Kabanata 44: Ang bagong yugto.
Tatlong araw matapos ang trahedya sa city hall ng Plaridel, unti-unting bumabalik ang buhay sa bayan. Ang mga nasirang gusali ay sinimulan ng ayusin, ang mga nawasak na kalye ay muling inayos, at ang mga biktima ay inaasikaso ng mga pamilya at lokal na pamahalaan.
Ngunit sa likod ng pag-aayos, isang bagong kaguluhan ang kumakalat—hindi sa mga lansangan, kundi sa mundo ng internet.
Isang video ng matinding labanan sa Plaridel ang mabilis na kumalat, nagdulot ng kontrobersya, at nag-udyok ng mga pagtatalo sa mga tahanan, palengke, at maging sa mga tanggapan ng gobyerno.
Ang video ay naglalaman ng mga nakakapanindig-balahibong eksena: ang pagpapahirap ng mga sundalong Kastila sa mga Pilipino sa plaza ng Plaridel, ang tensyonadong pag-uusap nina Ifugao at General Salazar, at ang matapang na pagtindig ni Ifugao laban kay Gilo at sa mga rebelde upang pigilan ang karagdagang karahasan.
Kitang-kita sa video ang galit ni Hustisya, ang kanyang mga mata na nag-aalab habang ipinapaliwanag ang kanyang laban para sa pagkuha ng hustisya para sa mga biktima, at ang determinasyon ni Ifugao na itigil ang rebelyong nagaganap kahit pa kailangang nyang kalabanin ang kanyang kapwa sugo.
Marami ang nagagalit sa pinakitang tapang ni Ifugao nang harapin ang isang opisyal ng gobyerno, ngunit may mga kastila rin na nagalit sa mga aksyon na ginawa ni General Salazar. Ang kanyang pagtatangkang patayin ang mga mamamayan sa Plaridel upang subukin ang kapangyarihan ni Ifugao ay itinuring na isang malaking pagkakasala.
Ang video ay naging susi upang maiwasan ang agarang pagpaparusa sa mga pinagbibintangan na rebelde sa Plaridel, dahil wala pang sapat na ebidensya ang mga Kastila upang patunayang mga rebelde ang mga ito. Kahit ang mga heneral, sa kabila ng kanilang kapangyarihan, ay nanatiling tahimik sa isyu, nag-aalangan na gumawa ng hakbang nang walang malinaw na batayan.
Sa kabilang banda, ang pag-uusap nina Hustisya at Ifugao sa video ay naging usap-usapan din aa buong bansa. Ang kanyang pagpupumilit na itigil ang rebelyon, at ang kanyang pakikipaglaban kay Hustisya upang pigilan ang pagpaslang sa mga Kastila, ay nagbigay ng magkahalong reaksyon sa mga tao.
May mga hinahangaan ang kanyang prinsipyo, ngunit may mga hinusgahan siya bilang isang traydor sa sariling lahi. Kahit na nakuha ni ifugao ang tiwala ng mga pilipino ay marami sa mga rebelde ay nagdududa kung magiging kakampi ba sya o kalaban ng mga pinaglalaban nila.
Gayunpaman, parehong nanatili sa wanted list sina Hustisya at Ifugao, gusto ng gobyerno na papanagutin sang dalawa sa mga pinsalang dulot ng labanan kaya naman isang task force ang binuo upang hulihin ang dalawang sugo. Isang grupo na pinadala ng Espanya.
Pansamantalang naman pinalitan ang namumuno sa Plaridel habang hinihintay ang bagong governador ng Bulacan na itatakda ng gobyerno ng espanya.
Sa gitna ng lahat ng ito, sa isang malawak na silid sa loob ng Palasyo ng Malacañang—ang itinuturing na sentro ng kapangyarihan ng kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas—nagtipon ang mga pinakamakapangyarihang heneral ng Luzon.
