- Kabanata 41: Ang Lakas ng Pananalig
Sa gitna ng kaguluhang sa bayan ng plaridel, si Ifugao ay nakatayo, nag-iisang bayani na humaharap sa dalawang makapangyarihang sugo—si Hustisya, na puno ng galit at naghahangad ng katarungan, at si Heneral Salazar, na ang tanging layunin ay wasakin ang lahat ng humarang sa kanyang kapangyarihan.
Ang bawat galaw ni Ifugao ay isang desperadong pagsisikap na pigilan ang dalawa, habang sinisikap niyang protektahan ang mga inosente sa Plaridel. Sa gitna ng labanan, si Ifugao ay parang napapalibutan ng nag aalab na asul na enerhiya, ang kanyang dalawang arnis ay nagliliwanag na parang mga bituin sa dilim.
Sa isang iglap, sinalag niya ang nag-aalab na kalaykay na sibat ni Hustisya na dapat ay tatama kay Salazar, habang sabay-sabay niyang iniiwasan ang isang matulis na kristal na spike mula sa heneral.
Ang pagsabog mula sa pagtama ng mga sandata ay nagdulot ng malakas na ingay, at ang lupa ay nayayanig sa lakas ng sagupaan. " Hangang kailan mo ito balak gawin Ifugao? Iniisip mo ba talagang kaya mong pigilan ang pag aaklas ngayong gabi!" sigaw ni Hustisya, ang kanyang boses ay puno ng galit at pagkabigo.
" Ngayon pa at may pag kakataon na kami na makuha ang hustisya na hinahangad namin? "
Galit nyang sambit habang ang higanteng kalansay sa kanyang likuran ay umamba muli, ang napakalaking kamao nito ay bumagsak patungo kay Ifugao.
Ngunit mabilis siyang tumalon para umiwas sa suntok at agad na kumilos para umatake, hinampas niya ang kamao ng kalansay gamit ang kanyang arnis.
Ang asul na enerhiya mula sa kanyang sandata ay parang kidlat na humiwa sa kalansay at nagpabigla kay Hustisya nang makitang nahati ito sa dalawa.
"Hindi… imposible ito, paano nya iyon nagawa? " bulong ni Hustisya, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkagulat.
Ang dating kalmado at mahinang sugo na nakakalaban nitong nakaraan ay tila nagbago na , ang tanging nakikita na lang nya ngayon sa harapan niya ay isang Ifugao na nag-uumapaw sa kapangyarihan, nagtataglay ng isang puwersang hindi niya maunawaan.
Alam nya sa sarili na may hindi normal sa kanyang kalaban at lalo itong lumalakas habang lumilipas ang oras.
Sinubukan ng higanteng kalansay na atakehin ulit si ifugao gamit ang kaliwang kamao pero muli lang itong pinutol ni ifugao.
"Paano mo nagawang maging ganito kalakas? ... Ifugao!!!" sigaw niya, ang kanyang boses ay basag sa halo ng galit at takot.
Sa kabilang banda, si Salazar ay nakatitig kay Ifugao, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan. Napansin niya na ang batang sugo ay hindi lamang humaharang sa mga atake nila para pigilan sila.
Ang kanyang mga arnis ay madaling humihiwa sa kanyang mga kristal na halimaw na parang mga babasaging baso.
Sa isang pagkakataon, isang kristal na halimaw ang sumugod kay Ifugao, ngunit sa isang mabilis na paggalaw, hinampas niya ito ng kanyang arnis, at ang halimaw ay nadurog sa ilang mga piraso ng basag na kristal.
" Nagagawa nyang madurog ang napakatibay na katawan ng mga alagad ko sa isang hampas lang, ibang iba na sya kesa kanina. "
"Sino ka ba talaga, Indio?" bulong ni Salazar, ang kanyang boses ay may bahid ng pagtataka at pagkabahala. Napansin din niya na kahit ang malalakas na atake ni Hustisya ay halos hindi na nakakaapekto kay Ifugao—ang batang sugo ay parang hindi napapagod sa pakikipaglaban, kahit tila walang katapusan ang pag atake na ginagawa nya.
