LightReader

Chapter 5 - The Phoenix Blessings

Sa silid ni Perlend, habang natutulog ang sanggol. Nagbuburda siya ng isang mala-alamat na bulaklak ng phoenix, gamit ang sinulid at karayum, umaawit siya ng malambing na awitin para sa kanyang anak. Nang Biglang hinipan ng katahimikan ang mga kandila sa altar, at saglit na nakarinig siya ng ingay sa bintana, isang palahaw ng ibon. Iniwan niya ang sanggol sa higaan, upang suriin ang pinagmulan ng boses, subalit wala siyang nakita na kahit anong bagay na maaaring maglikha ng ingay. Nang matanto niya na guniguni lamang ang ingay na'yon, agad siya bumalik sa silid, ngunit biglang lumaki ang kanyang mga mata, at parang bato na hindi makapaniwala, may mga sariwang abo na naka palibot sa sanggol. Nakaramdam din si Perlend ng isang mainit na presenya ng hangin na nalikha sa loob ng silid. 

 Ang paningin ni Perlend ay parang isang insekto na gumagapang sa higaan ng sanggol, napansin niya ang isang marka sa dibdib; mitikulosong umukit ng sinyal sa nasunog na balat; napakagat siya sa daliri pero, hindi umiiyak ang sanggol bagkus mahimbing na natutulog. May baga pa ng apoy sa parti ng lampin at umuusok ng insenso ang halimuyak kung saan ang lumabas na marka: Isang tulad ng simbolo ng apoy na parang ibon na mahaba ang mga pakpak at buntot nito at isang himala ang nangyari— humilom ang sugat na marka. Nang makilala niya ang marka isa pala itong ibong Phoenix. Sa sobrang pagkamangha, napatawag siya kay Xerxez habang mabigat na bumagsak ang kanyang katawan sa pagkakaupo nang maglaho ang marka. Nasaksihan ni Perlend ang paglitaw ng marka ngunit pagdating ni Xerxez, wala na ang marka kundi ang abo na lamang na tinitipon niya sa porcelanang banga na maliit, kaya iyon na lamang ang tanging nakita ni Xerxez.

"Sino ang walang hiya na magbiro ng ganitong kalapastanganan?" Sabi ni Xerxez na kumunot ang nuo nang makita ang abo sa higaan ng sanggol. "Walang galang na tao ang gagawa nito!" Napahawak si Xerxez sa kanyang espada na kumislap nang iniangat niya ng malakas, ngunit ang boses ni perlend ay gaya ng isang malakas na kamay na pumigil sa espada ni Xerex, kaya binalik niya iyon ulit.

"Xerxez, huminahon ka." Natataranta si Perlend dahil sa naging reaksyon ni Xerxez sa mga abo na nagkalat sa tabi ng sanggol. Pinapakalma niya si Xerxez kahit abala siya sa paglilinis ng abo ngunit bakas parin ang mantsa sa puting tila ng kanyang higaan.

Nagbakasakali si Xerxez na mag-imbestiga sa paligid, dumungaw siya sa bintana, sa labas ng pinto at kahit sa likod ng mga malalaking kabinet. Walang magawa si Perlend kundi ang matawa. "Ang Phoenix ng peronica ay lumapit sa ating anak!" Nagagalak na sabi ni Perlend, napatigil naman si Xerxez at napaupo sa tabi ng sanggol, masuyong tinitigan ni Xerxez ang mga mata ni Perlend.

"Ang phoenix?" Napatanong si Xerxez at kumalobkob ang kanyang isip sa salitang iyon. "Hindi ba't isa lamang yon alamat ng bansa nyo?!!" Pumungay ang mga mata ni Xerxez na tila mabigat ang kanyang nararamdaman kahit sa kabila ng kagalakan ng asawa tungkol sa bagay na iyon. "Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?"

"Xerxez—ano ka ba?!!! Kung makatitig ka naman sa akin ... Ayaw mo bang maniwala?" Sita ni Perlend ngunit dahan-dahang nalalanta ang kanyang pananabik tungkol sa phoenix, ipinahawak niya ang banga kay Xerxez. "Halika samahan mo ako sa aking altar." Hikayat ni Perlend at kinuha niya ang natutulog na sanggol. Agad na inilapit ni Perlend ang sanggol sa larawan ng Phoenix na pinapinta niya kay Xerxez noon, at inilagay naman ni Xerxez ang porcelanang banga sa tabi ng altar. Nagsindi ng kandila si Perlend sa altar ng Phoenix na meron din maliit na estatwa na gawa sa kahoy. Personal na pinagawa ni Perlend sa lupain ng Vhorlandrus ang estatwa na yon.

