Point of view ni Emman:
Di naman ako laging ganito. Simula nung namatay si Wendell ay nagsimula na ang hiwaga sa buhay ko. Kahit anong tulog ko ng maayos ay hindi ako makatulog ng maayos at may oras pa na sa isang araw ay dalawang oras lang ang tulog ko. Ang ending ay lagi akong sabog kapag papasok at minsan ay madalas late. May mga pagkakataon pa nga na umiinom na ko ng mga dietary supplement na tumotulong sa sleeping quality ko pero lahat ng ito hindi gumagana. Nasa point na ko ng buhay ko na gusto ka na magpalipat ng permanent morning shift kase di ko kaya pumasok ng gabi gawa ng di ako makatulog ng maayos sa hapon. Dagdag pa dito ay lagi akong may napapanaginipan na babaeng nakaitim kaya bigla akong nagigising at di na makatulog muli. May mga pagkakataon naman na maganda ang tulog ko kaya lang may nangyayaring kakaiba sa byahe ko papunta sa office. Kung hindi maiipit sa traffic ay may makikita kaming nagkabungguan na kotse na nagdudulot pa rin sa traffic. Umabot na sa point na pinapatawag na ko ni Team Leader sa office nya dahil sa mga lates ko.
"Emman, bakit parang napapansin ko ang madalas na pagkalate mo sa office ah. Pwede ko bang malaman mga dahilan mo." Pagtatakang tanong ni Sir Arthur.
"Uhmm sir, di po kase ako makatulog ng maayos sa hapon. Laging may gumugulo sa isip ko pag nagpapahinga na ako." Sabi ko.
"Dahil ba yan kay Wendell?" Tanong ni sir.
"Part po ng di ko maayos na pagtulog ay si Wendell. Pero di ko sure if papaniwalaan po ninyo yung kwento ko na para bang may dumadalaw na matandang babae na nakaitim sa panaginip ko. Paulit-ulit ang pagdalaw nya sa panaginip ko. Hindi ko sya kilala sir." Sabi ko na may pagkatakot.
"I'm sad to know your depression about sa nangyari kay Wendell. Alam ko na very close ka kay Wendell at July pero dapat maging professional pa rin tayo sa work at all times." Paliwanag ni Sir Arthur.
"Sir pwede po ba ako magpa change shift na lang baka kase di ko kaya pumasok ng 8pm eh. Pwedeng mag pa 10pm na lang yung start ng shift ko if di po ako kaya ilipat sa morning shift." Proposal ko kay Sir Arthur.
"Sige papayagan kita pero for 1 week observation to since change shift lang naman at di naman masyado makakaapekto sa operation. Pero dalawang late ka na lang Emman at tatanggalin ka na sa trabaho as per company policy. Please wag mo sayangin tong chance na to. Ilang linggo na lang at magrereset na ulit ang number of lates pero mas maganda sana if di ka na malate sa pagpasok mo."Paliwanag ulit ni Sir Arthur.
Pinabalik na ko ni Sir Arthur sa prod at nagpatuloy na ko sa trabaho. Ang lungkot dito sa kabilang station ko dahil wala na yung kakwentuhan ko na si Wendell. Pag usapang basketball at games, sya lagi yung kausap ko. Hindi naman napapansin ang tagal ng shift pag magkakasama kaming tatlo ni Wendell at July. Ngayon na ako na lang natitira na lalake dito sa prod dahil wala na si Wendell at nasa training room pa rin si July. Buti na lang at matatapos na ang buwan next week at babalik na si July dito sa prod. Di ko rin makaclose si Brian kase lagi syang dikit kay Apple pero sabi nila di naman daw sila. Kung ako kay Brian ay niligawan ko na yang si Apple eh. Ayoko na mangialam dahil di ko rin vibes si Brian. Hay nako! Bumalik ka na sa prod July.
Break time na rin sa wakas at makakalaro na rin sa cellphone. Napapasnsin ko na kada break time may mga moments na parang close na close magkausap si July at Michelle at may mga araw naman na parang di sila masyado naguusap. Ang gulo lang pagmasdan dahil di ko sigurado kung irregular ba tong behavior nilang dalawa o hindi naman dahil okay lang kase magkaibigan lang silang dalawa. Parang may progress silang dalawa at the same time parang wala. Masyado na kong concern kay July nang hindi nya alam. Siguro kase sa team namin, si July ang pinakamatalino pero pagdating sa babae siya pa rin ang pinakababy. Si Micah, Katrina at Rosy may mga bf na kaya di sila nakikihalubilo sa ibang boys dahil ayaw nila ng issue. Si Apple at Brian naman ayaw pang umamin sa isa't-isa. Ako, pamilyado naman na tao na may isang cute na anak. Parang pangalawang kuya na ko kay July kase nakikita ko sa kanya ang sarili ko nung single pa lang ako. Hanap ng chikas dito, hanap ng chikas doon pero wala pa ring swak para sa kanya hanggang sa makilala nya tong new hire namin si Michelle. Napansin ko na parang may nag iba kay July. Iba yung saya nya nung nakilala nya si Michelle, sana magtuloy tuloy ang closeness nila na uhmm medyo magulo.
Bumalik na kame sa prod pagkatapos ng break. Nagpatuloy sa trabaho at sa wakas tapos na ang shift. Umuwi na kame at hihintayin sana si July para may kasabay pauwi ngunit sabi nya ay mag eextend lang sila ng training ni Michelle at marami pa silang dapat matutunan. Marami raw hinahabol si July kay Michelle bago isabak si Michelle sa live production next month.
Kadalasan, una kong nakikita ang anak ko sa pintuan ng bahay na nagaabang sa kin bago pumasok. Ngayong araw di ko sya nakita. Pag pasok ko ng bahay ay nakita ko ang aking anak na naglalaro ng laruan.
"Nak bakit di ka pumasok ngayong araw." Tanong ko.
"Walang pasok ngayong araw Papa. Sabado ngayon." sagot nya na masaya ang mukha. Anong nangyayari sa kin? Pagod na ba talaga ako?
