LightReader

Chapter 101 - chapter 51 (TAGALOG)

Kabanata 51: Ang bulaklak ng pag asa

 Ang gabi sa City of Dreams, na dating puno ng ningning at kasiyahan para sa kaarawan ni Flora, ay biglang naging larangan ng digmaan. Ang rooftop ng gusali na dating nagliliwanag sa mga dekorasyon at bulaklak sa isang hardin, ay ngayon isang tanawin ng kaguluhan—mga labi ng sirang muwebles, nagkalat na mga talulot, at mga ilaw ng hotel na kumukurap, dahil sa naganap labanan.

Sa gitna ng matinding labanan, matatag na nakatayo parin si Heneral Romeo , ang kanyang higanteng pabo na gawa sa libo libong balisong ay patuloy na nagliliwanag ng asul na enerhiya, isang simbolo ng kanyang hindi natitinag na kapangyarihan. 

Sa kabilang banda, ang sugo na si Martin, at Supremo ng Katipunan, ay kasalukuyang nakaluhod sa sahig, ang kanyang katawan ay tadtad ng mga dambuhalang balisong, ang kanyang galit ay unti-unting napalitan ng desperasyon at pagkabigla.

 "Imposible," bulong ni Martin, ang kanyang boses ay nanginginig sa halo ng galit at pagdududa habang tinititigan si Romeo. 

Ang itim na kuryente na bumabalot sa kanyang katawan ay patuloy na humhiina, at kahit ang kanyang anyong parang kalabaw—na dating puno ng lakas—ay parang nawawalan na ng lakas.

"Paano mo nagagawa ito? Paano ka nagtataglay ng ganyang klaseng kapangyarihan?"

Ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabigo, ngunit may bahid pa rin ng pagmamalaki, na parang hindi niya kayang tanggapin ang kanyang pagkatalo. 

 Nanatiling kalmado si romeo habang nakatitig sa kanyang kalaban, ang kanyang mahabang asul na buhok ay bahagyang gumagalaw dahils sa malamig na simoy ng gabi humahampas sa kanya. Ang kanyang mukha ay walang bakas ng takot, bagkus puno ng determinasyon.

"Hindi mo kayang mauunawaan kahit sabihin ko sayo ang dahilan kung bakit hindi mo kayang manalo laban saakin," sagot niya, ang boses ay puno ng awtoridad. 

"May panahon ka pa para sumuko at pag isipan ang kasalanan na iyong ginawa at pagsisihan ito sa kulungan."

 Ang kanyang mga sinabi ay lalong nagpagalit kay martin. 

Habang nakatayo muling gumalaw ang mga balisong at bumubuo sa higanteng pabo, kumalat ang mga balisong at umiikot sa paligid ni Martin na parang mga ibong mandaragit, bawat isa'y gumagalaw at tila may sariling isip. Ang bawat galaw ay parang sayaw ng kamatayan, handang umatake ano mang oras.

Tinitigan niya si Martin, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon ngunit may bahid ng awa—awa sa isang kalaban na iniwan ang landas ng kapayaan. "Nakakapanghinayang kung mamamatay ka lang dito. ." sabi niya, ang tono ay kalmado ngunit matigas.

 "Hindi mo kailangang magpatuloy sa madilim na landas na ito. Ang mga Pilipinong sinasabi mong ipinaglalaban mo—hindi mo sila matutulungan sa pamamagitan ng karahasan at pagkidnap sa mga kastila. " 

 Isang mahinang pagtawa ang isinagit ni Martin sa sinabi ni romeo, ngunit ito'y puno ng pait, isang tawa na nagpapakita ng kanyang pagtanggi sa pagkatalo.

 "Sumuko? Gusto mo akong sumuko sa isang traydor na katulad mo?" sigaw niya, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit at pagod.

 "mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sumuko sa isang tuta ng mga Kastila!" 

Sinubukan niyang igalaw ang kanyang katawan, ngunit ang mga balisong na nakatarak sa kanyang katawan ay, pinipigilan ang kanyang bawat paggalaw na parang mga kadenang hindi natitinag. 

Ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit, sa kabila nun ang kanyang katawan ay unti-unting sumusuko sa bigat ng mga balisong.

 "Hangang kelan ka magmamalaki? Malapit na mawala sayo ang lahat. " sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay nanatiling kalmado, ngunit may diin na nagpapakita ng kanyang hindi natitinag na paninindigan. 

"Kung tunay ang intensyon mo para sa mga Pilipino, bakit mo kailangang gamitin ang mga tulad ni Flora bilang kasangkapan laban sa mga kastila? Ang tunay na kalayaan ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng pagpapakasakit sa sariling kababayan." Ang mga sinabi ni Romeo ay parang punyal na tumusok sa puso ni Martin, na nagdulot ng isang saglit na pag-aalinlangan sa mga mata ng Supremo. 

Ngunit agad itong napalitan ng galit. "Huwag mo akong turuan sa dapat kong gawin!" sigaw niya. 

"Ang mga Kastila ang tunay na masama dito! At ang mga tulad mo, na naglilingkod sa kanila, ay mas masahol pa kaysa sa Hunyango!" 

 Sa isang iglap, isang bagong portal ang bumukas sa likod ni Martin, at mula roon ay lumabas ang isang dambuhalang galamay, mas malaki at makapangyarihan kaysa sa mga nauna, na parang buhay na sandata na handang pumatay. 

Ngunit bago ito makatama kay Romeo, ang mga balisong ng higanteng pabo ay mabilis na gumalaw, pinutol ang galamay na parang mga papel lamang. 

Ang pabo ay naglabas ng nakakabinging tunog, na parang babala sa lahat ng naroroon, isang deklarasyon ng kapangyarihan ni Romeo. "Hindi mo ako matatalo sa ganyang paraan," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.

Habang nagpapatuloy ang labanan sa rooftop ng gusali, ang buong City of Dreams ay nabalot ng kaguluhan. Ang mga rebelde ng Katipunan ay mabilis na kumikilos at nagtangkang sakupin ang buong hotel pero hindi nila inaasahan na maraming sundalo ang naroroon sa lugar na iyon na naka handang ipagtanggol ang mga bisita. 

