ng mga Kastila, ang mga traydor tulad ninyo ang unang parurusahan!" 

 Habang nagsasalita ang lalaki, si Heneral Romeo ay tahimik lang na nakatayo, ang kanyang mga mata'y malamig at matalim habang tinititigan ang kanyang kalaban na tila sinusuri ito. 

 Ang kanyang katahimikan ay hindi nagpapakita ng takot, kundi isang kontroladong galit. 

Bigla siyang nagsalita, ang boses ay mababa ngunit puno ng babala, "Pakawalan mo siya, kung ayaw mong magsisi."

 Isang malakas na pagtawa ang isinagot ng lalaki, na parang hinamak ang sinabi ni Romeo. 

"Gusto mong pakawalan ko ang prinsesa mo, ginoo? Pasensya na, pero hindi ko sya pwede ibalik sayo. Mananatili siya sa akin hangga't hindi ko siya napapakinabangan. Malaking pera ang maidudulot ng mga tulad niya!" 

 Sa isang iglap, nilamon ng katawan ng halimaw si Flora, na parang hinigop siya ng isang madilim na lagusan sa loob nito. Ang kanyang katawan ay nawala sa paningin ni romeo, at ang tanging natira ay ang nakakakilabot na imahen ng halimaw na ngayo'y parang nagmamalaki sa tagumpay nito. 

"Umpisahan na natin ang kasiyahan. "

 Biglang naglitawan ang daan-daang portal sa paligid ng gusali, mula sa mga bubong hanggang sa mga bintana. Mula sa mga portal na ito'y nagsilabas ang mga rebelde, bawat isa'y armado ng mga espada at baril na may kakaibang kristal na kumikinang sa kanilang mga sandata. 

Ang kanilang mga galaw ay organisado, parang isang hukbo na matagal nang naghahanda para sa labanang ito. 

 "Wag kang mag-alala, ginoo," sabi ng lalaki habang ang boses nya ay puno ng panunuya. "Hindi ko sila papatayin. Mababawi mo ang prinsesa mo—at ang iba pang bihag—sa tamang presyo." 

 Nanatiling tahimik si romeo mula sa kinatatayuan nito, ang kanyang mga mata'y dahan-dahang nagsuri sa paligid. Ang kanyang pagiging kalmado ay kakaiba na parang isang bagyo na naghihintay na sumiklab. 

Muli siyang tumingin sa lalaki at nagsalita, "Kung hindi ako nagkakamali, kayo ang mga rebelde na tinuturing na Katipunan, tama ba?" 

 Isang ngisi ang sumilay sa labi ng lalaki. "Aba, nakakagulat na kilala mo kami! Tama, kami ang Katipunan—ang pwersa ng mga Pilipinong magpapalaya sa bansang ito mula sa mapang-aping gobyerno ng Espanya!" sigaw niya, ang boses ay puno ng pagmamalaki.

 "Ako si Martin, ang bagong Supremo ng Katipunan, ang magdadala ng tunay na hustisya at kalayaan sa—"

 Hindi pa man natatapos ang kanyang sinasabi ay biglang Isang balisong ang biglang lumilipad patungo sa kanyang mukha. 

Ngunit bago ito tumama, isa sa galamay ng halimaw ang humarang at sumalag sa balisong, na parang walang kahirap-hirap. 

 Hindi naman ito ikinatuwa ni Martin. Ang kanyang mukha ay nagbago, ang ngisi ay napalitan ng pagkagalit.

 "Hindi ko inaasahan na may taglay ka ring kapangyarihan, ginoo," sabi niya, habang napansin ang dose-dosenang balisong na lumulutang na ngayon sa paligid ni Romeo, bawat isa'y kumikinang sa ilalim ng liwanag ng buwan.

