Translate into English with good wordings
Kabanata 42: Ang Huling Pag-asa
Sa gitna ng nagngangalit na kaguluhan sa Plaridel, ang labanan ay malapit na umabot sa sukdulan . Si Heneral Salazar na ang mga mata ay puno ng galit at desperasyon ay handa nang gawin ang lahat upang talunin si Ifugao, ang batang sugong naging sagabal sa kanyang kapangyarihan.
Ang paligid ay nagliliyab at ang mga gusali ay halos mawasak, ang hangin ay puno ng makapal na usok at alikabok.
Sa kabila ng lahat, si Ifugao ay nanatiling nakatayo sa gitna ng labanan, ang kanyang asul na enerhiya ay nag-uumapaw parin na parang isang diyosang humaharap sa digmaan.
Sa nagaganap na labanan, gumawa si Salazar ng isang napakalaking kastilyo ng pulang kristal na nakatayo sa lupa, ang mga matutulis na spike nito ay parang mga sibat na handang tumusok sa sinumang lumapit. Ang kanyang tawa ay umalingawngaw, puno ng pagmamalaki at poot.
"Hindi mo ako matatalo, Indio!" sigaw niya, habang ang mga kristal ay nagsimulang maglabas ng mga higanteng halimaw, bawat isa ay mas malaki at mas mabangis kaysa sa mga nauna.
Agad na unatake ang mga halimaw patungo kay Ifugao, ang kanilang mga kuko at ngipin ay gawa rin sa kristal. Ngunit hindi makikitaan ng takot at pag aalinlangan si ifugao habang matapang na tumatakbo pasulong. Ang kanyang mga arnis ay nagliliwanag ng asul na enerhiya, at sa isang mabilis na paggalaw, nagawa nyang umikot sa hangin para umatake na parang isang mananayaw sa gitna ng digmaan.
Ang bawat hampas ng kanyang arnis ay nagdulot ng malakas na pagsabog na dumudurog sa mga tatamaan nito, nagawa nyang mahati ang mga kristal na halimaw sa maliliit na piraso na nagkalat sa lupa.
Ang kanyang bilis ay parang hangin na hindi mahawakan ng mga atake ni Salazar. Isa sa mga halimaw ang sumubok na salakayin siya mula sa likuran, ngunit sa isang iglap, napigilan ni Ifugao ito at hinampas na nagpabuwal sa halimaw at kasabay nito ay binasag ni ifugao ang ulo nito gamit ang malakas na pagtapak ng kanyang paa.
"Imposible!" sigaw ni Salazar, ang kanyang mga mata ay puno ng gulat at galit. "Ang aking mga kristal ay hindi natitinag kahit ng pinakamatitigas na espada!"
Nanginginig sa galit ang kanyang mga ngipin habang nakikita si Ifugao na patuloy na sumusulong habang tinatalo ang mga alagad nya, ang kanyang mga galaw ay puno ng kumpiyansa at determinasyon.
Ang bawat hampas ng kanyang arnis ay parang kidlat na dumudurog sa mga bahagi ng kastilyo ng kristal, na nagpapabagsak sa mga tore nito tulad ng mga laruang gawa sa buhangin.
" Hindi sa ganito lang matatapos ang laban na ito! "sigaw nya, pinakawalan ni Salazar ang isang malaking bola ng pulang enerhiya mula sa kanyang mga kamay, na tumama naman sa lupa malapit kay Ifugao.
Ang pagsabog ay nagdulot ng malaking hukay habang ang mga piraso ng lupa at bato ay nagliparan sa paligid.
Ngunit mabilis na tumalon para lumayo sa pagsabog si ifugao. Nakita nya na muling nag iipon ng pulang enerhiya si salazar para sa muling pag atake kaya naman agad syang tumakbo para pigilan ito.
" Maglaho ka indyo! " Sigaw nya kasabay ng muling pag atake.
Buong tapang naman na sinalubong ito ni ifugao at walang pag aalinlangan na hinampas ang nagliliyab na kristal na bola na inilabas ni Salazar.
Ang kanyang arnis ay naglabas ng asul na enerhiya na parang alon na nagwasak sa bola.
Dumeretso ang asul na enerhiya na pinakaealan ni ifugao papunta kay Salazar at tumama sa kanyang mga cristal na pader.
" Hindi pa ako tapos, indyo! " Sa gitna ng pagkakabigo na mapinsalaan si ifugao ay hindi pa rin sumusuko si Salazar.
