LightReader

Chapter 17 - Malas na Katrabaho Part 2

Kinagabihan, di ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung mga hot babies ko na si Emman at Wendell.Ugghhh, sayang yung kagwapuhan talaga nung mga yun ang sasarap pa naman. Di rin maalis sa isip ko yung ginawa ni Michelle kanina. Ngayon lang namin sya nakita na ngumiti ng ganun at pang tao ba yung ngiti na yun? Masaya pa sya na lalo syang nabubully? Hahaha. Nakatulog na ako sa sobrang antok at pagod. Maganda naman ang gising ko tulad ng ibang araw. 7pm at mag aayos na ko para pumasok sa trabaho dahil isang oras lang naman ang byahe ko papunta sa work namin ng 9pm. Tumingin ako sa salamin para maghilamos at laking gulat ko na tinubuan ako ng tatlong malalaking tigyawat sa mukha sa may pisngi pa naman sa bandang kaliwa. Anlalaki na hindi ko alam pano nangyari dahil natulog naman ako ng maayos kahapon at di naman ako mahilig kumain ng mamantika na mga pagkain. Grabe yung tingin ko sa tigyawat ko dahil buong buhay ko never naman ako nag ka tigywat. Hay nako, di ko to pwedeng pisain kase di na ko magiging makinis. Baka matawa sa kin yung bf ko. Baka matawa rin mga katrabaho ko pag nakita akong ganito. Ako pa naman lagi inaabangan sa office dahil sa natatangi kong kagandahan. Hayst. Naligo na ko at sobrang maingat ako magsabon ng mukha baka kase may lumabas na nana sa mga tigyawat ko. Nag ayos na ko at tumingin ulit sa salamin. Sinubukan kong takpan ng make-up yung tigywat ko pero namumula talaga at parang walang silbi yung make-up ko. Hindi rin ako ma make-up na babae kase kilala ako ng mga tropa ko na natural beauty. Naghilamos na lang ulit ako para matanggal ang make-up dahil lipstick lang naman ang nilalagay ko sa mukha ko eh. Nilaban ko na tong tatlong tigyawat sa mukha ko. Bumyahe na ko para pumasok sa office. Pinuntahan ko na yung station ko at nakita ko sa Katrina at Rosy na gulat na nakita nila sa mukha ko.

 "Huy, hahahah, ano nangyari sa mukha mo. Kumain ka ba ng isang gallon ng peanut butter at tinigywat ka? Tatlo pa yan oh. Ano yan, I love you Josh?" tawang tawang pagkakasabi ni at binaggit pa pangalan ng boyfie ko.

 "Matulog ka kase ng maayos kaya ka siguro tinatagyawat kong ano ano kase iniistress out mo lately," dagdag ni Rosy na alalang alala.

 Nagkaroon rin kame ng team meeting kinalaunan at kita ko sa pagmumukha ng mga kasama ko na parang natatawa sila sa pagmumukha ko. Nakita ko na naman yung new hire namin na si Michelle. Naiinis na naman ako at feeling ko sira na naman ang araw ko. Natapos ang shift namin na halos wala namang kakaibang nangyari. Natulog na ko pag-uwi. Pagising ko ay laking gulat ko nung tumingin ako sa salamin. Yung tatlo kong tigyawat sa mukha ngayon ay anim na. Pusang gala bakit dumami lalo yung tigywat ko? Wala naman akong kakaibang routine kahapon para tigyawatin ako ng ganito ngayon. Di na kaya to ng make-up for real my gosh! Kaya eto na ang oras para gumamit ng face mask. Pumasok na ko sa office para ituloy ang laban ng buhay. Nakita ako ni Katrina at Rosy at kita ko na naman ang natatawang itsura ni Katrina at nag aalalang mukha ni Rosy.

 "Micah, let me guess? Tinatakpan mo tigyawat mo noh? Hahahahah. Sige okay na yan for now Micah. Mawawala rin yan basta wag mo lang kalikutin at lagyan ng kung ano-ano." pangaral ni Katrina na medyo natatawa pa rin.

 Di ko rin talaga maisip bakit ngayon ako inatake ng tigyawat kung kelan peak na ata to ng beauty ko. Lagi tuloy ako ngayon naka face mask sa ayaw ko man o sa hindi. Hindi tuloy makita ng mga office mates ko ang beauty ko. Natapos ulit ang shift namin at normal na kame nakauwi sa bahay. Kumakain ako kasama si mama ko at nagtanong si mama sa malumanay na boses.

 "Anak, may problema ka ba lately. Di ka ba makatulog ng maayos? Kita kase mukha mo ang problema mo. Baka gusto mo magpatingin sa doktor para masolusyunan yang mga tigyawat na yan," payo ni Mama sa kin na di ko sure kung nagaalala ba o nangaasar.

