Oo nga pala, Wednesday at Thursday ang off namin sa work. Natawa na lang ako dahil sa pagod. Nag almusal lang ako ng konti na gawa ni misis at sinubukan matulog ng maaga. Sa kadiliman, bigla kong nakita ang imahe ni Wendell pero nakatalikod. Sinubukan kong lapitan si Wendell pero parang di ako makalapit kahit anong lakad ko papalapit kay Wendell ay lumalayo ang imahe nya. Nang makalapit ako ay biglang nagiba ang anyo sa isang matandang babae na nakaitim. Siya na naman yung matandang babae na nagpakita sa kin nung nakaraan. Bigla kong naisip na bangungot na naman ito kaya sinampal sampal ako ang aking sarili hanggang sa ako ay magising. Pagising ko ay 6pm na at malapit na maghapunan ang mag ina ko. Sumabay na ko sa kanila at nagpahinga ng konti. Pagkatapos maligo ay nag ayos na ko ng sarili para pumasok. Ganto talaga buhay naming nasa BPO trabaho. Konting bahay at pamilya, tulog tapos trabaho ulit sa ngalan ng pera talaga. Nag jeep ako papasok sa work. Siksikan sa jeep at sa pinaka dulo ako umupo. Medyo madilim yung jeep na sinakyan ko na may konting pailaw lang para makita nag loob.
Tumingin ako sa harapan na salamin ng jeep at napansin ko na may babaeng nakaupo. Nakayuko sya kaya di ko makita yung mukha nya sa harapan. Nag tingin ako sa ibang direksyon para pampawala ng antok. Pagkatapos ng tingin ko sa ibang direksyon ng paligid ay tumingin ako sa harapan at nakita ko na nakatingin na rin sa kin yung babae. Isang matandang babae na nasa 70 na ata ang edad. Bigla akong nagtaka dahil bukod sa nahuli nya akong nakatingin sa kanya ay bigla nya pa akong nginitian. Isang nakakalokong ngiti na parang may kahulugan. Nagulat din ako nung huminto ang jeep namin na sinasakyan dahil may isasakay na pasahero. Nawala ang atensyon ko dun sa matanda at nabaling dun sa mga sumakay na dalawang pasahero. Umupo sila sa ginta ng upuan magkabilaan sabay may dinukot na bagay sa dala nilang bag. Naglabas ang isa sa kanila ng baril!
"Itaas nyo ang mga kamay nyo kung ayaw nyo masaktan. Ibigay nyo ang gamit nyo at mga pera kung ayaw nyong may dumanak ng dugo!" sabi ng isang holdaper.
Nagpatuloy lang sa pagdadrive ang driver habang lahat kame sa loob ng jeep ay kabado. Napatingin ako sa harap at nakita ko yung matanda na hindi nakataas ang kamay. Di ba sya natatakot sa mga holdaper na to? Nanlaki ang mata ko ng unti-unti syang lumingon patalikod at tumingin sa pwesto ko pero di pa rin nakataas ang mga kamay. Bakit tinitingnan at nginingitian lang nya ako. Tumayo ang balahibo sa aking katawan dahil sa kin lang sya nakapokus habang ang mga holdaper ay kinukuha na ang mga gamit ng mga pasahero at kinakapa ang bulsa para sa wallet. Nang papalapit na sa kin ang mga holdaper ay biglang may sumunggab sa mga holdaper na dalawang lalaki rin sa likod. Sinakal nila ang leeg ng mga holdaper gamit ang braso nila. Nataranta ang mga holdaper at may mga pasahero sa bandang gitna ang kinagat ang kamay nila kaya nabitawan nila ang mga hawak nilang baril. Napunta ang mga baril sa paanan ko kaya madali kong sinipa palabas ang mga baril bago pa mapulot ulit ng mga holdaper. Potek talaga naman oh! Pano ko to papaliwanag sa boss ko? Hindi ko na rin alam san papunta tong jeep dahil nataranta ang driver at napunta na sya sa ibang daan. Magchachat na lang ako ng Emergency leave kase di kapanipaniwala tong mga nangyayari. Pagewang gewang na ang jeep at sakal sakal pa rin ng dalawang pasahero ang dalawang holdaper. Nagulat na lang ako sa pwesto ko nang biglang may lumagabog sa harap ng jeep. Nabunggo pala ang jeep sa isang poste pero di gaanong ganun kalakas yung impact. Kanang bahagi lang ang tingin ko na nabangga kung saan naka upo yung..kung saan nakaupo yung matanda!
Tumingin ako sa harap ngunit di ko inaasahan na wala naman dun yung matanda. Pano nya ginawa yun at pano sya nakaalis dun? Nang pagtingin ko sa kabilang direksyon ay nakita ko dun yung matanda na kaninang nakasakay sa harapan. Pero parang may kakaiba sa mukha nya. Kalahati lang ang mukha nya at yung kabilang banda ay duguan! Papalapit na sya ng papalapit na naglalakad sa pwesto ko malapit sa pintuan. Parang tatlong metro na lang ang layo nya at natataranta na ko sa nangyayari. Sa taranta ko ay bumaba ako ng jeep at tumakbo papalayo sa jeep. Wala na kong pakialam kahit di ako makapasok. Takbo ako nang takbo sa madilim na daanan hanggang sa may naaninag akong liwanag na pabilog sa gitna ng dilim. Sobrang bilis ng liwanag na hindi ko namalayang tumilapon na pala ang katawan ko sa ere. Sobrang taas na kitang kita ko na ang liwanag ng buwan. Ambagal ng paligid na hindi ko namalayang bumagsak na pala ang katawan ko sa lupa. Di ako makagalaw pagbagsak ko sa ere. Dun ko na lang napagtanto na nasagasaan pala ako nang humaharurot na kotse. Sobrang init ng likido sa likod ko. Alam kong dugo yun at di ko na magalaw ang katawan ko. Pagtingin ko sa kanang bahagi ay may mga papuntang tao na kong nakikita ngunit malabo na sila sa aking paningin. Lumalabo na nang lumalabo ang paningin ko.
"Sa wakas di na ko malelate sa trabaho dahil paalam na sa inyo." unti-unti akong pumikit na dahil hanggang dito na lang ang buhay ko.