Nababakas sa kanya ang paghingal at panghihina dulot ng kanyang mga sugat at pagkapagod, muling naglabas siya ng isang hukbo ng kristal na halimaw, bawat isa ay mas mabilis at mas matalim kaysa sa nauna.
"Hindi mo ako matatalo ng ganito kadali, Indio!" sigaw niya, ang kanyang boses ay basag sa galit at pagkabigo.
Ang mga halimaw ay bumuo ng isang bilog sa paligid ni Ifugao, ang kanilang mga matutulis na spike ay nakatutok sa kanya, handang tumusok mula sa lahat ng direksyon. Ngunit si Ifugao ay nanatiling kalmado na nakatayo sa harap ng mga ito.
Ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon, at ang kanyang asul na enerhiya ay nagliliwanag nang mas maliwanag pa at patuloy na nag aalab na tila apoy sa kanyang katawan.
Kasabay ng isang malakas na pagsigaw, umikot siya at inihampas sa hangin ang sandata. ang kanyang mga arnis ay parang mga pamalo na naglabas ng asul na pwersa na humiwa sa hangin.
Ang bawat halimaw na sumugod ay hinati niya sa kalahati, Nadurog ang mga ito at bumagsak sa lupa na parang mga basag na salamin.
Nanlalaki ang mga mata ni salazar sa pagkabigla at napagtanto na kahit ilang beses pa sya gumawa ng mga alagad ay hindi nito kayang talunin ang kanyang kalaban. Naisip nya na ang mga halimaw na kanyang pinagmamalaki bilang sandata ay walang laban sa bilis at lakas ni Ifugao.
Wala syang nagawa kundi panuorin ang mga nagaganap, isa-isa silang nadudurog gamit ang mga hampas. Sa isang desperadong pagtatangka, naglabas si Salazar ng isang napakalaking kristal na sibat, na buong lakas na inhagis niya kay Ifugao na parang isang higanteng pana. Ang sibat ay umugong sa hangin at nagdudulot ng malakas na ingay habang papalapit ito.
" Mamatay ka na, indyo! "
Agad na napansin ito ni Ifugao pero hindi ito nag pakita ng takot. Itinaas niya ang kanyang mga arnis kasabay ng pagsanib ng enerhiya nya dito, at sa isang malakas na pag hampas ay nagawa nyang mahati ang sibat sa dalawa, na dumurog dito na tila salamin.
Ang pagsabog mula sa pagtama ay nagdulot ng malakas na hangin, na nagpapaikot sa kanyang puting buhok sa paligid ng kanyang mukha.
Sa sobrang pagkabigla ay napa atras ng paglalakad si salazar. "Paano mo nagagawang balewalain kahit na ang pinakamallakas kong atake?!" sigaw ni Salazar, ang kanyang boses ay puno ng hindi makapaniwalang galit.
"Ang aking mga kristal ay isang sandata ng digmaan, isang armas para paslangin ang mga kagaya mong basura!"
Agad na tumingin si Ifugao sa kanya at nagsimulang maglakad pasulong, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa heneral, puno ng walang-tigil na determinasyon.
Dahil sa pagkadismaya sa nangyayari ay tuluyang nagpasailalim sa kanyang galit ang heneral na tila nasisiraan ng ulo dahil sa pagkamuhi sa kanyang kalaban,
" Hindi ko matatanggap ang bagay na ito. Hindi ang katulad mo lang ang tatalo saakin! "
Nagpakawala si Salazar ng napakalakas na enerhiya at kasabay nito ang kanyang katawan ay nabalot ng makapal na kristal at nagbago ang kanyang anyo bilang isa sa mga halimaw.
" Wawasakin kita, indyo! Dudurugin kita hangang sa walang matira sayong katawan!! "
Ang kanyang katawan ay lumaki, naging isang napakalaking halimaw na gawa sa pulang kristal, na may matutulis na spike sa bawat bahagi nito. Ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng pulang apoy.
"Kung hindi kita matatalo bilang tao, tatalunin kita bilang halimaw!" sigaw niya at buong tapang na sumugod patungo kay Ifugao, ang kanyang mga kuko at spike ay handang durugin ang batang sugo.
Ngunit sa gitna ng banta ay nanatiling kalmado ai ifugao na naglalakad lang palapit kay salazar, Ang kanyang puting buhok ay nagsasayaw sa hangin, na parang nag aabang lamang ng pagkakataon. Ang kanyang asul na enerhiya ay nag-uumapaw, bumabalot sa kanyang katawan na parang isang nagliliyab na aura.