Nagawang makapagtago ng mga sibilyan sa mga sulok ng gusali—sa ilalim ng mga mesa, sa likod ng mga pinto, at sa mga madilim na pasilyo—habang pinipigilan ng mga sundalo ang pag abante ng mga rebelde, ang mga putok ng baril, tunog ng bakal na nagsasalpukan, at mga sigaw ng labanan ay umalingawngaw sa bawat palapag. 

Ang dating marangyang hotel ay naging isang larangan ng digmaan, kung saan ang buong paligid ay napupuno ng panganib. Sa ikalimang palapag, dalawa sa mga dating kapatid ni Flora sa kampo at tauhan ni Romeo ang nangunguna sa labanan—sina Abby, ang 20-taong-gulang na sugo ng Arayat, at si Iya, ang sugo ng Iba,zambales. 

Parehong 2nd Lieutenant ang dalawa, na naglilingkod sa kani-kanilang bayan matapos ang dalawang taon mula nang umalis sa pangangalaga ni Romeo sa batangas. 

Si Abby, na may mahabang itim na buhok na kumikinang sa ilalim ng mga ilaw ng hotel, ay naglabas ng makapangyarihang enerhiya, at kasabay nito ay ang paglitaw ng mga magic cube na gawa sa salamin/kristal na gawa sa enerhiya. 

Ang bawat cube ay may sukat na isang metro at tumitimbang ng higit sa dalawampung kilo, na parang mga salaming kasing tibay ng diyamante, nagliliwanag sa bawat galaw, ginagamit ni Abby ang mga ito upang bumuo ng isang pader na nagsilbing panangga laban sa mga bala at atake ng mga rebelde. 

"Magic cube! "

Ang bawat cube ay pinatatatag ng kanyang determinasyon, na nagpoprotekta sa kanyang mga kasamahan at sa mga sibilyan mula sa pag atake ng mga rebelde. 

 " oras na para umatake!" sigaw ni Iya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa habang nangunguna sa pag-atake. 

Ang kanyang katawan ay napapaligiran ng mga bula na gawa sa mahika, na parang mga lumulutang na bitag sa paligid. Ang bawat bula ay nagdadagdag ng sampung kilo sa bigat ng sinumang madikitan nito,

Dumidikit ang mga ito sa katawan ng mga rebelde. Kapag nababalot ng mga bula ang mga braso o paa ng kalaban, parang natatali sila ng mabibigat na kadena, na nagpapahirap sa kanilang paggalaw.

"Ano ang mga bagay na ito?!" Sigaw ng rebelde.

Nagpanik ang mga rebelde habang pilit na tinatangal ang mga bula sa katawan nila ngunit sa bawat paghila, ang mga ito ay parang goma na humahaba lang, na lalong nagpapahirap sa kanilang sitwasyon. 

"Hindi nyo magagawang alisin ang mga bagay na yan!" sabi ni Iya, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa habang pinapanood ang mga rebelde na natitilihan sa kanilang pagsisikap. 

 Ang isa pang kakayahan ng mga bula ni Iya ay ang kakayahang ikulong ang mga tao sa loob nito at palutangin sa ere, hindi rin ito kayang wasakin ng pangkaraniwang tao kaya naman nagiging madali ang paghuli sa mga rebelde. 

Ang mga rebelde, na dating puno ng tapang, ngayon ay natagpuan ang kanilang sarili na nakalutang, walang magawa, habang ang mga sundalo ay mabilis na inaaresto sila.

"Limang minuto lang mananatili ang bula sa kanilang katawan kaya dahilan nyo ang pag huli sa kanila."

Ang kanyang kapangyarihan ay hindi natitinag ng kahit anong sandata ng mga rebelde. 

 Sa mas mataas na palapag, dalawa pa sa kapatid ni Flora ang nakikipaglaban—sina Reign, ang sugo ng Quirino, at si Peter, ang sugo ng Marinduque. Parehong may ranggong Major, ang dalawa ay bihasa sa labanan at naglilingkod sa kani-kanilang bayan bilang mga sundalo.

 Ang katawan ni Reign ay naglalabas ng mga kalapati na gawa sa mahika, na umaatake sa mga rebelde at nagdudulot ng kaguluhan sa kanilang hanay. Ang mga kalapati ay parang mga lawin, mabilis at mailap na nagpapabaling ng atensyon ng mga rebelde. 

"Bakit may mga ibon dito? "

Dahil sa abala ang mga rebelde sa pagsalag at pag iwas sa mga kalapati, ay hindi nika napansin si Peter na dahan-dahang lumalapit. 

 Ang katawan ni Peter ay nababalot ng buhangin, na nagbibigay sa kanya ng hindi pangkaraniwang lakas at tibay. Nagkaroon sya ng baluti na gawa sa buhangin na kahit ang mga bala ng baril ay hindi kayang saktan ito.

Ang bawat suntok at sipa niya ay parang pagsabog, na nagpapalaglag ng mga sandata ng kalaban at nagdudulot ng takot sa kanilang mga puso. 

Ang kanyang buhangin ay parang isang buhay na kalasag, na nagbibigay sa kanya ng kakayahang tumagal sa labanan.

Isa isang nagtumbahan ang mga rebelde na parang mga laruang tinataboy ng buhangin, habang si Peter ay nanatiling lang na nakatayo at kinukontrol ang mga buhangin, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon.

Sa labas ng gusali, nakalutang si Sasha, ang sugo ng buhol, ang kanyang kapangyarihan ay bumabalot sa buong gusali na nagkukulong na tila isang dimensyon. Habang nasa loob ng teritoryo nya ang gusali ay nalalaman nya ang nagaganap sa bawat sulok nito kaya naman madali nyang maireport kung nasaan ang mga rebelde, bihag at ano pang mga nilalang. 

Ang kanyang kakayahan din ay nagbigay-daan upang maiwasan ang pagkalat ng kaguluhan sa mga kalapit na gusali at nagpoprotekta sa mga sibilyan sa labas nito.

 Ang kanyang dimensyon ay parang nagsilbing kulungan at walang sino man ang pwedeng lumabas, kaya naman napapadali sa paghuli ng mga rebelde na nagtangkang tumakas.

