LightReader

Chapter 2 - Michelle Okada

 Si Michelle ay isang babae na mukhang half Filipino half Japanese, nasa 5'2 ata ang height at hindi kapayatan, katamtaman lang. Pag pasok nya ng production room, marami ang nagsilingunan sa kanya lalo na mga lalaki dahil maganda nga at malakas ang dating pero di ko inaasahan na ako kaagad ang nilapitan nya. Nagtinginan sa kin ang ibang workmates dahil nandun ako sa pinakasulok naka upo kahit na pwede nya namang lapitan ang mga tao sa na mas malapit sa pintuan na pinasukan.

"Sir, kilala nyo po ba si Team Leader Arthur Williams?" tanong nya.

"Ay oo, dun sya sa room sa kaliwa. Pwede ba malaman sino kayo?'' tanong ko.

"Ako po yung new hire sa team ni Sir Arthur. Michelle Okada pangalan ko."

 Sa di maintindihang pagkakataon, bigla akong natameme at medyo namula. Maganda pala sya sa malapitan. Ewan ko di ko maexplain masyado at ayoko rin ipahalata na love at first sight pala ako sa kanya. Buti na lang at lumabas na sa room sa kaliwa si Sir Arthur at nabaling na dun ang atensyon ng ibang workmates pati si Michelle. Dali dali na kong umupo sa pwesto ko at kunwari sobrang busy na ginagawa ko sa laptop. Grabe ang ganda nung new hire! Sa wakas mas nakakagana na mag work. Hehe. Nakita kong pumasok na si Michelle sa room sa kaliwa para kausapin ni Sir Arthur sa briefing. Pagkapasok ni Michelle ay bigla akong nilapitan ng iba kong workmates na lalaki para icongratulate dahil ako ang nagiisang pogi.

 "Biruin mo yun, kame ni Wendell ung malapit sa pinto, pero ikaw yung pinuntahan dito para kausapin." Sabi ni Emman na isa kong kaibigan sa office.

 "Grabe, baka swerte sayo ang red. Wag ka na magpapalit ng ibang kulay. Dapat ganyan ulit suot mo bukas. Hahaha." Asar naman ni Wendell.

 Di ako sumagot masyado at tumawa lang at kinamusta lang ang bakasyon nila nung isang linggo sa Batangas para mawala yung topic kay Michelle. Pagkatapos ng 20 minutes na paguusap narinig naming na lumabas na ng pinto si Sir Arthur at Michelle.

 "Team, let me introduce you our new team member, Michelle Okada. Maging mabait kayo sa kanya dahil fresh graduate lang sya two months ago." Sabi ni Sir Arthur.

 "Fresh graduate ka pala Ma'am. Bagay ka dito sa tropa ko dito na si July. Fresh din po ito, never been kissed never been touched. Hahaha." Asar ni Wendell.

Tawanan yung ibang workmates dahil sa sinabi ni Wendell kaya nakasimangot akong tumingin sa kanya at natawa na rin pagkatapos mainis.

 "Siya lang rin nakita kong pogi at mukhang madali lapitan pag pasok ko dito sa production." Sabi ni Michelle at biglang ngiti at tingin sa kin na makahulugan.

 Lalo ako kinantyawan ng iba at tinukso agad kay Michelle sa unang araw pa talaga nya sa prod. Nakitawa lang ako na hiyang hiya na at nakikitawa rin si Michelle pero sa kin lang ang tingin.

 " Tama na yan, alam nyo namang nag hire pa ko ng isa kase mataas ang volumes ng work natin sa team. Unfortunately, walang trainer din ang team na to na magtetrain kay Michelle. Gusto ko rin sanang ipa job shadow si Michelle sa bawat isa sa inyo kaya lang baka malito sya dahil iba iba ang diskarte nyo sa pagtapos ng trabaho. Need nya na rin kase matuto agad for a month compared sa inyo na 3 months ang training. 1 month lang ang kay Michelle para makasabay agad at makabawas agad sa actual work. Kaya minabuti ko na may mag train sa kanya na isang tao para matutukan sya ng maigi. And to do that syempre ang pipiliin ko mag train is yung laging top performer natin. Walang iba kundi si July." Sabay ngiti sa kin ni Sir Arthur na parang nang aasar na rin.

 Nagkantyawan na naman ang buong team lalong lalo yung dalawang epal na si Wendell at Emman.

 "Para mas matutukan ni July si Michelle sa pagtetrain, dapat may separate room sila for training, meaning di nyo muna makikita si July at Michelle sa production dahil sa ibang floor at room silang dalawa, lang." dagdag ni Sir Arthur.

 Nararamdaman ko ang demonyong tingin sa likod ng dalawa kong tropa at parang may masamang iniisip.

 "Pre alam mo na. Eto na ata ang taon mo para mabinyagan." Sabi ni Emman. Habang nasa isang gilid si Wendell nagpipigil na sa wakas tumawa ng malakas

 "Okay Michelle, dahil wala pang seat para sayo, dun ka muna sa room ko, at manuod ng briefing videos ng company sa shared drive. Yun muna gawin mo ngayon at aattend lang ako ng ibang meeting at magpapareserve na rin for tomorrow na room para sa training nyo ni July ng isang buwan. By the way July, dahil trainer ka for a month ni Michelle, ididistribute ko muna sa ibang staff mga trabaho mo. Need natin matuto agad si Michelle as soon as possible sana. Aasahan kita to do the job well." sabi ni Sir Arthur,

 "Okay sir, gagawin ko makakaya ko." sabi ko.

Pansin ko lang na iba talaga makatingin sa kin si Michelle kanina pa. Paupo na kame sa upuan namin para magtrabaho ulit ngunit nasusulyapan ko pa rin si Michelle na nakatingin sa kin hanggang sa pumasok na sya sa room ni Sir Arthur since wala naming tao dun at aattend na ng ibang meeting si Sir. Di mawala sa isip at puso ko ang excitement na magiging trainer ako for the first time sa isang maganda na babae pa at nalove at first sight ata ako. Di na ko makapaghintay sa sa training para bukas.

More Chapters