Lumipas na ang discussions at trainings namin, nagdesisyon na kame mag break. Di kami sabay pumunta sa pantry. Sumabay sya sa mga katrabaho ko na babae at lalake since sabay sabay naman kame mag break. Di ako nag break nawalan ako ng gana sa ginawa ni Michelle kanina. Pumunta ako sa labas ng office, may garden dun na may konting ilaw. May ilang bench dun na pwedeng humiga at matulog. May ilang tao naman ako na nakita sa garden, parang lima ata. Yung iba naglilibang sa cellphone yung iba naninigarilyo. Buti may bakante na bench at napagdesisyunan ko na matulog na lang at nag alarm ng cellphone ng 1 hr at 20 minutes since 1 hr at 30 minutes break namin para may allowance pa sa paglakad pabalik at pag set up ng system.
Natulog na ko nang mahimbing dahil mas gusto ko tahimik at puro kadiliman muna. Di ko na tantsado kung ilang minuto na ko natutulog ng bigla akong naalimpungatan at napatingin sa paligid. Wala na ang ibang tao na nakatambay kanina ang isa ko na lang naaaninag ng kaunti ay isang babae na malapit sa puno. Di ko sya maaninag masyado kase medyo madilim sa bandang yun at wala masyadong ilaw. Nang tinititigan ko na sya ng maigi, biglang nanlaki ang mga mata ko dahil di nakasayad ang mga paa nya sa lupa. Takot at kaba ang biglang pumasok sa sistema ko at di ako makagalaw sa pangyayari. Dumagdag pa sa takot ko ay biglang gumalaw ang babae na nakaitim ngunit hindi gumagalaw ang katawan nya at hindi pa rin nakasayad ang paa nya sa lupa. Diretso lang ang pustura ng katawan habang nakatalikod pa rin sa kin. Parang may mali talaga sa nangyayari dahil papalapit na sya nang papalapit. Lumingon sya sa akin ng isang dipa na lang ang layo nya at sobrang natakot ako sa mukha nya! Dahil wala syang mga mata at duguan ang bibig nya habang nakangit sa kin ng malaki. Nanginginig ako dahil di ako makapagsalita sa tingin nya. Bigla syang nagsalita at di ko maintindihan ang pahiwatig.
"Wag mo mahalin si Malik, marami mamamatay! Wag mo mahalin si Malik, marami mamamatay! Wag mo mahalin si Malik, marami mamamatay! Wag mo mahalin si Malik, marami mamamatay! Wag mo mahalin si Malik, marami mamamatay! Wag mo mahalin si Malik, marami mamamatay! Wag mo mahalin si Malik, marami mamamatay!" sigaw nya habang nakangiti sa kin habang duguan ang bibig.
Nagtakip ako ng tenga at pumikit sa sobrang takot at bigla syang tumigil sa kakasigaw. Pagdilat ko ay sobrang lapit na ng mukha nya sa mukha ko at binuka ng malaki ang duguan nyang bibig. Dun ako nagkaroon ng pagkakataon na sumigaw!
"AAAAAAAAaaaaahhhhh!!!!" parang luluwa na ang lalamunan ko sa kakasigaw. Bigla akong nagising at wala na yung matanda. Sabi ko na nga ba at binabangungot lang ako.
Napatitig sa kin ang mga tao na nakatambay sa garden. Gulat na gulat ang iba at ang iba ay parang matatawa na sa ginawa ko. Di nila alam na parang may gustong pumatay sa kin sa panaginip. Nagayos na ko ng sarili at tumingin sa cellphone. 45 minutes pa lang pala ako naiidlip. Napagisip isip ko habang naglalakad pabalik sa office na ang swerte ko at malas at the same time. Sino si Malik at bakit ko sya di pwedeng mahalin? Di ko na masyado inisip ang panaginip ko dahil di naman ata totoo yun baka random thoughts lang para din pambalanse sa masyadong masaya kong araw dahil kay Michelle. Pumunta na ko ng pantry at nakita ko pa dun ang mga katrabaho ko kasama si Michelle. Bumalik na kame sa prod at kaming dalawa naman ni Michelle sa training room. Pinagpatuloy na namin ni Michelle ang training at pansin ko nakangiti sya sa kin bago lumipat ang atensyon sa trabaho. Natapos naman ng maayos ang shift namin ngunit may pahabol na halik si Michelle bago kame lumabas sa traning room. Di ako makapaniwala na nag ka girlfriend ako day one ng training at the same time, first time ko maka encounter ng ganun na nilalang sa bangungot ko. Sobrang weird pero sana maging maayos lang ang araw ko bukas.