Point of view ni TL Arthur:
Pinatawag ng ako upper management dahil sa mga issues na nangyayari sa team namin.
"Mister Arthur Williams, balita namin na may tatlo kang staff na namatay lately. May we know the details?" Tanong ni Operational Manager.
"Uhm sure sir, marami na talagang kakaibang nangyayari sa team namin na di ko maintindihan. Una, Si Wendell Oman na isang beses lang nag SL pero dinala agad sa ospital at dun na rin namatay. Inatake sa puso ang findings sir. Pangalawa, si Emman Fiji, na aksidenteng nasagasaan ng humaharurot na kotse habang tinatahak ang direksyon na papunta sa office. Ikatlo, si Micah Lee, na natagpuang walang malay sa derma clinic. All of these are different cases sir. Paunti na nang paunti ang staff ko. Nakakalungkot lang dahil I treated them like family." Sabi ko na may kasamang lungkot.
"Hindi naman sa kinekwestyon ko yung leadership mo Sir Arthur pero baka naman ang harsh mo lately sa staff mo? May nabalitaan ako na madalas ka raw mag coaching at mainis sa mga staff mo. Don't you think they are mentally pressured o inooverthink ko lang lately yung mga bagay bagay?" Tanong ni OM.
"Sir, sa tingin ko inooverthink mo lang yung mga bagay bagay dahil focus lang ako sa performance ng team. Iniisa isa ko yung performance nila sa work as well as yung behaviour nila sa work. Maybe may fault din ako kase lately lang kame nag hire to support the volumes of work," Sabi ko ng mahinahon kay OM.
"Hmm mukhang goal oriented ka pa rin naman since the day I have met you. Ganito na lang, baka deserve ng team ang break or team outing para maka unwind naman sila minsan. Make it to the point na sasama lahat ah. Tapos , tsaka natin pagusapan yung pag hahire ng mga bagong staff after nila mag unwind. Sa tingin ko dapat sila maging masaya paminsan minsa hindi puro work work. I will contribute a budget for the team pero ikaw na lang mag organize. Okay?" Paliwanag ni OM.
"Okay sir," tumango ako at ngumiti sa kanya at lumabas na ng meeting room.
Habang naglalakad ako sa hallway nakasalubong ko ang new hire na si Michelle. Nagngitian lang kame sabay Hi sa isa't-isa. Sa tingin ko mabait na bata si Michelle. Nasabi rin sa kin ni July nung kinamusta ko progress nya ay magaling naman si Michelle at madali matuto sa mga task na tinuro nya. Masaya akong malaman na I made the right choice choosing her for the team. Ang swerte ko sa staff na ito. Pinatawag ko na ang buong team para iannounce yung team outing. To my surprise ay nakita ko sa mukha nila ang masayang mukha ulit dahil napapansin ko na ang sad at gloomy nila lately. Pinayagan ko rin sila na magsama ng kaibigan, pamilya o kaya naman partner. Tinapat namin ng weekend ang outing para masulit yung 2 days at after kase ng Sunday na yun ay holiday ng Monday para nga naman may pahinga sila pagkatapos ng outing. Natapos ang shift at waiting na lang mag weekend para sa team building. Mukhang kahit papano makakapahinga ang mga staff ko sa pagod nila sa work these past few days.
