LightReader

Chapter 4 - Trainer at Trainee Part 1

Sunod na araw, di na ko mapakali kung papasok ba si Michelle. Syempre sa tingin ko papasok naman kase eto ung first day nya as trainee ko pero bakit parang ako pa ung kinakabahan at nasasabik na makita sya. Dami na ang niligawan at nagustuhan ko dati pero parang sa kanya ako tinamaan ng konti ah. Parang nagkakulay na naman ang mundo ko na dating itim at puti dito sa kumpanya. Tapos ako pa ginawang trainer. Wala kaseng formal trainer yung kumpanya eh. Pagpasok ko sa training room na sinabi sa kin ni Sir Arthur, di ko pa nakita si Michelle. Maaga kase ako pumasok eh, lage ako may pagitan na 30 minutes bago mag log in. Nasanay na kase ako pumasok ng maaga. Pero nakita ko ung nagaayos ng mga electrical wiring sa loob ng room at may binubutingting.

 "Sir, sira po yung CCTV ng room na to. Di makita dun sa system namin. Tanggalin ko muna sir." Sabi ni kuya electrician.

"Okay sir, ako lang naman dito tsaka yung trainee ko eh." sabi ko

Di ko napansin na nasa likod pala namin si Michelle, halos magkasunuran lang kame at nakita nya kaming naguusap ni kuya electrician.

"CCTV ba yang hawak ni Kuya?" Tanong ni Michelle

"Oo, nasira daw sabi ni Kuya eh. Okay lang siguro na yan masira kesa aircon baka di tayo maka focus sa training." Sabi ko.

 Nakita kong ngumiti ng konti si Michelle. Di ko alam ano kahulugan nun. Lumabas na si kuya electrician. Umupo na kame sa station namin. Magkatabi lang kame ng station at wow sobrang ganda at lakas ng dating ni Michelle tulad nung una ko syang nakita kahapon. Yun pa rin yung pabango na gamit nya na di mawala sa isipan ko. Pero syempre di ako papahalata na interesado ako sa ngayon. Tinuro ko na sa kanya ang mga basic navigation at mga application na dapat buksan. Binigay na rin sa kin ni Sir Arthur sa email yung mga password para sa mga application na yun para tuloy-tuloy na ang training. Mabilis matuto si Michelle. Parang di alintana sa kanya ang pagkalito at pagkabagot sa sinasabi ko. Interesado talaga syang matuto. Pagkatapos ng tatlong oras na paliwanag ay handa na kame mag hands-on sa pagtatrabaho. Pinagmamasdan ko mula sa likod yung ginagawa nya. Tinitingnan ko kung nakuha ba nya lahat ng sinabi ko kanina. Mukhang nakuha naman nya lahat. Tahimik lang syang nagpaprocess habang nasa likod ako na nakamasid nang bigla syang nagsalita.

 "Sir July, may girlfriend na po ba kayo?" Tanong nya.

Bigla akong nagulat sa tanong nya na namula na rin ng konti.

"Uhmm, wala pa, bakit mo natanong?" Gulat na tanong ko.

 "Wala naman sir, mukha kase magkaedad lang tayo. Pareho pala tayong single. 21 na ko. Kayo po?" Tanong nya.

"22 na ko. Never been kissed never been touched." Biro ko.

Tumawa sya nang tumawa hanggang napatingin sa kin at ngumiti.

"Palabiro pala kayo sir. Ibig sabihin NGSB pa kayo?" Isa pang tanong nya.

"Oo eh, malas kase ako sa pag-ibig," Sabi ko.

Nagulat na lang ako nung bigla sya tumitig sa kin ng lingon sa likod kung saan naka job shadow ako sa kanya. Bigla nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko at unti unting naglapit ang aming mga labi. Tinulak ko sya sandali sa gulat.

"Michelle, anong ginagawa mo? Bakit mo ko hinalikan? Di pa tayo gaanong magkakilala. Unang araw mo pa lang sa work!"

 Nakatitig lang sya sabay ngiti sa kin at walang imik. Di man lang sya natakot. Sumunggab ulit sya ng halik sa kin na para bang matagal na kaming magkakilala. Di na katulad nung una nyang halik, mas madiin na ngayon sa labi ko. Di ko na alam ang gagawin, para akong tinurukan ng pinagbabawal na gamot at bigla akong nawala sa sarili. Eto ang una kong madiin na halik at sa maganda pa naming new hire! Lumaban na rin ako ng halik para di nya maramdamang sya lang ang gumagalaw. 5 minutes ata bago natapos ang aming halikan at kumalma na kaming dalawa. Grabe yun! Di ko kinaya at the same time sobrang nagulat ako sa kayang gawin ni Michelle. Eto na ata ang tinatawag na "Love at first kiss." Bigla gumanda lalo ang tingin ko kay Michelle. Para syang mala anghel lalo sa liwanag. Bumalik na sya ng tingin sa monitor ng computer at nagpatuloy na sa training na parang walang nangyari. Tulala ako sa nangyari. Nagpatuloy ako sa pagtitig sa monitor nya kung tama ba yung ginagawa nya. Nagsalita ulit sya.

 "Sir sa tingin ko gusto kita simula nung una kitang nakita. Pasensya na sa ginawa ko." Malumanay na pagkakasabi nya.

 "Basta wala munang makakaalam sa ginawa natin ah. Ayoko ng issue sa company na to. Baka ma iskandalo tayong dalawa nyan." Nahipnotismo ata ako sa ginawa nya na alam kong mali. Buti na lang sira yung CCTV. Di ako makapaniwala na magiging ganito unang araw ko as a trainer. 

More Chapters