LightReader

Chapter 2 - Part II

Kinabukasan matapos ang gabing walang tulog, parang may bumigat sa buong bahay.Maging ang hangin, parang ayaw huminga. Tulog pa rin si Daniel nang bumangon ako.. nakatalikod sa akin, gaya ng mga nakaraang gabi. Matagal ko siyang tinitigan, pilit hinahanap 'yung lalaking pinakasalan ko. 'Yung dating niyayakap ako tuwing umaga, nagbubulong ng mga pangakong "habangbuhay." Pero ang nakita ko lang ngayon... isang estrangherong suot ang mukha ng asawa ko.

Bumaba ako at nagkape. Yung tunog ng coffee machine lang ang gumising sa katahimikan. Nandoon na si Anna sa kusina.. maayos ang buhok, suot ang paborito niyang kulay-rosas na apron.

"Good morning, ma'am," mahina niyang bati, medyo nanginginig pa ang boses.

Tiningnan ko siya nang mabuti. 'Yung eyebags niya, 'yung paninigas ng balikat. Halatang puyat. Halatang may tinatagong bigat.

"Morning," sagot ko, kalmado. "You can start preparing breakfast. Baka bumaba na si Daniel."

"Yes, ma'am."

Tahimik siyang gumalaw habang ako naman ay umupo sa mesa, kunwaring nagso-scroll sa phone. Ang tunog ng kutsilyong tumatama sa chopping board, ang sizzle ng mantika sa kawali.. mga karaniwang tunog ng umaga. Pero sa ilalim ng lahat ng 'yon, parang may bumubulong. Parang may multo ng kahapon na bumabalik.

Pagbaba ni Daniel, parang wala lang. Plantsadong polo, makintab na sapatos, at 'yung ngiting sanay nang magsinungaling. Hinalikan niya ako sa noo, mabilis lang.

"Morning," sabi niya bago ininom ang kape.

Hindi siya tiningnan ni Anna. O baka tinignan.. pero hindi habang nakatingin ako. Umalis siyang maaga, may "meeting daw sa Makati." Sinundan ko siya ng tingin hanggang sumara ang gate. Paglingon ko, nando'n pa rin si Anna, naglilinis, halatang kabado.

"Anna," tawag ko nang mahina.

"Y-yes, ma'am?"

"Do you like working here?" tanong ko, diretso.

Napatigil siya. "O-of course, ma'am. Sobrang bait po ninyo sa akin."

Ngumiti ako nang bahagya. "That's good. Kasi kung may bumabagabag sa'yo... you can always tell me. I treat you like family."

"Thank you, ma'am," sagot niya, pilit ang ngiti.

Pero halata sa mata niya na hindi gumaan ang kanyang loob sa sinabi ko. Parang lalo siyang natakot.

That afternoon, dumiretso ako kay Mia, best friend ko at ang palaging boses ng katinuan. Walang filter, walang drama, laging totoo. Pagkuwento ko pa lang ng hinala ko, hindi na siya kumurap.

"Claire, you need proof," sabi niya habang hinihigop ang iced coffee niya na parang nagpa-plano ng digmaan.

"Wag ka munang mang-akusa. Yung mga lalaking tulad ni Daniel? Marunong 'yang magpaawa hanggang ikaw pa 'yung mag-sorry sa huli."

"I know," sabi ko, halos pabulong. "Pero ramdam ko, Mia. Si Anna 'yun."

"Yung kasambahay?" taas kilay niyang tanong.

Tumango ako. "She's always here. Alam niya lahat ng galaw namin. At lately... iba na 'yung kilos nila kapag magkasama."

Lumapit si Mia, seryoso. "Then don't play dumb. Manood ka, makinig. At kapag sigurado ka na?"

Ngumiti siya nang mapanganib."Gantihan mo na. Ganti ng mga matatalinong niloloko."

Lumipas ang ilang araw, tahimik lang ako. Nagmasid. Nakinig. Naghintay. Naging multo ako sa sarili kong bahay. Lahat ng kilos nila, kabisado ko. Nilalagyan ko ng recorder ang phone ko bago ako lumabas ng kwarto. Nakilala ko ang tunog ng kanilang mga yapak, ang rhythm ng kanilang mga tinig.

