LightReader

Chapter 16 - Chapter 15: Bonfire Night Confessions

Vincey POV

 

Syempre, hindi magiging kumpleto ang beach outing kung walang bonfire night! After dinner, nag-set up na kami sa tabing-dagat. May bonfire sa gitna, may mga upuang gawa sa kahoy, at may tugtugan sa background. May mga inumin din — mga beer, cocktail mix, at ‘yung “special” concoction ni Sir Arvic na alam kong isang tagay lang, tapos ang laban.

 

“Okay mga bes, settle down!” sigaw ko habang hawak ang bote. “Dahil walang matutulog hangga’t walang kalokohan, maglalaro tayo ng Spin the Bottle: Truth or Dare — Crestwood Edition!”

 

“Vincey, huwag kang masyadong magulo ha,” sabi ni Ma’am Carmelle habang nakangiti.

 

“Ay Ma’am, promise po, wholesome lang!” sabay kindat ko. Wholesome... pero may kilig factor.

 

Nagsimula na ang laro. Una kong pinaikot ang bote. Tapat kay Engr. Anthony.

“Truth or dare?” tanong ko.

 

“Truth.”

 

“Okay, sino sa team ang pinaka-stressful kausap?”

 

Nagtinginan kaming lahat, sabay tawa.

 

“Si Vincey!” sagot niya agad.

 

“RUDE!” sigaw ko sabay tawa ng malakas.

 

Sunod-sunod ang tawanan. May mga nagda-dare ng sumayaw ng sexy, may kumanta ng ‘Hawak Kamay’ ng malungkot, may nag-push-up challenge pa.

 

Pero nung pinaikot ulit ni Ma’am Luna ang bote, boom — tumapat kay Sophia.

 

“Truth or dare, bhe?” tanong ni Ate Luna habang nakangiti ng may alam.

 

“Truth,” sabi ni Sophia, sabay ngiti.

Napangiti rin ako. Ayan na, ayan na ‘to!

 

“Okay,” sabi ni Ate Luna, “simple lang naman ‘yung tanong ko... may nagugustuhan ka ba sa Crestwood?”

 

Sabay sabog ng kilig sa paligid. “Ayyyy!” sigaw naming lahat.

 

Namula agad si Sophia. “Ha? Ako? W-wala naman…” sabay tawa-tawa pero halatang kinakabahan.

 

“Oh come on, truth nga ‘di ba? Kung wala, sabihin mo lang. Pero kapag nagsinungaling ka, mararamdaman namin!” sabi ko sabay turo sa baso na punong-puno ng alak. “O ayan, kung ayaw mong sagutin, inumin mo ‘yan!”

 

Napatingin siya sa baso, tapos sa amin. “Guys, seryoso? Ang dami nito ah!”

 

“House rules, girl!” sigaw ko.

 

Wala na siyang nagawa. Dinampot niya ‘yung baso at ininom ng diretso. Halos mapangiwi siya sa tapang, sabay tawa naming lahat.

 

“Wooo! Go Sophia!” sigaw ko sabay palakpak. “Ganyan ka dapat magmahal — isang tagay lang, all in!”

 

Natawa siya, pero halata na namumula na ang pisngi niya. Aba, mukhang lasing na ‘to ah.

 

At sa sulok ng paningin ko, tahimik lang si Arch. Jace, pero napapangiti. Hmm… may nagugustuhan din ‘tong isa. Time for Phase 2.

 

“Okay mga bes, next round!” sigaw ko, sabay ikot ulit ng bote.

 

Pag-ikot, tumigil ang bote kay Arch. Jace.

 

“Truth or dare, Architect?”

 

“Dare.” sagot niya kalmado, pero may ngiti sa labi.

 

Perfect. This is it.

 

Ngumisi ako ng maloko. “Okay, ang dare mo… halikan mo ang taong nagugustuhan mo.”

 

Sabay sigawan ang buong grupo. “AYYYYY!” “GO NA!” “KAYA MO ‘YAN!”

 

Napailing si Jace, sabay inom ng konti sa baso niya. “Vincey, lasing ka na yata.”

 

“Ay hindi, Architect! ‘Yan ang dare mo!” sabi ko sabay kindat. “Walang atrasan!”

 

Tahimik ang paligid. Tanging crackle ng bonfire at hampas ng alon ang maririnig. Si Sophia naman, tahimik lang sa kabilang upuan, nakayuko habang hawak ang bote ng tubig.

 

At bago pa kami lahat makareact, tumayo si Arch. Jace, lumapit sa harap ni Sophia, at marahan siyang hinawakan sa pisngi.

 

Tumingin si Sophia sa kanya, halatang nagulat.

 

Then gently… he kissed her.