Itinaas niya ang kanyang espada, ang talim nito ay umilaw ng asul na liwanag, habang ang mga hibla ng asul na kuryente ay gumagapang sa kanyang katawan, na parang mga ugat ng kidlat. Ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon, at kasabay ng isang malakas na sigaw, inihampas niya ang kanyang espada ng buong lakas:
"Faith Slash!"
Sa isang mabilis na wasiwas ng kanyang espada, naglabas siya ng napakalakas na puwersa ng asul na enerhiya, na parang isang alon ng liwanag na humiwa sa hangin.
Ang enerhiya ay lumusae sa mga kristal sa paligif hangang sa tumama ito sa dambuhalang katawan na kristal ni Salazar at dinudurog ito.
Sa sobrang lakas ng atake ay gumawa ito ng pagsabog at napakalakas na pwersa na tila bomba, ang mga bagay sa paligid ay nagliparan, ang lupa ay nayanig na parang eksena ng pagkagunaw, at ang makapal na usok ay bumalot sa buong lugar, na nagpapadilim sa tanawin.
Ilang sandali pa, unti-unting naglaho ang usok na idinulot ng pagsabog, at sa gitna ng katahimikan, isang napakalaking hukay ang lumitaw sa parking lot ng city hall, halos dalawampung talampakan ang lalim, na dulot ng makapangyarihang atake ni Ifugao. Sa gilid ng hukay, makikita ang mga piraso ng pulang kristal, na nagkalat na parang mga basag na salamin.
Sa gitna ng mga kristal na spike, nakatayo si Salazar, duguan at wala na ang kaliwang braso at wasak ang kasuotan habang hingal na hingal at nanginginig sa galit. "Hayup ka, Indio!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng sumpa at poot.
"Hindi ako matatalo ng isang basurang tulad mo!"
Habang galit na galit ang heneral ay kalmado namang naglakad si Ifugao patungo sa kanya, hawak pa rin ang kanyang espada, na ang talim ay nagliliwanag pa rin ng asul na enerhiya. Walang bahid ng takot sa kanyang mga mata, bagkus ay puno ito ng seryosong determinasyon.
Tumayo siya sa harap ni Salazar, ang kanyang mukha ay kalmado ngunit matigas. "Tapos na ang laban na ito, Heneral," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa ngunit may halong pagsusumamo.
"Kaya ko pang magpakawala ng isa pang atake katulad ng ginawa ko ngayon lang. Kung magkakamali ka ulit ng aksyon, mapipilitan akong tapusin ang buhay mo."
" Pinagbabantaan mo ba ako?"
Nagalit si Salazar sa narinig nya mula kay ifugao, ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa poot.
"Hindi kailanman matatakot ang isang heneral ng España sa isang basurang Indio!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng pagyayabang.
"Kung kaya mo, ituloy mo! Patayin mo ako ngayon!" Hinamon niya si Ifugao, ang kanyang tawa ay puno ng paghamak.
Kahit na hunahamon ay nanatiling tahimik lang si ifugao, ang kanyang mukha ay nagpapakita ng pag-aalinlangan. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagkabalisa—alam niya na ang bawat hakbang niya ay magbabago sa kapalaran ng Plaridel.
Alam nya rin na hindi ny pwedeng patayin ang heneral dahil sa isa itong opisyal ng gobyerno at ang lahat ng lumalaban sa mga ito ay pinarurusahan. Napapaisip sya na kung gagawa ng maling aksyon ay mas lalala ang galit ng mga kastila sa katulad nya at makakasira ito sa pinaglalaban nyang pagkakaisa ng dalawang lahi.
" Anong problema, indyo? Hahhaa."
Dahil sa kanyang katahimikan, muling tumawa si Salazar, ang kanyang tawa ay puno ng pangungutya. "Natatakot ka ba? Indio! Natatakot kang maging kriminal sa Pilipinas!" sigaw niya.
"Sa oras na patayin mo ako, hindi mananahimik ang mga Kastila! Hahabulin ka ng gobyerno bilang kriminal, at kapag nalaman ng gobyerno ng España ang pagkamatay ko, ipadadala nila ang isa sa mga Espada ng España."
" Kapag nangyari iyon ay uubusin nila ang mga terorista—at ang mga Pilipinong sumusuporta sa mga rebelde, kasama na ang mga tao sa plaridel!"
