LightReader

Chapter 3 - Ang Bigong Alyansa

Pumunta naman si Xerxez sa panghuling distrito, ang Distrito ng Mintaka o Ang distritong ito ang nagsisilbing sentro ng kultura at edukasyon ng kaharian, na may mga aklatan, mga akademya, at May simbahan na simbolo ng Crux na relihiyon, may sariling pari ang Thallerion na nag-aral sa bansang Cypriox para sa simbahan ng Thallerion. Matagal na ang panahon na iyon na may Thallerion na nag-aaral sa Cypriox para maging pari, kaya hanggang ngayon wala paring pumapalit sa pari na medyo matanda na.

"Mahal na hari, Wala po ba kayo balak magpadala ng mga bagong mag-aaral sa Cypriox upang maging opisyal na pari ng ating Thallerion?" Sabi ni Aghero. "Ayon sa pagkakaalam ko, pinalitan na ang mga pari sa Cypriox dahil sa bagong sistema at bukas ngayon ang kombento nila para sa mga taong may balak mag-aral sa pagpapari." Nasa harapan nila ang simbahan ng Thallerion, at may paring paparating, mahaba ang suot nito na merong banal na kulay ng damit.

"Matanda na nga si padre Gomenzer." Nakatitig si Xerxez sa pari na medyo mabagal ang paglakad dahil ginagawang pangatlong paa ang sungkod. "Pero kung magpapadala tayo ng mga bagong mag-aaral sa Cypriox, gayong merong bagong sistemang ipinanukala... mahihirapan lang ang mga mag-aaral na ipapadala natin, hindi gaya dati sa panahon ni padre Gomenzer." 

"Pagpalain ka nawa ng banal na Crux, mahal na hari, Xerxez." Bati ni padre Gomenzer. Mapungay ang kanyang mata at nakangiti, siya ang obispo ng Thallerion. May dalawang binatang alalay ang pari na nakasuot ng itim at may kwentas na krus.

"Nagagalak ako, padre Gomenzer kahit na natigil na ang ugnayan ng bansa sa Cypriox, patuloy ka paring nagtuturo ng Relihiyong Crux sa Thallerion." Humalik si Xerxez sa kamay ng obispo at kalmadong gumuhit ang ngiti sa mukha niya.

"Panahon na rin yata para bumalik ang Thallerion sa Cypriox." Sabi ni padre Gomenzer at malalim na huminga na medyo nguminig ang sungkod dala ng kanyang pang-unawa sa katutuhanan. "Matanda na ako. Sana, bago pa ako magretiro, magkaayos na ang bansa natin sa Cypriox. Dinggin nawa ako ng banal na Crux." Sabi ng padre.

"Huwag kang mag-alala, Padre Gomenzer, aayusin ko ang ugnayan ng Thallerion sa Cypriox. Ngunit, nagpapasalamat ako dahil hindi ka nawalan ng pag-asa sa pagtuturo ng relihiyong Crux dito sa Thallerion." Sagot ni Xerxez. Nakita ni Xerxez na kulay-buwan na rin ang simbahan at naririnig sa labas ang musika ng kombento na mala-anghel ang tunog. Ang malaking kampana na tahimik na nagmamasid sa kanilang pag-uusap ay nilulumot na rin.

"Ingatan mo sana ang mga kabataan na hindi maingganyo ng Anino ng Crux." Sabi ni padre Gomenzer, lalong bumigat ang kanyang balikat nang sabihin niya bagay na iyon. Nabalitaan din iyon ni Xerxez na lumaganap na ang isang organisasyon laban sa relihiyon ng Cypriox at ang masaklap pa doon lihim na narererikrut ng mga tauhan para lalong lumakas ang kanilang pwersa.

 Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, naglibot pa sina Xerxez sa ibang parte ng distritong Mintaka. Naaliw din si Xerxez sa husay at galing ng mga manlalaro sa pakikibuno, at ang paggamit ng sandata doon sa engrandeng Arena o isang grandeng ampiteatro. May mga nagtatanghal ng mga labanan ng gladyador, mga torneo, at iba pang mga pampublikong kaganapan. Dito naihahayag ang pagtutok sa karangalan, katapangan, at kahusayan sa pakikipaglaban ng mga taong merong natatanging talento at galing.