Dahil sa hindi nila kayang tangapin na nahihigitan sila ni ifugao sa laban ay muling sumugod si Hustisya, ang kanyang kalaykay na sibat ay umiilaw ng mas matinding pulang apoy. "Hindi mo ako mapipigilan, Ifugao!" sigaw niya, dahil sa labis na pagkadismaya ay hindi na nya napigilan ang kanyang sarili, ang kanyang galit ay nagpapadilim sa kanyang isip.
Isang napakalaking pulang enerhiya ang pinakawalan ng kanyang sandata papunta kay ifugao.
" Maglaho ka na, Ifugao!!! "
Habang sa ibaba, nakatayo si ifugao at naghanda para umatake. Taglay ang napakalakas na asul na enerhiya halos nagiging buhawi sa kanyang paligid .
Hinwakan nya ng mahigpit ang kanyang arnis habng bumebwelo ng paghampas.
" Hindi ako susuko, ililigtas kita, Hustisya!! "
Buong lakas nyang inihampas ang kanyang arnis sa pulang enerhiya na pinakawalan ni hustisya.
Gumawa ito ng napakalakas na pagsabig ng enerhiya kung saan nilipad ang lahat ng mga bagay bagay sa paligid. Nagmistulang maliwanag na ilaw sa kalangitan ang pag angat ng pula at asul na liwanag na halos nagbigay liwanag sa syudad.
Habang nagaganap ito ay namangha sina jana sa nasaksihan nilang kapangyarihan ng dalawang sugo.
Pagkatapos malusaw ng liwanag ay agad na lumapag sa itaas ng poste si hustisya habang hingal na hingal at nanghihina.
" Malapit na maubos ang enerhiya ko, hindi maganda ito. "
Habang nag iisip ay biglang nanlaki ang mata nya dahil sa pagkagukat ng biglang hawiin ng asul na enerhiya ang usok sa paligid na nagmumula kay ifugao.
" Imposible, paanong buhay pa sya? "
Nagsimulang humakbang pasulong si ifugao habang nababalutan ng napakalakas na enerhiya.
Nang gigil si hustisya sa galit at napaluha ang mga mata.
"Bakit? Bakit kailangan mong gawin ito saamin? Isinusumoa kita, ifugao!! "
Nagpakawala ng napakalakas na pulang awra si hustisya at lumusob patungo kay ifugao.
Ngunit sa isang iglap, naiwasan ni Ifugao ang kanyang atake, gamit ang bilis na parang hangin at sa isang naoakabilis na paggalaw, hinawakan niya si Hustisya sa bewang at kinarga na parang bata.
"Huh? "
Nagulat si Hustisya sa ginawa sa kanya ni ifugao na tila pinaglalaruan lang sya ni ifugao sa laban habang sya ay handang patayin ito.
Ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabigla. "Ano ang ginagawa mo?!" tanong niya, ang kanyang boses ay halo ng galit at pagkalito.
"Hustisya, nakikiusap ako, tumigil ka na!" sagot ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pagsusumamo ngunit matatag.
"Hindi ko gustong saktan ka, pero hindi ko rin hahayaang magpatuloy ang labanang ito!"
Ngunit hindi kayang matanggap ito ni hustisya at nangingibabaw parin ang kanyang galit laban kay ifugao.
"Baliw ka na !" sigaw niya, at kasabay nito, isang higanteng anino ang lumitaw sa lupa sa ilalim nila.
Mula rito, isang napakalaking bungo ng kalansay ang sumulpot at nilamon si Ifugao sa isang iglap. Ilang saglit pa, lumitaw si Hustisya sa labas ng bungo, ang kanyang mga mata ay puno ng kumpiyansa, inaasahan nya na natapos na ang laban.
Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay biglang nagliwanag ang bungo ng asul na enerhiya, at unti-unting nagkaroon ng mga bitak sa ibabaw nito.
