LightReader

Chapter 7 - Sick Leave ni Wendell Part 2

 Siyam kame sa team. Ako, si Michelle, Wendell, Micah, Apple, Brian, Katrina, Rosy at si TL Sir Arthur. Madalas namin di nakakasabay si Sir Arthur sa lunch break dahil maaga sya ng 2 hrs pumasok kesa sa usual shift kaya maaga rin sya nagbebreak at mas nakakasabay nya kumain ang mga nasa upper management. May kanya kanyang trip ang mga team mates ko kapag lunch break. Si Apple, Micah at Katrina ang triplets na palaging nagkekwentuhan kapag break lagi rin silang tatlo magkatabi kapag sa prod. Si Apple at Brian ang laging magkavibes ng usap pagdating sa mga travel, console games, mga kotse at mga motor. Akala nga namin mag jowa sila pero sabi nila mag bestfriend lang sila. Dahil nakaupo si Apple sa tabi ni Michelle ay nagkwentuhan na rin sila. Ako naman madalas katabi sa lunch break si Wendell na SL today at si Emman. May gf na si Wendell for 2 years at may asawa naman na si Emman kaya lagi akong pinagtitripan ng dalawa kapag may natripan silang ireto sa kin noon pa. Naririnig ko nagkekwentuhan sila Apple at Michelle pero patay malisya lang ako na nakatingin kunwari at busy sa cellphone. Si Emman naman ay busy mag rank game sa tabi ko sa ML kaya wala syang pake sa ginagawa ko.

 "Ang ganda mo pala talaga sa personal Michelle. May pagkahawig ka ng konti sa korean actress na kilala ko. Hihi." narinig kong compliment ni Apple.

 Nakita kong ngumit ng konti si Michelle. Mukhang good vibes sya kay Apple.

 "May boyfriend ka na ba? Pero if wala pa, kelan yung huli mong relasyon?" Tanong ni Apple.

 "Never pa po ako nag ka boyfriend." Sabi ni Michelle.

 Pero sa ngayon, ang atensyon lang niya ay na kay Apple. Parang di nya ako nakikita. Baka dismayado pa rin sya sa ginawa ko kanina.

 "Ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo, sya una makaka kiss sayo. Hihi." Biro ni Apple.

 Nakatitig ako ng kaunti kay Michelle dahil masaya sya pag kausap si Apple. Di ko namalayan na nakatingin na pala sa kin si Emman.

 "Pre, no boyfriend since birth daw oh." Bulong nya na may konting ngiti. Tinulak ko sya ng konti at natawa tapos tumingin na ko sa cellphone ko at malapit na bumalik sa training. Bumalik na kami ni Michelle sa training room at nagpatuloy na sa ginagawa. Baka nga di naman totoo yung pagiging sweet at romantic ni Michelle. Natapos ang shift na parang ganun lang at wala kaming goodbye kiss di tulad kahapon.

 Bumalik na ko sa locker ko at kinuha na ang mga gamit. Binuksan at cellphone at nagulat sa nabasa sa chat. Nagchat ang gf ni Wendell sa kin. Si Wendell daw sinugod sa ospital dahil nagdedeliryo!

More Chapters