Ngunit napa buntong-hininga lang si ifugao bilang tugon sa sinabi ng heneral, ang kanyang mga mata ay puno ng kalungkutan. "Hindi mo nauunawaan ang iyong sitwasyon, Heneral," sabi niya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng bigat.
"Bilang bayani, handa akong gawin ang lahat para pangalagaan ang mga mamamayan ng bansang ito—mapa-Pilipino man o Kastila."
Inihayag niya na handa na siyang ituring na kriminal ng España kung sakaling patayin niya ang heneral.
"Sa susunod na atake ko ay sisiguruhin ko na ang iyong kamatayan" sabi niya, ang kanyang boses ay matatag.
"Kung hindi ka pumayag sa ating magiging kasunduan, titiyakin kong hindi ka na muling sisikatan ng araw. "
Nagtaka si Salazar sa nabanggit ni ifugao, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan. "Anong kasunduan ang tinutukoy mo?" tanong niya, ang kanyang boses ay may bahid ng pagkabahala.
Kalmadong ipinaliwanag ni Ifugao sa kanya, "Handa akong buhayin ka, Heneral, kung mangangako kang palayain ang lahat ng pilipino sa kalupitan ng mga kastila at hayaang mamuhay ng maayos ang mga kababayan ko sa Plaridel."
"Ano? Palayain ang mga pilipino?"
Biglang tumawa si Salazar, ang kanyang tawa ay puno ng pangungutya. "Seryoso ka ba, Indio?" sigaw niya.
"Baliw ka kung iniisip mong may kapayapaan pang magaganap pagkatapos ng gabing ito! Ang mga Indio ay basura lamang—walang ibang silbi kundi paglingkuran ang mga Kastila."
Tanggapin mo na ang katotohanan, Hindi kailanman tatanggapin ng España na maging kapantay namin ang mga alipin na katulad mo!"
Nainsulto si ifugao sa mga narinig at biglang naglabas ng malakas na aura ng asul na enerhiya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab sa determinasyon habang ang kanyang mga kamao ay nakayukom sa galit.
"Hindi nakakatulong ang mga sinasabi mo, Heneral," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng babala.
"Ang natitira na lang sa'yong paraan para mabuhay ay ang pagsuko at pagpayag sa ating kasunduan." seryosong sambit ni ifugao.
"Wag mo akong patawanin, hinding hindi ako makikipagkasundo sa katulad mo lang, indyo! "
Pinagtawanan lamang ni Salazar ang sinabi nito, ang kanyang tawa ay puno ng pagyayabang.
"Gamitin mo ang espada mo at patayin ako!" hinamon niya.
" Dahil mas mabuti pang mamatay ako kaysa sumuko sa isang Indio!"
Mahigpit na hinawakan ni Ifugao ang kanyang espada, ngunit ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalinlangan. Kahit na abot-kamay na ang tagumpay, nais niya pa ring matapos ang laban sa payapang paraan na makikinabang ang mga pilipino. Alam nya na kailangan nyang masiguro ang kaligtasan ng mga pilipino kesa mapunan ang nararamdaman nyang pagnanais na makapaghiganti sa pang iinsulto ng heneral sa kanya.
" Nasisiraan ka na talaga heneral. " Sambit nya habang itinataas ang kanyang espada.
Ngunit habang nag iisip ay hindi nya inaasahan na aabot sa hanganan ang kanyang kapangyarihan, biglang nakaramdam siya ng matinding sakit sa kanyang dibdib, na parang winawasak ang kanyang katawan.
" Ahhh! anong nangyayari sa katawan ko? "
Ang nag-uumapaw na enerhiyang bumabalot sa kanya ay unti-unting nawala, na parang apoy sa kandila na nawalan ng siklab.
Napaluhod siya, sumuka ng dugo, at ang kanyang mga mata ay puno ng pagkagulat at pagkalito. Nararamdaman niya ang panghihina ng kanyang katawan, ang kanyang mga laman ay nanginginig sa sobrang pagod.
"Masama ito, halos nanginginig na ang mga binti ko dahil sa panghihina. " Bulong nya sa isip.
Nabatid niya na umabot na sa sukdulan ang kanyang katawan. Nagsimulang bumalot ang takot sa kanyang puso dahil alam niyang hindi na niya kayang magpatuloy sa laban sa ganung kalagayan.
Sa paglantad ng kahinaan ni ifugao na syang nagpaluhod dito sa lupa ay biglang tumawa si Salazar, ang kanyang tawa ay puno ng pangungutya.