"Anong nangyayari?!" bulong ni Hustisya habang nangangamba Ang mga bitak sa bungo ay lumaki, kumalat, at sa isang malakas na pagsabog, ang bungo ay tuluyang nadurog habang naglalabas ng napakalakas na pwersa na nagpatalsik kay Hustisya at sa mga bagay sa paligid.
Ilang sandali pa ay na balot ng katahimikan ang lahat habang tinataboy ng hangin ang usok sa paligid, sa gitna ng kadiliman, isang asul na liwanag ang muling nagliwanag, at makikita sa sentro nito ang sugo na si Ifugao, ang kanyang katawan ay nag-uumapaw ng enerhiyang hindi kailan man nila inaasahan.
"Hindi, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito kalakas na enerhiya… sino ka ba talaga, Ifugao?" bulong ni Hustisya, ang kanyang boses ay puno ng pagkagulat at takot. Hindi siya makapaniwala sa nakikita, alam nya na nagtataglay sya ng malakas na enerhiya dahil sa mga enerhiya ng mga namatay pero kahit ginagamit na nya ito ay bale wala pa rin ito para labanan si ifugao.
Nagkatitigan ang dalawa at tila inaabangan ang susunod na gagawin ng bawat isa. Alam ni hustisya na hindi na sapat ang kanyang enerhiya para labanan pa ang napakalakas na kalaban pero malinaw sa kanyang isip na hindi na sya pwedeng huminto sa pakikipaglaban.
Pinagmasdan din ifugao ang paligid at humarap sa kinaroroonan ni salazar. Tinalikuran nya si hustisya at nagsimula syang maglakad palayo at dahil doon tila nainsulto ang dalaga.
" Teka, saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang laban natin. Hindi ako papayag na matalo sa laban na ito. Ifugao! "
Huminto sa paglalakad si ifugao pero sa pagharap nya muli kay hustisya isang nakangiting mukha ang isinukli ni ifugao sa galit ng dalaga. Napatigil si hustisya at hindi makapaniwala sa ginawang pag ngiti ni ifugao.
" Ako na ang bahala mula ngayon, hustisya. Ako na ang aako sa lahat ng responsibilidad para sa gabing ito. " Sambit ni ifugao.
Hindi maunawaan ni hustisya ang mga sinabi ni ifugao at patuloy na nagtataka.
" Ano ba talaga ang balak mong gawin? " Bulong ni hustisya.
Muling lumitaw ang espada ni Ifugao, at ang dulo nito ay nagliwanag ng asul na enerhiya, ang sandata ni ifugao ay may kasamang baril at nagliliwanag ang dulo nito dahil sa enerhiya na tila handa nang pumutok. Itinutok niya ito kay Salazar, na agad nagtaas ng isang makapal na pader ng kristal upang protektahan ang sarili.
Tumawa si Salazar, ang kanyang tawa ay puno ng pagmamalaki. " Binabalak mo ba akong atakehin gamit ang laruan mo? Sige subukan mo, Indio!" hamon niya.
"Ipakita mo sa akin ang kaya mo!"
Kalmado lang si Ifugao, na nakatayo sa gitna ng kanyang nag aalab na enerhiya, ang kanyang mga mata ay walang bahid ng pag-aalinlangan. Sa isang iglap, pinaputok niya ang kanyang espada na may baril at isang asul na bola ng enerhiya ang lumabas na bumutas naman sa makapal na pader ng kristal na parang bale wala lang ito,
Sa pagtagos nito ay tumama ang enerhiya sa braso ni Salazar at bumutas.
Napasigaw ang heneral sa sakit, hindi sya makapaniwala sa nakita. "Imposible!" sigaw niya, habang hawak ang kanyang braso na duguan.
Bago pa siya makapaghanda, muling pinaputok ni Ifugao ang kanyang espada na may baril, at isa pang asul na bala ang tumama sa kanyang hita, na nagpabagsak sa kanya sa lupa.
Nanlaki ang mata ni salazar sa sobrang pagkabigla ng nagawa syang paluhurin ng isang Pilipinong sugo sa isang laban.