Sa loob lang ng sampung minuto, ang mga sundalo ni Romeo, sa pamumuno ng mga sugo ng diwata, ay nagawang supilin ang mga rebelde sa loob ng gusali. Ang kanilang organisadong pag-atake at mahusay na paggamit ng kanilang mga kapangyarihan ay nagbigay-daan upang maaresto ang karamihan sa mga rebelde, na ngayon ay nakakulong sa mga bula ni Iya o natumba dahil sa mga suntok nila Peter.

Ang mga sibilyan, na dating nagtatago sa takot, ay unti-unting nailikas sa ligtas na lugar dahil sa mabilis na aksyon ng mga sundalo. Nang makaakyat ang lima—sina Abby, Iya, Reign, Peter, at Sasha sa rooftop kung nasaan ang kanilang heneral, naabutan nila si Martin na nakaluhod, tadtad ng mga dambuhalang balisong.

 Ang kanyang katawan ay parang hindi na makagalaw, ngunit ang itim na enerhiya sa paligid niya ay patuloy na dumadaloy at nagpapakita pa rin ng kanyang katatagan sa laban. 

Ang tanawin sa rooftop ay nakakapangilabot—ang dating marangyang rooftop ay ngayon isang wasak na battle field na may mga labi ng sirang dekorasyon at mga bakas ng labanan.

 "Heneral Romeo!" sigaw ng lima, sabay-sabay na lumapit sa kanilang pinuno ang mga ito. 

Napansin nila ang mga sugat at punit sa uniporme ni Romeo, kaya agad silang nag-alala sa kalagayan nito.

"Ayos lang ba kayo heneral? "

Ang kanyang asul na buhok ay basa sa pawis, at ang kanyang mukha ay may bakas ng pagod, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling matalim at puno ng determinasyon. 

"Heneral, may sugat kayo sa braso, ok lang ba kayo? " tanong ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala, habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa takot na baka malubha ang kalagayan ng kanilang pinuno. 

 "Wag kayong mag-alala," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng pagod.

 "Hindi ako mamamatay dahil lang sa galos." pagbibiro nya. 

 Tinitigan niya ang lima nyang tauhan, ang kanyang mga mata nya ay seryoso habang nagbibigay ng babala sa mga ito. 

"Mag-ingat kayo. Kahit walang alam sa sugo state ang kalaban natin, napakalakas ng taglay niyang enerhiya. Nagawa niya pang mapinsala ang absolute defense ko."

 Ang kanyang mga salita ay nagpapakita ng paggalang sa lakas ng kalaban, ngunit hindi nagpapakita ng takot. 

 Agad naman na tinanong ni Abby sa kanya, "Heneral, nasaan si Flora?" Ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala, alam nya na mahalaga si Flora sa kanilang grupo, hindi lamang bilang kasamahan kundi bilang kapatid na iniingatan nila.

Ipinaliwanag ni Romeo na si Flora ay kasalukuyang bihag ng halimaw na nasa kalangitan, ngunit pinakalma niya ang grupo. 

"Hindi nila siya papatayin. Balak nilang gamitin siya bilang bihag kapalit ng pera. Pero hindi natin hahayaang mangyari iyon. " Ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa at tapang. 

 Tumingin si Romeo kay Martin, na ngayon ay pilit na tumatayo sa kabila ng mga balisong na nakabaon sa katawan nya. "Kung napapansin nyo, hindi tinatablan ang katawan niya ng mga simpleng atake. Sa tingin ko, ginagawa siyang imortal ng kanyang abilidad. Napakadelikado niya bilang terorista, kaya kailangan natin siyang mahuli, anuman ang mangyari." 

Ang kanyang mga salita ay puno ng determinasyon, na nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga kasamahan. Kasabay ng utos ni Romeo na maghanda sa laban, naglabas ng matinding enerhiya ang lima, ang kanilang presensya ay parang isang bagyong handa na sumiklab.

 "Hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa mismong araw ng kaarawan ni Flora," sabi ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng pait at galit, habang ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa determinasyong iligtas ang kanilang kapatid. 

 "Pagbabayaran mo ang pagkuha sa aming bunso!" sigaw ni Sasha, ang kanyang mga mata ay puno ng galit, na parang handa siyang durugin ang anumang humarang sa kanya. 

 "Tama!" dugtong ni Reign, ang kanyang boses ay puno ng tapang.

 "Sisiguruhin kong pagsisisihan mo ang pagsira sa magandang araw ng Flora ko!" Ang kanyang mga salita ay puno ng emosyon, na nagpapakita ng kanyang malalim na pagmamahal kay Flora. 

 "Nah, hindi mo dapat sinasabi 'yan, lalo na't nandito si Heneral Romeo," sabi ni Peter, ang kanyang tono ay may bahid ng panunuya, ngunit may ngiti sa kanyang labi, na parang sinusubukang aliwin ang grupo sa gitna ng tensyon. 

 "Tama," sang-ayon ni Abby, na may ngiti rin sa labi. "Dapat si Heneral Romeo ang nagsasabi ng ganyan. Tiyak mas magugustuhan 'yun ni Flora." Ang kanyang boses ay may bahid ng biruan, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling alerto, handa sa laban.

 Nagreklamo si Reign, "May karapatan akong maghiganti para kay Flora! Pero hindi ko balak agawin siya kay Heneral. Tanggap ko na mas gusto niya ang Heneral." Ang kanyang boses ay puno ng pagtanggap,

 Nagulat si Iya sa narinig. "Grabe, natanggap mo na talaga na busted ka kay Flora? Limang taon kang naghabol sa kanya!" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha, habang ang kanyang mga mata ay kumikislap sa pagkabigla.

 "Oo na," sagot ni Reign, na may ngiti ngunit halatang napipilitan. 

"Kailangan ko na talagang mag-move on. Noon pa man wala akong laban kay Heneral Romeo." Ang kanyang mga salita ay puno ng pagtanggap, ngunit may bahid ng pait, na nagpapakita ng kanyang emosyonal na reaksyon.

 Napabuntong-hininga si Romeo, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng bahagyang pagkairita.

"Hindi ko nauunawaan ang pinagkukuwentuhan ninyo, alam nyo naman siguro na parang kapatid ko lang si flora katulad nyo." sabi niya habang seryoso ngunit may bahid ng pagkabigla sa kanilang mga biruan sa gitna ng labanan. 