Ang silid ay puno ng tensyon, ang mga dingding ay pinalamutian ng mga simbolo ng kapangyarihan ng Kastila, at ang mahabang mesa sa gitna ay napapalibutan ng walong heneral, bawat isa ay may dalang bigat ng kanilang tungkulin.
Lima sa kanila ay nakasuot ng berdeng uniporme, tanda ng kanilang katayuan bilang mga "hilaw" o honoraryong Kastila—mga Pilipinong binigyan ng kapangyarihan ngunit hindi kailanman itinuring na pantay ng mga purong Kastila. Naging mga heneral sila dahil lang sa isa silang mga sugo ng diwata at nagbigay ng katapatan sa gobyerno ng espanya.
Sila ay sina General Manuel ng Rizal, General Tiburcio ng Pampanga, General Apyong ng Cavite, General Luna ng Bataan, at General Romeo ng Batangas. Ang tatlo naman ay nakasuot ng puting uniporme, simbolo ng kanilang purong dugong Kastila at katayuan bilang mga sugo ng diwata mula sa España.
Sila ay sina General Kiki ng Quezon, General Jamin ng Laguna, at General Felipe ng Zambales. Sa harap ng mesa, malapit sa isang napakalaking screen na nagpapakita ng wanted poster ni Ifugao, nakatayo ang isang lalaki na ang presensya ay sapat na upang patahimikin ang silid.
Siya si Viceroy Antonio Magellan, nakasuot ng ginintuang uniporme na parang isang maharlikang Kastila. Bilang kinatawan ng hari ng España sa Pilipinas, siya ang may hawak ng pinakamataas na kapangyarihan sa kolonyal na pamahalaan, namamahala sa pambansang kabisera at nangangasiwa sa mga usapin tungkol sa mga rebelde.
"Ang sitwasyon sa Plaridel ay isang malaking dagok sa pamahalaan natin," panimula ni Magellan, ang kanyang boses ay malalim at puno ng awtoridad. "Ang sugo na ito na tinatawag nilang Ifugao, kamakailan lang ay gumagawa ng ingay at nagpapakilala bilang bayani ng mga indyo."
" Ang totoo hindi ko siya itinuturing na isang malaking banta sa España, ngunit labis akong nababahala sa epekto ng kanyang mga aksyon na nakakaimpluwensiya sa iba. Marami sa mga Kastila ang kumbinsido na tama ang kanyang pamamaraan sa pagpaparusa sa mga heneral tulad nina Slasher at Salazar."
Pinagmasdan niya ang mga heneral sa loob ng kwarto na tila sinusuri ang mga reaksyon nito, mababakas sa kanyang mukha ang kanyang seryosong pagtalakay sa usapin. "Inaamin ko, may mga pagkakasala ang mga heneral tulad nina Salazar. Ngunit hindi isang Indio ang dapat magpataw ng parusa sa kanila—ang batas ng España ang dapat nagdedesisyon sa mga dapat na mangyari sa bansang ito."
Tahimik allang ang mga heneral na nakikinig sa kanya, ang kanilang mga mukha ay hindi nagpapakita ng anumang emosyon. Alam nila na kahit may mga paglabag ang kanilang mga kapwa heneral, walang sinuman ang may karapatang magparusa sa kanila maliban sa Viceroy—at batid ni Apyong na hindi iyon gagawin ni Magellan sa kapwa opisyal na nagmula sa espanya.
Ang katahimikan ay biglang nabasag nang itinaas ni General Romeo, ang pinakabata sa grupo, ang kanyang kamay. "Paumanhin, Viceroy," sabi ni Romeo, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng tapang.
"Ngunit ano ang dapat naming gawin kung sakaling maulit ang mga pagkakamali ng mga heneral?
Kung ang kanilang mga aksyon ay naglalagay sa panganib sa mga mamamayan, kami ba bilang mga opisyal ang dapat kumilos?"
