LightReader

Chapter 19 - Team Outing Part 2

Natapos ang shift ng normal lang naman at pumunta na ko sa parking area para idrive yung kotse ko pauwi. Papalapit na ko sa kotse ko nang may makita ako na isang babae na parang nananalamin sa side mirror ko. Nilapitan ko sya para kausapin.

 "Uhmm, madam excuse me po. Pwedeng tapusin nyo na yung pananalamin nyo sa side mirror at papasok na ko ng kotse dahil uuwi na ko," pakiusap ko sa kanya.

 Lumingon sya at nakita ko na isa syang matandang babae. Nakablack lahat ang suot sabay kinausap ako sandali.

 "May malas na malapit sa inyo. Paalisin mo na habang maaga pa," sabi ng matanda.

 Sa isip isip ko ay baka baliw lang na naligaw sa parking area since yung parking area namin. Pagod na ko at pinaalis na lang sya ng mahinahon para makapasok na ko sa kotse at uwing uwi na ko kase gutom at gusto ko na makasama pamilya ko. Medyo mabagal pa ang andar ng sasakyan ko habang papaalis sa pinarkingan ko. Habang dahan dahan akong paalis ay nakikita ko pa rin sa rear view mirror ko na nakatingin sa kotse ko yung matanda na pinaalis ko kanina. Di ko makita yung reaksyon ng mukha nya pero inisip ko na baka baliw nga lang na pagala gala.

Iniisip ko pa rin yung mga sinabi nya na "may malas na malapit sa inyo. Paalisin mo na habang maaga pa". Tsk, parang pinanganak ako kahapon ah. Ano to horror movie na parang may sumpa na ganun. Umiiling iling na lang ako habang natatawa. Lumabas na ko ng parking area na parang may tumamang kidlat sa sistema ko. Hindi literal na kidlat pero bigla ko na narealize kung pano nakapasok yung matanda na yun sa parking area kung dalawa yung security guard na strict sa mga nagpapark at laging naghahanap ng ID? Ang hirap paniwalaan na yung ganun katanda ay nagtatrabaho pa rin sa kumpanya na to. Mukha na syang nasa 70 o 80 yrs old? Sino yung matanda na yun na naka pang black lady ang manamit? Di ko na lang inintindi at umuwi na lang ako ng tahimik.

 Point of view ni July:

 Tinataymingan ko lang yung mga araw na lalabas yung sweet child ni Michelle para mayaya ko sya lumabas. Di ko na mabilang kung ilang beses na namin ginawa yun. Di alam ng team na marami na rin kaming naikutan na hotel para maglabas ng pagmamahal. Di ko na maalala kung ilang beses nya itinali yung dila nya sa loob ng bibig ko para ma deep kiss. Di ko na rin maalala ilang beses naglabas pasok yung sarili ko sa kanya. Di ko na mabilang ilang beses pumutok yung sarili ko at ako rin unang pumasok nga daw sabi nya. Ramdam ko yung ganitong libog pag nakakasama ko yung sweet side nya.

Lahat ata ng positions nagagawa na namin na parang mag asawa. Dami ko nadidiscover pag kasama ko sya. Nandun na nga sa point na mas wild sya sa kin kumilos pag nasa kwarto na kame. Pero isa lang ang di namin pwede gawin sa ngayon at yun ay ang kumain at gumala sa labas. Sa totoo lang, simula nung may mangyari sa min ni Michelle, nawala na rin sa idea ko na iflex sya sa labas pag kumakain at gumala kung saan saan. Basta may mangyari sa amin ay ayos na ko. Okay lang na ako na lang gagala mag isa sa labas. Hindi ko rin naman sya maconsider na prostitute, dahil di ko naman sya binabayaran pagkatapos namin gawin yun. Yung bayad lang sa room ang gastos namin pero wala lang naman yun kumpara sa sweldo ko kada buwan.

Nasanay na ko na pagkatapos may mangyari sa min ay lumalabas sya ng kwarto para iwanan ako na pagod na pagod. Bawal nga kase yung relasyon sa team. At pag nalaman to ni Sir Arthur baka may gawin sa min ang management at ayun ang ayokong mangyari. Ayoko pa mawalan ng trabaho dahil may parte na rin ako ng gastos sa bahay. May responsibilidad na rin ako dahil nga may work na ko. Ang tanong ko na lang sa sarili ko, kelan namin ipapaalam sa lahat na magkasintahan na kami ni Michelle. Wala na rin akong mapagsabihan na kame na ni Michelle dahil wala na yung dalawa kong bespren sa trabaho na si Wendell at si Emman. Siguro sa ngayon okay na yung ganitong routine namin. Sikretong relasyon na puro bakbakan lang at walang makakaalam na iba sa ganito naming ugnayan.