"Dalawang taon na mula nang magtapos kayo sa pagsasanay ko, pero inaasahan ko pa rin na alam ninyo na ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang hindi pagseseryoso sa misyon.".

Agad na sumaludo ang lima, ang kanilang mga mukha ay nagpapakita ng paggalang at pagkaalerto. 

"Opo, Heneral!" sabay-sabay nilang sagot, at nagsipaghanda sa laban, ang kanilang mga puso ay puno ng determinasyon. 

 Habang nag-uusap ang grupo, biglang naglabas ng napakalakas na itim na enerhiya si Martin, ang kanyang katawan ay pilit na bumabangon mula sa pagkakaluhod.

 "Huwag ninyo akong minamaliit, mga basurang tuta ng Espanya!" sigaw niya, ang kanyang boses ay parang kulog na umalingawngaw sa rooftop.

Ang kanyang katawan ay unti-unting naglaho, na parang natutunaw sa pulang usok, at nagtipon ito sa ulo ng halimaw sa kalangitan. Mula sa usok, isang bagong anyo ang lumitaw—isang maskuladong halimaw na may itim na balat, na parang gawa sa bakal, ang mga mata ay nagliliyab sa galit. Ang kanyang presensya ay nakakapangilabot, na parang isang diyos ng pagkawasak.

 "Nakakasukang makita ang mga traidor na nagsama-sama sa harap ko!" sigaw ni Martin. 

"Uubusin ko kayo dito mismo sa lugar na ito!" Ang kanyang boses ay puno ng galit, na parang handa siyang wasakin ang lahat sa kanyang paligid. 

 "Naglaho ang mga pinsala sa katawan niya," bulong ni Abby, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala habang pinapanood ang pagbabago ni Martin. 

"Parang may mali," sabi ni Iya, ang kanyang boses ay may bahid ng kaba. 

"Kakaiba ang kanyang abilidad, lalong lumalakas ang kanyang presensya. " Ang kanyang mga kamay ay nanginginig, ngunit ang kanyang determinasyon ay nanatiling matatag. 

 Agad na naglabas ng mga kalapati si reign mula sa kanyang katawan habang sumigaw, "Wala akong pakialam kung anong klaseng abilidad ang meron siya! Ililigtas ko si Flora kahit anong mangyari!" 

Lumusob ang mga kalapati patungo kay Martin, ngunit mabilis na naglabas ng mga galamay ito mula sa kanyang likod at agad na hinuli isa isa ang mga kalapati na papalapit. 

Bagamat nawasak ang mga ito, parang slime ang mga kalapati na muling nagbubuo at lumilipad pabalik upang umatake, tinutuka at kinakalmot si Martin. 

Ngunit bale-wala ang mga pagtuka nisilg mga ito sa kanyang matigas na balat. "Nakakairita ang mga pesteng ito!" sigaw ni Martin, ang kanyang galit ay lalong tumitindi.

 Habang abala si Martin sa mga kalapati, hindi niya napansin na ang mga slime ay nagtipon sa kanyang likod, mula doon ay nabubuo ang katawan ni Reign. "Checkmate!" sigaw ni Reign, at mabilis na sinaksak ng kutsilyo ang batok ni Martin.

 Ngunit agad na dinakma ni Martin si Reign at inihagis siya palayo sa kanya.

 "Peste ka! "

Habang tumatalsik sa ere si Reign ay naging mga kalapati ang katawan nya, lumipad pabalik sa tabi ni Romeo, at muling nagbubuo sa kanyang orihinal na anyo.

 "Matibay nga siya," sabi ni Reign, humihingal.

"Tinamaan ko siya sa vital part, pero buhay pa rin siya!" Ang kanyang boses ay puno ng pagkabigo, ngunit ang kanyang mga mata ay nagliliyab pa rin sa determinasyon. 

 Binunot ni Martin ang kutsilyo mula sa kanyang batok at itinapon ito, ang kanyang ngisi ay puno ng pagmamalaki.

 "Mga hangal! Sinabi ko na, ang buong katawan ko ay ang aking sandata, at wala itong kamatayan!" Ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki, dahil alam niyang hindi siya matatalo ng mga simpleng atake. 

 Nag-ipon si Martin ng itim na bolang enerhiya sa kanyang kamay at buong lakas na ibinato ito patungo kay Romeo at sa grupo. Agad namang gumawa ng pader ng mga magic cube si Abby, na sinalag ang atake, ngunit gumawa ito ng malakas na pagsabog na nagpayanig sa buong rooftop.

Mabilis na gumawa si Abby ng hagdan mula sa mga magic cube, na ginamit ni Peter upang makalapit kay Martin. Ang katawan ni Peter ay unti-unting naging buhangin, lumalaki hanggang sa maging dambuhala, at lumusob patungo kay Martin, ang kanyang mga suntok ay parang mga pagsabog ng buhangin. 

 Hindi naman natinag si Martin at nakipagsuntukan kay Peter habang nasa ere. Ang bawat suntok ni Martin ay sadyang napakalakas, na nagagawang mawasak ang buhangin sa katawan ni Peter, ngunit agad lang itong nagbubuo muli.

Sa isang malakas na suntok, naitulak ni Peter si Martin palayo sa ulo ng halimaw at ibinagsak sa rooftop.

 Pagkatapos, mabilis siyang bumalik sa tabi ni Romeo.

 "Wala tayong dalang kagamitan dito," sabi ni Iya, ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala. 

"Kailangan natin siyang mahuli agad!" 

 Inabot ni Abby ang ilang granada kay Reign.

 "Subukan natin syang pasabugin," sabi niya, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. 

Nababalot ng enerhiya si Reign, at kasabay ng pagbato ng mga granada, dinakma ito ng kanyang mga kalapati at lumipad patungo kay Martin. 

Sinubukan ni Martin na hulihin ang mga kalapati na may dalang mga granada gamit ang kanyang mga buhay na galamay sa kanyang likod, ngunit masyado silang mabilis.

 Biglang napansin ni Martin ang mga bula ni Iya na nakakalat sa paligid nya. "Ano naman ang mga ito?" sambit niya habang ang kanyang mga galamay ay nababanga sa mga bula, na dumikit at nagdagdag ng bigat sa kanya.