"Mukhang umabot na sa hangganan ang katawan mo, Indio!" sigaw niya.
"Lahat ng sugo ay may limitasyon. Hindi makakayanan ng katawan mo ang sobrang paggamit ng enerhiya!"
Pinilit ni Ifugao na tumayo, kahit na ang kanyang mga tuhod ay nanginginig. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang espada at isinaksak ito sa lupa upang magsilbing tungkod.
"May sapat pa akong lakas para lumaban," sabi niya kay Salazar, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon kahit na halos wala na siyang lakas.
"Sa estado mo, Heneral, ako pa rin ang lamang kung ipagpapatuloy natin ang laban." Tumawa si Salazar, ang kanyang tawa ay puno ng paghamak.
"Kahit wala na akong mga braso, kaya ko pa ring lumaban!" sigaw niya.
"Ako ay isang heneral ng España, hinasa ako para sa mga digmaan! Nakakalimutan mo na ba na ang totoong abilidad ko ay manipulahin ang mga kristal at maging sandata ko. "
Inihayag niya na kaya pa rin niyang maglabas ng mga kristal na halimaw bilang kanyang hukbo.
Bilang pagpapatunay ay naglabas siya ng enerhiya, at nagsimulang maglabasan ang mga kristal na halimaw at muling pinalibutan ang paligid, mas marami at mas mabangis kaysa dati.
Nagulat si Ifugao at hindi makapaniwala, ang kanyang mga mata ay puno ng takot, ngunit pinilit niyang maglabas ng sariling enerhiya upang makatayo nang tuwid at iangat ang kanyang espada.
"Hindi ako basta-basta magpapatalo!" sigaw niya, ang kanyang boses ay puno ng tapang kahit na ang kanyang katawan ay halos sumusuko na.
Tumawa si Salazar, hinamak siya habang sinasabi,
"Handa ka pa rin bang lumaban kahit halos hindi ka na makatayo? Baliw ka, Indio!"
Ngunit nanghihina na si Ifugao ay matapang pa rin syang tumugon, "Gagawin ko ang lahat para magligtas ng buhay. Iyon ang misyon ko bilang bayani."
Muling tumawa si Salazar, ang kanyang tawa ay puno ng pangungutya. "Walang saysay ang pagiging bayani mo!" sigaw niya.
"Nagsasayang ka lang ng buhay sa mga walang-kwentang paninindigan!"
Ipinaliwanag niya na bilang sugo, dapat si Ifugao ang mas mataas, sinusunod, at nirerespeto, ngunit heto siya, itinataya ang buhay para sa mga taong walang pakialam sa kanya.
"Ang mundo ay puno ng mga sakim na tao. Kung hindi mo gagamitin ang iba, ikaw ang gagamitin nila. Kung naging matalino ka lang at kumampi sa España, hindi mo sana sasapitin ang paghihirap na ito—ang kaawa-awang kamatayan!"
Tinanong niya si Ifugao, "Inaakala mo ba talagang kaya mong maging bayani para sa lahat? Ang mga Kastila at Pilipino ay hindi kailanman magiging magkapantay. Kahit sabihin mo na isa kang bayani , ang totoo, kasangkapan ka lang nila—isang taong mamamatay para iligtas sila sa kapahamakan!"
Nakatayo si Ifugao, ang kanyang mga mata ay matapang na nakatuon kay Salazar. "Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba, lalo na ng isang sakim na tulad mo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon.
"Bayani ako dahil iyon ang gusto ko—maglingkod bilang tagapangalaga, isang sandatang may kakayahang pangalagaan ang mga tao na walang lakas para ipaglaban ang sarili nila."
Nakita ni Salazar ang tapang sa mga mata ni Ifugao, at alam niya na matatag ang paninindigan ng batang sugo. Nakadama siya ng matinding galit sa batang sugo, dahil hindi niya makita ang pagsisisi o desperasyon sa mukha nito sa gitna ng kawalan ng pag asa na gustong makita ng heneral.
Sa katahimikan, habang nakatindig si ifugao at ang buhok ay nagsasayaw dahil sa malakas na hangin sa paligid, ay biglang napangiti si Salazar, na parang may masamang plano sa isip.
"Hindi ko kayang masira ang loob mo bilang bayani," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pang-uuyam. "Hinahangaan ko ang determinasyon mo, ngunit hindi kailanman naging patas ang mundo. Manalo ka man o matalo, walang magbabago. Magpapatuloy ang paghahari ng España sa Pilipinas, at sa huli, mamamatay ka para sa wala." Tumawa siya, na parang demonyo.
