LightReader

Chapter 15 - Bahay Kubo Part 2

Kumatok ako sa pintuan ng bahay pero walang sumasagot. Kumatok ako ng ilang ulit pa ngunit wala pa ring sumasagot. Sinubukan kong itulak ng kaunti ang pintuan at sa pagkagulat ay hindi pala ito nakasarado. Bukas pala yung pinto at katok pa ko ng katok. Nakabukas pa rin yung flashlight ng cellphone ko habang nagmamasid sa paligid. Walang katao tao sa bahay na to. May nakita pa kong isang higaan na may manipis na foam at dalawang unan. Nakita ko yung gasera sa may lamesa na malapit sa bintana. Yun yung nakita ko na liwanag kanina kaya napunta ako dito. Naglakad pa ko ng kaunti at nakita ko yung lamesa na may mga platong at pinagkainan. Nakita ko na nabubulok na ang mga pagkain na nakahain. Yung ulo ng baboy na pang lechon ay inuuod na at yung mga prutas na may kagat kagat na ay nilalangaw. Umaalingasaw na rin ang baho habang papalapit ako nang papalapit. Di ko na kinaya ang amoy kaya umalis na ko sa hapag kainan. Sa tingin ko may mga taong nakatira sa kubo na to pero nasaan sila?

Nandun na ko sa dulong bahagi ng bahay na sa tingin ko ay banyo nila. May pinto ulit ang banyo pero nakasarado. Di ko mabuksan yung pinto pero pinilit kong itulak nang itulak hanggang sa makarinig ako ng lagabog. May kumakatok na rin sa loob ng banyo at palakas ito ng palakas. Napaurong ako habang tutok na tutok yung cellphone ko sa pintuan. Unti-unting bumukas ang pinto ng banyo at laking gulat ko nang may sumilip na kalahating mukha. Sa takot ko at pagkabigla ay tumakbo ako papalayo sa banyo at napagdesiyunan na lumabas ng bahay. Bubuksan ko na ang pinto ng bahay para lumabas pero hindi ko ito mabuksan. Kaninang madali mabuksan na pintuan ngayon ay naka lock na. Tinapat ko pa ulit yung flashlight ng cellphone ko sa bandang banyo at nanlaki ang mata ko sa nakita ko isang matangkad na babae ang lumabas. Duguan ang puting damit at paika ikang naglalakad papalapit sa kin. Di ako makapagsalita sa takot at nangingining ako sa kaba pero sa bandang kaliwa dun sa hapag kainan na may nabubulok na mga pagkain ay nandun ang bintana na may lamesa na kung saan nakapatong yung gasera. Eto na ang huli kong pag-asa para makatakas.

 Nagmamadali akong pumunta sa bintana at pumatong sa lamesa at lumabas sa bintana. Natabig ko ata yung gasera na nasa lamesa pero wala na kong pakialam dahil kailangan kong matakasan yung nakakatakot na babaeng yon. Habang tumatakbo na ko papalayo ay lumingon ako sandali sa bahay at laking gulat ko dahil nasusunog na yung bahay kubo. Baka dahil dun sa natabig ko na gasera dahil sa pagmamadali kong paglabas sa bintana. Patawad at di ko sinasadya yun at nagmamadali ako tumakbo pero mabato ang daanan at bigla ako natapilok sabay biglang nadapa at gumulong gulong pababa. Di ko alam ilang beses ako nagpagulong gulong. Hanggang sa tumigil ang aking pag gulong dahil bumangga ang katawan ko sa isang malaking puno. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pagulong gulong ko kanina. Tumingala ako at laking gulat ko sa nakita ko. Si Wendell at Emman na nakabitin ang leeg sa puno. Tumutulo ang dugo mula sa pagmumukha nila. Nanginginig ako sa kinaka upuan ko. Di ko na maproseso sa utak mga nangyayari. Pumikit ako habang nakaupo pero sa pagdilat ko ay nandun pa rin si Wendell at Emman. Tumingin ako sa bandang harapan. Dalawang metro na lang layo ng babaeng matangkad kanina pero nagaapoy na sya ngayon! Parang demonyo na habol ng habol sa kin! Kita ko ang mukha nya na nakangiti at alam kong may masama syang balak gawin! Tumayo ulit ako na nangangatog pa at tumakbo pero di ko na dala dala ang cellphone ko kaya nilamon ako ng dilim hanggang sa bigla akong nahulog. Bangin na pala ang tinakbuhan ko. Nahulog ako sa napakataas na bangin at bumagsak ang katawan sa lupa.

 Nawalan ako ng malay pero sa pagdilat ko ay nasa higaan na ulit ako ng aking bahay. Niligid ligid ko ang paningin ko sa kwarto ko at huminga ng sobrang lalim. Alam kong bangungot lahat ng iyon pero bakit ganun? Sobrang sakit ng katawan ko na parang totoo ang lahat. Buti na lang at Sabado na ng gabi at wala kaming pasok.

More Chapters