 "Sige po Ma, magpapatingin po ako sa derma sa linggo. Tapusin ko lang yung duty ko ngayon hanggang Friday," mabait ko na sagot kay Mama.

 Natulog na ko dahil may shift ulit mamayang gabi. Pag gising ko ng 7pm ay nagsalamin ulit ako. Laking gulat ko dahil may maliit uling mga tigyawat na tumubo sa kaliwang pisngi ko. Dagdag pa sa gulat ko ay ang ibang maliit pa na tigyawat sa noo ko at kanang pisngi. Meron na rin ako tigyawat sa bandang baba at sa suma tutal, di ko na mabilang ang dami ng tigyawat ko sa mukha. Di na kaya ng face mask ang problema ko kaya minabuti ko na rin na magchat kay Sir Arthur at mag file na ng sick leave kahit ayoko talaga umaabsent sa trabaho. Nagreply naman si Sir Arthur at sinabi nyang get well. Sinubukan ko mag face mask pero di pa rin kaya dahil pati pagdampi ng face mask sa mukha ko ay mahapdi na rin. Nagmukmuk na lang ako sa kwarto dahil di ko na kinakaya nangyayari sa sarili ko. Pinuntahan ako ni Mama sa kwarto ko bandang 8:30pm para kamustahin bakit di ako pumasok.

 "Anak may problema ba? Tungkol ba yan sa mga tigyawat mo kaya di ka makapasok?" Tanong ni Mama.

 "Opo Ma, masama rin pakiramdam ko medyo masakit din po yung katawan ko, inuubo at sinisipon." Paliwanag ko kay Mama kahit ang tigyawat ko lang naman ang problema ko sa mukha ko pero parang ang kakati na at gusto ko na pisatin kaya lang di na ko makinis pag gumaling to.

 "Osige anak, may mga gamot diyan sa aparador mo, inumin mo muna at ipahinga. Magsabi ka lang pag may kelangan ka ha," Dagdag ni Mama. Sobrang maaalalahanin ni Mama sakin kaya swerte pa rin ako na nandyan sya.

 Di na ko sumagot kay Mama dahil nalulungkot na ko sa nangyayari. Di rin kaagad ako nakatulog dahil eto ang gising ko eh, bandang gabi ako gising kaya nag cellphone muna ako. Bandang 11pm, nagchat yung bf ko, si Joshua Arabello.

 "Babe, pwede ka ba by Saturday? Date naman tayo. Isang buwan na tayo di nagkikita eh. Miss na kita," chat ni bf sa kin.

 Sineen ko muna yung chat nya dahil di ko alam ang isasagot ko. Alam kong di kagad gagaling tong mga tigywat ko ng ilang araw. Baka iwanan ako ng bf ko pag nakita yung mukha ko sa ganitong kondisyon. Magdadahilan na lang siguro ako by Friday para di naman sumama loob nya. Busy rin naman sya sa trabaho eh kaya sa tingin ko di naman ako mapapansin masyado na umiiwas.

 Nagcellphone cellphone lang ulit ako at dinalaw ulit ng antok bandang 3am na ako nakatulog muli. Pag gising ko ay nagchat sa kin yung dalawa kong bessy sa trabaho at nagtatanong bakit di ako nakapasok. Di ko muna nireplyan dahil alam ko na aasarin lang ako ni Katrina at pagsasabihan na naman ni Aling Rosy. Tumingin ulit ako sa salamin para kamustahin yung pagmumukha ko na dating maganda. Nangingitim na yung iba kong tigyawat samantalang yung iba ay namumula at meron na naman pausbong ulit. Di ko na maintindihan yung pagmumukha ko. Nagmukmuk ulit ako sa kwarto at ganun ulit yung routine ko sa araw na yun. Lumipas ang mga araw at Friday na sick leave pa rin ako. Kelangan na ng boss namin ng medical certificate kung bakit di ako nakakapasok. Chat ng chat yung dalawa kong bessy kung pwede ba ako puntahan dito sa bahay namin dahil nag-aalala na daw sila for real this time. Miss na nila yung maldita at medyo bully na ako sa office. Sinagot ko sila sa chat para sabihin lang ang salitang sorry. Nagchat rin bandang hapon ang bf ko kung matutuloy ba kame bukas dahil Sabado na nga pala bukas. Sinagot ko rin ang bf ko na sorry di ako makakapunta kase mataas ang lagnat ko. Inuubo at sinisipon din. Nag-alala sya kaya gusto nya ako puntahan sa bahay pero sinabi ko na di kailangan baka mahawa pa sya sa sakit ko.