 "kung ganun isa ka ring sugo ng diwata pero tinanggap mo ang pagiging honorary Spaniard, isang katibayan na tinanggap mo ang maging alipin ng mga banyaga na parang tuta? Hindi ka ba nahihiya?" dugtong ni Martin, ang boses ay puno ng panunuya.

 Hindi natinag si Romeo sa sinasabi nito. "Napakadaldal mo," sagot niya na may malamig at walang takot na tono. 

"Wala akong interes na makipag-usap sa mga teroristang tulad mo." 

 Tumawa si Martin bilang sagot sa sinabi ni romeo, ngunit bakas sa mukha nya at pag ngisi na naiinsulto ito sa tapang na pinapakita ni romeo. 

"Pwersa ng mga Pilipinong magpapalaya sa bayan? Tsk, wag mo akong patawanin. Isa ka lang teroristang ginagamit ang kapwa Pilipino para yumaman at magkaroon ng kapangyarihan." 

 Nainsulto si Martin sa sinabi nito, ngunit pinagtawanan niya lamang ulit ang heneral at sumagot. 

"Ang mga perang nakukuha namin mula sa mga bihag ay ibinabalik sa mga Pilipino! Ginagamit namin ito para sa bagong bansang itatayo ko, isang bansang malaya mula sa mga Kastila at sa mga traydor na tulad mo!"

 Hindi nagpatinag si Romeo. "Ginagawa mo lang na dahilan ang pagtulong sa mga Pilipino para gamitin sila sa sarili mong kapakanan," sagot niya.

 "Hinihikayat mo silang sumali sa'yo, nangangako ng pekeng pag-asa, pero ang totoo, ginagamit mo lang sila para sa kagustuhan mong magkamit ng kapangyarihan at pamunuan sila." 

 "Hahaha! Anong alam ng isang tuta ng Espanya sa tunay na kalayaan?" sigaw ni Martin, ang galit ay halos sumabog sa kanyang boses. 

"Ang ginagawa ko ay para sa kinabukasan ng mga Pilipino! Noon pa man, ginamit na rin ng mga Kastila ang pera para gipitin at gawing alipin ang mga pilipino, katulad mo!" 

 Napapikit si Romeo, at sa sandaling iyon, isang makapangyarihang enerhiya ang nagsimulang bumalot sa kanyang katawan. Ang kanyang anyo ay unti-unting nagbago—mula sa isang simpleng lalaki sa puting tuxedo, naging isang matangkad na pigura na may mahabang asul na buhok, nakasuot ng puting uniporme ng isang heneral. 

Ang kanyang mga mata'y nagliliyab sa determinasyon, at ang kanyang presensya ay parang isang bagyong nagbabadya. 

 "Sawang-sawa na akong makipag-usap sa mga katulad mo," sabi niya, ang boses ay puno ng awtoridad.

"Sa tingin ko, kahit makipag-usap pa ako, hindi ka rin susuko ng mayapa." 

 Nagulat si Martin sa nakitang bagong anyo ni romeo at nang mapansin nya ang insigma na suot nito.

 "Isa kang heneral?" bulong niya habang hindi makapaniwala habang tinititigan ang chapa ng ranggo sa uniporme ni Romeo. 

 Nabalot ng asul na aura si Romeo, at isang napakalakas na enerhiya ang kumalat sa paligid, na parang hinintay lamang ang tamang sandali upang sumiklab. 

"Nagkamali ka ng napiling lugar para gumawa ng krimen," sabi niya, ang boses ay puno ng babala. 

 Biglang yumanig ang gusali dahil sa isang malakas na pagsabog. Ang mga salamin sa ilang palapag ng hotel ay nabasag, at ang mga labi ng mga dekorasyon ay nagkalat sa paligid. 

Nakangiti si Romeo habang ipinapaliwanag kay martin ang sitwasyon "Ang lugar na ito'y puno ng mga bihasang sundalo. Ako ang Gobernador Heneral ng Batangas, ang sugo ng diwata na si Ada Balion. Eksakto lang ang pagdating mo, dahil misyon ko ang tugisin ang mga terorista na nanggugulo at kumikidnap sa mga tao kapalit ng pera."