 Ang kanyang braso ay biglang bumigat ng higit isang daang kilo, at ang kanyang mga galamay ay bumagsak sa lupa. 

"Anong kalokohan ito? Hindi ninyo ako mapipigilan gamit ang mahinang abilidad na ito!" 

 "Mahina?" sagot ni Iya, ang kanyang boses ay puno ng panunuya. "Naiinsulto akong marinig 'yan mula sa isang mahinang tao!" 

Ilang sandali pa ang mga bula ay naging pula, parang mga magnet na dumikit sa isa't isa, na nagresulta sa pagkakatali ni Martin sa kanyang sariling mga galamay, na may higit isang libong kilong bigat.

 "Siguro nga hindi kita kayang patayin," sabi ni Iya, "pero mukhang sapat na ang isang libong kilo para pigilan kang kumilos!" 

 Pilit na kumilos si Martin, ngunit biglang dumapo ang limang kalapati ni Reign, bawat isa'y may dalang granada. Gamit ang kanilang mga tuka, inalis ng mga kalapati ang mga lock ng granada. 

Mabilis na gumawa si Abby ng kulungan mula sa mga magic cube para ikinulong si Martin kasama ng mga granada.

 Ilang saglit pa ay sumabog ang mga ito sa loob ng cube na nagresulta ng pagsabog ng katawan ni Martin at nagkalasug-lasog sa lakas ng pagsabog. Ngunit hindi ito nagtagal, nagulat na lang ang grupo ni romeo ng makita na unti-unting nagbubuo muli ang katawan ni Martin, na parang hindi naapektuhan ng pagsabog. 

"Hindi ito normal," bulong ni Abby, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala.

 "Unang beses ko makakita ng sugo na kaya itong gawin." Ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla, ngunit ang kanyang mga kamay ay nanatiling handa, handa na muling gumawa ng mga magic cube kung kinakailangan.

 Ang katawan ni Martin ay unti unting lumaki muli, hanggang sa maitulak niya ang magic cube, na nagsimulang magkalamat. Alam ni Abby na naging mahina na ang kanyang magic cube pagkatapos ng pagsabog, at alam nya na kailangang niyang gagawa ng panibagong kulungan.

"Gagawa ako ulit ng kulungan nya."

Ngunit pinigilan siya ni Romeo. 

"Matibay ang magic cube mo, Abby, pero hindi ito sapat para pigilan ang halimaw na 'yan. Kung mapapansin mo ay patuloy siyang lumalakas habang tumatagal." Ang kanyang boses ay kalmado, ngunit puno ng kumpiyansa, na parang may plano na siyang nabubuo. 

 Nagtaka ang grupo kung paano nagagawa ni Martin na magtaglay ng ganito kalakas na enerhiya. Habang nag-uusap sila, muling umatake si Martin, ang kanyang bagong anyo nanging dambuhala na may halos sampung metro ang laki.

Alam nila na hindi nila pwede itong hayaan makalapit sa kanila kaya agad silang nagpakawala ng enerhiya. Lumitaw sa paligid ang mga bula ni Iya at muling bumalot sa katawan ni martin, ngunit kahit na may halos dalawang libong kilong bigat na nadagdag sa kanya dahil sa mga bula ni iya, nagawa pa rin ni Martin na makahakbang pasulong, na nagdulot ng takot kay Iya. 

"Paano niya nagagawang makagalaw kahit na higit na dalawang libong kilo na bigat ang binubuhat nyang mga bula?" bulong ni Iya, ang kanyang mga mata ay puno ng kaba, habang ang kanyang mga bula ay pilit na pinananatili ang kanilang bigat.

 Biglang naglabas si Martin ng itim na enerhiya, na parang kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan, at isa-isang sumabog ang mga bula ni Iya. 

"Nawasak niya ang mga bula ko!" bulong ni Iya, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla.

 "Mas malakas na ang enerhiya niya kaysa sa akin!" Ang kanyang mga kamay ay nanginginig, ngunit ang kanyang determinasyon ay nanatiling matatag.

 Muling lumusob si peter, ang kanyang buhangin ay naging mga kalasag. Kahit mas malaki si Martin, nagawa ni Peter na itulak siya pabalik gamit ang kanyang suntok, ngunit hindi ito sapat upang masaktan ang Supremo.

 Dinakma ni Martin ang ulo ni Peter at inhampas ito sa lupa ng tatlong beses, at inihagis patungo sa pader ng rooftop. "Lumalakas din ang pisikal na lakas niya," sabi ni Peter, humihingal, habang pilit na tumatayo.

"Heneral Romeo, ano ang plano nyo?" Sa kabila ng kaba ng kanyang mga kasama, nanatiling kalmado si Romeo, ang kanyang mukha ay walang bakas ng takot.

 "Kaya ko siyang pigilan," sabi niya, "pero kung gagawin ko iyon ay magsasayang lang tayo ng enerhiya kung lalabanan natin siya nang direkta."

 Tumingin siya sa halimaw sa kalangitan. "Nasa bagay na 'yan ang totoong katawan niya."

Nagulat sila sa narinig mula sa heneral nila. 

"Sigurado po ba kayo?" Tanong ni sasha.

"Siguro, hindi pa talaga ako sigurado sa iniisip ko pero sinabi niya kanina na ang katawan niya ay kanyang ang sandata, at hangga't may enerhiya siya, hindi siya mamamatay." Ang kanyang mga salita ay puno ng kumpiyansa, na parang natuklasan na niya ang sikreto ng kalaban. 

 Muling umatake ang mga galamay ni Martin, ngunit sinalag ito ng mga cube ni Abby. "Kung ganun, kailangan nating wasakin ang halimaw na 'yan?" tanong ni Sasha, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. 

 "Pasensya na, Heneral," sabi ni Sasha, "wala akong dalang kagamitan. Mukhang wala akong silbi sa labang ito." 

Ang kanyang boses ay puno ng pagkadismaya, na parang nadudurog ang kanyang kumpiyansa.

 Napabuntong-hininga si Romeo.