"Huwag kang mag-alala, hahayaan kitang mamatay bilang bayani katulad ng gusto mo. "
Inihayag niya na ilalaan niya ang kanyang huling enerhiya sa mga kristal na halimaw sa harapan niya, at iuutos niyang patayin ang lahat ng tao sa Plaridel.
Nagulat si Ifugao dahil sa mga narinig dito at tinawag siyang baliw. "Bilang opisyal ng gobyerno, tungkulin mong pangalagaan ang mga tao!" sigaw niya.
Tumawa si Salazar at inamin na totoo ang sinabi ni Ifugao, ngunit para sa kanya kahit mamatay ang mga Kastila sa Plaridel, maraming pwedeng pumalit sa kanila.
" At isa pa pwede ko naman isisi sa mga rebeldeng indyo ang pagkamatay nila. " Dagsag nito
" Isa kang demonyo! Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ito sa isang heneral ng bansang ito. "
"hahaha para sa kaalaman mo lumalaban ako para sa kapangyarihan, para patunayan ang aking katayuan, hindi para sa mga taong hindi ko naman kilala o kadugo!" sabi niya.
"Mahalaga lang ang mga kastilang nakatira sa plaridel dahil nagbabayad sila ng buwis na nagpapayaman saakin, ngunit hindi ko ibubuwis ang buhay ko para sa kanila!"
Galit na galit na hinawakan ni Ifugao ang kanyang espada at isinigaw ang pangalan ni Salazar.
" Salazar!!"
Ngunit patuloy lang na tumatawa si Salazar, na parang demonyo, habang hinahamon ai ifugao na subukang maging bayani at iligtas ang lahat.
Ang kanyang mga mata ay umilaw habang inuutosan niya sa mga halimaw na ubusin ang lahat sa Plaridel—bata, matanda, babae, o lalaki, walang iiwan buhay.
Pilit na kumikilos si Ifugao, ngunit napatigil siya sa paghakbang dahil sa sakit ng kanyang katawan. Alam niyang hindi na niya kayang pigilan ang mga halimaw. Nawawalan na siya ng pag-asa at hindi alam ang gagawin.
"Parang tinutusok ng isang daang karayom ang katawan ko, hindi ako makakalaban sa ganitong kalagayan."
" Hahahahha, sige na mga alagad ko, gawin nyong pandilig sa lupa ng plaridel ang mga dugo ng mga tao. Hahahaha! "
Ngunit habang tumatawa ng malakas at bago pa makakilos ang mga halimaw, biglang nagulat si Salazar nang may pulang apoy na dumaan sa kanyang leeg.
Ilang segundo lang, unti-unting nagdilim ang kanyang paningin.
"Huh?"
Nagulat si Ifugao nang bumagsak at gumulong ang ulo ni Salazar sa lupa at kasabay ng pagbagsak ng talim ng sandata, sinipa ni Hustisya ang katawan ng heneral, na tuluyang nagpahiga nito sa lupa.
Nakatayo si Hustisya, ang kanyang tingin ay malamig habang hawak ang kanyang sandata, ang talim nito ay nagliliyab ng pulang apoy.
"Kamatayan ang kaparusahan sa demonyong tulad mo," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng poot.
Unti-unting nadurog ang mga kristal sa paligid, nagiging pulbos na parang buhangin kasabay ng pagkamatay ni Salazar.
Hindi makapagsalita si Ifugao at nagulat sa pagpaslang ni Hustisya sa heneral at tila gumuho ang kanyang mundo dahil nabigo syang makagawa ng krimen ang kaibigan.
"Bakit mo siya pinatay?!" tanong niya ang kanyang boses ay puno ng pagkabigla at pagkadismaya.
"Kaparusahan iyon sa kanyang mga ginawang kasalanan," sagot ni Hustisya, ang kanyang boses ay malamig at walang bakas ng pag sisisi.
"Iyon lang ang paraan upang makamit namin ang hustisya at katurangan."
Hindi napigilan ni Ifugao na magalit sa mga sinasabi ni hustisya. "Dahil sa ginawa mo, ituturing ka na ring kriminal ng gobyerno!" sigaw niya.