Agad sumagot si Magellan, ang kanyang tono ay walang bahid ng pag-aalinlangan. "Nakadepende iyon sa sitwasyon, General Romeo. Kung mapapatunayang nagkasala ang isang heneral, ang batas ang magpapasya sa kung ano ang nararapat na gawin sa mga ito."
Alam ni Romeo na pumapanig ang Viceroy sa mga kastila at hindi nito paparusahan ang kanyang kasamahan ngunit hindi natinag si Romeo. "Paano kung may krimeng ginawa ang isang heneral, at hindi natin maiwasang makipaglaban sa kanila? Maaari ba naming hatulan ang mga ito?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay matapang na nakatingin nang diretso kay Magellan.
" Ang ibig kong sabihin, maaari ko ba silang patayin? "
Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa silid sa matapang na tanong ni romeo, hindi makapaniwala ang ikang heneral sa nasabi ng binata sa harap ng viceroy.
Ngumiti lang si Magellan, ngunit ang kanyang ngiti ay hindi umabot sa kanyang mga mata. "Nakadepende rin iyon sa sitwasyon, General," sagot niya.
"Huwag natin kalimutan na ang mga governador-heneral ay mga simbolo ng kapangyarihan ng España. Ang pagwasak sa kanilang reputasyon ay pagwasak sa awtoridad ng ating gonyerno. "
Hindi tumigil si Romeo sa pagsasalita hangang sa makuha nya ang gusto nyang marinig na sagot at ipinaliwanag na. "Ayon sa batas ng hari, kasama sa ating tungkulin ang pangalagaan ang buhay at karapatan ng mga mamamayan, maging kastila man o kahit na Pilipino," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng diin.
"Kung ang isang heneral ay pumatay ng mga inosenteng Pilipino sa hindi makatwirang paraan hindi ba't nararapat lang silang maparusahan tulad ng sinumang lumalabag sa ating batas? "
" Ang pagpatay ay isang mabigat na krimen, at ang kaparusahan nito ay bitay—para sa ordinaryong tao man o para sa isang heneral." seryosong sambit ni romeo.
Ang silid ay muling natahimik dahil sa tensyon sa pagitan ng viceroy at ni romeo habang ang bawat heneral ay nag-aabang sa sagot ni Magellan sa mga sinabi ni heneral romeo.
Napangiti lang ang Viceroy, ngunit ang kanyang ekspresyon ay puno ng pagsusuri. "Isang governador-heneral ang pinag-uusapan natin, General Romeo," sabi niya, ang kanyang boses ay kalmado ngunit may bahid ng babala.
"Sila ang hinirang ng España upang mamuno at gawin ang nararapat para sa kapakanan ng kolonya."
Ngunit agad na sumagot si romeo na tila hindi natatakot sa muling pagsasalita. " Nalilito lang ako viceroy, malinaw ang utos ng hari ng Espanya na kahit ang mga heneral na kagaya namin ay dapat sumunod sa batas na inuutos ng hari, " sagot niya, ang kanyang boses ay hindi makikitaan ng kahit anong pag aalinlangan.
"Mas mahalaga ba ang katayuan ng mga heneral kaysa sa salita ng hari ng España?" Ang tanong ni Romeo ay parang kidlat na tumama sa silid na nagpataas pa lalo sa tensyon. Hindi agad sumagot si Magellan sa tanong nito, at sa halip, dahan-dahan siyang lumakad patungo sa kinauupuan ni Romeo.
Naglakad sya pasulong at tumigil sa harap ng batang heneral, ang kanyang katawan ay tuwid at ang kanyang tingin ay matalim. "General Romeo," sabi niya, ang kanyang boses ay mababa ngunit puno ng bigat,
"Ang iyong tanong ba ay para sa kapakanan ng España, o para sa iyong sariling hangarin?"