" Hayup ka indyo! "
Nakita nya ang malamig na tingin sa kanya ni ifugao na tila ba kinaaawaan sya at handa ng patayin sa laban dahil sa sobrang inis ay agad na naghanda ang heneral sa susunod na pag atake ni ifugao at binalot ni Salazar ang kanyang katawan ng makapal na kristal, na parang isang baluti upang protektahan ang sarili.
" Pagbabayaran mo ito ng malaki, indyo! "
Nag angatan din ang nagtataasang tore ng pulang cristal sa paligid ni salazar na nagsilbing mga proteksyon.
Ngunit hindi tumigil si Ifugao sa pag atake. Sunod-sunod niyang pinaputok ang kanyang espadang may baril, na parang isang armalite na naglalabas ng mga asul na bala. Ang bawat putok ay nagdudulot ng malakas na pagsabog sa cristal na pader, unti-unting binabasag ng mga bala ang kristal at ang baluti ni Salazar.
Maririnig ang ingay ng mga kristal sa bawat pagkadurog nito at ang mga piraso ng nito ay nagkalat sa paligid, habang patuloy na naglalabas ng wall cristal ang heneral para nangalagaan sya.
Pinagpawisan ang kanyang mukha bakas ang takot habang hindi parin makapaniwala sa nakikita nyang pagkasira ng kanyang mga pinagmamalaking sandata.
"Kahit ang mga mataas na kalibre ng baril ay hindi nakakapasok sa aking pader ng kristal!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng galit at takot. "Paano nagagawa ito ng isang Indio?!"
Sandaling tumigil si Ifugao sa pagpapaputok ng baril, ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Salazar. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang espada, at ang dulo nito ay nagsimulang mag-ipon ng napakalakas na enerhiya.
" Tapusin na natin ito heneral ng bulakan. "
Sa isang wasiwas ng kanyang espada pababa ay nagpakawala siya ng isang malaking bola ng asul na enerhiya, na parang isang bituin na bumagsak mula sa langit.
" Napakalakas, saan galing ang enerhiyang gamit nya. "
Ang bola ay dumeretso sa kinaroroonan ni Salazar, at sa pagtama nito sa lupa ay isang malakas na pagsabog ang naganap, nawasak ang buong paligid.
Ang mga kotse ay nagliparan habang ang mga bintana at pinto ng mga gusali ay nabasag, sinira nito ang halos tatlong gusali na nasa paligid nila.
Pagktapos ng pagsabog ay isang makapal na usok ang bumalot sa lugar.
Sa gitna ng usok, dahan-dahang bumaba mula sa kalangitan si Ifugao, ang kanyang katawan ay nagliliwanag pa rin ng asul na enerhiya. Sa kabilang dako, lumitaw si Hustisya sa ibabaw ng kanyang higanteng kalansay, ang kanyang mga mata tulala parin sa pagkabigla.
Alam niya na ang enerhiyang pinakawalan ni Ifugao ay hindi pangkaraniwan lamang at kahit siya ay hindi sigurado kung makakaligtas siya kung tatamaan ng ganoong atake.
"Paano… paano niya nagawa iyon?" bulong niya, ang kanyang boses ay nanginginig sa takot.
Biglang tumingin sa kanya si Ifugao, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. Itinaas niya ang kanyang espada, at ang talim nito ay nagliwanag ng asul na enerhiya.
Sa isang mabilis na paggalaw, winasiwas niya ito sa hangin, at isang malakas na pag hiwa ng enerhiya ang tumama sa kanang braso ng higanteng kalansay ni Hustisya, na nagpabagsak sa braso nito sa lupa.
Sa muling pagwasiwas ng kanyang espada, nahiwa naman ang binti ng kalansay, na nagdulot ng pagkawala ng balanse nito at unti-unting bumagsak sa lupa ang katawan nito.
Bago pa tuluyang bumagsak ang kalansay, mabilis na tumalon palayo si Hustisya, ngunit bakas sa kanyang mukha ang kaba at takot. Hindi niya inaasahan na kaya ni Ifugao na wasakin ang kanyang pinakamalakas na sandata nang ganoon kadali.
