LightReader

Chapter 4 - Ang Unang Anak ni Xerxez

Ang unang pag-ibig ni Xerxez

 Sa lupain ng Peronica, nakilala niya ang isang dalaginding na prinsesa na anak ni reyna Pyramia dahil sa kanyang pakikipagsapalaran sa labas ng bansang Thallerion upang ipalaganap ang kapayapaan at alyansa sa mga bansang kapitbahay lamang.

Ang peronica ay kilala sa tawag na Blooded-Phoenix, ayon sa isang kasaysayan minsan ng lumitaw ang ibong Phoenix na pinaniniwalaang naging tao kaya karamihan sa mga taga-peronica ay mapupula ang mga buhok, magagandang mata at makikinis na balat. 

Nakilala ni Xerxez si Perlend sa isang batis kasama ang ibang kababaihan na nagtatampisaw, meron mga naliligo at nagkwentuhan. Ang malinis na tubig ay parang salamin sa kanyang malinis na katawan, ni ang alikabok ay nahihiya na dumapo sa kanyang balat, maging ang makintab na malarosas na buhok ay hindi nalilito sa pagbagsak na parang talon.

Nang makita ng prinsesa si Xerxez ay nagmala Sakura ang kanyang pisngi na parang pusong nakaramdam ng pagtingin. Nahulog ang puso ang kanyang puso sa hari na parang bulalakaw na kumikislap. Ang kanyang mga singkit na mata ay humahanga sa kapitagan ng hari ng Thallerion. Alam ni Perlend na binata pa si Xerxez ngunit naging hari na ito ng Thallerion kaya lalong tumingkad na parang pulang rosas ang kanyang pagtingin sa hari.

Simula ng makipag-alyansa si Xerxez sa Peronica, ang prinsesa ay nagtatago kagaya ng isang surot habang lihim na sinusundan ng mata ang hari ng Thallerion. Ni anino ng prinsesa ay hindi nagpaparamdam sa kaharian kapag nandoon si Xerxez kausap sina reyna Pyramia; kundi, lage na siyang nagtatampisaw sa ilog na karugtong lang ng Cirtax na merong rota patungo sa daungan ng mga barko na madalas dinadaanan nila Xerxez. Isa lang ang ibig sabihin ng ginagawa ng prinsesa—umiibig!

Isang araw noon, nanaog si Xerxez sa kabayo para makainom ang mga nauuhaw ng mga kabayo nila ngunit nakita niya ang dalaga na nagtatampisaw at umaawit na para bang malambing na ibon na humuhuni. 

"Benibeni, bakit wala kang kasama?" Sabi ni Xerxez dahil nakasanayan niyang makita si Perlend na merong mga kasama. "Sa ganda mong iyan, hindi ka dapat nagtatampisaw dito ng mag-isa." May halong pag-aalala sa boses si Xerxez.

"Kung ganun, bakit di mo ako samahan dito?" Pasuyong sabi ni Perlend, at dahan-dahang tumingin kay Xerxez sa mga mata. "Iyon kung hindi nakakaabala sa hari ng Thallerion?"

"Bakit hindi? Nirerespeto ko ang buong Peronican alang-alang sa alyansa." Umangat ang mga kilay ni Xerxez at masayang gumuhit ang mga labi. "Pero sa tingin ko kung gagawin ko yon—hindi na iyon tungkol sa alyansa." Nakita ni Perlend na naghihintay ang mga kasama ni Xerxez sa unahan. Naupo si Xerxez sa bato at masuyong sinusundan ang mga hinog na dahon na inaanod ng tubig. "Ito na yata ang tamang oras." Bulong ni Xerxez sa kanyang isip.

"Haring Xerxez, alam mo bang ikaw ang unang lalaking umupo katabi ko." Sabi ni Perlend habang nagbabaga ang pisngi sa sobrang kilig ngunit pinipigilan niya itong sumingaw na parang usok.

"Talaga, kung ganun okay lang ba sayo kung nakaupo ako malapit sayo?" Medyo na ilang si Xerxez ngunit hindi na niya mapigilan, kahit noong unang pagkakita niya kay Perlend, lumakas ang lukso ng kanyang dibdib at walang araw o gabi na hindi niya ito na iisip. "Pwede bang mula sa araw na ito, tawagin mo ako sa pangalan kong Xerxez?"

"Perlend ang pangalan ko, Xerxez." Sabi ni Perlend.Sapagkakataong iyon, lubos na nakilala ni Xerxez ang dalaga, nalaman niyang wala itong asawa, ngunit nagsinungaling ang dalaga nang tanungin siya ni Xerxez kung may mga magulang pa ito. 

Sa takot ni Perlend na baka ang mga magulang pa niya ang maging hadlang sa kanyang nararamdaman. Lalo't Hindi siya hinihintulotang magkanobya sapagkat hindi maitatangging may sakit siya, hindi pwede sa kanya ang makaranas ng matinding pagod gaya ng ginagawa ng normal na babae o ng isang ina—dahil sa isang sumpa.

Malawak ang bansang Peronicas subali’t pag-ibig ang dumugtong sa landas nila para sila ay pagtagpuin. Nagtapat ng pag-ibig si Xerxez sa dalaga at maging ang dalaga ay parang isdang nabingwit na ayaw tanggihan ang tunay na pag-ibig ni Xerxez. Pakiramdam ng hari siya na ang pinaka swerte na lalaki sa mundo't isang magandang babae ang kanyang mapapangasawa. Ang mga mata ng hari ay malinaw at malusog, kaya't hindi siya nagkakamali sa kagandahan ni Perlend.