 Galit na galit si Martin, ang kanyang mga mata'y nag-aalab. "Inaakala mo bang madali mo akong mahuhuli? Anong laban mo kung nag-iisa ka lang?" sigaw niya. 

 Sa isang iglap, naglitawan ang mga portal sa paligid ng hardin, at mula rito'y lumabas ang mga rebeldeng armado ng mga sandatang may kumikinang na kristal sa mga talim. 

Napansin ni Romeo ang mga kristal na iyon—alam niya na nagmula ito sa kapangyarihan ng isang sugo. Ang mga espada at baril ng mga rebelde ay nababalot ng enerhiya, at alam ni Romeo na hindi siya pwedeng magpabaya dahil tulad ng mga kastila ay gumagamit na rin ang mga rebelde ng mga sandatang kayang makapanakit ng isang sugo ng diwata. 

 "Patayin ang traydor na iyan! Walang puwang ang mga tulad niya sa bagong bansang itatayo natin!" sigaw ni Martin, at sa utos niya, nagsimula ang mga rebelde sa pag-atake. 

 Ngunit hindi natakot si Romeo sa dami ng kalaban na papalapit sa kanya. Ang mga balisong sa kanyang paligid ay biglang gumalaw, parang mga ibong lumilipad na may sariling isip.

 Ang bawat balisong ay mabilis at gumagalaw ayon sa gusto ni romeo, sumasalag ang mga ito sa mga espada at baril ng mga rebelde, na parang isang matibay na pader.

 Kahit dose-dosenang rebelde ang umatake, hindi man lang siya gumalaw mula sa kanyang kinatatayuan. Ang mga balisong ay parang sayaw ng kamatayan, umaatake at sumasalag nang sabay-sabay sa bawat pag atake. 

 Hindi makapaniwala si Martin sa pinapakitang husay nito sa pakikioaglaban. "Paano niya nagagawa ito?" bulong niya, habang pinapanood ang kanyang mga tauhan na unti-unting natutumba. 

Ang mga balisong nito ay hindi lamang basta humaharang kundi umatake rin, tumatama sa mga balikat at hita ng mga rebelde, na nagpapahina sa kanila dahilan para huminto ang mga ito sa pag atake. 

 Nakangisi si Romeo, ang kanyang tindig ay puno ng kumpiyansa. "Isa akong sundalong hinasa sa laban. Talaga bang inaakala ng mga basagulerong tulad ninyo na kaya ninyo akong talunin?" sabi niya, ang boses ay puno ng pagyayabang. 

 Umusok sa galit si Martin. Ang kanyang katawan ay biglang naglabas ng itim na kuryente pumapalibot sa kanya, at ilang sandali pa unti-unting nagbago ang kanyang anyo.

 Lumaki ang kanyang katawan, naging itim at parang balat ng kalabaw, na may mga sungay na lumitaw sa kanyang noo at isang buntot na parang sa hayop. 

"Dudurugin kita, Heneral! Ipapakita ko sa'yo ang lakas ng Supremo ng Katipunan!" sigaw niya, ang boses ay parang kulog na umalingawngaw sa buong rooftop.

 Isang portal ang lumitaw sa likod ni Martin, at tumalon patalikod para pumasok dito.

 Bago pa makapaghanda si Romeo, isang portal ang bumukas sa kanyang likuran, at mula roon ay lumabas si Martin, ang kamao nya ay nakaamba na para sumuntok.

 Sa sobrang bilis, wala nang nagawa si Romeo kundi salagin ito gamit ang kanyang braso. Ngunit sa sobrang lakas ng suntok ni Martin ,ay napatalsik si Romeo at tumama sa isang poste sa hardin, na halos mabasag sa impact. 