"Hindi… hindi ito maaari!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla. "Ang mga higanteng kalansay na yun ang huli kong sandata laban sa mga kastila, pero maging ito ay bale wala lang sa kanya. "
Sa gitna ng kaguluhan, biglang yumayanig ang lupa, at nag-angat mula sa lupa ang mga pulang kristal, na bumuo ng isang kastilyo ng mga matutulis na spike.
Sa tuktok nito ay nakatayo si Salazar na duguan ang katawan at hingal na hingal, ang kanyang mukha ay puno ng galit.
"Pagbabayaran mo ito, Indio!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng poot. Mula sa mga spike, naglabasan ang mga kristal na halimaw, na sabay-sabay na sumugod kay Ifugao.
Ngunit walang bahid ng takot sa mga mata ni Ifugao. Tumakbo siya patungo sa mga halimaw, ang kanyang mga arnis ay nagliliwanag ng asul na enerhiya.
Gamit ang hindi pangkaraniwang bilis, naiwasan niya ang mga atake ng mga halimaw at hinampas ang mga ito, hinati ang kanilang mga katawan sa tatlong bahagi.
" Hindi man lang nagbabago ang kanyang bilis na tila hindi sya napapagod, mali, mas mabilis pa sya kesa kanina. "
Isa-isa niyang pinatumba ang mga ito habang patuloy na umaabante patungo kay Salazar. Hindi makapaniwala si Salazar sa nakikita—ang kanyang mga halimaw, na gawa sa matibay na kristal, ay parang mga laruan sa harap ng batang sugo.
"Imposible!" sigaw niya, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit. Kahit na sugatan ang katawan , binalot ni Salazar ang kanyang katawan ng pulang kristal, na naging isang makapal na baluti at ilang sandali pa ay sumugod siya kay Ifugao, ang kanyang mga kamay ay naglalabas ng matutulis na spike.
"Yahhh!! "
Ngunit mabilis na naiwasan ni Ifugao ang kanyang atake, at sa isang malakas na hampas ng kanyang arnis, nabasag ang baluti ni Salazar sa kanyang dibdib.
Napaatras ang heneral, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkagulat. "Paano mo nagawa iyon?!" sigaw niya. Nagawa mang mawasak ni ifugao ang baluti ay muli lang itong nabubuo at kasabay ng paghiyaw nito muling sumugod si Salazar, ang kanyang mga kristal na spike ay mas mabilis at mas matalim.
Ngunit muling naiiwasan lang ni Ifugao ang bawat atake, at sa isang mabilis na galaw, hinampas niya ang kanang braso ni Salazar, na nagdulot ng malakas na pagsabog ng kristal na braso nya. "Anong nangyayari, bakit hindi ko sya matamaan? " Sandali syang napatigil sa pag atake sa pagkawala ng kanyang braso.
Napasigaw si Salazar sa sakit, at agad niyang binalot ng kristal ang sugat upang pigilan ang pagdurugo.
"Hindi… hindi ito maaari!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng hindi makapaniwalang poot.
"Isang Indio… natatalo ako ng isang Indio?!" Sa galit nya ay desperado na si Salazar na maka tama kay ifugao. Binalot niya ang buong katawan ng mas makapal na kristal, at sumugod siya kay Ifugao, ang kanyang mga spike ay parang ulan na tumama sa paligid at wala ng paki elam kung saan ito tatama.
Walang kahirap hirap na iniiwasan lang ni ifugao ang mga spike at nang makakuha ng pagkakataon na makalapit ay agad na hinampas ni Ifugao ang mga cristal sa tabi ni salazar at binasag na parang babasaging baso.
Sa isang mabilis na paggalaw, hinampas niya ang katawan ni Salazar, na nagdulot ng malakas na pagsabog ng kristal na katawan nito.
" Yahhh!! "
Napaluhod si Salazar ng indahin nya ang pag atake, ang kanyang baluti ay unti unting nadudurog at bumabagsak sa lupa, ang kanyang mga mata ay puno ng takot at galit. "Hindi… hindi ako matatalo ng isang Indio!" sigaw niya, ngunit ang kanyang boses ay nanginginig na sa takot.