Hanggang isang hapon, narinig ko 'yung tawa. Hindi 'yung pangkaraniwan. Hindi 'yung magkaibigan lang. 'Yung may halong lambing at kasalanan.

Tumigil ako.

Tahimik na lumapit.

"Don't worry so much," boses ni Daniel, mababa, pamilyar. "Hindi nya ito malalaman."

Tinig ni Anna, mahina pero nanginginig: "Pero paano kung malaman nya, sir? Iba ang kinikilos niya nitong mga nakaraang araw."

Tumigil ang oras.

Daniel laughed softly. "Relax. Claire's too naïve. She still thinks I'm working late for her."

Anna's voice cracked. "Natatakot ako."

"Don't be," sagot niya, halos pabulong. "Soon, everything will be ours. Magtiwala ka lang sa akin."

Ours.

Parang may pumutok sa loob ko. Hindi ako sumigaw. Hindi ako pumasok. Tahimik lang akong lumayo. Umiiyak, pero walang luha na lumabas. Dahil ngayon, sigurado na ako.

Hindi lang ito pagtataksil.

Isa itong plano.

Kinagabihan, nakahiga ako, nakatingin sa kisame habang mahimbing siyang natutulog.Paulit-ulit sa isip ko: "Soon, everything will be ours."

Ang bahay, ang negosyo, ang ipon, ang lupa ng mga magulang ko... lahat ng akin. Plano niyang kunin lahat. Tiningnan ko siya. Ang lalaking minsang umiyak dahil hindi kami magkaanak. Ang lalaking nangakong hindi ako sasaktan. At ngayon, siya rin ang gagamit ng mga pangako laban sa akin. Huminga ako nang malalim. You'll get what you deserve, bulong ko sa isip ko. Pareho kayo.

Kinabukasan, parang walang nangyari. Ngumiti ako nang halikan niya ako bago umalis.Si Anna, iwas pa rin ng tingin pero halatang may tinatago. Umalis si Anna para mamalengke. Pag-alis niya, dumiretso ako sa kwarto ni niya. Alam kong mali. Pero sa oras ng pagtataksil, nawawala ang tama't mali.

Simple lang ang kwarto... maayos ang kama, maliit na dresser, litrato ng pamilya.Binuksan ko ang drawer, at may gumulong na maliit na bote ng pabango. Daniel's brand. Sa tabi nito, isang nakatiklop na papel.

Sonogram.

Nanlamig ako. Isang maliit na imahe ng buhay.. At sa taas, sulat kamay niya: "Six weeks."Nanuyo ang lalamunan ko. Tumawa ako, pero walang tunog. Walang luha. Wala nang sakit. Galit na lang.

Pagkarinig kong bumukas ang gate, maingat kong binalik lahat. Pagdating ni Anna, nakaupo ako sa sala, kalmado, may hawak na kape.

"B–binili ko na po lahat, ma'am," sabi niya, nanginginig.

Ngumiti ako. "Good. Thank you."

Pagtalikod niya para umalis, tinawag ko siya.

"Anna?"

"Y-Yes, ma'am?"

Tinitigan ko siya. "Take care of yourself," mahinahon kong sabi.

"Ma'am?"

"Rest when you can. You look tired."

Tumango siya. "Thank you, ma'am."

At umalis. Walang kamalay-malay na alam ko na ang lahat.

Kinagabihan, nakatayo ako sa harap ng bintana, pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad. Text ni Daniel: 'Meeting. Late ako uuwi.'

Hindi ko na sinagot. Hindi na ako naghihintay. Hindi na ako umaasa. Dahil hindi na ako basta asawa. Isa na akong babaeng niloko at 'yung ganung babae, delikado.

Narinig ko sa isip ko ang boses ni Mia:"When you're sure... hit back hard."

Inangat ko ang baso ng alak, tinignan ang sarili kong repleksyon, at pabulong kong sinabi:"Enjoy your lies while you can, Daniel. Dahil soon... lahat ng 'to, magiging akin ulit."

More Chapters