LightReader

Chapter 2 - Studio Apartment Part 2

 Napasigaw ako sa takot nang makita ang plato na hawak nya at tinatadtad nya pa kanina ay mga daliri pala ng kanang kamay nya. Gusto ko lumabas sa sobrang gimbal sa mga nakita ko pero hindi ko magawa dahil magkatabi lang kami ng kwarto at baka bigla nya akong abangan sa labas. Dali-dali kong tinakpan ang butas ng mga packing tape para di na makita ang halimaw na yun o zombie o demonyo ba yung nakita ko?

 Biglang nawala ang kaba ko at napalitan ng nakakabinging katahimikan. Pero nabasag ang kahimikan na yun nang marinig ko ang pagdabog ng aking pintuan. May nagdadabog na parang dapat kong pagbuksan at biglang may nagsalita sa likod ng pintuan na tunog demonyo.

 "Hoy ikaw, pagbuksan mo tong pintuan at ihahalo ko pa yang ulo mo sa niluluto ko. Ha ha ha ha ha ha." nakakatakot na tawa ang sumunod sa banta nya. Malalim at mala demonyo ang boses nya. Hindi ko na sinilip kung sino yun sa peeping hole ng pintuan dahil alam ko na kung sino yung demonyo na yun. Buti na lang at makapal din ang pintuan na impossibleng masira ng iisang tao lang ngunit nagpatuloy pa rin ang pagdadabog nito sa pintuan. Tawag ako ng tawag sa may-ari ng inuupahan ko pero hindi tumutuloy ang tawag ko na para bang may pumipigil sa magandang koneksyon ng cellphone ko dahil laging fail ang tawag at video call. Tumawag din ako kay Rene dahil natatakot na ako sa pagdabog at tawa ng demonyo sa labas baka kayang kaya nya ako sugurin dito sa loob ng kwarto pag tumagal pa. Hindi ko na alam ang gagawin at biglang sumagi sa isip ko na baka bangungot lang ito kaya nagmatapang ako na iumpog ang ulo ko sa pader na semento at biglang may umagos na dugo sa noo ko at nawalan ako ng malay. Nagdilim ang paligid ko habang may nagtatangka pa ring pumasok sa pinto habang unti-unti akong nawawalan ng malay.

 Pagising ko ay sa tingin ko umaga na. Wala na yung demonyong nagdadabog sa pintuan ko pero masakit pa rin ang ulo ko. Oo nga pala, inumpog ko pala yung ulo ko sa pader para mawalang ng malay. May konting dugo pa rin yung ulo ko. Nandun pa rin yung packing tape na tinakip ko sa butas ng pader. Buti na lang at rest day at walang pasok sa trabaho kase ayoko pa rin lumabas ng kwarto ko kahit may araw na baka nakaabang lang sa kin sa labas yung demonyo. Nag video call ako sa may-ari at sa wakas may signal na ulit. Sinagot nya yung tawag at sinabi ko yung problema ko. Sinabi nya pupunta sya agad agad sa kwarto ko para icheck ako kung okay lang ako. Maayos naman syang nakapunta at tumingin muna ako sa peeping hole ng pinto kung sya ba talaga yung dumating. Bigla na tuloy ako napraning dahil sa nangyari kagabi.

 "Ernesto, anong problema. Bakit sinabi mo sa video call na gusto mo na umalis dito sa inuupahan mo eh kakalipat mo lang kahapon?" Pagtataka ng may-ari habang nakatingin sa kin. Lumabas ako ng kaunti sa kwarto at natatakot pa rin na nakatingin sa Room E. Pwede ba syang lumabas ngayon na may araw na at patayin kaming dalawa dito? Yung demonyo na nakita ko kagabi, totoo ba talaga yun?

 "May naramdaman kase akong kakaiba kagabi sir. May butas po yung pader ng studio apartment na to sa katabing studio apartment din. Tanong ko lang. Mag-isa lang po ba yung nakatira sa Room E? Bigla po kase na may nagdadabog sa pintuan ko nang matanaw ko yung nakatira sa kabilang apartment." Hindi ko na dinetalye ang itsura nung babae kagabi dahil hindi naman ako papaniwalaan ng owner ng apartment.

 Pero nanlaki ang mata ko nang makita ko ang reaksyon sa mukha ni owner. Mukha syang takot na takot sa kwento ko at nanginginig dahil hindi ata makapaniwala sa sinabi ko.

"Sir ano pong problema bakit parang natakot kayo?" tanong ko sa kanya dahil nagtaka ako kung bakit nag-iba ang ihip ng hanging nung sabihin ko yung tungkol sa babae.

"Si...si....sir..wag po kayong magugulat sa sasabihin ko ah." sabi ni owner ng pautal-utal pero pabitin.

 "Matagal na pong walang nangungupahan sa Room E. Yan po pala yung nakalimutan kong sabihin sa inyo kahapon. Di..di..dito po sa second floor, yung Room D at itong Room F lang ang may nangungupahan kaya sobrang nagulat ako sa kwento nyo na may nakatira sa Room E. Sir hindi kaya nananaginip lang kayo kagabi?" Bigla akong nanlamig sa mga sinabi ni owner dahil di ko madepensa sa kanya yung mga naranasan ko kagabi. Impossibleng panaginip yun dahil sa mga pagkain na inubos ko kahapon at dugong nasa noo ko impossible iyon. Kaya nung oras na yun ay kinwento ko na talaga sa kanya ang lahat ng pangyayari kagabi sa maniwala man sya o sa hindi. Lalo ko nakita na parang gimbal na gimbal ang mukha nya at hindi na ito maipinta lalo. Pinayagan na nya ako magimpake kagad dahil magpapatawag pa sya ng pari para ipabless ulit yung mga apartment dahil possible na pinamamahayan na ito ng mga demonyo. Bumalik ako sa bahay ni kaibigang Rene at pinaliwanag lahat sa pamilya nya ang karanasan ko at pinatuloy muna nila ako pansamantala ulit. Di ba talaga ako pwede bumukod mag-isa at kung ano ano umiikot na kababalaghan sa isip ko o minalas lang ako sa pagpili ng studio apartment?

More Chapters