Nakakabighani din ang katawan ng dalaga na para bang maladiosa na nagtampisaw sa batis, at malamyos na parang bulaklak na orkid ang kanyang mabangong balat kaya’t natutukso siyang pagmasdan iyon na tila nababalani ng kusa ang kanyang mukha sa tuwing naamoy niya ang dalaga. Nang niligawan niya ang prinsesa ng walang pagdadalawang-isip, pinangako niya sa kanyang sarili na kailanman hindi niya paluluhain ng luha ang kanyang magiging asawa. 

Walang tanggi para sa isang dalaga na tanggapin ang panliligaw ng hari dahil alam niyang mabait na lalaki si Xerxez, sa piling ng hari na mamahalin niya ay hindi niya iyon pagsisisihan. Umabot sa kalawakan ang kanyang galak ng tanggapin ng dalaga ang kanyang pag-ibig.

Bago ito sumama, umuwi muna si Perlend sa kaharian ng Peronica at binaon ang isang importanteng bagay, ang kanyang kuwentas na nangangahulugan ng kanyang pagiging anak ng hari at reyna, na hugis phoenix at gawa sa purong ginto na merong pulang amethyst sa dalawang pakpak. Ang sinumang makakita nito, makikilala agad ng mga mamamayan ng Peronica kaya itinago niya iyon upang hindi siya makilala ng mga tao na siya ay tunay na anak ng reyna at hari ng Peronica.

Tagsibol ng mga araw na iyon, ang mga dahon na nalagas ay parang mga bulaklak sa paanan ng dalawang nagmamahalan. Sumama si Perlend kay Xerxez pauwi sa Thallerion subalit ang ginawa nila ay parang pagtatanan narin. Hindi niya naisangguni sa mga magulang ni Perlend ang pag-iisang dibdib nila na tila ba pinitas niya ito ng walang paalam na parang isang nakaw na pag-ibig; gayunpaman, ang tanging alam lang ni Xerxez, ulila na ang dalaga kaya hindi na siya nangusisa pa sa buhay nito. 

...

Pag-uwi nila sa kaharian ay agad na inutusan niya ang lahat ng mga tagasilbing-kababaihan na magsihanda para sa pagpupugay at sa kanilang kasal. Nagbigay siya ng mga imbetasyon sa lahat ng nasasakupan ng Thallerion. Kinabukasan ay nagsimula na ang mga tugtugan, sa mga sandaling iyon sinimulan na ang kasalan. Lahat ng tao ay nagbunyi at nagdiwang para sa kanilang kasal at sa pag-iisang dibdib nila. 

Masaya ang lahat sa kasal na yon, lalo na para kay Xerxez, pakiramdam niya bumukas ang kalangitan para siya ay buhusan ng kaligayahan at magandang kapalaran. Ang mga panauhin ay mga mga engrandeng handog para sa ikinakasal , subalit hindi dumalo ang taga-peronica sa dahilang nagdadalamhati sila sa nawawalang anak na prinsesa. Ang buong akala ni perlend dadalo ang kanyang mga magulang, at kung mangyayari man yon buong pusong susuwayin niya ang ano mang pagtutol ng mga magulang niya. 

Pagkatapos ng isang buwan, ang asawa ni Xerxez na kanyang sinisintang si Perlend ay nagdadalang-tao na, kaya’t masaya niyang ipinamalita sa buong lupain ng Thallerion at maging sa mga kakilala niya, ang pagbubuntis ng kanyang asawa. Inisip ni Perlend na kung sakaling aaminin na niya ang totoo sa mga magulang, baka magdulot lang iyon ng tensyon at balakid sa kanyang pagbubuntis kaya minabuti na lang niya na manahimik.

 Isang nagdurusa na gabi ang sumapit sa Thallerion dahil manganganak na ang asawa ni Xerxez, alam ni Perlend na hindi madali sa isang katulad niya ang magdanas ng hirap na kagaya ng normal na babae, at ang pagbubuntis niya ay patunay ng kanyang mahinang katawan, ngunit pinatunayan niya na ang kanyang pagmamahal ay mag-sisilang ng dugong Thallerion at Peronica. Nang mga oras na iyon, habang nag-aagaw buhay ang asawa ni Xerxez, biglang dumaan ang maliwanag na bagay sa likod ng mga ulap, ang dinig ng mga tao isang mabalasik na alingasngas na iba sa huni ng ibon, at ang sumunod noon—naisilang ang sanggol.

 Ipinanganak ni Perlend ang malusog na sanggol, maliksi ang sipa ng mga paa na nagpahanga sa ama, lalaki nga ang anak ni Perlend kaya tuwang-tuwa ang hari sa kanyang pagkakakita. Pinangalanan ni Xerxez bilang si ‘Pyramus’ na sumisimbulo sa kanyang maalab na katapangan at sa kanyang kahusayan sa pakikipaglaban. "Ang dakilang apoy sa digmaan." 

 Mapula ang buhok ni Pyramus na nagmana sa dugong Peronica, lalo na ang hugis ng mga mata nito, at maging sa kulay ng balat at kinis. Ngunit, ang liksi, busog na pangangatawan at ang kakisigan ay hinulma sa bansang Thallerion. Isang himala ang mabigyan pa ng buhay si Perlend matapos itong manganak, ngunit ang sumpa ay sumpa, maniningil ito ng hindi ninuman matatanggihan. Datapuwa't bago pa man manghina ang kanyang katawan, isang pagkubli ng kapalaran ang inihayag sa buhay ni Pyramus.

....

More Chapters