Binuhusan ni Perlend ng mira ang nuo ni Pyramus, ngunit bigla na lang nakita nila ang pagpalit ng kulay ng apoy sa kandila, ito'y kakulay ng bulaklak ng phoenix. Napako naman ang mga mata ni Xerxez sa mga kandila at napanganga.

"Kakulay ng bulaklak sa painting ang apoy ng kandila. Paano nangyari ang bagay na ito?" Dinampot ni Xerxez ang isang kandila ngunit bumalik sa dati ang kulay nito ngunit ng idikit niya muli pareho na naman liwanag ng kandila.

"Si Pyramus ay binasbasan ng Phoenix. " Sagot ni Perlend na dumikit kay Xerxez at niyakap ng isang kamay at ganun din ang naramdaman ni Xerxez pareho nilang hawak-hawak ang sanggol. "ibig sabihin... hinirang ng Phoenix ng peronica ang anak natin, nasa sanggol na ang basbas ng kaluluwa ng Phoenix." Magalak ang boses ni Perlend at ngunit biglang nakaramdam ng panghihilo ang utak ni Perlend, mabuti na lang nakahawak siya sa baywang ni Xerxez, yon na ang unang pagpaparamdam sa kanya ng sumpa.

Napatigil si Xerxez saglit at napaisip, humarap siya sa bintana habang napaupo si Perlend na pinapakiramdaman naman ang sarili, nagsimulang manginig ang mga darili niya ng maisip ang sumpa kaya niyakap niya ang sanggol.

"Hindi ba't nakakapagtaka na man, ayon sa alamat ng peronica... Tanging nasa-dugo lang ng naunang hinirang ang pwede hirangin... At balita ko nasa dugo ni Reyna Pyramia ang huling tagapagmana ng dugong Phoenix." Malayo ang tingin ni Xerxez na parang lumalakbay ang isip papunta sa Peronica. "Ngunit may nakapagsabi sa akin, ang anak daw ni Pyramia ay nagkaroon ng sumpa." Napahangos siya ng mabigat habang napadungaw sa ibaba, sa harap ng mata niya, abala ang mga tao na gumagawa ng mga gawain nila, mga kabayo na naghihila ng mga kariton at mga sundalo na nagmamarsya patungo sa distritong Rigil. "Imposibling mangyari ang bagay na ito, dahil patay na ang anak nina reyna Pyramia.." Sabi ni Xerxez, at humarap siya kay Perlend na malungkot ang pagkapinta ng kanyang mukha. "Hindi kaya. .. hindi yon totoong Phoenix?" Hindi tumugon si Perlend sa sinabi ni Xerxez, humawak ulit siya sa espada at sabay sabing: "O talagang merong nakapasok na tao at sinubukang paglaruan tayo dito?" Ngumiti lamang si Perlend ngunit hindi na ito masigla kagaya ng isang halaman na nalalanta. Napansin ni Xerxez ang mukha ni Perlend na maputla, ang labi nito ay parang wala ng dugo at sa hindi inaasahan, hinimatay si Perlend na parang kandilang humandusay sa sahig at kumalampag ang kanyang katawan sa makinis na marmol. Nagsimula ng mabahala si Xerxez kung bakit hinimatay si Perlend ng walang dahilan. Tinanong ni Xerxez si Perlend nang bumalik ang kanyang ulirat ngunit tumahimik lamang siya na nahihiya. Pag-alis ni Xerxez sa silid ay napaiyak si Perlend sa katutuhanang siya ang may sumpa at nararamdaman na niya na nanghihina na siya.

Gayun paman, masaya pa rin si Perlend na kasama ang kanyang mag-ama, ngunit ang hindi alam ni Xerxez; dinaramdam na ni Perlend ang sakit. Sa takot na baka siya ay hiwalayan ni Xerxez, tumahimik ang kanyang dela at parang kahon na ginapos ng takot ang kanyang bibig at tiniis ang karamdaman. 

Linggo ng araw na yon, umuwi si Perlend sa Peronica, ang tahanan na kanyang sinilangan na ipinagkaluno niya dahil sa kanyang pag-ibig, pati ang kanyang mga magulang na dapat ay pinagmamalaki niya, binura niya sa paningin ng mga tao ... Ngunit ngayo'y uuwi siyang puno ng pagsisisi sa harap ng kanyang mga magulang. Sekreto siyang umuwi sa Peronica, at hindi rin yon nalaman ni Xerxez.

More Chapters