"Hindi ninyo kailangang madismaya sa sarili ninyo. Inimbita kayo rito para mag paksaya sa party, hindi para makipaglaban. Pero pinupuri ko parin kayo—kung hindi sa mabilis ninyong aksyon, maraming sibilyan ang napahamak sa loob ng gusali. "

"Binigyan ninyo rin ako ng oras upang makita ang kahinaan ng kalaban natin." Ang kanyang mga salita ay puno ng pagpapahalaga, na nagbigay ng inspirasyon sa grupo.

 Ngumiti siya, ang kanyang mga mata ay puno ng tiwala. "Ngayon, ako na ang bahala." Biglang naglitawan ang libu-libong balisong sa paligid, habang naglalabas si Romeo ng napakalakas na enerhiya. 

"Second Blade of Peace: Paladin!" Ang libo libong balisong ay bumuo ng isang dambuhalang kabalyero, na may hawak na espada at kalasag, na may taas na higit sampung metro. 

Ang kabalyero ay nagliliwanag sa dilim, na parang isang diyos ng labanan. Namangha ang mga kasamahan ni Romeo sa kanyang kapangyarihan.

 "Kahanga-hanga," bulong ni Abby, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamangha. "Sa tagal na panahon, ngayon lang ulit ako nakakita ng ganitong kapangyarihan."

 Kasabay ng kumpas ng kamay ni Romeo, winasiwas ng paladin ang espada, na sinalag ni Martin gamit ang kanyang mga kamay. 

"Walang silbi!" sigaw ni Martin, pilit pinipigilan ang espada. Ngunit hinila niya ito, at tumama ang espada ng paladin sa lupa. Dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Martin na umatake,

Sa pag atake nya ay hinarang ng paladin ang kalasag nito at ibinanga sa kamao ni martin, na nagdulot ng malakas na pagsabog ng enerhiya.

 Ang paladin ay nagpatuloy sa pakikipaglaban sa kanya, gamit ang espada ay nagawang mahiwa nito ang mga braso ni Martin, ngunit agad itong nagbubuo muli.

 Sa gitna ng laban ay Ibinato ng paladin ang espada, na tumagos sa bungo ni Martin, ngunit nanatili lang itong nakatayo. 

Mabilis na sinungaban ng paladin ang katawan ni Martin at pinipigilan itong gumalaw, habang ang mga dambuhalang balisong ay umiikot sa itaas nilang dalawa.

"Paladin Strike!" sigaw ni Romeo, at bumagsak ang sampung talim na halos anim na metrong laki ng balisong sa katawan ni Martin. 

 Natahimik sandali ang rooftop sa hindi pag galaw ng katawan ni martin, ngunit ang enerhiya sa katawan ni Martin ay hindi naglaho sa katawan nito. 

 Ilang sandali pa ay biglang naging pulang usok ang kanyang katawan at naglaho kasabay ng hangin, nagtipon ang usok sa malayo, at ilang saglit pa ay muling lumitaw si Martin sa kanyang orihinal na anyo at walang galos.

"Hahaha! Yun na ba ang pinagmamalaki mong atake, Heneral?" sigaw niya, ang kanyang tawa ay puno ng panunuya. 

 Ngunit si Romeo ay nanatiling kalmado sa gitna ng pagkabigo na matalo ito. "Inaamin ko, humahanga ako sa abilidad mo," sabi niya, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa.

 "Hindi ko inaasahan na makakakita ng ganitong espesyal na kapangyarihan sa isang terorista. Pero madali kong nalaman ang kahinaan mo."

 "Kahinaan?" tanong ni Martin, ang kanyang boses ay may bahid ng kaba.

 "Anong ibig mong sabihin?" 

 "Nung sinabi mo na ang katawan mo ang iyong sandata, naisip ko na maaaring hindi ang kaharap namin ang tunay mong katawan," sagot ni Romeo, tinitingnan ang halimaw sa kalangitan. 

"May hinala akong nasa loob ng halimaw na 'yan ang tunay mong katawan, habang kinokontrol mo lang ang sandatang ito para labanan kami."

 Ang kanyang mga salita ay puno ng kumpiyansa, na parang natuklasan na niya ang sikreto ng kalaban. Bakas ang takot sa mukha ni Martin, na nagpapatunay sa hinala ni Romeo. 

"Sa reaksyon mo, mukhang tama ako," sabi ni Romeo, ang kanyang ngiti ay lalong lumawak. 

"Hinulaan ko lang 'yun, pero ngayon, sigurado na ako kung paano ka tatalunin."

 Tumawa lang si Martin, ngunit ang kanyang tawa ay mababakas ang kanyang kaba. "Totoo, nasa loob ng halimaw na ito ang tunay kong katawan," sabi niya, ang kanyang ngisi ay parang diablo.

"Ang ursarion ang sandata na pinagkaloob saakin ng aking diwata. "

Binunyag nya na ang ursarion ang nagbibigay sa kanya ng walang kataousang enerhiya para gumamit ng maraming abilidad. 

"Pero saan sa tingin mo ako kumukuha ng enerhiya? Ang ursarion ay naglalaman ng maraming mga tao—kabilang ang mga bihag na Kastila. Kapag winasak mo ang halimaw, mamamatay ang lahat ng nasa loob nito!"

 Ang kanyang boses ay puno ng panunuya, na parang alam niyang nasa kanya ang kalamangan sa laban nila. 

Hinamon niya si Romeo. "Ano ang gagawin mo, Heneral? Paano mo ako matatalo nang hindi pinapatay ang higit limang daang tao?" Ang kanyang mga salita ay parang lason, na naglalayong durugin ang kumpiyansa ni Romeo.

 Napabuntong-hininga naman si Romeo, ang kanyang mukha ay puno ng pagkadismaya. "Pinapatunayan mo lang kung gaano ka kabasurang tao," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng awa at galit. 

"Sa kabila ng tinataglay mong lakas, gagamitin mo ang mga bihag bilang panangga laban saakin." Ang kanyang mga mata ay nagliliyab, ngunit nanatili siyang kalmado at handa.

 Pinagtawanan ni Martin ang sinabi ni Romeo, at sinabing hindi niya kailangang lumaban nang patas laban sa isang traydor na kagaya nila romeo. "Ginagamit ng Espanya ang mga Pilipino bilang kasangkapan. Ang ginagawa ko ay matalinong hakbang laban sa mapanlinlang na gobyerno!"

