LightReader

Chapter 16 - Malas na Katrabaho Part 1

Kinabusan, Linggo, pumunta na kameng mga katrabaho ni Emman sa kanyang libing. Lahat kame nagdadalamhati dahil sa sinapit ni Emman. Parang nawalan ako ng dalawang kuya sa nangyari. Nilibing na si Emman at iyak pa rin ng iyak mga kasama ko. Naglalakad na kame pauwi at nakita kong pumasok si Micah, Katrina at Rosy sa banyo para sa mga babae. Nakita ko ring sumunod si Michelle sa mga iyon. Baka naman nagkataon lang na naihi silang apat.

 Point of view ni Micah Lee:

 Sobrang lungkot ko dahil nawalan kame sa team ng dalawang gwapo na katrabaho. Hayst, oo, may boyfie na ako pero iba pa rin pag may inspirasyon ka sa trabaho na nakikita. Nakakagana mag work kahit alam kong may mga partner na rin yung mga yon. Mahirap naman magustuhan si July kase mukhang bagets tapos yung si Brian naman masyadong close kay Apple na akala mo magjowa sila pero parang di naman. Nandito ako ngayon sa libing ni Emman. Pinagmamasdan ang gwapo nyang mukha bago sya ilibing. Sobrang gwapo talaga ni Emman kahit saang anggulo ko tingnan. Bata pa ang 30 years old para kunin ni kamatayan. Hindi mo talaga alam kelan ka mawawala sa mundo. Buti kasama ko today yung dalawa kong sis na si Katrina Cheng tsaka si Rosy Camiyo. Isa lang naman hindi ko gusto yung vibes sa team eh. Yun ay yung new hire na si Michelle Okada. May mga araw na parang close sya kay July pero may mga araw na parang di nya kilala si July. Pero medyo nakahinga na rin ako ng maluwag dahil parang ngayon ko lang nakita na masaya si July kahit bago pa lang rin si July. Ang seryosong tao kase ni July at ang bagets kaya kahit siguro yung ibang babae mahihirapan maattract sa kanya. Si Wendell at Emman ang happy pill ng team kaya pano na ko sasaya sa office ngayong wala na sila na nagpapakilig sa kin kapag pumapasok ako sa office?

 Pauwi na kame pero niyaya ko muna si Katrina at Rosy mag banyo dahil naiihi na ko. Dumiretso na ko sa cubicle dahil ihing ihi na talaga ako. Nagsasalamin siguro si Katrina at Rosy. Lumabas na ko ng cubicle para sumabay na rin mag ayos kasama sila sa harap ng salamin. Nakita namin si Michelle na pumasok ng isang cubicle. Di na ko nakapag pigil at nagsalita na lang bigla habang nasa loob sya ng cubicle.

 "Hayy nako, sunod-sunod na kamalasan nangyayari sa team natin hindi kaya may balat sa puwet yung isa diyan?" Pasaring ko sa kanya.

 "Hindi naman kase talaga kelangan ng team natin ng new hire bakit pa kase nag hire si Sir Arthur. Baka nung nakita na maganda yung picture sa CV nung isa diyan. Ayun! Tinigasan! Kaya you're hired agad!" Sunod ko na salita.

 "Huy Micah! Huwag kang ganyan sa new hire natin. Wala pa nga siyang isang taon binubully mo na agad." Sabi ni Katrina.

 "Baka pag magsumbong yan kay Sir Arthur, tayo naman ang mapagalitan. Hayaan mo na lang siya. Di naman nya kasalanan kung bakit namatay si Wendell at si Emman. Alam nating lahat na aksidente lang yon. Ano ba problema mo kay Michelle?" Pagtatanggol ni Rosy.

 "So kinakampihan mo na si Michelle ngayon Rosy? Sino ba tropa mo sa min? Ano? Tiwalag ka na ba sa grupo?" Giit ko.

 "Syempre sayo pa rin ako Micah. Di ko lang kase maintindihan yung galit mo kay Michelle. Para ka tuloy kontrabida sa mga teleserye na bigla na lang nambubully," depensa ni Rosy.

 "Hahahahaha, hayaan mo na yan si Michelle, tara na Micah alis na tayo. Baka malaki pa yang nilalabas nyang ebak at di maka concentrate kase binubully mo," Patawa ni Katrina habang haplos haplos ang likod ko.

 "Hmp, alis na nga tayo dito at baka mangamoy malas na rin tayo kagaya neto ni Michelle," Naiinis kong sabi.

 Malapit na kame lumabas ng pinto ng banyo ay bigla kameng may narinig na kumalabog sa may cubicle ni Michelle. Nagulat kame at nagiba ang timpla ng mga mukha namin. Kumalabog pa ulit ng tatlong beses na mas malakas pa sa una.

 "Hoy Michelle, di kame natatakot sayo. Mag-isa ka lang at tatlo kame baka iumpog namin yang ulo mo sa inidoro. Umayos ka at nanggigigil na ko sayo!" Sigaw ko.

 Tumigil ang mga kalabog sa pinto ng cubicle at nakita namin na unti-unti bumubukas ang pinto. Nakita namin siyang nakangiti sa min na para bang nakakaloko at sobrang nakakatakot. Yung ngiti nya na parang abot tenga pero sa nakakatakot na atake na tingin sa min. Susugurin ko na dapat sya ngunit pinigilan ako ni Katrina at Rosy.

 "Tama na yan Micah! Alis na tayo at may pupuntahan pa tayo na mga tropa. Hayaan na natin si Michell," Tanggol na naman ni Rosy. Habang unti-unti kaming papalabas sa pinto ay nakita ko pa rin sa gilid ng paningin ko na nakatiningin sa kin si Michelle.

More Chapters