" Isa akong heneral ng espanya na hinasa sa pakikipag digma kaya imposible akong matalo ng isang basurang indyo. "
Habang sumusuka ng dugo ay isinumpa ni salazar na hindi sya titigil hangat hindi nya napapatay si ifugao at kasabay ng kanyang pag sigaw ay muling nag-angat ang mga pulang kristal mula sa lupa.
Mas malakas na enerhiya pa ang pinakawalan ni salazar at biglang naglabasan ang mas maraming kristal na halimaw sa kanilang paligid.
"Hindi ako magpapatalo!" sigaw ni Salazar, ang kanyang boses ay puno ng desperasyon. Pinalusob niya ang mga halimaw kay Ifugao, ngunit ang batang sugo ay hindi man lang nag alinlangan na sabayan ang mga ito.
Muli siyang sumugod, hinampas ang mga halimaw na parang mga laruan, at patuloy na umabante patungo kay Salazar.
" Bwisit ka, mamatay ka na indyo!! "
Sa bubong ng city hall, habang nanunuod sina Apyong, Hiyas, at Jana sa nagaganap na laban, ang kanilang mga mata ay nakatuon sa batang sugo. Namamangha si Jana sa pinapakita ni ifugao laban sa isang heneral. "Hindi ako makapaniwala," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pagkamangha.
"Paano nagagawa ni Ifugao na makipagsabayan sa isang heneral na hinasa sa pakikipaglaban? Hindi ba't dapat na nauubusan na siya ng enerhiya?" Ngumiti si Apyong, ang kanyang ekspresyon ay kalmado ngunit puno ng kumpiyansa.
"Totoo na mas mahusay si Salazar pagdating sa kaalaman sa pakikipaglaban," sabi niya.
"Kitang-kita iyon sa kanyang mga galaw. Ngunit si Ifugao… nakikita niya ang bawat kilos ng heneral bago pa man ito mangyari. Kaya niya ito naiiwasan at nakakagawa ng mabilis na pag-atake."
Ipinaliwanag ni Apyong na ang dahilan kung bakit tinatamaan si Salazar ay hindi dahil mabagal ang heneral, kundi dahil napakabilis ng paggalaw ni Ifugao.
"Higit pa rito, nahigitan na ni Ifugao ang kapangyarihan ng kanyang mga kalaban," dagdag niya.
"Nararamdaman ko na halos tatlong beses ang lakas ng enerhiya ni Ifugao kaysa kay Salazar. Ang mga sandata nila—ang kalansay ni Hustisya at ang mga kristal ni Salazar—ay wala nang silbi laban sa kanya. "
"Sa mga oras na ito, bale-wala na ang kanilang kapangyarihan laban kay Ifugao."
Nagulat si Jana, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamangha. "Sa maikling panahon lang, naging ibang nilalang na si Ifugao," sabi niya. "Ang batang sugo na halos ilampaso ko sa laban ay ngayon nagagawang paglaruan ang isang heneral ng España!"
Biglang napaisip siya, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa. "Kung kaya ni Ifugao na talunin si Salazar, baka siya na ang susi para mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila!" Napangiti si Apyong, ngunit may bahid ng pag-aalala sa kanyang ekspresyon.
"Hindi malayo ang posibilidad na iyan, Jana," sabi niya. "Ngunit higit pa sa lakas ang kailangan para maabot ang pangarap na iyon. Napakabata pa ni Ifugao, at para sa akin, marami pa siyang dapat malaman at pagdaanan."
Biglang sumagot si Hiyas, ang kanyang boses ay kalmado ngunit malamig ang tingin habang pinapanood ang labanan. "Walang duda na malakas si Ifugao," sabi niya. "Ngunit ang kanyang kapangyarihan ay nakadepende sa mga tao sa paligid niya. Ang lakas ng isang sugo tulad ni Ifugao ay nagmumula sa pananalig ng mga taong umaasa sa kanya."