 Binanggit ni Martin na karamihan sa mga nasa loob ng halimaw ay mga Pilipinong pagod na sa pang-aabuso ng mga Kastila. "Ako ang magiging bayani nila, ang magtutupad sa kanilang pangarap ng kalayaan!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki.

 "Nasisiraan ka na," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.

 Ipinaliwanag niya na ang ginagawang rebelyon ni Martin ay nagdudulot lamang ng kamatayan sa mga Pilipino. "Bilang sugo ng diwata, nararamdaman natin ang pangangailangan ng ating lupain, pero hindi saklaw ng ating kasunduan sa ating mga diwata ang kaligtasan ng mga naninirahan sa lupain."

" Ang mga Kastila ay matagal nang nakatira rito—sa loob ng limang daang taon, ilang henerasyon na ng pamilya ng mga kastila ang isinilang at namatay sa Pilipinas. Kung hinayaan sila mamuhay ng mga diwata sa lupain ng napakaraming taon, sino tayo para palayasin sila?" 

Ang kanyang mga salita ay puno ng lohika, na parang sinusubukang buksan ang isip ni Martin. 

 Galit na galit naman si Martin sa mga narinig kay romeo. "Hindi mo kayang makita ang pinaglalaban namin dahil nabulag ka na ng pera ng mga Kastila!" sigaw niya.

 "Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino lamang!" Ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa galit, na parang handa siyang wasakin ang lahat sa kanyang harapan.

 "Alam ko 'yan," sagot ni Romeo. "Pero hindi kailangang pumatay para makamit ang kapayapaan. Ang nabubuhay sa karahasan ay mamamatay rin sa karahasan. Bilang pilipino ay gagawa ako ng bansang ligtas at payapa para sa mga Pilipino, kahit sa ilalim ng pamumuno ng gobyerno ng Espanya."

 

 "Bansang payapa kasama ng mga kastila? Higit pa 'yan sa kalokohan!" sigaw ni Martin, naglabas ng dambuhalang bolang enerhiya na nababalot ng itim na kuryente.

 "Papatayin kita kasama ang mga walang kwentang paniniwala mo!" Ang kanyang boses ay puno ng galit, na parang handa siyang wasakin ang lahat. 

 Ngunit bago niya maibato ang napakalaking bola ng enerhiya, biglang may sumabog sa katawan ng ursarion sa kalangitan. " Anong nagyayari? " 

Biglang naramdaman ni martin na humihina ang enerhiya nya sa katawa at napansin na lumiliit ang kanyang hawak na energy ball. 

"Hindi maaari! Anong nangyayari sa enerhiya ko sa katawan? " sigaw niya. 

"hindi kaya nagigising ang mga tao sa loob ng Ursarion? Pero paano?" Ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla, na parang natutunaw ang kanyang kumpiyansa. 

 Biglang kumalat ang mga puting talulot ng sampaguita sa paligid, at ang mabangong amoy nito ay kumalat sa hangin. 

Ang bawat talulot ay parang isang simbolo ng pag-asa, na nagdudulot ng kakaibang kapayapaan sa gitna ng kaguluhan. 

Sumaboy ang mga bulaklak ng Sampaguita sa paligid na syang nag pagaang sa tensyon at nag alis sa takot ng nararamdaman ng mga tao sa paligid.

"Oh… mukhang gising na ang prinsesa natin," sabi ni Romeo, ang kanyang ngiti ay puno ng kumpiyansa, habang tinitingnan ang ulo ng halimaw. 

 Mula sa ulo ng halimaw, naglalakad pasulong si Flora sout parin ang kanyang puting gown, nakatayo nang matapang, ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa determinasyon. 

Ang kanyang katawan ay nababalot ng puting enerhiya, na parang isang ilaw sa gitna ng dilim.

"Imposible!" sigaw ni Martin. "Paano siya nagising? Dapat natutulog siya kasama ang mga bihag!" Ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla, na parang hindi niya kayang tanggapin ang nangyayari. 

 "Naalala mo nung sinabi ko kanina na magsisisi ka sa pagkuha sa kanya bilang bihag?" sabi ni Romeo, ang kanyang ngiti ay lalong lumawak.

 "Ito mismo ang ibig ko sabihin." Ang kanyang mga salita ay puno ng kumpiyansa, na parang alam niya na ang laban ay malapit nang magbago. 

 Ang mga halaman ng sampaguita ay mabilis na gumapang at kumalat sa katawan ng ursarion, namumukadkad sa gitna ng dilim, na parang mga bituin sa kalangitan. Kasabay ng paglabas ng puting enerhiya mula kay Flora, limang malalaking bulaklak ng sampaguita ang lumitaw sa kanyang likod, na parang mga pakpak ng isang diyosa.

"Kung ganun, isa rin siyang sugo ng diwata?" bulong ni Martin, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla at takot. 

 "Hindi siya basta kung sino lang," sagot ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki. 

"Siya ang bulaklak ng pag-asa na namumukadkad sa gitna ng kadiliman." Ang kanyang mga salita ay parang isang awit, na nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang mga kasamahan.

"Hindi, hindi! Walang sino man ang makakapigil sakin!! " Muling lumaki ang itim na bola ng enerhiya nitong hawak ng halos limang metro.

Galit na galit si Martin at ibinato ang kanyang itim na bolang enerhiya patungo kay Flora.

 Habang nagaganap ito ay unti unting nagbago naman ang anyo ni Flora, nag anyo muli bilang si Jasmine, ang sugo ng La Trinidad. 

Sinalo niya lang ang bola ng enerhiya gamit ang kanyang kamay, at habang hawak nya ito ay unti unting lumiliit ang ang enerhiya at mabilis na naglaho, na parang hinigop ng kanyang kapangyarihan.

"Anong nangyayari sa atake ko? Bakit unti unti itong humihina? " Gulat na gulat si martin at natatakot sa kanyang nakikita.

Nagliwanag ang isang bulaklak sa likod ni jasmine, at ilang saglit pa ang kanyang enerhiya ay lalong tumindi.