 Ngumisi si Martin, ang kanyang mukha ay puno ng pagmamalaki. "Nagulat ka ba? Marami pa akong kayang gawin!" sabi niya, habang ang mga galamay ng halimaw sa kalangitan ay nagsimulang umatake rin, parang mga ahas na nag hihintay ng tamang sandali upang sumunggab.

 Alam ni Romeo na mapanganib ang mga galamay—ang kuryenteng taglay nito ay kayang magparalisa, tulad ng nangyari kay Flora kaya mabilis siyang umiiwas sa mga ito, ang kanyang mga galaw ay mabilis na parang hangin, ngunit habang umiiwas ay muling lumitaw ang isang portal sa kanyang gilid.

 Lumabas mula roon si Martin habang ang kamao ay muli na namang nakaamba. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, wala nang nagawa si Romeo kundi tanggapin ang suntok, na tumama sa kanyang mukha at nagpatalsik muli sa kanya patungo sa mga halaman sa hardin.

 "Hahaha! Ano na, Heneral? Hanggang diyan ka na lang ba?" sigaw ni Martin, ang tawa ay puno ng panunuya.

 Ngunit bigla siyang napatigil nang mapansin ang mga balisong na nakatarak sa kanyang braso. Napagtanto niya na kahit sa bilis ng kanyang atake, nagawa pa rin siyang masaksak ni Romeo ng sandata nito. 

"Napakabilis niya," bulong niya, ang galit ay unti-unting bumabalot sa kanyang isip.

 Binunot ni Martin ang mga balisong at itinapon ang mga ito, habang sinasabi, "Hindi epektibo ang mga atakeng iyan sa katawan ko! Isa akong imortal, Heneral! Hindi mo ako kayang patayin gamit ang mga patalim!"

 Unti-unting tumayo si Romeo mula sa pagkakahiga, kalmadong nagpapagpag ng kanyang uniporme. Walang bakas ng takot o pagkapagod sa kanyang mukha. "Sinasabi mo bang kahit saksakin kita ng mga balisong ko, hindi ka mamamatay?" tanong niya, ang boses ay parang naghahamon. 

 "Hahaha! Isa sa kapangyarihan ko ang gawing sandata ang sarili ko. Ako mismo ang sandata, at hindi ako mamamatay hangga't may enerhiya akong taglay!" pagmamalaki ni Martin. 

 Napangiti si Romeo, isang ngiting parang natutuwa sa narinig. "Napakainteresanteng kapangyarihan," sabi niya, ang tono ay kalmado ngunit may bahid ng panunuya.

 Hindi natuwa si Martin sa reaksyon ni Romeo na tila hindi natatakot sa labanan nila. "Napakayabang mo, Heneral! Ipakita mo sa akin kung ano ang kaya mong gawin!" sigaw niya, ang galit nya ay halos sumabog sa kanyang dibdib. 

 Nagpakawala si Martin ng napakalakas na aura, isang itim na kuryente ang bumalot sa kanyang katawan habang bumulusok siya patungo kay Romeo. 

Ngunit hindi man lang natakot ang Heneral. Sa halip, gumamit siya ng kamao at paa upang salubungin ang atake ni Martin. 

Ang bawat suntok na tumatama sa bawat isa ay parang kidlat, na kayang wasakin ang mga bato sa paligid. Nagawa ni Martin na iwasan ang isang malakas na sipa ni Romeo, na halos pumutol sa isang batong poste sa hardin. 

"Malakas din siya," bulong ni Martin, ang kanyang isip ay puno ng pag-aalala ngunit hindi nagpapakita ng panghihina. Nagpatuloy ang laban, ang bawat pagsalpok ng kamao nila ay nagdudulot ng malakas na tunog na parang pagsabog.

 Ilang sandali pa, parehong tumama ang suntok nila sa mukha ng isa't isa, at sabay na napaatras. 