"Hindi lang isang batang sugo ang nakatayo doon at lumalaban dahil ang bawat tao sa Plaridel na naniniwala at kumikilala sa kanya bilang bayani ay bahagi ng labanang ito."
Binunyag ni Hiyas kanila apyong na kayang kumuha ni Ifugao ng enerhiya mula sa pananalig ng mga tao sa paligid niya. "Sa gitna ng kaguluhang ito, ang mga tao ay naghahanap ng bayani," sabi niya. "At ang batang sugo na iyon ang inaasahan nilang makakapagligtas sa kanila. Ang kanyang enerhiya ay nagmumula sa kanilang paniniwala, at dahil sa dami ng mga taong umaasa na mailigtas sa Plaridel, hindi mauubusan ng lakas si Ifugao."
Nagulat si Jana, ang kanyang mga mata ay puno ng hindi makapaniwalang pagkamangha. "Kaya pala hindi siya nauubusan ng enerhiya!" sabi niya. "Dahil sa dami ng mga nagbibigay ng pananalig sa kanya!"
Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ni Hiyas, ang kanyang boses ay naging seryoso. "May higit sampung libong tao ang nasa paligid natin ngayon," sabi niya. "At ang enerhiyang iyon ay sapat na upang higitan ang sino mang sugo na makakalaban niya. Ngunit may isang problema."
Nagtaka si Jana, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "Anong problema?" tanong niya.
Kalmado namang ipinaliwanag ni Hiyas sa mga ito ang limitasyon ng abilidad ni ifugao, "Kagaya ng ibang kapangyarihan ng mga sugo, may limitasyon ang kakayahan ni Ifugao na kumuha ng enerhiya mula sa pananalig. Hindi pa siya sanay na gamitin ito, at sa kalagayan ng kanyang katawan, labinglimang minuto nya lamang kayang panatilihin sa katawan nya ang ganito karaming enerhiya sa katawan nya."
" Kung hindi niya matatapos ang laban bago maubos ang oras, ang enerhiya ay sisirain ang kanyang katawan, tulad ng nangyari sa Urdaneta." Nagulat si Jana sa nalaman nya at agad na napatingin kay Ifugao sa ibaba, ang kanyang puso ay puno ng pag-aalala para sa batang sugo.
"Kailangan niyang tapusin ito agad," bulong niya, ang kanyang boses ay puno ng pag-asa at takot.
Sa ibaba, habang patuloy na humarap si ifugao sa mga kristal na halimaw, ang kanyang mga arnis ay nagliliwanag ng asul na enerhiya. Sa kabila ng napakaraming kalaban, ang kanyang mga galaw ay puno ng kumpiyansa at determinasyon. Ang bawat hampas ng kanyang sandata ay nagdudulot ng pagsabog, at ang bawat halimaw na humarang sa kanya ay nadudurog pabagsak sa lupa.
Sa gitna ng labanan, ang kanyang mga mata ay nakatuon kay Salazar, na nakatayo pa rin sa tuktok ng kanyang kastilyo ng kristal, ngunit mababakas sa mukha ng heneral ang takot at galit
. "Hindi ako magpapatalo sa isang Indio!" sigaw ni Salazar, ang kanyang boses ay nanginginig sa desperasyon.
Ngunit sa kanyang puso, alam niya na ang batang sugo sa harapan niya ay hindi na isang ordinaryong kalaban at ang kapangyarihan nito ay higit pa sa anumang inaasahan niya.
Ang level ng enerhiya ng batang sugo ay ikinumpara nya sa isang espada ng espanya at alam nya na kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon ay maaari syang maubusan ng enerhiya dahilan para matalo sa laban.
Habang nagpapatuloy ang labanan, sina Apyong, Hiyas, at Jana ay nanatili nanunuod sa bubong, ang kanilang mga mata ay puno ng pag-asa at pag-aalala, umaasa na magtatagumpay si Ifugao bago maubos ang oras at ang kanyang katawan ay muling bumigay.
Wakas ng kabanata.