Naguluhan si Romeo sa naitanong ng viceroy at alam nya na gumagawa ito ng paraan para hindi magbigay ng eksaktong utos kung saan maaari nyang parusahan ang ibang heneral,
" Paumanhin viceroy, Hindi ko maunawaan ang inyong sinabi dahil... " ngunit bago pa siya makatapos sa pagsasalita ay nagpatuloy si Magellan na magsalita.
"Bagamat inutos ng hari na pangalagaan ang mga Pilipino, hindi ito nangangahulugan na maaari nating balewalain ang halaga ng isang Kastila—lalo na ang isang governador-heneral. "
"Ang mga tulad nina Salazar ay may malaking ambag sa pamumuno at paglaban sa mga kaaway ng gobyerno. Ang kanilang pagkamatay ay nagdulot ng malaking kawalan para saating lahat, at hanggang ngayon, wala pang tiyak na kapalit para sa kanila."
Hinawakan ni Magellan ang mesa, inilapit ang kanyang mukha kay Romeo. "Higit sa isang milyong Pilipino ang katumbas ng isang governador-heneral, General Romeo. Kaya't nararapat lang na bilang mga matatalinong opisyal ay marunong tayong magtimbang ng mga bagay-bagay." Ang kanyang boses ay puno ng diin.
Nakatingin ang viceroy kay romeo na may nakakatakot na titig na tila nagdidikta dito sa ano ang dapat lang nitong gawin. " Bago ang lahat muli ko lang ipapaalala sayo batang heneral ang isang mahalagang bagay. "
"Hindi ka narito bilang tagapagtanggol ng mga Pilipino, kundi bilang lingkod ng España." Ang tensyon sa silid ay hindi nawawala. Patuloy na nagkatitig ang mga mata nina Magellan at Romeo sa isat sa, parehong puno ng tapang at hindi nagpapatinag.
Ang ibang mga heneral na nasa keartong iyon ay tahimik lang na nakaupo at nag aabang, alam na isang maling salita ay maaaring magdulot ng mas malaking alitan, kaya ng viceroy na ipag utos ang mga bagay na gusto nyang mangyari kaya alam nila na hindi nila maaaring salungatin ito na magiging dahilan ng pag init ng ulo nito.
Sa gitna ng katahimikan, biglang nagsalita si General Luna upang baguhin ang topic , ang kanyang boses ay matigas ngunit kontrolado. "Paumanhin viceroy, nais ko lang itanong kung ano ang gagawin natin sa mga rebelde? Isa sa kanila ay isang sugo na may kapangyarihan ng diwata. Hindi natin maaaring balewalain ang ganitong banta."
Tumayo nang tuwid si Magellan at bumalik sa harapan kung nasaan ang malaking screen. "Ang mga sugo ng diwata ay may malaking pakinabang saatin, lalo na kung gagamitin natin ang kanilang kapangyarihan para sa kapakanan ng España," sabi niya.
"Ngunit hindi natin masisigurong magiging tapat sila sa atin o sa gobyerno."
Biglang nagsalita si Romeo, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa. "Hayaan ninyo akong kausapin ang nahuling sugo mula sa Malolos, Viceroy. Marahil kriminal sila sa mata ng mga Kastila, ngunit tulad ng sinabi ninyo, napakalaki ng pakinabang ng mga sugo. Maaari ko silang hikayatin na sumapi sa atin."
Agad na napalingon si Magellan kay romeo at nagtanong, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalinlangan. "Paano ka makakasigurong magiging tapat sila, General Romeo, sa kabila ng kanilang galit sa España?"
"Hindi ko masisigurong magiging tapat sila," inamin ni Romeo.
"Ngunit ang mga sugo ay may malakas na koneksyon sa kanilang mga diwata. Handa silang gawin ang lahat para sa kanilang misyon. Kung bibigyan natin sila ng pabor na hindi nila matatanggihan, mananatili silang tapat sa gobyerno hangga't mapayapa ang kanilang teritoryo."