Tumalon sila palayo upang magkaroon ng distansya, ang galit ni Martin ay lalong tumindi nang makita ang kalmadong ekspresyon ni Romeo. 

Naiinsulto sya dahil nagagawa nitong makipagsabayan sa kanya at hindi man lang nakakaramdam ng pinsala kahit na tinatamaan. 

 "Hindi man lang siya napapagod," bulong ni Martin, ang kanyang mga kamao ay nanginginig sa galit.

 "Paano niya nagagawa ito?" 

 Dumura si Romeo ng kaunting dugo at nagpunas ng bibig gamit ang kanyang braso. 

"Hindi ako nakapag-eensayo ngayong araw dahil sa abala akong pasiyahin ang prinsesa ko, kaya mabuti na lang at nakapagpapawis ako kahit papaano," sabi niya, ang boses ay kalmado ngunit puno ng kumpiyansa.

 "Masyado kang mayabang, Heneral! Huwag mo akong maliitin, dahil tinitiyak ko sa'yo, pagsisisihan mo ito!" sigaw ni Martin, ang kanyang galit ay hindi na mapigilan.

 Muli siyang bumulusok, ang kamao nya ay puno ng enerhiya habang sinubukang suntukin si Romeo. Ngunit sa isang iglap, nasalag ni Romeo ang suntok gamit lamang ang kanyang kamay. 

Ramdam sa imoact ng pag tama ang napakalakas na pwersa ng suntok nito, na parang may pagsabog na nangyari, ngunit hindi man lang natinag si Romeo

. "Hindi mo ba napapansin? Malayo ang agwat ng ating kakayahan," sabi niya, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa. 

 Galit na galit si Martin. Muli siyang bumwelo at sumipa, ngunit kagaya ng una, nasalag lang ito ni Romeo gamit ang kanyang braso. 

Ang bawat atake ni Martin ay parang walang epekto sa kanya habang nakikita nya ang ngiti ni Romeo na lalong nagpapagalit sa kanya. 

"Huwag mo akong maliitin!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigo.

Isang napakalakas na suntok ang nagawang ipatama ni martin kay Romeo, na nagtalsik at tumama sa pader ng gusali. 

Kasabay ng pagtama, muli siyang sinipa ni Martin, na nahing dahilan ng pagtagos nii Romeo sa pader papasok sa loob ng gusali, na nagdulot ng malakas na pagsabog sa rooftop. 

 Lumitaw si Martin mula sa bubong, hinila ang paa ni Romeo, at inihagis siya pabalik sa hardin ng rooftop. 

Nagawa nya mabutas ang sahig sa lakas ng impact,

Tumalon si martin sa harap ni romeo at muli siyang sinipa nito, na nagpagiba sa mga dekorasyon sa hardin.

 "Hahaha! Ano na, Heneral? Nasaan ang pinagmamalaki mong husay?" sigaw ni Martin, ang kanyang tawa ay puno ng panunuya. 

 Ngunit biglang tumahimik ang paligid. Sa gitna ng mga halaman ng hardin, narinig ang isang malakas na tawa mula kay Romeo—isang tawa na puno ng panunuya.

 "Hindi ko inaasahan na sobra pa sa isang ensayo ang mararanasan ko ngayong gabi," sabi niya, habang dahan-dahang tumayo. 

Nagpagpag siya ng kanyang uniporme, at dumura ng kaunting dugo. " Sinusubukan kong alamin kong gaano ka kalakas at aaminin ko na malakas ka. Hindi ko inakalang masisira mo ang proteksyon ko sa katawan."

 " Sabihin ko saakin, yun lang ba ang kaya mong gawin?" sambit ni romeo, 

Lalong nainsulto si martin, ang galit nya ay halos sumabog sa kanyang dibdib habang muling lumulusob 

Muli silang naglaban, ang rooftop na pinaglalabanan nila ay halos masira sa lakas ng kanilang mga suntok at sipa.

