Kalat na sa office ang nangyari kay Wendell at Emman. Di ako makapaniwala na sa loob ng isang buwan ay mawawalan kami ng mabubuting kaibigan tulad nila. Sobrang lungkot ko sa nangyari. Nakiabot ako ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Emman na naging kaibigan ko rin dahil ilang beses na kami ni Emman dinala sa bahay nila noon. Naawa ako sa asawa nya at isang anak. Pupunta ako sa libing ni Emman sa linggo para makiramay ngunit kelangan ko munang tutukan itong si Michelle na secret gf ko na new hire ng team namin. Marami na ang nangyari sa min netong mga nakaraang linggo. Misteryo pa rin sa kin ang pabago bagong ugali ni Michelle.
Di naman kase harmful yung cold side nya pero nakakainis lang na nagkakaganon talaga sya. Yung romantic side nya lage ang inaabangan ko dahil dun palagi may nagyayari sa min at gustong gusto ko yung ganun. Friday, huling araw ng training ni Michelle as trainee at babalik na kame sa production floor. Based sa assessment ko sa kanya, mukhang kaya naman nya gawin yung mga ipapagawa sa kanya sa work at capable syang ihandle yung volumes. Tinamaan na naman kame pareho ng kung anong magaling ng araw na yun pagkatapos ng shift. Kaya nag check in na naman kame sa hotel pagkatapos ng shift. Ganun ulit yung set up sya yung mauuna sa room tapos susunod ako. Wala namang nangyaring kakaiba sa min kase nasanay na kami sa katawan ng isa't-isa.
Nakauwi na kame sa bahay ng isa't-isa. Nakatulog ako na marami ang iniisip. Pagdilat ko ay bigla na lang ako napunta sa gubat. Di ko alam kung saan to pero mukhang nasa gubat ako at maraming puno. Medyo madilim pero buti na lang at nasa bulsa ko yung cellphone ko. 90% pa ang battery kaya sa tingin ko matagal tagal na to para sa sa flashlight. Nag flashlight ako sa phone para makita ang paligid. Sorbang dilim at ang nakikita ko lang ay ang mga dahon at mabatong daanan. Paakyat ang lakad ko kaya sa tingin ko ay nasa bundok ako pero di ko rin alam saang bundok ito. Sampung minuto na ata ako naglalakad pero puno at madilim lang na daanan ang nakikita ko. Napagod na ko sa paglalakad kaya napasandal ulit ako sa puno para magpahinga. Bakit ba ako napunta dito eh natutulog lang ako kanina sa bahay. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad dahil hindi pwedeng ganito lang ako dahil may pupuntahan pa kame bukas. Sampung minuto pa sa paglalakad ay may naaninag ako na isang bahay kubo. Medyo malinaw sa paningin ko dahil may konting ilaw ang bintana pero di masyado nakabukas ang bintana ng bahay kubo.