 Pinagpahinga ko muna yung sakit ko sa pagmumukha hanggang umabot na yung araw ng Linggo. Sobrang dami na ng tigyawat sa mukha ko. Wala na silang paglagyan. Di ko na mabilang to the point na takot na rin ako sa pagmumukha ko pag tumitingin ako sa harap ng salamin. Dagdag pa dito ay ang pamumula ng aking mga mata. Nag face mask ako kahit mahapdi sa balat. Nagshades ako para di makita ang pamumula ng aking mga mata. Nagsumbrero ako kahit mahadi rin sa balat para matakpan kahit papano yung mga tigyawat ko sa bandang noo. Sobrang balot na balot na ang pagmumukha ko bago ako lumabas ng bahay at nagpaalam na kay mama. Nagpunta na ko sa derma para magpakonsulta kung meron pa bang lunas tong sakit ko.

 "May kinain ka ba na bawal sayo nag trigger ang allergy mo? Tanong ni Doc.

 "Wala po Doc." Sagot ko.

 "May history ba yung pamilya mo na tigyawatin kaya namana mo yang kondisyon mo?" Tanong nya ulit.

 "Wala rin po Doc. Lahat naman kami sa bahay makikinis pero except na siguro sa kin ngayon," Dagdag ko.

 "Baka naman nakulam ka kaya nagkaganyan yung pagmumukha mo o dahil may nakaaway ka," Ssa pang banat ni Doc. Seryoso siyang nakitingin pagkatapos sabihin yun pero hinabol nya ang salita nya.

 "Biro lang po. Wala naman na sigurong kulam sa panahong ito. Pagpasensyahan nyo na yung panunuod ko masyado ng mga horror films pag may konting free time." Biro ni Doc na di naman ako natawa.

 Pumasok na ko sa kwarto at humiga na sa higaan dahil titingnan ni Doc ang mukha ko. Medyo nahihiya pa ko dahil di ko na kase maexplain yung itsura ko sa totoo lang.

 "Wag ka na mahiya Ms. Lee. Tanggalin mo na yung suot mo sa mukha mo," giit ni Doc.

 Unti-unti kong tinanggal ang face mask, sumbrero at shades ko at sa pagbigla ni Doc sa mukha ko ay bigla syang tumumba sa pagkakatayo. Kita ko ang gimbal sa mukha nya nung makita nya yung mukha ko.

 "Ha…ha…halimaw, halimaw ka ma'am. Hindi na yan sakit sa balat! AAAAaaahhhhh!!" Sabay takbo palabas ng room.

 Nagulat din ako na nagtataka sa ginawa nya hanggang sa maramdaman ko na para bang may mainit sa mukha ko na may konting gumagapang na maliliit na kung ano na hindi ko maintindihan. Tumayo na ko at umalis sa higaan at dali-daling pumunta sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa salamin. Mukha ko pa rin yun na pinapalibutan na ng napakaraming tigyawat. Dagdag pa dun, parang may gumagapang na maliliit na bulate sa mukha ko. Kahit ako ay natatakot na sa mga nakikita ko. Yung mata ko na namumula ang nagdagdag pa sa pagkasindak ko. Sa isang iglap ay parang namula na ang paningin ko pero nakikita ko pa ang paligid hanggang sa nahilo na ko at nanlalabo na ang paningin ko. Tumumba ako sa sobrang kawalang pag-asa sa mga nangyayari. Nakadapa ako sa sahig at pinipilit ko tumayo pero nanghihina na talaga ako. Sa isang iglap ay parang nanghina ang katawan ko at di na makagalaw. Yung medyo pula na paningin ko ay naging pula na talaga ng tuluyan. Nararamdaman ko na yung mga maliliit na bulate na gumagapang sa mukha ko. Alam ko rin na dugo na tong lumabas sa mga mata ko kaya nagpupula na ang paningin ko. Hanggang sa magdilim na ang paningin ko pero bago ako mawalan ng malay. May nakita akong mga paa hanggang binti sa harapan ko. Alam ko kung kaninong mga binti yun. Alam ko dahil hanggang ngayon di pa rin maganda ang vibes ko sa taong yun. Nagdedeliryo o hindi pero sana hindi na lang namin nakilala yung new hire na yun dahil para sa kin isa syang malas na katrabaho at nadamay na ko sa kamalasan. Hinihintay pa ko sa office ni Katrina at Rosy. Hinihintay pa ko ni Josh sa date namin. At higit sa lahat, hinihintay pa ko ni Mama dahil nagluto pa sya ng paborito kong luto ng manok.

More Chapters