LightReader

Chapter 6 - Sick Leave ni Wendell Part 1

"Sir, di po ako makakapasok sa work, mataas po yung lagnat ko." sabi ni Wendell sa phone.

 "Mukhang eto yung first time mo mag SL ah sa loob ng three years mo na pagtatrabaho. Sige pahinga ka muna para makapasok ka na bukas." sabi ni Sir Arthur.

 "Salamat Sir, ipapahinga ko po ito."

 Si Wendell Oman pinakapasipag pumasok sa team namin. Sa buong three years nya sa kumpanya namin, hindi ko pa sya nakitang umabsent dahil may sakit. Isa sya sa mga pinakaclose ko sa team kaya nagulat ako nang makatanggap ako ng chat kay Emman Fiji na SL daw ngayong araw si Wendell kase nilalagnat. 

 "Himala nag SL yong mokong. Tinablan rin ng sakit si Mr. No SL." pagtataka ko na chat kay Emman habang nakatambay sandali sa harap ng locker at binabasa screenshot ng convo ni Wendell at TL bago ako sumabak sa traning. Di na nagreply si Emman sa chat ko baka nasa third floor na at nasa production floor na nagwowork. Pumasok na ko sa training room at syempre una na naman ako. Nag set up lang ako ng PC pati yung kay Michelle sinetup ko na rin. Nagtingin tingin muna ako sa group message ng chat namin sa office at nalaman ko nga na SL si Wendell. Pagkatapos ng 10 minutes ay narinig ko na bumukas yung pinto at pumasok na si Michelle. Saktuhan lang talaga sya pumasok pero hindi naman late. Nakatirintas ang buhok ni Michelle ngayong araw. Pero parang may kakaiba gusto ko lumapit ng kaunti sa kanya pero parang kakaiba ang aura nya. Medyo ilang ang aura nya parang walang nangyari sa min kahapon. Hindi rin sya palangiti ngayon araw. Nakatitig lang sya sa monitor habang nagtatype di tulad kahapon na pasulyap sulyap sa kin.

 "Sir July, may problema ba?" tanong nya.

 "Ah eh, wala naman. By the way, ang ganda mo today Mich." sinubukan ko tawagin syang Mich baka magbago ang aura ng paligid.

 Nagulat ako dahil sinuklian nya ako ng kakaibang tingin. Hindi yung tingin na natutuwa sya kundi tingin na parang natatakot sya sa kin. Parang ayaw nya ata na tinawag ko syang Mich.

 Mukhang naiinis yung mukha nya habang nagtatype at nakitingin sa monitor. Bigla akong nanlamig. Biglang lumamig ang paligid ko. Eto ba yung Michelle na nakasama ko kahapon? Nagtataka ako habang pinagmamasadan yung gawa nya. Natapos na sya at pinasa na nya yung gawa nya sa kin para ipacheck. Mukhang na gets naman nya lahat ng turo ko sa kanya kahapon. Walang mali ang mga gawa nya pero nasaan na yung Michelle na nakahalikan ko kahapon? Panaginip lang ba yon kasama nung bangungot na di ko makalimutan? Natapos na ang first half ng training namin at ang lamig pa rin ng pakikitungo nya sa kin. Sinong Michelle yung nakasama ko kahapon bakit parang ibang tao yung kasama ko sa training room ngayon?

 Sumabay na ko sa lunch break kasama si Michelle at sa mga team mate namin dahil baka magtampo na pag di ako nakasama at ayoko na rin talaga matulog dun sa bench sa may garden baka makatulog na naman ako at makita ko naman yung babaeng nakaitim. May nakita akong bakante na upuan isa dun sa kabila ng table tapos dalawa na bakante. Umupo ako dun sa isa sa dalawang bakante. Nakita ko si Michelle na papunta na sa table namin hawak yung tray na may foods pero dun siya sa kabilang upuan na bakante umupo. Di naman big deal sa kin yun dahil baka nahihiya pa sya sa kin dahil sa ginawa namin kahapon. Umupo sa tabi ko si Emman na kakarating lang rin. Hindi pa rin maganda makatingin sa kin si Michelle hindi tulad ng kahapon. Bakit parang may mali sa kanya ngayon?

More Chapters