Ipinaliwanag nya na iba sa mga sugo na nagmula sa kastila, marami sa mga sugo ng diwata sa pilipinas ay inutusan na pangalagaan ang kanilang teritoryo at alam ng mga ito na mas matimbang ang pag babantay sa teritoryo kesa sa paghihiganti para sa mga tao.
Biglang sumabat si General Kiki ng Quezon sa pag uusap, ang kanyang boses ay puno ng pag-aalala. " Dapat rin nating alalahanin ang dumaraming bilang ng mga sugo na sumasama sa mga rebelde. Kamakailan, nagiging mas marahas sila, at lumalakas ang loob nilang kalabanin ang awtoridad."
Sumagot si General Apyong, ang kanyang tono ay puno ng pagsusumamo. "Paumanhin, Viceroy, ngunit kailangang may gawin tayo tungkol sa pagtrato sa mga Pilipino. Dapat ipaalam sa lahat ng governador-heneral ang pagbabawal sa pang-aapi sa mga Pilipino. Nauunawaan ko ang paniniwala ng mga Kastila sa kanilang kataasan at hindi ko iyon kinukwestyon, ngunit kung magpapatuloy ang kalupitan, mauulit lamang ang mga pag-aaklas ng marami sa mga pilipino."
Pinutol ng viceroy ang pagsasalita ni apyong at hindi sumang-ayon sa ideya na dapat nyang ipag utos pa ito. ngunit kinilala niya ang punto ni Apyong. " May batas na noon pa man na nagbabawal sa pang-aapi ng mga Pilipino," sabi niya.
"Hindi ko nakikitang kailangan ko pang ipaalala ito sa lahat ng mga heneral."
Ngunit biglang nagsalita si Luna, ang kanyang boses ay matapang. "Kahit may batas tayo noon paman Viceroy, wala namang napaparusahan. Ano ang silbi ng batas kung hindi ito ipinatutupad?"
Humarap si Magellan kay Luna, ang kanyang ekspresyon ay kalmado ngunit matigas. "Hindi ko na iyon problema, General Luna. Ang trabaho ninyo bilang mga governador-heneral ay ipatupad ang batas sa inyong nasasakupan. Alam ninyo na ang dapat gawin para sa kapakanan ng España."
Alam ni luna na malinaw na walang paki elam ang viceroy sa kapakanan ng mga pilipino at hindi nya gusto ang ideya na maging pantay ang mga kastila sa mga pilipino
.
Kinuha ni Magellan ang kanyang libro mula sa mesa, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad.
"Kailangan ko ng mga ulat mula sa bawat isa sa inyo tungkol sa mga rebelde sa inyong teritoryo. At isa pa kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng mga videong kumakalat sa internet. Hindi na natin maaaring hayaang lumakas ang loob ng mga rebelde."
Bago umalis ng kwarto, matapang niyang idinagdag, "Gumamit kayo ng kamay na bakal upang ipaalam sa mga rebelde kung sino ang may hawak sa bansang ito. Patayin nyo ang dapat patayin at wag mag papakita ng kahinaan."
"Inaasahan ko na gagawin ninyo ang inyong tungkulin." Muling natahimik ang buong silid, bakas ang pag-aalangan sa mukha ng mga heneral sa matapang na utos ni Magellan na malinaw na nagpapahiwatig na wala itong pakielam sa kaligtasan ng mga pilipino maaaring madamay.
Nagpaalam ang Viceroy upang asikasuhin ang mga usapin sa Mindanao, at ilang sandali pa ay isa-isang umalis ang mga heneral.