 "Hindi ako makapaniwalang hinigop nya lang ang pinakamalakas kong atake. " bulong ni Martin habang pinapanood ang kanyang bolang enerhiya na naglalaho.

 Ipinaliwanag ni Romeo na ang kakayahan ni Jasmine ay ang humigop ng enerhiya ng anumang bagay na nasa paligid niya at gawin itong sandata.

 Binunyag nya na mula nung kunin ni martin si flora at ilapit sa kanyang ursarion na nagtataglay ng enerhiya na pwede nitong mahigop ay para na rin syang gumawa ng maling hakbang na magiging sanhi ng kanyang pagkatalo.

"Kung ganun, kaya nyang higopin ang lahat ng enerhiya ng ursarion ko? "Tanong ni martin.

Itinaas ni jasmin ang kanyng kamay, at doon isang dambuhalang puting bolang enerhiya ang nabubuo, na may taas ng higit sa labing dalawang metro.

 Ang bola ng enerhiya ay parang isang bituin, na nagliliwanag sa kalangitan, na nagbibigay ng pag-asa sa lahat ng nakakita nito.

"Imposible ito. Hindi maaari ito!! "

"Dahil sa enerhiya ng ursarion mo ay lalo syang naging mas delikado." sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.

 "Mukhang ang sarili mong sandata ang papatay sa'yo." Ang kanyang mga salita ay parang isang huling babala, na nagpapakita ng kanyang tiwala sa kanilang tagumpay.

 Tumalon si Jasmine, hawak ang bolang enerhiya, at lumusob patungo kay Martin. 

"Hindi ako magpapatalo!" sigaw ni Martin, sinalubong ang dambuhalang bola ng enerhiya, na nagdulot ng napakalakas na pagsabog.

Sa sobrang lakas ng enerhiya ay unti unting naglalaho ang buong rooftop at kumalat ang pwersa sa boung paligid. Sa sobrang lakas ng atake ay unti unting nagkakalamat ang dimensyon ni Sasha. 

Alam nila na hindi maaaring makalabas ang pwersa ng pagsabog kaya naman agad na binalot ni abby ng magic cube ang paligid. Pero sa sobrang lakas ng pwersa ay nadurog lang ito.

"Napakalakas, hindi natin ito kayang pigilan. "

Tuluyang nabasag ang demensyon na ginawa ni sasha at nasaksihan ng buong bayan ng maynila ang napakaliwanag na enerhiya sa itaas ng gusali.

Agad naman humarang ang libo libong mga balisong ni Romeo at mabilis na kumalat para pigilan ang pag laki ng pagsabog, pinoprotektahan nito ang mga kalapit na gusali mula sa nagliliparang debris. 

Mula sa kadiliman ng gabi sa syudad ng maynila ay lumantad ang Isang bulaklak ng liwanag na lumitaw sa kalangitan, na nakita sa buong lungsod ng ilang segundo, bago ito tuluyang maglaho.

Pagkatapos maglaho ang liwanag ay nagulat sila sa naging pinsala ng atake ni jasmine. Halos tatlong palapag ang nawasak at naglaho sa hotel, 

ilang sagilit pa ligtas na lumapag ang grupo gamit ang mga lumulutang na magic cube ni Abby. 

 "Napakalakas ng isang iyon," sabi ni Sasha, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha. 

"Hindi ako makapaniwalang kaya itong gawin ni bunso." Ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamalaki, ngunit may bahid din ng pag-aalala.

 "Nasisiraan na sya ng ulo," reklamo ni Abby, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla. "Buti na lang nailikas natin ang mga tao kanina."

"Hindi nya man lang naisip na maaari tayong madamay sa pagsabog. " Sambit ni peter.

"sa tingin ko, Hindi niya rin inaasahan na makakagawa siya ng ganito kalaking pinsala," sabi ni Romeo habang tinitingnan si Flora, na ngayon ay bumalik sa kanyang anyong tao, naguguluhan habang pinagmamasdan ang kanyang mga kamay. 

Ang kanyang mukha ay puno ng pagkabigla, na parang hindi niya maunawaan ang laki ng pinsalang kanyang nagawa.

Ipinaliwanag ni Romeo sa mga kasamahan nya na hindi naman normal kay flora na magtaglay ng malakas na enerhiya kaya wala syang ideya kung gaano makakapinsala sa iba ang mga atake nya gamit ang mga enerhiya na nahihigop nya. 

Napapaiyak naman si abby at sinabi na sobra syang natakot habang pinipilit nya patibayin ang mga magic cube para maprotektahan sila.

Napabuntong hininga sila at ipinagpasalamat na lang na nabuhay sila sa nangyaring pagsabog.

"Siguraduhin nyong maasikaso ang mga biktima," utos ni Romeo sa kanyang mga sundalo.

 "Naglaho na ang halimaw at ang portal. Malamang nakatakas na ang pinuno nila pero sigurdo na matatagalan pa bago siya makabawi." 

Ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa, na parang alam niyang ang laban ay hindi pa tapos, ngunit ang tagumpay ay nasa kanilang kamay.

 "hahaha sigurado galit na galit siya ngayon dahil sa nangyari," biro ni Iya, ang kanyang ngiti ay puno ng panunuya. 

"Ang pinagmamalaki niyang imortal na sandata, winasak lang ng Prinsesa natin. " Ang kanyang boses ay puno ng pagmamalaki, na parang ipinagdiriwang ang tagumpay ni Flora. 

 Naglakad ang grupo palapit kay Flora, na ngayon ay napapakamot ng ulo, alam nya na may nagawa siyang hindi dapat gawin ng sundalo ng kagaya nya. 

Ang gabi ng kasiyahan ay nauwi sa kaguluhan, ngunit ito'y isang gabing hindi makakalimutan—hindi lamang dahil sa magarbong handaan na inihanda ni Romeo, kundi dahil nasaksihan ng lahat ang kapangyarihan ni Flora, na nagpabago sa takbo ng labanan. 

Agad syang niyakap ng kanyang mga kasamahan na puno ng pagmamahal at pag-aalala, habang ang mga talulot ng sampaguita ay unti-unting bumabagsak mula sa itaas ng gusali na parang isang paalala ng pag-asa sa gitna ng dilim.

End of chapter. 

More Chapters