***

Ang Bigong Alyansa

 Nakipagkasundo si Haring Xerxez, sa mga karatig bansa nito upang magkaroon ng matibay na alyansa. Ang mga Thartherus na kilala sa tawag na Blue Moon country, ang Vhorlandrus na kanilang binibilhan ng mga pampasabog at mga kanyon, ang Peronicas na kilala naman ng marami na blooded-phoenix at ang Latherus o tawag sa nakararami na 'land of the sorcery'. Nais din ni Xerxez na magkaroon ng alyansa sa bansa ng Ossibus, subalit taliwas sa inaasahan ni Xerxez ang nangyari.

"Maligayang pagdating sa kaharian ng Ossibus, hari ng Thallerion, Xerxez." Sabi ng lalaking may magandang kasuotan, maanino ang ibang sulok ng silid, at malamig ang titig ng mga tao doon kina Xerxez gaya sa labas na merong yebeng dumidikit sa bintana. ang mga lumilipad na uwak ay mahina lamang ang ingay na tumatagos sa babasaging bintana. "Bilang kanang kamay ng hari ng Ossibus, ako si Lanero." Tumingin si Lanero sa buong hanay ni Xerxez at naisip niyang mukhang may mahalagang sadya si Xerxez dahil iyon ang unang pagkakataon na dumalaw ang hari ng Thallerion sa bansa nila. "Tanggapin nyo ang silid na ito para sa pagpupulong." Meron ding apoy na nagbibigay ng init sa mga tao kaya hindi masyado malamig.

"Narito kami para anyayahan si haring Matar para sa ikabubuti ng ating mga bansa." Simula ni Xerxez at kalmado na tiningnan si haring Matar na tahimik lang na nakaupo, marami siyang katabi na mga mahahalagang pinuno habang nakikinig kay Xerxez. Sa likod ni Matar ang malaking itim na pakpak na nakadikit sa pader— sinasabi ng iba, isa yong proweba ng alamat na may malaking ibon sa bansang Ossibus noon.

"Para sa ikabubuti ng ating mga bansa?" Sumingit ang isang lalaki na si Fhajo, habang nagkakagulo din ang ingay ng mga uwak sa labas. Si Fhajo ang nakakataas na pinuno ng ministro. "Hindi namin kailangan ang tulong ng Thallerion!" Maanghang ang tuno ni Fhajo na parang tinta na nagkakalat ng lagim sa loob ng silid. Sa mga salitang iyon, mukhang linalagyan niya ng pader sa palibot ang buong hangganan ng Ossibus laban kay Xerxez.

Naging masulasok ang mga kilay ni Xerxez nang marinig ang punyal na bunganga ni Fhajo. Napabuka naman ang mga bunganga ng mga tao doon at napayuko sa kalapastanganan ni Fhajo. Tumahimik lang si Matar na parang kuwago na nagmamanman.

"Walang galang na po, pinunong Fhajo, ngunit hindi ito ang tamang oras para magsalita ka ng ganyan sa harap ng hari ng Thallerion." Sabi ni Lanero na kumunot ang nuo. 

"Bakit di ka manahimik tulad ng haring si Matar!!!?" Sita pa ni Fhajo na suminghal ng mataray. At tumitingin kay Xerxez. "Xerxez, ang hari ng Thallerion. Hindi mo yata kilala ang Ossibus, ang bansa na hindi nakikisakamuha sa ibang bansa." Umismid ito 

"Ang pagkakaalam ko, hindi ka ang hari ng mga Ossibian." Sagot ni Xerxez na tumigas ang panga niya. "Kaya tumabi ka dahil hindi ikaw ang gusto kong kausapin." Tahimik na ngumiti si Matar sa kanyang pagkakaupo dahil nainsulto si Fhajo. 

"Kung pinaplano mo na makipag-alyansa para hindi magkagulo sa lupaing Wendlock, nagkakamali ka yata." Sabi ni Fhajo. "Sa amin ang Wendlock, bago pa dumating ang mga Thallerion, dati ng naninirahan ang mga ninuno namin doon."