Ngunit bago tuluyang makaalis si heneral Romeo, inabangan siya ni Luna sa labas ng silid para kausapin. "Mag-ingat ka sa mga ginagawa mo heneral Romeo," sabi ni Luna, ang kanyang boses ay mababa ngunit puno ng babala. "Hindi maganda ang pagpapahayag ng sariling opinyon sa harap ng Viceroy, alam kong alam mo ang bagay na iyon. "
Ngumiti si Romeo, ngunit ang kanyang ekspresyon ay matigas. "Wala akong nakikitang mali sa sinabi ko, heneral Luna. Ipinaalala ko lang ang batas ng hari, hindi iyon tungkol sa personal na hangarin."
Napabuntong hininga si Luna.
"Alam ko ang nararamdaman mo para sa mga Pilipino," sagot ni Luna. "Ngunit alam mo naman na ang Viceroy ay may mataas na pride. Kapag nainis siya, kaya niyang gawing mas komplikado ang lahat para saatin—lalo na para sa mga Pilipino."
" Wala syang pakielam sa mga pilipino, ang mahalaga lang sa kanya ay ang manatili ang kapangyatihan ng espanya dito sa pilipinas." Dagdag nya.
Bumuntong-hininga si Romeo. " Alam ko, nadala lang ako ng galit ko pero hayaan mo, gagawin ko ang lahat para maging maingat sa susunod," sabi niya.
"Ngunit hindi ko kayang manahimik kung may mali na silang ginagawa lalo na sa mga inosenteng mga pilipino. "
Habang nag uusap ay nagbiro si Luna sa kanya, ang kanyang ngiti ay bahagyang mapait. "Kahit ako, napipikon sa letseng mga Kastila na yan. Kung hindi lang dahil sa tungkulin ko bilang sugo, baka nasapak ko na ang Viceroy noon pa. Pero alam natin na hindi natin iyon pwedeng gawin."
Napahinto si romeo sa paglalakad at tumingin sa paligid. " Baka may makarinig sayo, alam mo naman kung gaano nila itinuturing na hari ang viceroy sa lugar na ito. " Sambit ni romeo.
" Sa tingin mo talaga natatakot ako sa kanila? Sila ang dapat matakot saakin. " Pagbibiro ni luna.
" Napaka tapang mo talaga kagaya ng sinasabi nila tungkol sayo heneral." Sambit ni romeo.
" Hahaha, yun ang dahilan kung bakit ako nandito. Walang puwang ang kaduwagan sa lugar na ito dahil kung magpapakita ka ng kahinaan sa iba ay paglalaruan ka lang ng mga letseng kastila na yan sa kamay nila "
Habang naglalakad palabas ng Palasyo, nagpatuloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa mga rebelde. "Marami sa mga rebelde ay hindi na kayang paki-usapan," sabi ni Luna, ang kanyang boses ay puno ng pagkabahala.
"Itinuturing ng iba na pagtataksil sa kapwa Pilipino ang makipagkasundo sa gobyerno. Kaya lalong lumalakas ang loob nila tumanggi saating mga paki usap. ."
Napayuko naman na sumagot si Romeo, ang kanyang tono ay puno ng pagkadismaya. "Hindi marunong makinig ang mga tao. Iniisip lang nila ang sariling kapakanan. Kung magpapatuloy ang maling pananaw na mapapayapa ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpatay sa mga Kastila, hindi matatapos ang kaguluhan."
Habang naglalakad ay biglang nagtanong si Luna, "Ano ang balak mo kay Ifugao? Hindi pangkaraniwan ang kaya niyang gawin para sa isang baguhang sugo, pero natalo niya ang mga mandirigma mula sa España."
"Napanood ko ang mga video na kumakalat sa internet," sagot ni Romeo. "Hindi ko siya itinuturing na malaking banta sa España. Malakas siya, at kaya niyang talunin ang mga tulad natin sa laban. Pero wala syang kalaban laban kung ikukumpara sa kapangyarihan ng mga Espada ng España."