 Ang mga bato at halaman ay nagkalat, at ang mga ilaw sa hardin ay nawasak sa bawat pagsalpok ng kanilang enerhiya. Si Martin ay walang tigil sa pag-atake, ang kanyang itim na kuryente ay parang kidlat na sumisira sa lahat ng hinawakan. 

Ngunit si Romeo ay nanatiling kalmado, ang kanyang mga balisong ay parang buhay na sumasalag at umaatake sa parehong oras. 

 Sa isang sandali, tumama ang isang malakas na suntok ni Martin sa dibdib ni Romeo, na nagpatalsik sa heneral sa pader. 

Ngunit nabigla ni Martin ng makita na tumayo lamang si Romeo pagkatapos matanggap ang atake nya, nag-iinat na parang walang nangyari. 

"Kung tapos ka na magpakita ng iyong kapangyarihan, hayaan mo ako naman ang magpakitang-gilas," sabi niya, ang boses ay puno ng kumpiyansa. 

 Biglang naglitawan ang dose-dosenang balisong sa kanyang paligid, lumulutang at nababalot ng asul na aura na parang nagliliyab na apoy. 

Ang bawat balisong ay parang may sariling buhay, umiikot at handa para umatake.

 Tumawa si Martin sa nakitang pagpapalabas ng mga balisong ni romeo. "Bale-wala sa katawan ko ang mga ordinaryong balisong mo, Heneral!" sigaw niya.

 "Ah, talaga? Kung gano'n, tingnan natin kung totoo nga ang sinasabi mo at sana handa ka sa mangyayari," sagot ni Romeo, ang kanyang mga mata'y nagliliyab sa determinasyon. 

"First Knife of Peace: Peacock of Martyr!" 

 Sa isang iglap, ang mga balisong ay nagsama-sama, bumuo ng isang napakalaking pabo na nababalot ng asul na enerhiya. Ang mga pakpak nito ay gawa sa maliliit na balisong, habang ang buntot ay binubuo ng mga higanteng balisong na halos anim na talampakan ang haba. 

Ang pabo ay parang isang diyos ng labanan, ang presensya nito ay puno ng kapangyarihan at awtoridad. Nagulat si Martin, ang kanyang mga mata'y nanlaki sa nakita. "Anong klaseng sandata ang meron sya?" bulong niya sa isip, alam niyang hindi ordinaryong kapangyarihan ang ipinapakita ni Romeo. 

Napansin nya rin na ang presensya ng Heneral ay naging doble ang lakas kaysa kanina, at marami sa balisong ay lumulutang sa paligid ng heneral, handa sa anumang atake.

 Hindi nagpadala si Martin sa takot. Nagpakawala siya ng napakalakas na aura upang tapatan ang kanyang kalaban, ang itim na kuryente ay bumalot sa kanyang katawan habang naghahanda siya para sa susunod na atake. "Sige! Ipakita mo kung kaya mo akong talunin!" sigaw niya, at sa isang malakas na bwelo, bumulusok siya patungo kay Romeo, ang kanyang enerhiya ay sumisira sa lahat ng nadadaanan. 

 Ngunit humarang ang mga pakpak ng higanteng pabo, na parang isang hindi natitinag na kalasag. Ang suntok ni Martin ay tumama rito, na nagdulot ng malakas na pagsabog, ngunit kahit tumama dito ay hindi man lang natinag ang pakpak ng pabo. 

Paulit-ulit siyang sumuntok sa panangga ngunit ang mga balisong ay parang hindi nababasag sa kanyang lakas.

 "Hindi mo kayang wasakin ang absolute defense ko," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng kumpiyansa. 

"Masyadong malayo ang agwat ng ating kaalaman sa pakikipaglaban." 