"Pumunta ako dito para pag-usapan ang kaayusan, ngunit sa inaasal mo, pinapakita mo ngayon na ayaw nyo ng diplomasyang alyansa." Sabi ni Xerxez. "At ano ang patunay na sa inyo nga ang lupaing iyon?" Linibot ni Xerxez ang mga tao sa pagpupulong.

"Haring Xerxez." Isang matanda ang bumuses ng mahinahon. "Ikinalulungkot ko ang inasal ni Fhajo, ngunit marami sa mga ossibian ang umaasa sa Wendlock para sa pagsasaka, pakiusap—". Biglang pinutol ni Fhajo ang salaysay ng matanda na parang gunting ang kanyang boses.

"Bakit ka makikiusap, e sa atin naman talaga ang Wendlock!!!" Sabi ni Fhajo at naiirita sa matanda. 

"Gusto ko malaman ang sagot ng hari ng Ossibus." Sabi ni Xerxez, naawa siya sa matanda, nararamdaman ni Xerxez ang matanda na may alam ito sa nakaraan kung bakit hinayaan ang mga ossibian na manirahan at magsaka sa Wendlock.

"Ang totoo, gusto ko ang ideyang alyansa." Sabi ni Matar at napataas ang kilay ni Fhajo. "Pero kung papayag kang, ibibigay mo sa amin ang buong lupain ng Wendlock?" Biglang sumikip ang dibdib ni Xerxez sa kanyang pagkakarinig, at parang mga karwahe na nagbanggaan ang kanyang mga kilay.

"Pero Haring Matar —?" Sabi ng matanda na nagulat. Wala ring masabi si Fhajo na nagmistulang trumpetang binahayan ng bubuyog. At tumayo si Xerxez sa pagkakaupo. 

"Hindi ako papayag!!!" Isang parang kidlat na kumukulog ang sagot ni Xerxez. "Tayo na mga kasama." Utos ni Xerxez. 

"Kung susubukan mong paaalisin ang mga Ossibian sa lupang Wendlock, makikituos ang Ossibus laban sa Thallerion!" Pahabol pa ni Matar, ang kanyang boses ay parang uwak na dinagit ang tenga ni Xerxez nang makarating na sila sa pintuan ng silid ng pagpupulong.

"Humag mo akong pagbabataan!!" Sagot ni Xerxez at umalis na parang liyon na hindi man lang natinag sa banta. 

Pagkaalis ni Xerxez, agad na nagkagulo ang mga konseho kung bakit ganun ang naging pasya ni Matar sa alyansang iniaalok ni Xerxez.

"Mahal na hari, ginalit mo ang Thallerion...paano na ngayon, kung paalisin ni Xerxez ang ating mga kababayan doon sa Wendlock?" Sabi ng isang konseho na halos mamaos sa pagkabigla.

"Bakit di mo tanungin si Fhajo, sa kanya nanggaling ang ediyang—hindi nakikisalamuha ang Ossibus sa ibang bansa—" Maang pa ni Matar na merong mapangahas na ngiti sa mga mata. Ngunit ang totoo, balak ni Matar na subukin ang hari ng Thallerion kung talagang magaling ito sa pautakan, at ayon sa bilin ng kanyang ama, hindi dapat siya makikialyansa sa Thallerion. 

"Tama lang ang kanyang desisyon yon!" Dumating ang ama ni Matar na merong takip sa kaliwang mata at umuusok na parang dragon ang bibig nito. Kahit na matanda na ito, maangas parin ang galaw ng kanyang mga balikat. "Ang husay mo Matar!" 

"Ama!" Sabi ni Fhajo. "hindi naman yata maganda kung siya lang ang pupurihin mo." Sumimangot lamang ang mukha ng matandang si Sapar—Ang ama nila. Si Fhajo ay anak lamang sa kabit ni Sapar dahil sa pambabae nito noong naghahari pa sa Ossibus. Kaya, malakas ang loob ni Fhajo na magsalita ng hindi maganda sa kahit na sino, kahit na kay Matar na isang hari ng Ossibus.

"Ipinaglalaban ko ang Wendlock dati, pero ito lang ang napala ko." Sabi ni Sapar at inalis ang takip sa bulag na mata. "Ito ang patunay na hindi sila mapagkakatiwalaan na lahi!!!" 

More Chapters