 Kinabukasan, parang normal lang ako na pumasok nang mapansin ko na naman na bukas na naman yung locker ni Wendell. Sinubukan kong lapitan yung locker na bukas at sara at ganun ulit, sumara na naman ng kusa. Di na ako natatakot since matagal ng ganyan yung locker ni Wendell. Nasanay na ko na laging ganun yun. Nasanay na nga ako sa ugali ni Michelle na parang dual person eh. Pumasok muna ako sa banyo dahil marami pa naman ako time bago pumasok sa production room. Nakasabay ko sa banyo si Brian Tokata. Isa ring half japanese sa team halos same kay Michelle.

 "Uy men! Kamusta ka na? Tagal nyong nasa training room ni Michelle ah. Baka na develop na kayo sa isa't-isa nyan ah. Hahahaha." Biro ni Brian sabay fist bump sa kin.

 "Di naman ganun katagal yung isang buwan. Parang lumipas lang kahapon yung mga araw. Eh kayo ba ni Apple, kelan kayo ikakasal? Hahahahah." pabalik ko na biro sa kanya dahil yung biro nya kanina sa kin tungkol kay Michelle ay totoo pero di sya aware dun at wala pang nakakaalam.

 "Oo nga eh, parang kahapon lang na buhay pa si Wendell, Emman at Micah." Sabay nagbukas na sya ng toothpaste para mag toothbrush muna.

 Medyo nainis ako sa huli nyang sinabi kaya habang nangtoothbrush sya ay iniwan ko na lang sya biglaan. Hayyy, di ko talaga feel maging kaibigan yang si Brian. Di nya talaga makita borderline ng humor sa mga nakakainis na salita. Pano sya natatagalan ni Apple. Pero may point sya. Sa lahat ng batch namin, eto yung pinakasolid na pagkakaibigan. Naalala ko na naman tuloy si Wendell at Emman at nalungkot na naman ako.

 Good thing at pagpasok ko sa productivity ay tinabi sa kin si Michelle. Okay lang naman kay Michelle yun pero sa kasamaang palad. Kasama ko na naman yung cold side nya na di gaanong namamansin. Ibig sabihin, wala na naman kaming bakbakan later.

 Nagwowork lang kame ng normal nung oras na yun at biglang lumapit sa min si Apple pero si Michelle talaga nilapitan nya sa totoo lang at hindi ako. Alam ko namang iwas na sya sa ibang lalake nung dumating sa buhay nya si Brian.

 "Hi Michelle, free ka ba mamaya after shift? Kain tayo sa labas. Treat ko dahil alam ko nag iipon ka pa lang dahil first work mo ito." Pagyaya ni Apple na halong ngiti sa kanyang mga labi.

 Nasa gilid lang ako at syempre maririnig ko sila kung ano ang pinaguusapan nila. Sa hula ko hindi sasama yan si Michelle dahil sa kin nga na nakaka iskor na hindi sumasama kapag kakain lang sa labas ng hotel sa kanya pa kaya na kaibigan lang na babae.

 "Sige sasama ako pagkatapos ng shift." Sabi nya na walang pagtatanggi.

 Nanlaki ang mga mata ko sabay napatitig ako sa kanya sandali. Di ako makapaniwala na sasama sya kay Apple na kakakilala pa lang kesa sa kin na madalas makabakbakan. Si Michelle ba na cold side yung kasama namin today o yung sweet side na nya? Nalilito na ako sa kinikilos ng secret girlfriend ko na to.

 "Pwede ka naman magsama eh kung gusto mo. Isasama ko si Brian dahil libre nya raw ako. Hihi." Reply ni Apple na masayang masaya naman dahil parati nakakalibre kay Brian.

 Lumingon sa kin si Michelle at ngumiti ng konti. Sabay sabing…

 "July, libre ka ba later? Pwede ka ba sumabay sa min ni Apple. Kain lang sa labas." Paanyaya ni Michelle sa akin na gulat na gulat.

 Nanlaki ulit ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na makakasama ko kumain sa labas si Michelle Okada sa wakas. Pagkatapos ng ilang bakbakan at laplapan namin sa hotel nga lang. Eto yung first time na makakasama ko sya ng normal siguro kumain sa wakas at di nila alam na big deal to para sa kin.

 "Sige, sama ako later Michelle." Tiningnan ko na rin si Apple para ngitian at nginitian nya rin ako pabalik.

 Excited na ko matapos ang shift kaya nakangiti lang ako habang nagpaprocess sa computer nang biglang..

 "July, bakit ang saya mo ata ngayon?" Nakatingin na na naman si Michelle sa kin at medyo naiinis pa rin ang mukha. Ano ba talaga mood at ugali nya ngayong araw?

More Chapters