Ngumisi ito, pilit ang pagtawa ni Hustisya bilang pagtugon . " tsk, Wala na akong pakialam. Sa simula pa lang, kriminal na ako sa mata ng mga Kastila, at sa..." sabi niya. Ngunit bago siya makatapos ng pagsasalita ay bigla na syang sinigawan siya ni Ifugao.
"Hindi mo kailangang gawin iyon! Pinalala mo lang ang sitwasyon mo! Hindi ka na makakapamuhay nang payapa sa Plaridel!"
Nakayuko naman syang sinagot ni Hustisya . "Huwag mo nang problemahin iyon. Dapat nga magpasalamat ka sa akin—kung hindi ako kumilos, baka ikaw ang napatay ng diablong ito. "
Ipinaliwanag niya na nakita niyang nag-aalinlangan si Ifugao na tapusin si Salazar kahit na may kakayahan syang gawin ito dahil natatakot itong maging kaaway ng mga Kastila.
"Iba ako sa'yo ifugao. Handang-handa na ako sa mga bagay na mangyayari saakin."
Biglang kinilabutan si Ifugao, napahawak sa kanyang sariling braso dahil sa nakakakilabot na presensya na bumabalot kay hustisya.
Naalala niya ang pakiramdam na ito—noong kausap niya si Alfredo sa gubat ng Urdaneta. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang itim na aura na lumalabas sa katawan ni Hustisya habang nakayuko sa harap niya.
Hindi siya makapaniwala, nagtataka kung bakit niya ito nakikitang muli. Sumagi sa isip niya ang sinabi ni Hiyas—ang itim na enerhiya ay bunga ng galit, poot, at masamang balak.
Unti-unting may enerhiyang umangat mula sa patay na katawan ni Salazar, pumapasok sa katawan ni Hustisya. Ang kanyang enerhiya ay nagdulot ng malakas na hangin, na parang ipinaparamdam ang kanyang kapangyarihan.
" Wag mong gagawin yan, hustisya "
Alam ni Ifugao na hinigop ni Hustisya ang enerhiya ng kaluluwa ni Salazar—isang paglabag sa kasunduan sa kanyang diwata.
"Nakikiusap ako, Hustisya, itigil mo iyan!" sigaw ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "Kung itutuloy mo iyan, lalabag ka sa kasunduan sa iyong diwata!"
Tumingin si Hustisya sa kanya, ang kanyang mga mata ay puno ng determinasyon. "Hindi na ako pwedeng tumigil sa ginagawa ko," sabi niya.
"Sa oras na malaman ng mga Kastila ang ginawa ko, manganganib ang Plaridel. Kaya uunahan ko na sila."
Isang napakalaking anino ang lumitaw sa lupa, at mula rito, lumabas ang isang kalansay na halos dalawampung metro ang taas, nag-uumapaw sa madilim na enerhiya.
Hawak ni Hustisya ang kanyang sandata habang ito ay nagliliyab sa enerhiya, ang kanyang boses ay puno ng poot. "Makakamit lamang ang hustisya ng mga Pilipino kapag namatay ang lahat ng Kastila!"
Ngunit biglang sumigaw si Ifugao uoang pahintuin siya. "Bakit kailangang gawin mo ito, Hustisya?!" tanong niya, ang kanyang boses ay nanginginig sa galit at kalungkutan.
Tinanong siya ni Hustisya, "Hanggang ngayon ba naman ipipilit mo pa rin ang mga paniniwala mo sa akin? Magkaiba tayo ng hangarin at paniniwala. Magkaiba ang mga pinagdaanan natin at ang mga kailangang gawin sa pa...."
Ngunit bago siya makatapos, sumabat si Ifugao habang ang kanyang mga mata ay puno ng luha.
"Hindi mo pwedeng sabihin ang mga bagay na yan,. Alam kong hindi ka demonyo na kayang pumatay ng mga tao tulad ng heneral!"
Nagulat si hustisya sa pag iyak ni Ifugao at nagalit dito. iniamba ang kanyang sandata laban kay ifugao. "Walang kang karapatan na pangaralan ako!" sigaw niya.
"Wala kang alam sa pinagdaanan ko! Lumaki akong ulila dahil ikinulong ang aking ama dahil sa kasalanang hindi niya ginawa. Ginahasa at pinatay ang aking ina sa mismong tahanan namin. Naghirap kami, nagdusa, at walang tumulong sa amin. "
" Hindi pa ba sapat iyon para humingi ako ng hustisya? Kailangan na namin ng pagbabago, at alam kong ito ang tungkulin ko bilang sugo ng Plaridel!"