 Biglang lumipad ang mga balisong mula sa buntot ng pabo, dali dali itong umaatake kay Martin na parang mga shuriken. Kahit mabilis si Martin, napilitan siyang tumalon palayo at magtago sa likod ng kanyang mga galamay. Ngunit hindi nya inaasahan na bibilis ang pag atake ng mga balisong ,ang bawat isa ay parang may sariling isip, tumatama mula sa iba't ibang direksyon.

 "Nakakaasar! " bulong ni Martin, habang sinusubukang salagin ang mga atake. "Napakatibay ng depensa niya, at kaya niya ring umatake kahit hindi gumagalaw!"

 "Anong problema?" tanong ni Romeo, ang kanyang ngiti ay puno ng panunuya. 

"Hindi pa ako nagsisimula, pero parang nawawalan ka na ng pag-asa."

 Galit na galit si Martin sa pang iinsulto na natatanggap mula sa kanyang kalaban. "Papatayin kita!" sigaw niya, at bumulusok siya muli, ang kanyang mga galamay ay sumusunggab na parang mga ahas.

 Ibinuka ng Pabo ang mga pakpak nito, at ang daan daang balisong ay nagsimulang umikot na parang mga shuriken, tumatagos at pinuputol ang mga galamay nang walang kahirap-hirap.

 Sa isang iglap, tatlong higanteng balisong—halos labinlimang talampakan ang haba—ay tumarak sa sahig na parang pader at sumalag sa suntok ni Martin. 

Nagulat si Martin dahil sa tibay ng mga balisong na ito at bago pa siya makagalaw, dose-dosenang mas maliliit na balisong ang tumama sa kanyang katawan, tumarak sa kanyang mga braso at hita.

 Kahit hindi siya nakakaramdam ng sakit, napilitan siyang umatras, ang kanyang galit ay napalitan ng kaba. 

 "Hindi mo ako matatalo gamit ang mga basurang ito!" sigaw niya, ngunit ang kanyang boses ay may bahid na ng pag-kabahala. 

Muli siyang bumwelo para umatake, ngunit bago siya makatalon, limang higanteng balisong na may tatlong talampakan ang haba ang tumagos sa kanyang katawan at tumarak sa sahig, na nagpapanatili sa kanya sa lupa. 

 "Hayop ka!" sigaw ni Martin, ngunit nang tangkain niyang tumayo, anim na talampakang balisong ang tumama sa kanyang likod at balikat, na nagparalisa sa kanyang katawan. 

Napagtanto niya na ang mga balisong ay hindi lamang tumatagos kundi naglalaman din ng enerhiya na pumipigil sa kanyang paggalaw. 

 "Hindi mo ako matatalo nang ganito kadali!" sigaw niya habang ang mga galamay ng halimaw ay muling lumitaw sa mga portal at umaatake patungo kay Romeo.

 Ngunit ang mga umiikot na balisong ay mabilis na pinutol ang mga ito. 

 "Hindi ko inaasahan na ganito kalakas ang taong ito," bulong ni Martin sa kanyang isip, ang kanyang mga mata'y puno ng pagkabigla. 

"Ito ba ang tunay na kapangyarihan ng isang Heneral?" 

 Habang nagaganap ang laban ay nakatayo lamang si romeo sa iisang lugar, ang asul na enerhiya ay nag-uumapaw mula sa kanyang katawan. 

"Tapos na ba ang pagyayabang mo?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa. 

"Kung gano'n, oras na para tapusin ito." dagdag ni romeo. 

 Habang nagpapatuloy ang laban ay unti unting nalalaman ni martin ang agwat ng kanilang kapangyarihan at unti-unting nagiging malinaw ang kalamangan ng heneral.

 Ang Gobernador Heneral ng Batangas na si romeo, ay hindi lamang isang sundalo para sa mga kastila kundi isang sugo ng diwata na handang ipaglaban ang mga pinangangalagaan niya—kahit na ito'y nangangahulugan ng pagharap sa isang hukbo ng mga rebeldeng pilipino.

End of chapter. 

More Chapters