" Nakita ko na minsan ang kaya nilang gawin—mas nakakatakot iyon kaysa sa kayang gawin ng isang batang sugo." Dagdag niya, "Kalokohan ang paniwalaan na kayang iligtas ng isang batang sugo ang Pilipinas. Sa nakikita ko ay masyado nang desperado ang mga rebelde para sa kalayaan, kaya't hindi nila nakikita ang tunay na pangangailangan ng bansa."
Habang naglalakad palabas ay naisip naman ni Luna na banggitin ang tungkol kay hiyas. " Oo nga pala, may nakausap akong diwata. Sinabi niya na tinutulungan niya si Ifugao at hiniling saakin na huwag kong hulihin si ifugao hangga't hindi pa ito handa."
Napahinto sa paglalakad si Romeo at nagulat sa nalaman nya. " isang diwata? Maliban sa aking diwata ay hindi pa ako nakakakita ng kagaya nila."
" Hindi rin ako makapaniwala pero walang duda na hindi sya tao at ang presensya nya ay ngmula sa kalikasan. "
Napa isip si romeo at nagtanong. " At ano ang balak mo sa paki-usap niya?" tanong niya,
Ngumiti lang si Luna, ngunit ang kanyang ekspresyon ay puno ng pag-aalinlangan. "Wala akong ideya kung ano ang dapat gawin sa bagay na iyon, Isa syang diwata kagaya ng aking diwata at para saakin kabastusan ang kalabanin ito, hindi ko rin alam kong dapat ko ba syang balewalain. "
" kaya naman sa tingin ko hangga't hindi nanggugulo si Ifugao sa Bataan, wala akong balak na habulin siya. Napakaraming problema na ang iniisip natin."
Tinanong naman ni Luna kay romeo ang balak nito sa batang sugo, "At ikaw, ano ang balak mo kay Ifugao? Malinaw na pinangangalagaan siya ng isang diwata na baka gustong bawiin ang lupain ng pilipinas mula sa mga Kastila. Pero bilang mga heneral, tungkulin natin sumunod at hulihin ang mga kagaya nya."
Humakbang palayo si Romeo para umalis, ang kanyang boses ay kalmado ngunit determinado. "Wala akong balak labanan ang diwata bilang paggalang sa kanila. Pero mas mahalaga sa akin ang kapayapaan sa Batangas."
" Hindi ko talaga gusto ang ginagawa ni Ifugao dahil lalo tayong pinag iinitan ng espanya pero wala akong oras para pagtuunan siya ng pansin. Mas malaking banta ang hinaharap natin dahil sa mga rebelde, ang Katipunan at ang pinuno nilang si Supremo." sambit ni romeo.
Napangiti si Luna, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala. "Tama ka. Ang katipunan ang tunay na sakit natin sa ulo. Masyado na silang naging mapangahas, at kailangan nating pigilan ang kabaliwan ni Supremo bago pa ito lumala." sagot nito.
Sa isang liblib na bodega sa labas ng Malolos, napapalibutan ng mga kahon ng sandata at suplay, nagtipon ang mga rebolusyonaryong nakasuot ng pulang bandana sa kanilang mga braso. Sila ang mga miyembro ng makabagong katipunan, ang mga makabagong mandirigma na itinuring na mga anak ng bayan.
Ang kanilang mga mukha ay puno ng determinasyon, ang kanilang mga mata ay nag-aalab sa layunin na palayain ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Kastila. .
Sa harap ng mahigit tatlong daang rebelde, nakatayo si Supremo, ang pinuno ng Katipunan. Ang kanyang presensya ay parang bagyo—tahimik ngunit puno ng lakas.
Sa likuran niya, isang malaking blackboard ang naglalaman ng isang detalyadong mapa ng Luzon, puno ng mga marka ng kanilang mga plano at target na lugar.
Hinampas niya ang blackboard gamit ang kanyang kamay, ang kanyang boses ay matigas ngunit puno ng sigasig.
"Kailangan nating pagbutihin pa ang ating mga operasyon!" sigaw niya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab.