Napayuko si ifugao bakas ang kalungkutan habang ipinapaintindi na kailan man walang kahahantungan maganda ang isang masamang gawain kundi kapahamakan.
" Masama ang pumatay ng mga tao at ang masamang gawain ay magbubunga ng masamang resulta."
"Hustisya, napakaraming malalakas na heneral ang España," sabi ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. "Kahit gaano kalakas ang enerhiyang hinigop mo, mabibigo ka, at sa huli, mamamatay ka para sa wala."
Habang nagsasalita si ifugao ay biglang sumigaw si Hustisya para pahintuin ito, "Wala kang pakialam kung mamatay ako sa gagawin ko!"
Ngunit sumabat agad si Ifugao, "May pakialam ako kung mapahamak ka dahil mahalaga ka sa akin!" sambit nito ng buong tapang.
Nagulat si Hustisya, nagtaka sa sinabi ng batang sugo. "Anong kalokohan ang sinasabi mo?" tanong niya.
Naglakad si ifugao pasulong at nang makarating sya sa harap ni Hustisya, binitiwan niya ang kanyang espada at nagkusot ng mata upang punasan ang tumutulong luha.
" Teka, umiiyak ka? " Nagulat na tanong ni hustisya.
Umiiyak siya na parang bata. "Mahalaga ka sa akin, Hustisya. Natatakot akong mapahamak ka dahil sa ginawa mo sa heneral, at habulin ng mga kastila" sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng sakit.
"Handa akong tanggapin ang parusa bilang kriminal para lamang maprotektahan ka. Bakit kailangang ikaw pa ang gumawa nito?" Hindi maunawaan ni Hustisya ang ikinikilos ni Ifugao at ikinikilos.
"Hoy, ano bang sinasabi mo dyan? Bakit ka ba umiiyak?" tanong niya, naguguluhan sa pag-iyak ng batang sugo.
"Tigilan mo ang nga pag-iyak dyan! Wala kang responsibilidad sa akin!" sigaw ni Hustisya.
"Hindi mo na kailangang problemahin ang mangyayari sa akin!"
Ngunit agad na sumabat si Ifugao, "May responsibilidad ako sa'yo!" Patuloy siyang umiiyak, kaya't aligaga siyang pinapatahan ni Hustisya.
"Nasisiraan ka na ba? Tumigil ka nga sa pag iyak na parang bata! Kanina lang napakatapang mo laban sa heneral, ngayon para kang batang nagmamaktol!"
"Dahil sa'yo kaya ako umiiyak!" sagot ni Ifugao, ang kanyang boses ay puno ng pagsisi.
Dahil sa hindi nya ito maunawaan ay itinanong nya dito ang dahilan ng pag iyak nya. " Ano? Ako? Bakit naman ako ang dahilan ng pag iyak mo? .
"Hindi madali ang lahat ng pinagdaanan ko," sabi ni Ifugao. "Natatakot akong maging kriminal na hahabulin ng gobyerno habang buhay, pero handa akong tanggapin iyon para lamang sa'yo."
Nagulat si Hustisya, puno ng pagtataka. "Bakit mo naman gagawin iyon para saakin? Wag mo nga akong lokohin pa.... " tanong niya.
Agad na pinutol ni Ifugao ang pagsasalita ni Hustisya. "Dahil nangako ako sa lolo mo na pangangalagaan kita, Georgia," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng emosyon.
Unti-unting nagbago ang anyo ni Ifugao. Ang nag-uumapaw na enerhiya sa kanyang katawan ay naglaho, at siya ay nagbalik sa anyo ng isang batang lalaki—si Erik.
" Imposible, erik?"
Nagpunas siya ng luha gamit ang kanyang braso at tumingin kay Hustisya, na ngayon ay nakatulala na halos mabitawan ang kanyang sandata sa sobrang pagkagulat.
"Itigil na natin ang laban na ito, Georgia," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsusumamo. "Umuwi na tayo ng magkasama."
Hindi makapagsalita si hustisya sa kanyang nalaman na si ifugao na parating pumipigil sa kanya at ang batang lalaki na nakasama nya sa iisang bahay ay iisa lamang, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkagulat at hindi makapaniwala sa natuklasang sekreto.
Ang katahimikan ay bumalot sa kanilang dalawa na tila nag aabang ng mga susunod na sasabihin ng bawat isa, habang ang labanan sa Plaridel ay natapos sa isang hindi inaasahang paghahayag.
Wakas ng kabanata.