 

Hindi matagal, hindi rin bastos — just a soft, sincere kiss.

 

Tahimik kaming lahat. Parang biglang huminto ang mundo. Hanggang sa sigawan kong, “WAAAAAHHHH KILIG!!!” sabay hiyawan at tawanan ang lahat.

 

Nakita ko pang may mga kumukuha ng video, pero si Jace, parang wala lang. Nakatingin lang siya kay Sophia, tapos tahimik na bumalik sa upuan niya.

 

At ako? Grabe. Plot twist of the night. Success!

 

Sophia POV

 

Hindi ko alam kung anong nangyari. Parang biglang bumagal lahat.

 

Nung una, akala ko joke lang ‘yung dare. Pero nung tumayo siya at lumapit, bigla akong natigilan. Lasing ba siya? Pero hindi — kalmado siya, tinitingnan ako diretso sa mata.

 

At nang lumapit ang labi niya sa labi ko, tumigil ang paghinga ko.

 

Wala akong narinig kundi ang tibok ng puso ko at ang init ng apoy sa paligid.

 

After that short kiss, natahimik akong todo. Hindi ko alam kung saan titingin. Lasing na rin ako, kaya lalo akong natulala.

 

“Okay ka lang?” bulong ni Jace nang umupo ulit.

 

Tumango lang ako. “Yeah…”

 

Pero sa loob-loob ko, hindi, hindi ako okay — kasi bakit parang gusto kong maulit ‘yun?

 

Arch. Jace POV

 

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko. Siguro dahil lasing na ako, o baka dahil ayoko nang itago. Pero nung tinanong ako ni Vincey, wala na akong inisip.

 

Nakita ko si Sophia sa harap ko — tahimik, inosente, pero totoo. Kaya ginawa ko na lang kung anong matagal ko nang gustong gawin.

 

Pagkatapos ng halik na ‘yon, hindi ko na inintindi ‘yung sigawan at tawanan sa paligid. Kahit nung nakita kong may nagvi-video, hindi ko pinansin.

 

Let them talk. I don’t care anymore.

 

Pagkatapos ng laro, nag-uwian na isa-isa. Si Sophia, halatang lasing na. Tawa nang tawa, pero hindi na makatayo nang maayos.

 

“Sophia,” tawag ko habang nilalapitan siya. “Halika, hatid na kita.”

 

“Ay, kaya ko pa,” sabi niya, pero halatang hindi na steady.

 

Ngumiti ako at walang sabi-sabing binuhat siya.

 

“Uy grabe, Architect, nakakakilig ka!” sigaw ni Vincey. “Pahiram ng ganung treatment minsan!”

 

“Tumahimik ka nga, Vincey,” sabi ko sabay ngiti.

 

Pagdating sa kwarto namin, maingat kong inihiga si Sophia sa kama. Wala na siyang malay, tulog na tulog.

 

Napakamot ako sa ulo. “Paano ‘to… hindi siya puwedeng matulog ng basang damit.”

 

Napatingin ako sa paligid — may towel at extra shirt sa luggage niya. Wala akong choice. Tinakpan ko siya ng kumot habang dahan-dahang pinapalitan ng dry shirt. Wala akong halong masamang intensyon — gusto ko lang siyang maging comfortable.

 

Pagkatapos, inayos ko ang buhok niya at tinakpan ng kumot. “Goodnight, Sophia,” mahina kong sabi bago lumabas muna ng kwarto.

 

Ma’am Joan POV

 

Saktong palabas ako ng hallway nang makita ko si Arch. Jace na palabas ng kwarto nila Sophia.

 

Ngumiti ako agad. “Ooooh… anong ganap diyan, Architect?” sabay taas ng kilay.

 

Napailing siya, halatang pagod. “Tulog na si Sophia, lasing. Inihatid ko lang.”

 

“Sure ka ha? Wala kang ginawang milagro?” sabi ko sabay tawa.

 

Napahinto siya, sabay buntong-hininga. “Ma’am, kung ano man ang iniisip niyo, hindi ‘yon nangyari. Respeto pa rin po.”

 

Ngumiti ako, impressed. “Good boy. Pero aaminin ko, kinikilig ako sa inyo. Lalo na kanina sa bonfire — naku, trending na ‘yon bukas sa GC!”

 

Napailing siya sabay ngiti. “Bahala na po kayo, Ma’am. Basta tulog na siya.”

 

Habang papalayo siya, napahawak ako sa dibdib ko. “Hay naku, kung ako si Sophia, hindi ko na palalampasin ‘yan.”

 

Tumingin ako sa dagat, sabay ngiti. Mukhang may bagong love story talaga sa Crestwood. ❤️

More Chapters