"Natutuwa ako na nagagawa nating wasakin ang mga pabrika ng sandata ng mga Kastila, pero kulang pa ito! Kung gusto nating pahinain ang kanilang puwersang militar, kailangan nating kontrolin ang Hilagang Luzon at makuha ang suporta ng iba pang mga Pilipino!"
Ang mga rebelde ay nagsigawan bilang pagsang-ayon, ang kanilang mga tinig ay puno ng sigasig.
Ngunit sa gitna ng kaguluhan, isang lalaki ang nagtaas ng kamay. Siya si Hulyo, ang sugo ng Pasig, na may asul na buhok at magarang kasuotan na nagpapakita ng kanyang katayuan bilang isa sa mga opisyal ng Katipunan.
Ang kanyang presensya nya ay kasing-lakas ng kay Supremo, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng pag-aalala. "Supremo," panimula ni Hulyo, ang kanyang boses ay kalmado ngunit puno ng bigat. "Ano ang balak natin kay Ifugao? Marami ang naniniwala sa kanya, humahanga sa kanyang kabayanihan. Hindi natin maaaring balewalain ang batang sugo na ito."
Biglang nagdabog si Supremo, ang kanyang kamao ay muling humampas sa lamesa, nagdulot ng malakas na tunog na pumukaw sa atensyon ng lahat.
"Kinikilala ko ang kabayanihan ni Ifugao," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng galit at pait. "Ngunit hindi ako pabor sa kanyang paniniwala. Kalokohan ang isiping maaaring mamuhay nang payapa ang mga Pilipino at Kastila nang magkasama! Hindi iyon makatotohanan!" Dagdag niya, ang kanyang mga mata ay nagliliyab,
"Nalaman ko na kinalaban niya ang sugo ng Plaridel at pinigilan ang binabalak nitong pag aaklas. Dahil doon, nahuli ang sugo ng Malolos, at ngayon ay nanganganib siyang maparusahan ng kamatayan. "
" Wala akong personal na galit kay Ifugao, pero kung ang kanyang paniniwala ay sasalungat sa ating pakikipaglaban, wala akong magagawa kundi ituring siyang kalaban." Tahimik ang mga rebelde, ang kanilang mga mukha ay nagpapakita ng magkahalong damdamin—pag-aalala, galit, at determinasyon.
Sumagot si Hulyo, ang kanyang boses ay matatag. "Supremo, hindi natin maaaring balewalain ang impluwensya ni Ifugao. Marami ang nakakakita sa kanya bilang simbolo ng pag-asa. Kung hindi natin siya mapasang ayon sa ating mga pinaglalaban, maaaring maging hadlang siya sa ating layunin."
"Alam ko may potensyal sya maging kakampi o kalaban ngunit, wala tayong oras para pagtuunan ng pansin si Ifugao sa ngayon lalo pa kulang na ang ating oras," sagot ni Supremo, ang kanyang tono ay puno ng pagkabigo.
"Ang ating pokus ay ang mga base militar ng mga Kastila. Marami na tayong nagawa, at marami pa tayong gagawin. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nakukuha ang tagumpay!" Itinaas ni Supremo ang kanyang itak, ang kanyang boses ay umalingawngaw sa bodega.
"Malapit na nating mapalaya ang ating bayan mula sa mga mananakop! Gagawin natin ang lahat para sa Pilipinas!"
Nagsigawan ang mga rebelde habang ang kanilang mga tinig ay puno ng sigasig. "Mabuhay ang mga anak ng bayan! Mabuhay ang Pilipinas!" paulit-ulit nilang isinigaw, ang kanilang mga damdamin ay nagbabaga sa determinasyong makuha ang tunay na kalayaan.
Ang bawat salita ay parang apoy na lalong nagpapalakas sa kanilang layunin, at ang pangarap ng isang malayang Pilipinas ay lalong lumilinaw sa kanilang mga puso. -
Wakas ng kabanata.
